Tagalog Stories With Compre

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 31

Ang Lemonada ni Mina

Naglemonada si
Mina.Kumuha siya ng isang
basong may malamig na
tubig. Pinigaan niya ito ng
apat na kalamansi.
Nilagyan din niya ito ng
asukal. Masarap ang
lemonada ni Mina.
1. Ano ang pamagat ng
kuwento?________________
2. Ano ang ginawa ni Mina?_
3. Ano ang inilagay niya sa
baso?____
4. Ilang kalamansi ang inilagay
niya sa baso?___
5. Ano ang lasa ng
lemonada?____________
Si Nene

Malikot si Nene.
Kinuha niya ang gunting.
Kinuha niya ang aklat ng
kuya. Ginupit-gupit niya
ito. Nakita siya ng nanay.
Nagalit ang nanay.
1. Ilarawan si Nene________
2. Anong bagay ang
kaniyang pinaglaruan?___
3. Ano ang ginawa niya sa
aklat?_________
4. Tama bang gupit-gupitin
ang aklat?______ Bakit? _____
5. Ano ang
mararamdaman ng kapatid
niya kapag makita niyang
nagupit-gupit ang kaniyang
aklat?_____________________
Pista ng Bayan

Pista ng bayan. May


palamuti ang kalsada. May
musikong lumiligid.
Maraming bisita ang
dumarating. Masasarap
ang mga pagkain.
1. Anong okasyon sa
kanilang lugar?______
2. Ilarawan ang kalsada____
3. Ilarawan ang mga
pagkain_______________
4. Ilan ang bisitang
dumarating?___________
5. Anong ugali ang
ipinapakita ng mga Pilipino
tuwing may mga bisita?
___________
Marumi si Ineng

Ang dumi-dumi ni
Ineng. Pinaliguan siya ng
nanay. Binihisan siya ng
damit na panlaro.
Sinuklayan siya. Nilagyan
siya ng laso sa buhok.
Maganda na si Ineng.
1. Ilarawan si Ineng_____
2. Sino ang nagpaligo sa
kaniya?________
3. Ano ang ginawa ng
nanay sa kaniyang
buhok?______
4. Ano ang inilagay ni inay
sa kaniyang buhok? _____
5. Ano ang pakiramdam
ng bagong paligo?_________
Si Nene

Malikot si Nene. Kinuha


niya ang gunting. Kinuha
niya ang aklat ng
kaniyang kuya. Ginupit-
gupit niya ito. Nakita siya
ng nanay. Nagalit ang
nanay.
1. Ilarawan si Nene_____________
2. Anong bagay ang kaniyang
pinaglaruan?___________________
3. Ano ang ginawa niya sa
aklat?________________________
4. Tama bang gupit-gupitin ang
aklat? __ Bakit? ________________
5. Ano ang mararamdaman ng
kapatid niya kapag makita
niyang nagupit-gupit ang
kaniyang aklat?
_________________________________
Ang Pasko

Malapit na ang pasko.


Gumawa ng parol ang
tatay. Isinabit niya ito sa
bintana. Inayos ng nanay
ang Christmas tree.
Nilagyan niya ito ng
palamuti.
1. Ano ang pamagat ng
kuwento?______________
2. Kailan nagsasabit ang
parol?
3. Bakit nagsasabit ng
parol si Tatay?
4. Bakit nagdiriwang ng
Pasko ang pamilyang
Pilipino? _____________
Ang Laro ng mga Bata

Naglalaro sa paaralan
ang mga bata. Nagpipiko
sina Rita at Carmen.
Nagsisiklot sina Nena at
Fely. Nagsisipa sina Mely at
Flor. Naghahabulan naman
ang mga batang lalaki.
1. Ano ang ginagawa ng mga
bata? ___________
2. Sino - sino ang
nagpipiko?____________
3. Sino- sino naman ang
nagsisiklot? ___________
4. Ano ang nilalaro ng mga lalaki?
_________________
5. Ano ang pakiramdam ng
naglalaro? __________
Sa Ilog

Namamangka sa ilog ang


mga bata. Nakasakay sila
sa bangkang may katig.
Masasaya sila. Nag-
aawitan sila. Kayganda ng
paligid ng ilog.
1. Anong transportasyon ang
sinakyan ng mga bata?
______________
2. Paano mo mapapanatiling
maganda ang ilog?
_______________________
3. Ilarawan ang ilog.______
4. Gamitin sa pangungusap ang
maganda______________
Ang Kartero

Masipag si Mang Boni.


Isa siyang kartero.
Nagdadala siya ng mga
sulat. Nagpupunta siya sa
bahay-bahay. Laging
pagod si Mang Boni ngunit
masaya parin siya.
1. Ano ang trabaho ni Mang
Boni? __________________
2. Ano ang dinadala niya sa
mga bahay-
bahay?____________
3. Bakit masaya si Mang Boni
kahit siya ay pagod?
______________
Ang Santol

Nakakain ka na ba ng
santol? Ito ay isang prutas.
May matamis na santol at
mayroon ding maasim.
Lima ang buto nito. Hindi ito
nilulunok.
1. Anong prutas ang nabanggit sa
kuwento?
________________________
2. Ano ang lasa ng santol?
_______________________
3. Ilan ang buto ng
santol?___________
4. Puwede bang lunukin ang buto
ng santol? _____
Bakit? ___________
Namalengke ang Nanay

Namalengke ang
nanay. Nagdala siya ng
basket. Bumili siya ng isang
kilong karne. Bumili pa siya
ng isda. Bumili rin siya ng
gulay at saging.
1. Saan pumunta si nanay?
________________________
2. Ano ano ang kaniyang
pinamili? _____________
3. Ilang kilo ng karne ang
kaniyang pinamili? ____
4. Ilarawan ang mga
pagkaing binili ni
nanay___________
Ang Tuta ni Eric

Magkaibigan sina
Eric at Bong. Kaarawan ni
Eric. Ninigyan siya ni Bong
ng tuta. Malago at itim ang
balahibo nito. “Aw! Aw!
Ang sabi nito kay Eric.
1. Sino sino ang mga
tauhan sa kuwento?
___________________
2. Anong okasyon kina
Eric? _________________
3. Ilarawan ang balahibo
ng tuta?
4. Bakit binigyan ni Bong si
Eric ng tuta? _______
Ang mga Laruan ni Manuel

Maraming laruan si
Manuel. Natanggap niya
ang mga ito noong Pasko.
Bisekleta ang bigay ng
Lolo. Bola naman ang
bigay ng nanay at
tatay.Damit ang bigay ng
ninang at ninong.
1. Sino ang nakatanggap ng
maraming regalo? ___________
2. Bakit siya nakatanggap ng
regalo? _____________________
3. Ano ano ang mga natanggap
niyang regalo? ______________
4. Ano ang pakiramdam ng
nakatanggap ng regalo?
_____________________________
Ang Alaga ni Enteng

May alagang
inahing manok si Enteng.
Mayroon itong pitong sisiw.
“Siyap, siyap”! Ang sabi nila
Ang ibig nilang sabihan”
Gusto namin ng butil”.
1. Sino ang may alagang manok?
___________________________
2. Ilan ang anak nito? _________
3. Ano ang ipinapakain ni Enteng
sa kaniyang manok?
____________________________
4. Bakit kailangang pakainin ng
butil ang mga sisiw? __________
Bumili si Lita

Pumunta sa
tindahan si Lita. Bumili siya
ng tatlong lapis. Bumili siya
ng tatlong buong papel.
Bumili rin siya ng sampung
kuwaderno. Gagamitin
niya ito sa pag-aaral.
1. Sino ang bumili ng
kagamitan? ______________
2. Saan siya bumili?__________
3. Ano ano ang kaniyang
binili?_____________________
4. Saan niya gagamitin ang
kaniyang mga binili?_______
Ang Batang Sakitin

Sakitin si Maring.
Wala siyang ganang
kumain. Ibig niya ng
masarap na ulam. Ibig
niya ng karne at isda.
Ayaw niya ng gulay.
1. Sino ang batang sakitin?
_______________________________
2. Ano ano ang mga ibig niyang
kainin? ________________________
3. Bakit naging sakitin si Maring?
_______________________________
4. Ano ang iyong gagawin upang
hindi ka matulad kay Maring?
_______________________________
Ang Inang Bibe at ang
Limang Sisiw

Namasyal ang inahing


bibe. Kasama ang limang
sisiw. Nagpunta sila sa ilog.
Lumagoy langoy sila rito.
Masayang masaya ang
mga bibe.
1. Ano ang pamagat ng
kuwento?___________
2. Ilan ang anak ni inang
Bibe? __________________
3. Saan sila namasyal?______
4. Ano ang kanilang ginawa
roon?
5. Ilarawan ang damdamin
ng mga bibe noong sila’y
lumalangoy.
Ang Ibon

Nakalilipad ang
ibon. May pakpak at buntot
ito. Magaan at hugis
Bangka ang katawan nito.
Nababalot ang ibon ng
balahibo.
1. Ano ang pamagat ng
kuwento? ________________
2. Ano ang hugis ng katawan
ng ibon? _______________
3. Paano nakalilipad ang
ibon? ________________
Nasa halamanan si
Cita. Namimitas siya ng mga
rosas. Ilalagay niya ito sa
plorera. Iaalay niya ito sa
Birhen.
1. Ano ang pamagat ng
kuwento? ______________
2. Nasaan si Cita? __________
3. Sino ang nasa halamanan?
4. Ano ang kaniyang
gingagawa doon? ________
5. Kanino niya iaalay ang
rosas? ___________________

You might also like