8 EsP - LM U2-M7

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 31

8

Edukasyon
sa Pagpapakatao
Modyul para sa Mag-aaral

Modyul 7: Emosyon

Ang mga modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng


mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan at
pamantasan. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng
edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran
ng Edukasyon sa [email protected].
Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

ng kagamitan sa pagtuturong ito ay magkatuwang na inihanda at


sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan,
kolehiyo, at / o unibersidad.
Hinihikayat
namin ang mga guro at ibang
Kagawaran
ng Edukasyon
nasa larangan ng edukasyon
Republika na
ng mag-email
Pilipinas ng kanilang puna at
mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa [email protected].
Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Edukasyon sa Pagpapakatao Ikawalong Baitang


Modyul para sa Mag-aaral
Unang Edisyon, 2013
ISBN: 978-971-9990-80-2
Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas
Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o
tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang
nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.
Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap at mahingi ang
pahintulot ng mga may karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin ni
kinakatawan ng mga tagapaglathala (publisher) at may-akda ang karapatang-aring iyon.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Br. Armin Luistro FSC
Pangalawang Kalihim: Yolanda S. Quijano, Ph. D.
Mga Bumuo ng Modyul para sa Mag-aaral
Mga Manunulat:

Regina Mignon C. Bognot, Romualdes R. Comia, Sheryll T.


Gayola, Marie Aiellen S. Lagarde, Marivic R. Leao, Eugenia
C. Martin, Marie Ann M. Ong, at Rheamay T. Paras

Mga Konsultant:

Fe A. Hidalgo, Ph. D. at Manuel B. Dy, Ph. D.

Gumuhit ng mga
Larawan:

Jason O. Villena

Naglayout:

Lemuel C. Valles

Editor at Subject
Specialist:

Luisita B. Peralta

Management Team: Lolita M. Andrada, Ph. D., Joyce DR. Andaya,


Bella O. Marias, at Jose D. Tuguinayo, Jr., Ph. D.
Inilimbag sa Pilipinas ng Vibal Publishing House, Inc.
Department of Education - Instructional Materials Council Secretariat
(DepEd-IMCS)
Office Address:
2nd Floor Dorm G, Philsports Complex
Meralco Avenue, Pasig City
Philippines 1600
Telefax:
(02) 634-1054 or 634-1072
E-mail Address:
[email protected]

ii

Table of Contents
Modyul 7: Emosyon
Ano ang inaasahang maipamamalas mo?........................................1
Pagtuklas ng dating kaalaman........................................................6
Paglinang ng mga kaalaman, kakayahan, at pag-unawa ...................10
Pagpapalalim.............................................................................14
Pagsasabuhay ng mga pagkatuto.................................................23

iii

Modyul 7: EMOSYON
A. ANO ANG INAASAHANG MAIPAMAMALAS MO?
Sa

mga

nakaraang

modyul,

natuklasan mo ang ibat ibang pamamaraan ng


pakikipagkapwa tungo sa pagpapaunlad ng iyong
pagkatao at pagtamo ng isang mapayapang lipunan.
Sa

pagkakataong ito, pag-uusapan naman natin

ang mga paraan upang mapanatili nating mapayapa


ang ating ugnayan sa sarili at sa kapwa tungo sa
makabuluhang pakikipagkapwa.
Naranasan mo na bang tumalon dahil sa isang magandang balita? O maiyak
dahil sa larawan ng isang batang may kanser? O makapagpasalamat dahil sa galak?
Ikaw, na sa sobrang kaba ay hindi mo nasagot ang mga tanong ng iyong guro?
Ito ay iilan lamang sa mga pagkakataon na nagpapakita ng paraan ng
pagpapahayag ng emosyon. Ikaw, napamamahalaan mo ba nang maayos ang iyong
emosyon? Kung hindi, ano ang idinulot nito sa iyo at sa iyong pakikipagkapwa?
Paano mo mapamamahalaan nang wasto ang iyong emosyon upang mapagbuti mo
ang iyong ugnayan sa iyong kapwa?
Sa pamamagitan ng modyul na ito, inaasahan na makakamit ng mga
kabataang tulad mo ang malalim na pag-unawa sa emosyon at ang kahalagahan ng
pagtataglay ng mga birtud upang mapamahalaan ito nang wasto tungo sa
mapanagutang pakikipagkapwa. Inaasahang masasagot mo ang mahalagang tanong
na: Ano ang kabutihang naidudulot ng pamamahala ng emosyon? Bakit
mahalaga ang katatagan (fortitude) at kahinahunan (prudence)?
Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na
kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:
a. Natutukoy ang magiging epekto sa kilos at pagpapasiya nang wasto at hindi
wastong pamamahala ng mga pangunahing emosyon
b. Nasusuri kung paano naiimpluwensiyahan ng isang emosyon ang pagpapasiya
sa isang sitwasyon na may krisis, suliranin, o pagkalito
c. Naipaliliwanag ang Batayang Konsepto ng aralin
1

d.

Naisasagawa ang mga angkop na kilos upang mapamahalaan nang wasto ang
emosyon

Narito ang mga kraytirya ng pagtataya ng awtput mo sa titik d:


1. Nasuri ang pamamahala sa mga pangunahing emosyon sa pagpapaunlad ng
ating pakikipagkapwa sa pamamagitan ng SWOT Analysis
2. Nakamungkahi ng pamamaraan upang mapamahalaan ang mga emosyong
nagdudulot ng suliranin sa sarili at pakikipagkapwa
3. May nabuong mga tiyak na hakbang upang mapamahalaan nang wasto ang
emosyon.

Paunang Pagtataya
Gawain 1
Panuto: Basahin at unawain ang bawat aytem. Isulat lamang ang titik ng napiling
sagot sa iyong kuwaderno.
1. Nalilito si Roel kung anong kurso ang kukunin niya sa kolehiyo bagamat
nakapasa siya sa pagsusulit para sa ibat ibang kurso. Sa ganitong pagkakataon,
ano ang pinakamainam niyang gawin upang mapili niya ang angkop na kurso
para sa kaniya?
a. Magtanong at humingi ng payo sa mga nakatatanda
b. Pumili alinman sa mga kurso dahil naipasa naman niya ang pagsusulit
c. Huwag munang mag-aral sa kolehiyo upang makapaglaan ng mahabang
panahon sa pag-iisip
d. pag-isipan at pag-aralang mabuti ang desisyon na gagawin upang hindi
magsisi sa huli
2. Nagalit ka sa iyong kaibigan dahil nalaman mo na nililigawan niya ang iyong
kasintahan. Pakiramdam mo ikaw ay nainsulto sa kaniyang ginawa. Isang araw
nakasalubong mo sila na masayang magkasama. Pinigilan mo ang iyong sarili
upang kausapin sila. Umiwas ka na muna dahil sa iyong palagay ay hindi angkop
ang oras na iyon para sa pag-uusap dahil matindi pa rin ang iyong galit sa
kaibigan mo.
Ano ang kabutihang idudulot ng ginawang pagtitimpi (temperance)?
a. nakaiiwas sa pananakit sa sarili at sa kapwa
b. napatutunayan ang kabutihan ng sarili sa iba
c. nahaharap ang matinding pagsubok sa buhay
d. nakaiiwas sa pag-iisip ng solusyon sa suliranin

3. Sa tuwing tayo ay nakararanas ng krisis sa buhay dala ng negatibong emosyon


mahalaga na tayo ay magrelax. Alin sa sumusunod ang hindi magandang paraan
ng pagre-relax?
a. paglakad-lakad sa parke
b. paninigarilyo
c. pagbabakasyon
d. panonood ng sine
4. Ito ay kagyat na tugon o reaksiyon ng tao sa mga bagay na kaniyang nakita,
naramdaman, naamoy, nalasahan, at narinig na binibigyan ng interpretasyon ng
kaniyang pag-iisip.
a. kilos
b. mood
c. emosyon
d. desisyon
5. Gabi na nang makauwi si Ana mula sa praktis nila para sa gagawing
pagtatanghal sa paaralan. Habang siya ay naglalakad sa madilim na kalsada
nakarinig siya ng kaluskos sa kung saan. Siya ay nagulat at nakaramdam ng
takot. Tinalasan ni Ana ang kaniyang pandinig at binilisan ang kaniyang
paglalakad upang mas madali siyang makarating sa kanilang bahay. Ano ang
idudulot nito sakaling maranasan niya muli ang ganitong sitwasyon?
a. makapag-iingat si Ana
b. mapoprotektahan na ni Ana ang sarili
c. hindi na muling dadaan si Ana sa madidilim na kalsada
d. makaiiwas sa mga nakatatakot na sitwasyong maaaring maranasan muli
6. Pangarap ni Joey na maging katulad ang kaniyang hinahangaang guro.
Ngunit sinasabi ng kaniyang magulang kung siya ay magiging Accountant ay
madali siyang aasenso gaya ng kaniyang pinsan na ngayon ay nasa ibang
bansa. Malungkot si Joey sa di pagsang-ayon ng kaniyang magulang sa nais
niya. Ngayon na siya ay nasa unang taon sa kolehiyo sa kursong Accountancy
nakita niya na angkop ang kaniyang kakayahan sa kursong ito. Komportable siya
sa kaniyang mga ginagawa. Ano ang nakapagpabago sa kalagayan ng kaniyang
emosyon?
a. ang kaniyang mood
b. ang naparaming nararamdaman
c. ang mga pagsubok na naranasan
d. ang dikta ng kaniyang isip

7. Ito ay nagbibigay palatandaan sa ibang tao ng tunay mong nararamdaman


a. ang ating mga opinyon
b. ang ating mga kilos o galaw
c. ang ating ugnayan sa kapwa
d. ang mabilis na pagtibok ng ating puso

8. Nasaktan mo ang iyong kapatid dahil ginamit niya ang iyong bag na walang
paalam. Ano ang idinulot ng iyong kilos?
a. nailabas mo ang iyong sama ng loob
b. hindi na niya inulit ang kaniyang ginawa
c. gumaan ang iyong loob dahil ikaw ay nakaganti
d. nagkaroon ng suliranin sa ugnayan sa iyong kapatid
9. Paano ka makaiiwas sa pananakit ng taong dahilan ng iyong galit?
a. suntukin na lamang ang pader
b. kumain ng mga paboritong pagkain
c. huwag na lamang siyang kausapin muli
d. isipin na lamang na sadyang may taong nakasasakit ng damdamin ng iba

10. Kinausap ng kaniyang guro si Hilda na kailangan niyang dagdagan pa ang


kaniyang pagsisikap upang makakuha ng mataas na marka sa susunod na
markahan. Ito ay dahil hindi naging kasiya-siya ang kaniyang grado sa
nakaraan. Nag-aalala ng lubos si Hilda dahil baka hindi siya makapasa. Sa
ganitong pagkakataon, anong pagpapahalaga ang dapat patibayin upang
mapagtagumpayan ang pagsubok na ito?
a. sumuko at umulit na lamang sa susunod na taon
b. tanggapin na lamang na sadyang may pangyayaring gaya nito
c. magkaroon ng katatagan ng loob at maniwala na kakayanin niya ito
d. humingi ng paumanhin sa guro sa naging pagkukulang sa klase.

Gawain 2
Panuto: Ang bawat tao ay may ibat ibang sitwasyong hinaharap. May sarili rin
siyang paraan kung paano niya ito haharapin at kung ano ang emosyong ipakikita.
Tukuyin mo ang emosyon na angkop sa bawat sitwasyon. Piliin ang sagot mula sa
kahon sa ibaba. Isulat sa iyong kuwaderno ang iyong mga sagot.
Mga Pahayag

Emosyon

1. Naku! Hindi pa ako tapos sa aking proyekto.


Ipapasa na ito bukas.
2. Ano ang gumugulo sa isip mo? May maitutulong ba
ako?
3. Tiyak na matutuwa si Nanay! Matataas ang marka
ko!
4. Naniniwala ako na kayang-kaya mong mapanalunan
ang premyo sa sinalihan mong paligsahan.
5. Huwag ka ngang maingay! Nakikita mong may
ginagawa ako.
6. Malapit nang umuwi si Tatay. Ano kaya ang kaniyang
pasalubong?
7. Sobrang trapik naman dito! Hindi na ako
makakahabol sa aking klase.
8. Mothers Day na sa Linggo. Sorpresahin natin si
Nanay.
9. Naku! Nandyan na naman ang laging nanunukso
sa akin. Huwag ninyo akong ituturo sa kaniya.
10. Akala mo naman kung sino ka! Huwag ka ngang
mayabang!

Mga Pangunahing Emosyon


Pagmamahal

Katatagan

Pagkatakot

Pag-asam

Pagkamuhi

Pagkagalit

Pagkagalak

Pag-iwas

Kawalan ng pag-asa

Pag-asa

Pighati

B. PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN


Gawain 1: Pagsusuri ng epekto ng emosyon sa kilos at pagpapasiya
Panuto:
1. Gunitain ang mga sitwasyon sa sariling buhay na naging dahilan ng ibat ibang
emosyon na iyong naramdaman. Isulat ang bawat sitwasyon sa loob ng kahong
katapat ng bawat emosyon.
2. Sa kanan ng sitwasyon isulat ang epekto nito sa iyong kilos.
3. Maaaring gawing gabay ang sumusunod na tanong sa pagsagot sa gawain.
a. Anong mahalagang pangyayari o sitwasyon sa iyong buhay ang naging
dahilan upang maramdaman ang mga pangunahing emosyon?
b. Ano ang magiging epekto ng iyong emosyon sa iyong kilos at pagpapasiya?

4. Gawing gabay ang format sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa iyong kuwaderno.

Halimbawa:

Sitwasyon sa sariling
buhay na naging dahilan
ng emosyon

MG
A
P
A
N
G
U
N
A
H
I
N
G
E
M
O
S
Y
O
N

Pagmamahal

Epekto ng emosyon sa
iyong kilos at
pagpapasiya

Pinagluluto ako
ni Nanay ng baon

Pag-asam

Pagkagalak

Pag-asa

Katatagan

Magpapasalamat
kay Nanay na may
ngiti.

MGA
P
A
N
G
U
N
A
H
I
N
G
E
M
O
S
Y
O
N

Pagkamuhi

Pag-iwas

Pighati
Kawalan ng
pag-asa

Pagkatakot

Pagkagalit

5. Pagkatapos maitala ang iyong mga sariling karanasan at epekto sa kilos ng


iyong emosyon ay magkakaroon ng Pangkatang Gawain. Ang bawat pangkat
ay binubuo ng limang miyembro lamang upang mabigyan ng pagkakataon
ang lahat na makapagbahagi.
Sagutin ang sumusunod na tanong sa inyong pangkat.
a. Ano ang maaaring maging epekto ng iyong naging damdamin sa iyong
mga kilos at pasiya?
b. Batay sa iyong mga sagot, napamahalaan mo ba nang wasto ang iyong
emosyon? Magbigay ng halimbawa.
c. Sakaling hindi mo napamahalaan nang wasto ang iyong emosyon, ano
ang posibleng idulot nito sa iyo at sa iyong pakikipagkapwa?
d. Ano ang iyong natuklasan pagkatapos nakapagbahagi ang lahat ng
miyembro ng iyong pangkat? Ipaliwanag.
6. Pagkatapos ng pagbabahagi sa bawat pangkat maghanda para sa maikling paguulat sa klase.

Gawain 2: Pagsusuri sa Emosyonal na Kagalingan (ni Jeanne Segal)


Kadalasan, nagkakaroon ka ng suliranin sa pakikitungo at pakikipag-ugnayan sa mga
taong iyong nakakasama sa ibat ibang gawain (hal., kamag-aral, kaibigan, at pamilya).
Maaaring ito ay dahil sa paraan ng iyong pagpapahayag ng iyong emosyon. Natanong mo
na ba sa iyong sarili kung bakit? Ang gawain na ito ay maaaring makatulong sa iyo upang
masuri ang iyong kakayahang emosyonal upang higit mong maunawaan ang
kahalagahan ng pagkakaunawa sa sariling emosyon at sa iba at sa gayon ay mapanatili
ang magandang ugnayan mo sa iyong kapwa. Handa ka na ba?
Panuto:
1. Suriin ang bawat aytem at tukuyin kung kalimitan, paminsan-minsan, o bihira
mong nararamdaman o nagagawa ang mga ito.
2. Lagyan ng tsek ang angkop na kolum. Gawing gabay ang halimbawa sa unang
bilang. Isulat ang iyong sagot sa iyong kuwaderno.
Talaan ng damdamin at kilos

Kalimitan

1. Nakatuon ang aking buong atensiyon


sa taong kausap.
2. Ako ay hindi nababahala sa negatibong
emosyong nararamdaman ng iba.
3. Madali kong maramdaman na may
bumabagabag sa aking kapwa o mahal
sa buhay.
4. Hindi ako nababahala sa tuwing
nakararamdam ako ng kalungkutan,
kagalakan, galit, at takot.
5. Binibigyan ko ng atensiyon ang aking
nararamdaman tuwing ako ay
gumagawa ng pasiya.
6. Madali kong maipahayag ang aking
damdamin sa iba.
7. Madaling bumaba ang lebel ng aking
stress.
8. Nalilibang ako tuwing ako ay laging
tumatawa, naglalaro, at
nakikipagbiruan.
9. Hindi ako mapakali kung mayroong
hindi pagkakaunawaan sa iba.

Paminsanminsan

Bihira
lamang

Iskor
3. Bilangin ang iyong mga sagot sa bawat kolum at tukuyin kung aling kolum ang
may pinakamaraming tsek, ang pangalawang pinakarami, at alin ang
pinakamababa.
4. Ibahagi ang resulta sa klase.
5. Matapos malaman ang resulta sa gawaing ito ay sagutin ang sumusunod na
tanong:
9

a. Ano ang iyong natuklasan pagkatapos mong nalaman ang resulta ng iyong
pagsusuring ginawa?
b. Paano makatutulong ang resulta ng iyong ginawang pagsusuri sa
pamamahala mo sa iyong emosyon?
c. Ano ang epekto sa iyong ugnayan sa iyong kapwa kung bihira mo lamang
ginagawa ang karamihan ang mga nasa talaan?
d. Kung mapamamahalaan mo nang wasto ang iyong emosyon, ano ang
kabutihang dulot nito sa iyo at sa iyong pakikipagkapwa

C. PAGLINANG NG MGA KAALAMAN, KAKAYAHAN, AT PAG-UNAWA


Marahil ay madalas mong marinig sa iba ang mga katagang Kailangan mong
ilabas ang iyong nararamdaman upang malaman nila kung ano ang nasa saloobin
Ang pagkakaroon ng hidwaan sa iyong kapwa ay bahagi lamang ng buhay
ngunit may malikhain at hindi marahas na pamamaraan upang malutas
ang hidwaang ito.
Peace Education Core

Message

mo. Sang-ayon ka ba dito? Ginagawa mo ba ito? Paano naiimpluwensiyahan ng


iyong emosyon ang iyong kilos at pagpapasiya?
Gawain 1 (Pangkatang Gawain)
Panuto:
1. Bumuo ng tatlong miyembro sa bawat pangkat.
2. Basahin ang bawat sitwasyon sa loob ng speech balloon.
3. Isaisip na sa inyo nangyayari ang sitwasyon. Bigyan ang bawat isa ng gampanin
sa magiging pag-uusap.
4. Buuin ang usapan sa pamamagitan ng pagsagot sa mga pahayag upang
maipakita ang iyong magiging damdamin kung maharap ka sa ganitong
sitwasyon. Gawing gabay ang unang bilang.
5. Isulat ang iyong sagot sa iyong kuwaderno.
6. Matapos na masagutan, ibabahagi ang mga sinulat sa speech balloon sa klase.

10

Hindi po totoo iyon,


Maam. Nag-aral po ako
nang maigi. Maaari ko
po bang malaman kung
sino ang nagsabi?

Isinumbong ka ng iyong
kamag-aral na kaya ka lang
daw nakakuha ng mataas na
puntos sa pagsusulit ay dahil
nakita ka niyang nangongopya
sa iyong katabi! sambit ni Gng.
Reyes.

Totoo po ang
sinasabi niya. Hindi
po siya nangopya.

Huwag ka sanang mabibigla.


Ang mga magulang mo ay
naaksidente at sila ay nasa
ospital ngayon!

Binabati kita! Ikaw ang


napili sa inyong pangkat
upang magsanay at maging
isa sa mga peer counselors.
Ipinagmamalaki kita.

11

Huling-huli kita sa akto.


Nakita talaga kita na kinukuha
mo ang pitaka ng kaklase
natin sa kaniyang bag.
Huwag kang magkakaila!

Salamat sa iyong tulong.


Hindi ko talaga alam ang
gagawin ko kung wala ka
kanina. Tunay ka talagang
kaibigan!

7. Sagutin ang sumusunod na tanong pagkatapos ng pagbabahagi.


a. Angkop ba ang iyong mga naging damdamin sa bawat sitwasyon?
Patunayan.
b. Batay sa iyong mga sagot, masasabi mo bang napamahalaan mo nang
maayos ang iyong emosyon?
c. Ano ang naitutulong ng iyong damdamin sa iyong pagpapasiya lalo na sa
panahon na ikaw ay nakararanas ng krisis, suliranin, o pagkalito?
d. Paano nakatutulong ang pamamahala ng emosyon sa iyong pagkatao?
Sa iyong pakikipagkapwa? Patunayan sa pamamagitan ng isang karanasan.

12

Gawain 2
Panuto:
1. Sa gawaing ito, gunitain ang hindi malilimutang karanasan at damdamin.
Magbigay ng tatlong magkakaibang karanasan na nagdulot ng ibat ibang
emosyon.
2. Sa unang hanay, isulat ang karanasan (maikling paglalarawan lamang).
3. Isulat sa ikalawang hanay ang hindi malimutang emosyon.
4. Isulat sa ikatlong hanay ang iyong ginawa dahil sa hindi malilimutang emosyon.
5. Sa ikaapat na hanay, isulat kung bakit mo ginawa ang nasa ikatlong hanay.
6. Isulat sa ikalimang hanay ang iyong natutuhan mula sa pangyayari.
7. Maging matapat at makatotohanan sa iyong mga sagot.
8. Isulat ang iyong sagot sa iyong kuwaderno.
Karanasan

Hindi
malimutang
Emosyon

Anong
ginawa?

Bakit
ginawa?

Mga
pagkatuto sa
pangyayari

Pag-aalala at
Pagkatakot

Inilihim sa
kapatid

Upang hindi
magalit ang
kapatid

Magiging
maingat sa
mga hinihiram
na gamit

Halimbawa:
Nasira ang
damit na
hiniram sa
kapatid
1.

2.

3.

9. Sagutin ang sumusunod na tanong.


a. Bakit hindi mo makalimutan ang mga damdaming iyong tinukoy?
b. Paano mo nabigyan ng solusyon ang mga negatibong damdamin?
c. Papaano naiimpluwensiyahan ng iyong emosyon ang iyong mga kilos at
pagpapasiya?
d. Nakabubuti ba ito sa iyong ugnayan sa sarili at sa iyong kapwa?
13

Ipaliwanag.
e. Ano-anong mga birtud at pagpapahalaga ang dapat na isaalang-alang sa
tuwing nararamdaman ang mga ganitong emosyon upang hindi na magdulot
nang pagkasira ng iyong relasyon sa iyong kapwa?

Nauunawaan mo na ba ang magiging epekto sa iyong kilos at pagpapasiya


nang wasto at hindi wastong pamamahala ng iyong emosyon? Napagtanto mo
na ba kung paano naiimpluwensiyahan ng iyong emosyon ang iyong kilos at
pagpapasiya?

D. PAGPAPALALIM

Ang Emosyon
Ang buhay ay punong-puno ng makukulay na karanasan at pakikipagugnayan na nagbibigay-sigla at kahulugan dito. Mula sa mga karanasang ito ay
napukaw ang ibat ibang emosyon at damdamin. Sa pilosopiya ni Scheler (Dy, 2007)
ang damdamin ang pinakamahalagang larangan ng pag-iral ng tao. Ang aspektong
emosyonal ng tao, katulad ng pagdamdam, paggusto, pagmamahal, at pagkapoot ay
hindi nababatay sa katwiran o anupaman. Ang damdamin, ibig sabihin, kagyat na
may kaugnayan ito sa mga obhetong tinatawag na mga pagpapahalaga. Kagyat na
ibinibigay ang mga pagpapahalaga sa atin sa mismong pagkilos ng paggusto, ng
pinakapangunahing kilos ng pagmamahal at pagkapoot, at samakatuwid hindi na
nangangailangan ang mga ito ng isang kaisipang namamagitan sa kanila.
Nadarama muna ang mga pagpapahalaga bago nahuhusgahan ang mga ito.
Hindi basta-bastang nakokontrol o napamamahalaan ang mga damdamin; di
tuluyan ang pagkontrol o pamamahala sa mga ito, sa pamamagitan ng pagkontrol ng
kanilang mga sanhi o epekto (pagsasakatawan, kilos). Sang-ayon sa lohiko ng
damdamin ni Pascal, isinasalarawan ni Scheler ang kaayusan at magkakaibang
antas ng buhay-damdamin ng tao.
May apat na uri ng damdamin:
1. Pandama (sensory feelings). Ito ay tumutukoy sa limang karamdamang pisikal o
mga panlabas na pandama na nakapagdudulot ng panandaliang kasiyahan o
paghihirap sa tao. Halimbawa ng mga ito ay pagkagutom, pagkauhaw,
kalasingan, halimuyak, panlasa, kiliti, kasiyahan, at sakit. Sa katotohanan, ang
14

kasiya-siya ay higit na naiibigan. Ang ilan ay hinaharap ang hindi kasiya-siya


bilang pagsasakripisyo tungo sa pagtatamo ng mas mataas na halaga.
2.

Kalagayan ng damdamin (feelings state). Ito ay may kinalaman sa kasalukuyang


kalagayan na nararamdaman ng tao. Halimbawa nito ay kasiglahan, katamlayan,
may gana, walang gana.

3. Sikikong damdamin (psychical feelings). Ang pagtugon ng tao sa mga bagay sa


kaniyang paligid ay naiimpluwensiyahan ng kasalukuyang kalagayan ng kaniyang
damdamin. Dahil ang tao ay may likas na kagalingan o kahusayan, at may
pagpapahalaga sa mabuti, ang kaniyang dagliang tugon ay maaaring
mapagbago ng kaniyang kalooban at pag-iisip tungo sa positibong panlipunang
pakikipag-ugnayan. Ilan lamang sa mga halimbawa nito ay sobrang tuwa,
kaligayahan, kalungkutan, kasiyahan, pagdamay, mapagmahal, poot.
4. Ispiritwal na damdamin (spiritual feelings). Ayon kay Dr. Manuel B. Dy Jr., ang
mga ispiritwal na damdamin ay nakatuon sa paghubog ng pagpapahalaga sa
kabanalan tulad ng pag-asa at pananampalataya.
Narito ang talaan ng pangunahing emosyon na hango sa aklat ni Esther
Esteban na Education in Values: What, Why, and For Whom: (1990, ph. 51).
Mga Pangunahing Emosyon
Pagmamahal (love)

Pagkamuhi (hatred)

Paghahangad (desire)

Pag-iwas (aversion)

Pagkatuwa (joy)

Pagdadalamhati (sorrow)

Pag-asa (hope)

Kawalan ng pag-asa (despair)

Pagiging matatag (courage)

Pagkatakot (fear)
Pagkagalit (anger)

Ang mga emosyon sa unang hanay ay nakasisiya ngunit nangangailangan ng


wastong pamamahala. Bagaman natuwa ka sa nakita mong tsokolate sa inyong
refrigerator ngunit alam mo na hindi sa iyo ito kaya hindi mo ito dapat na kainin.
Mahalaga na ikaw ay makapagtimpi at makapagpigil sa pagkuha nito.
Ang mga emosyon sa ikalawang hanay ay nagpapahirap sa damdamin dahil ito
ay nakatatakot, nakalulungkot, at nagdudulot ng sakit sa kalooban ng tao. Maraming
mga mag-aaral na ayaw nang subukang mag-aral sa kolehiyo dahil nahihirapan
silang tustusan ang kanilang pinansiyal na pangangailangan. Mas pipiliin nilang
makapagtrabaho

pagkatapos

ng

Baitang
15

10.

Natatakot

silang

hindi

rin

makapagtatapos. Sa ganitong pagkakataon ay kailangan ang katatagan ng loob


(fortitude) upang malampasan ang hirap at takot na nararamdaman. Ang birtud na
ito ay nagbibigay ng kakayahan sa tao na malampasan ang kahirapan, labanan ang
mga tukso at pagtagumpayan ang mga balakid tungo sa higit na maayos na
pamumuhay. Napakahalaga na pinag-iisipang maigi ang gagawin lalo na sa panahon
na nawawalan ka na ng pag-asa at pilit na iniiwasan ang pangyayari dala nang bigat
ng suliranin at hindi alam kung ano ang gagawin. Ikaw ay nakararanas ng krisis at
pagkalito. Hindi mo na alam ang iyong gagawin. Ikaw ay nagalit sa iyong matalik na
kaibigan dahil narinig mong sinisiraan ka niya. Iniisip mo na gantihan siya. Mahalaga
na maging mahinahon, pagnilayan ang sitwasyon, at pag-isipang mabuti ang
pinakamainam na gawin upang maiwasan ang pagsisisi sa huli. Ayon kay Sto. Tomas
de Aquino, ang matalinong paghusga ay hindi lamang tumutukoy sa kung ano ang
dapat gawin ng tao sa pagharap sa mga krisis sa
buhay, kung hindi kakayahang makagawa ng pasiya sa
napapanahong paraan.
Sa pamamagitan ng emosyon,
naipamamalas ng tao ang kaniyang pagpapahalaga sa
mga bagay sa kaniyang paligid tulad ng mga bagay
na kaniyang nakikita, naririnig, nalalasahan, naaamoy,

Ang katatagan ng
loob ang nagbibigay
ng kakayahan sa tao
na malampasan ang
kahirapan at labanan
ang mga tukso upang
mapagtagumpayan
ang mga balakid sa

nadarama, at nararanasan. Kung kayat ito ay nararapat na mapamahalaan nang


wasto upang magdulot ito ng maganda sa sarili at ugnayan sa kapwa.
Ayon kay Feldman (2005, ph.346), sa pamamagitan ng emosyon ay:

a.Nababatid ng tao ang nangyayari sa kaniyang paligid at nabibigyan ito ng


katuturan ng kaniyang isip. Kung ikaw ay binantaan ng iyong kamag-aral na
sasaktan paglabas ng paaralan ang karaniwang mararamdaman ay takot.
Dahil sa naramdaman mong takot ikaw marahil ay agad na aalis upang hindi
na kayo magpang-abot.

b.Nakatutukoy ang higit na angkop na kilos kung sakaling maramdaman muli ang
damdamin. Nakapag-iingat at nakaiiwas ang tao sa posibleng panganib na
dala ng sitwasyong nararanasan sa sarili at sa kapwa.

c.Nagagamit ang pakikipagkomunikasyon at pakikipag-ugnayan sa kapwa. Ang


pagpapahayag ng emosyon ay maaaring marahan o lantad tulad ng
ekspresyon ng iyong mukha, pagsuntok sa pader, pag-iyak, o pagtawa nang
malakas. Sa pamamagitan ng emosyon, naipababatid natin ang tunay nating
nararamdaman at naipahihiwatig ang mga pangangailangan natin at
inaasahan mula sa iba.
16

Ang mga emosyon na hindi napamamahalaan

Ang matalinong
paghusga ay hindi
ating mga kilos at pagpapasiya sa sitwasyong may
lamang tumutukoy sa
kung ano ang dapat
krisis, suliranin, o pagkalito. Ngunit hindi lahat ay
gawin ng tao sa
sapat ang kakayahan upang mapamahalaan ang
paglutas sa mga krisis o
kanilang emosyon. Nabalitaan mo ba ang isang
suliranin sa buhay kung
hindi kakayahan ring
mag-aaral na nakasakit ng kamag-aral dahil sa
makagawa ng pasiya sa
selos? O kayay ang isang tatay na nagmukmok na
napapanahong paraan.
lamang sa bahay nang matanggal ito sa trabaho? Ilan lamang ito sa mga
ay maaaring hindi maganda ang impluwensiya sa

pagkakataon na hindi napamamahalaan nang maayos ang emosyon kung kayat


nagbubunga ng mga reaksiyong hindi maganda sa sarili at sa pakikipagkapwa. Ito
ang dahilan kung bakit kailangan ng tao ng literasiya sa kaniyang emosyon. Ayon
kay Seeburger, F. (1997, ph.30), ang literasiyang pandamdamin ay tumutukoy sa
dalawang bagay. Una, kakayahang alamin at unawain ang mga sariling emosyon; at
pangalawa, matukoy at maramdaman ang damdamin na angkop o akma lamang sa
sitwasyon na kinakaharap.
Nakita ng mga ilang siyentipiko tulad nina Salovey, Gardner, at Goleman ang
kahalagahan ng pamamahala sa emosyon sa pagpapaunlad ng sarili at
pakikipagkapwa. Kapag napagtagumpayan ng tao ang pamamahala ng kaniyang
emosyon, nangangahulugan na mataas ang kaniyang EQ o Emotional Quotient na
kilala rin sa tawag na Emotional Intelligence.
Paano napauunlad ng EQ ang tao? Narito ang limang pangunahing elemento ng
EQ (Goleman, D., 1998):
1 . Pagkilala sa sariling emosyon.

Mahalaga na may kamalayan sa sariling

damdamin. Ito ay makatutulong sa pagkakaroon ng pang-unawa sa sarili. Ikaw


ay nakagagawa ng pagpapasiya sa iyong sarili at hindi ka lang sunod nang
sunod sa nais ng iba.
2 . Pamamahala sa sariling emosyon. Ang kakayahang mapamahalaan ang ating
emosyon ay mahalaga dahil ang mga ito ay may epekto sakalagayan ng ating
kalooban at pakikipag-ugnayan sa kapwa. Ang taong may ganitong kakayahan
ay madaling makabangon sa mga pagsubok sa buhay at makamit ang kaniyang
mga mithiin sa buhay
3 . Motibasyon. Ito ay kakayahang magtimpi o magpigil na gawin ang isang bagay
na hindi dapat upang matupad ang isang layuning higit na mahalaga para sa
ikabubuti ng iba. Ang taong may ganitong kakayahan ay may disiplina sa sarili at
17

hindi pabigla-bigla ang pagpapasiya. Naglalaan siya ng oras upang makapagrelax at magnilay.
4 . Pagkilala at pag-unawa sa damdamin ng iba. Ito ay kakayahang makadama sa
damdamin at pangangailangan ng iba. Ang taong may ganitong kakayahan ay
marunong ding bumasa at bigyan ng kahulugan ang kilos ng iba. Maaari din
siyang

sumangguni upang humingi ng tulong sa mga kapamilya at mga

pinagkakatiwalaang kaibigan.
5 . Pamamahala ng ugnayan. Ito ay nangangahulugan na napamamahalaan nang
wasto ang emosyon sa pakikipag-ugnayan
sa pamamagitan ng

pagkakaroon ng

kaalaman sa pagpapanatili ng magandang


ugnayan. Mahalaga sa pagpapanatili ng
magandang ugnayan ang pagtitiwala sa
sarili, malawak at bukas ang isipan at
kalooban, paggalang, pagtanggap sa mga
pangyayari, at pagiging tapat sa sinasabi.

18

Ang pagkakaroon ng
tiwala sa sarili, malawak
at bukas na kaisipan at
kalooban, paggalang,
pagtanggap sa mga
pangyayari at ang
pagiging tapat sa
sinasabi ay mahalaga sa
pagpapanatili ng
magandang ugnayan sa

Tunghayan ang maikling pag-uusap nina Jessy, Kim, at Rico. (Jesus: Gospel
Komiks Edition For Young Readers, October- November 2012 Volume 21 No.3, ph.
34).

Ang pagiging mahabagin ay ang kakayahang umunawa sa nararamdaman ng


ibang tao. Ito ang paglalagay ng sarili sa sitwasyon ng iba na may pagnanais na
makatulong sa kanila. Hindi bat napakagaan sa pakiramdam ang ganito? Tulad ng
kuwento nina Jessy, Kim, at Rico, ikaw ba ay may karanasang katulad nila? Ano ang
iyong ginawa?

19

Anumang emosyon ay mahalaga. Ang


pamamahala
makabubuti

natin
o

dito

ay

makasasama

maaaring
sa

ating

pakikipagkapwa. Ngunit, sa pamamagitan ng


wastong

pamamahala

ng

mga

ito,

napauunlad natin ang ating pakikipagkapwa.


Hindi bat napakagaan sa pakiramdam ang
ganito?

Hindi lamang ang sarili


ang nagiging biktima ng
ating maling pamamahala
ng ating emosyon.
Mahalagang maipahayag
natin ito nang maayos
upang mapanatili natin
ang ating magandang
ugnayan sa ating kapwa.

Mahalaga na makapagbalangkas ka ng pamamaraan upang makayanan at


mapagtagumpayan mo ang mga emosyon bunga ng iyong pinagdaraanan at mga
karanasan. Ilan sa mga mungkahing paraan upang mapamahalaan ang mga ito ay
(Morat, Jr., 2007):
a. Tanungin ang sarili, hahayaan ko bang magawa ko ang di karapat-dapat o
mas pipiliin kong gumawa ng makabubuti? Hindi lamang ang sarili ang
nagiging biktima sa ating maling pamamahala ng ating emosyon.
Mahalagang naipahahayag natin ito nang maayos upang mapanatili natin ang
ating mabuting ugnayan sa ating kapwa.
b. Tanggapin na ikaw ay takot harapin ang takot, ngunit isipin na mayroon pang
higit na magandang mangyayari. Maging positibo sa pagharap sa hamon ng
buhay.
c. Isaisip na ang tagumpay ay hindi nasusukat sa yaman, kapangyarihan, at
pagiging tanyag kung hindi sa kakayahan na mamuhay nang may
pagpapahalaga at dangal.
d. Matutong tanggapin na may hangganan ang lahat ng bagay na mayroon tayo,
tao man o bagay. Hindi naman ito nangangahulugan na magiging wala kang
pakialam o wala silang halaga sa iyo.
e. Sa tuwing ikaw ay nawawalan ng pag-asa, isipin na may mga taong maaari
mong pagkatiwalaan at mahingan ng tulong. Buksan ang isipan at kalooban
na kaya mong makamit ang hangarin sa buhay.
Ang mga iminungkahing paraan kalakip ang mga birtud ay nakatutulong
upang mapamahalaan ang emosyon at maging magandang gabay sa pagpapasiya
tungo sa matiwasay na pamumuhay at maging produktibong miyembro ng lipunan.
Hangad ng bawat isa ay magkaroon ng matiwasay, masaya, at makabuluhang
buhay sa pamamagitan nang mabuting ugnayan sa sarili at sa kapwa. Kaya
20

nararapat lamang na sa araw-araw nating pamumuhay ay piliing maigi ang mga


bagay na pagtutuunan nang higit na pansin. Mahalaga na magtiwala sa sarili, sa
kapwa, at sa Diyos sa paggawa ng pagpapasiya tungo sa ikauunlad ng iyong
pakikipagkapwa.
Nakikita natin ang epekto ng padalos-dalos nating pasiya at kilos dala ng mga
negatibong emosyon na hindi napamamahalaan. Madalas ay hindi nagiging
maganda ang idinudulot nito sa ating sarili at higit sa iba. Hahayaan mo na lang ba
na patuloy itong maging dahilan ng iyong hindi mabuting ugnayan sa iyong kapwa?
Handa ka na bang harapin at pagtagumpayan ang hamon na dala ng iyong
emosyon?
Tayahin ang Iyong Pag-unawa
1. Ano ang kahulugan ng emosyon at ang mga uri nito?
2. Ano ang tungkulin ng emosyon sa pagpapasiyang gagawin ng tao?
3. Ano ang mga hakbangin na maaaring maisaalang-alang upang mapamahalaan
natin nang wasto ang ating emosyon?
4. Ano ang kabuluhan ng birtud sa wastong pamamahala ng iyong emosyon?
5. Paano mapauunlad nang wastong pamamahala ng emosyon ang iyong
sarili at ang iyong pakikipagkapwa?

Paghinuha ng Batayang Konsepto


21

Ano ang Batayang Konsepto na naunawaan mo mula sa babasahin? Gabay mo


ang sagot sa mahalagang tanong na: Ano ang kabutihang naidudulot ng
pamamahala ng emosyon? Bakit mahalaga ang katatagan (fortitude) at kahinahunan
(prudence)? Sagutin ito gamit ang graphic organizer. Isulat ang sagot sa iyong
kuwaderno.

Ang ______________ pamamahala ng _______________

sa pamamagitan ng pagtataglay ng

ay nakatutulong sa

ng

Pag-uugnay ng Batayang Konsepto sa Pag-unlad Ko Bilang Tao


1. Ano ang kabuluhan ng Batayang Konsepto sa aking pag-unlad bilang tao?
2. Ano-ano ang maaari kong gawin upang mailapat ang aking mga pagkatuto
sa modyul na ito?

22

E. PAGSASABUHAY NG MGA PAGKATUTO


Pagganap
1. Paano nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili at pakikipagkapwa ang
wastong pamamahala ng mga pangunahing emosyon?
2. Ano ang kahalagahan ng pagtataglay ng mga birtud sa wastong pamamahala ng
emosyon?
3. Magsagawa ng Pagsusuri ng Kalakasan, Kahinaan, Oportunidad, at Banta
(SWOT Analysis) tungkol sa epekto ng wastong pamamahala ng emosyon sa
pagpapaunlad ng sarili at ng pakikipagkapwa.
4. Narito ang gabay na maaari mong gamitin sa pagsagot sa bawat kolum:
a. Kalakasan. Ano ang kabutihang dulot ng bawat pangunahing emosyon kapag
ito ay napamahalaan nang wasto?
b. Kahinaan. Anong suliranin ang idudulot ng bawat pangunahing emosyon
kung hindi napamahalaan nang wasto?
c. Oportunidad. Anong oportunidad ang naghihintay kung mapamahalaan nang
wasto ang emosyon at mapagtagumpayan ang mga suliraning dala nang
hindi wastong pamamahala ng emosyon? (Paalala: Maaari ding banggitin ang
mga birtud sa kolum na ito.)
d. Banta. Anong banta ng iyong mga emosyon ang kailangang bigyan ng tuon
upang

hindi

tuluyang

makapagdulot

nang

hindi

mabuti

sa

iyong

pakikipagkapwa?
5. Sundin ang pormat sa pahina 190. Gabay mo ang halimbawa. Isulat ang iyong
sagot sa iyong kuwaderno.
6. Maaari itong ibahagi sa iyong klase.

Mga
Pangunahing
Emosyon
Hal.:
Pagkatakot

Kalakasan
(Strength)
Nakakapagingat at
Nakapagha-

Kahinaan
(Weakness)
Hindi
napagtatagumpayan
23

Oportunidad
(Opportunity)
Nakikintal sa
ating kalooban
ang pagiging

Banta
(Threat)
Hindi uunlad
ang ating
pakikipag-

handa sa
nakaambang
panganib

ang mga
matatag at
pangarap sa nakagagawa ng
buhay
paraan upang
malagpasan ang
takot na
nararamdaman.
Nakakapagpasiya
tayo nang
maayos at nang
walang pagagam-agam.

ugnayan sa
sarili at sa
kapwa.

Mananatili
tayong
bilanggo sa
sarili nating
takot

Pagninilay
1. Magbalik-tanaw ka ngayon. Isipin ang mga emosyon na madalas mong
maramdaman na nagdudulot ng hindi magandang epekto sa iyo at sa iba.

24

2. Isulat ang mga ito sa loob ng bawat bahagi ng bilog.


3. At sa bawat kahon, magtukoy ng mga maimumungkahi mong paraan upang
mapamahalaan mo ito kapag muling maramdaman. Maaaring higit pa sa
dalawang pamamaraan ang maibabahagi mo.
4.

Isulat ang iyong sagot sa iyong kuwaderno.

1. Magrelax muna tulad ng


pag-eehersisyo.

1.

2. Magpalamig muna ng ulo upang


hindi na lumala ang alitan.

2.

GALIT

1.

1.

2.

2.

Pagsasabuhay
1. Balikan muli ang bahaging Pagninilay.
25

2. Isulat ang mga emosyon sa unang hanay sakaling ang mga ito ay maramdaman
mo muli.
3. Lagyan ng tsek kung anong araw naramdaman.
4. Sa susunod na hanay, tukuyin kung alin sa mga naitala mong mungkahi ang
nais mong gamitin upang mapamahalaan ang emosyon.
5. Suriin ang naging epekto pagkatapos maisabuhay sa pamamagitan ng pagsagot
sa mga tanong sa bawat hanay. Isagawa ang mga itinalang pamamaraan sa mga
susunod na araw kung kinakailangan hanggang ang mga ito ay maging bahagi
ng araw-araw na pamumuhay.
6. Magbigay ng patunay na iyong naisagawa ang isinulat sa Talahanayan ng
Pamamahala ng Emosyon.
7. Gumawa ng tula tungkol sa sarili mong karanasan ng epekto nang wasto at hindi
wastong pamamahala ng emosyon sa iyong sarili at pakikipagkapwa. I-post ito sa
iyong facebook upang maging inspirasyon at paalala sa iba.
8. Gamiting gabay ang tsart sa ibaba.

Aling
mungkahi
ang napiling
gamitin?

Epektibo
ba ito?
Bakit?

Mag-relax
muna (hal.,
pagehersisyo at
manalangin)

Oo, dahil
nabawasan
ang bigat
na
nararamdaman.

Linggo

Sabado

Biyernes

Huwebes

Miyerkules

Martes

Emosyon

Lunes

9. Isulat ito sa iyong kuwaderno.

Galit

Ano ang
iyong
susunod na
hakbangin
sakaling
hindi
epektibo?

Ngayong nadagdagan pa ang kaalaman mo tungkol sa emosyon at


ang kahalagahan nito sa iyong sarili at sa iyong pakikipagkapwa,
hangad ko na lalong mahubog ang iyong kasanayan sa pamamahala
rito upang magdulot ito ng katiwasayan sa iyong buhay at lalo pang
umunlad ang iyong pakikipag-ugnayan sa iyong kapwa.
26

Kumusta na?
Naisakatuparan mo ba nang maayos ang mga gawain sa modyul na ito?
Kung oo, binabati kita!
Maaari ka nang magpatuloy sa susunod na modyul.
Kung hindi, balikan ang mga gawaing di natapos. Katangian ng isang
mapanagutang mag-aaral ang sumangguni at humingi ng tulong o
paggabay mula sa kaniyang kamag-aral o guro.
Mga Sanggunian
Esteban, E. (1990). Education in values what, why, and for whom. Sinagtala
Publishers, Manila.
Feldman, R. (2005). Understanding Psychology. New York: McGraw-Hill
Goleman, D. (1998). Working with emotional intelligence. A Bantam Book, U.S.A.
Morat, Jr., E. (2007). Self mastery. Quezon City: Rex Printing Company, Inc.
Segal, J, & Jaffe, J. (2008). The language of emotional intelligence: The five
essential tools for building powerful and effective relationships. New York:
Mc Graw Hill.
Seeburger, F. (1997). Emotional literacy: Keeping your heart. New York: The
Crossroad Publishing Company
Dy, Jr. M. (2007). Mga babasahin sa pilosopiyang moral. Ateneo de Manila
University.
Jesus. Gospel Komiks Edition For Young Readers. Volume 21 N0.3. Jesus
Magazine Publication Department, Communication Foundation for Asia. Manila,
Philippines. October-November 2012
On Defining Emotions and On Types of Emotions: Retrieved from
http://en.wikipedia.org/wiki/ Stratification_of_ emotional_ life (Scheler).
November 9, 2012
On Types of Emotions. Manuel B. Dy Jr. The Philosophy of Value, The Value of
Philosophy (Chapter XV).
Retrieved November 9, 2012 from http://www.crvp.org/book/Series03/III-11/
chapter_xv.htm. On Defining Fortitude: Retrieved from
http://www.vatican.va/archive/ccc_css/archive/catechism/p3s1c1a7.htm on
November 11, 2012
27

132

On Defining Prudence: Retrieved from


http://www.franciscanmissionaries.com/article/a-mission-of-courage/ on
November 12, 2012

28

You might also like