Pagsusuri at Maikling Kwento

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

PAGSUSURI NG INDIE FILM

I. Pamagat ng Katha: “Inang Yaya”


II. May-Akda: Pablo Biglang-awa at Veronica Velasco
III. Buod:
Si Norma ay nahihirapan sa pagiging ina kay Ruby at pagiging yaya kay Louise kung saan
siya ay taga probinsya at siya’y nagtatrabaho sa Maynila. Siya ay umuuwi paminsan minsan
lamang sa probinsya. Iniiwanan ni Norma ang anak niya na si Ruby sa kanyang ina na si Lola
Tersing. Siya ang nag-aalaga kay Ruby kapag aalis si Norma. Ngunit, isang araw, namatay si Lola
Tersing kaya napilitan si Norma na isama ang kaniyang anak sa Maynila at iwanan ang probinsya.
Doon na muna sila titira sa mansyon ng kaniyang amo na si May, at pumayag siya. Si Ruby at
Louise ay naging mga matalik na kaibigan. Nandiyan sila para sa isa’t isa tuwing masasama at
masasayang araw. Ngunit ang lola ni Louise, Lola Toots, ayaw kay Norma at Ruby. Minamaliit niya
ang mag-ina at sinasaktan. Dahil kay Lola Toots, nagdesisyon ang mag-ina na umalis nalang dahil
sinaktan ni Lola Toots si Ruby na pinagkamalang magnanakaw. Akala niya ninakaw ni Ruby ang
kwintas na binigay niya kay Louise. Ngunit ibinigay ni Louise kay Ruby dahil niligtas niya si Louise
sa paglulunod niya. Hindi natuloy ang pag-alis ng mag-ina dahil kay Louise. Kapag umalis ang
mag-ina, sasama si Louise sakanila kaya pinagdesisyon na huwag na ituloy ang pag-alis.
Isang araw, inatake si Lola Toots at siya’y tumira sa mansyon ni May pangsamantala
lamang para gumaling agad-agad. Di alam ni Lola Toots na tuwing gabi, binabantayan siya ni
Ruby dahil natatakot si Ruby na baka mangyari sakanya ang nangyari sa kaniyang Lola Tersing.
Noong nalaman ni Lola Toots, naging mabait at nagsisimula na ang pagmamahal niya kay Ruby.
Binigay na niya ang kwintas nna inagaw niya kay Ruby na inakalang ninakaw.
Pati si May at Noel, napapamahal na din kay Ruby. Binigay nilang edukasyon si Ruby.
Ngunit kinailangan nila pumuntang sa Singapore at tumira na doon. Sinasama nila si Norma ngunit
hindi makakasama si Ruby sa pag-alis o mananatili siya kasama si Ruby ngunit kailangan na
niyang maghanap ng bagong trabaho. Pinagisipan ni Norma kung kanino siya sasama, kay Louise
na sanggol palang, inaalagaan na niya at minahal, o kay Ruby na kaniyang minamahal na anak?
Sa paglipas ng oras, nakapagdesisyon si Norma. Siya’y mananatili kasama ang kaniyang anak.
Kahit masakit ang mga pangyayari, mamahalin at maaalala parin ni Norma at Ruby si Louise at
ang kaniyang pamilya.
IV. Pagsusuri
A. Uri ng Panitikan
Ito ay panitikang “Di-Piksyon” - Isang paglalahad, pagsasalaysay, o kinatawan ng isang paksa na
iniharao ng isang may-akda bilang katotohanan.
B. Pamagat
Ang kwento ay inihalaw sa tunay na buhay ng mga naninilbihan sa ibang pamilya, “katulong”,
“yaya” o ano mang tawag sa mga ito. Kasama na rin dito ang mga “OFW” na may ganito ring
estado, “domestic helper” kung tawagin. Dito inilarawan ang buhay ng isang “katulong” o ”yaya”.
C. Mga Tauhan
Norma (Maricel Soriano)- isang solong ina na taga probinsya ngunit nagtatrabaho sa Maynila
bilang yaya para kumita ng pera;
May (Sunshine Cruz)- isang ina na nagtatrabaho sa eroplano, may isang anak na babae, si Louise,
at ang kaniyang asawa si Noel;
Noel (Zoren Legaspi)- ama ni Louise, asawa ni May, at siya ay mabuting ama sa kaniyang anak at
masipag na trabahador;
Louise (Ericka Oreta)- isang mapagmahal at mabuti na bata ngunit siya ay laki sa layaw dahil ang
pamilya niya’y mayaman;
Ruby (Tala Santos)- isa din siyang mabuti at mapagmahal na bata na lumaki sa probinsya ngunit
siya’y pasaway at minsan, walang galang;
Lola Toots (Liza Lorena)- isa siyang suplada, pala-utos, mataray na lola ni Louise at ina ni Noel
ngunit siya’y mabuting tao sa loob;
Lola Tersing (Marita Zobel)- mabuting lola siya ni Ruby at ina ni Norma
V. Mga Reaksyon
a. Sa Mga Nagsiganap:
Isang tinik sa dibdib na makita moa ng iyong anak na umiiyak habang papalayo na kayo sa isa’t
isa. Napakadakila ng mga taong may ganitong uri ng pagtitiis. Pagtitiis upang maiahon sa hirap
ang pamilya, pagtitiis upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang anak. Bawat pag-iyak,
pagluha ng mga tauhan ay mararamdaman mo ang mensahe ng kanilang katayuan sa kwento.
b. Istilo ng Manunulat ng Iskrip.
Bawat lalabas sa bibig ng mga tauhan ay may angking kalaliman at kagandahan. Napakahusay
ng mga iskrip, dahil mararamdaman mong tunay at sadyang nakakaantig sa puso ang mga ito.
c. Istilo ng Pagdidirehe
Binigyang saysay ng mga director ng kwentong ito ang isang makatotohanang pangyayari batay sa
tunay na buhay, o maaaring nararansan ng mga katulong. Isang mahusay na pagdidirehe ang
kaniyang nagawa sa mga tauhan. Mas nabigyan ito ng higit na kahulugan sa pagkakaroon ng pag-
asa sa buhay.
d. Mga Teoryang Pampanitikan
Eksistensyalismo, dahil ang mga bida ay nagdaan sa daanang puno ng problema na galing sa
labas ng katotohanan.
Naturalismo, sapagkat ito ay nagpapakita ng mga pangyayaring nakatutulong ang mga piling salita
at mga pahayag upang pangibabawan ito.
Humanismo, sapagkat binibigyang-tuon nito ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao.
Sikolohikal sapagkat makikita na ito ay may mahihinuha sa antas ng pamumuhay, paninindigan,
paniniwala, at pagpapahalaga.
VI. Bisang Pampanitikan
a. Bisa sa isip
Dito ay mabibigyang halaga mon a kailangan mong isipin ang kinabukasan mo at ng pamilya mo
b. Bisa sa damdamin
Dito, kailangan mong matutunang magtiis upang makaahon lang sa hirap ng buhay.
c. Bisa sa kaasalan
Kailangan mong maging mabuti sa kapwa mo upang maging maganda ang babalik sayo.
d. Bisa sa lipunan
Mabuting pakikisama, pagkakaunawaan, at pagmamahalan. Tatlong bagay na ipinakita ng mga
tauhan sa kwentong ito.
e. Bisa pangmoral
Kailangan mong maging matatag, maging positibo sa hinahanarap.
PAGSUSURI NG TELESERYE

I. Pamagat ng Katha: “Kakambal ni Eliana”


II. May-Akda:  Roderick Lindayag
III. Buod:
Ang kuwento ay umiikot sa buhay ni Eliana, isang batang babae na ipinanganak na may
itim na ahas na nasa kanyang likod. Binabaligtad ng reptilya ang sarili nito sa tuwing
nakaranas siya ng mga labis na emosyon tulad ng kalungkutan o galit. Ginugugol niya
ang kanyang buhay na nakatago sa isang basement, hanggang sa naging ganap na
dalaga na si Eliana, nais niyang makita at maranasan kung ano nga ba ang mayroon sa
labas ng basement.
Sa kaniyang pagtakas, nakilala niya ang mga taong bumuo ng kaniyang pagkatao.
Tanging ang lolo lamang niya ang kaniyang kilala, at ang kaniyang Tita Minerva. Hindi
niya kilala kung sino ang nanay at tatay niya, kung sino ng aba ang pamilya niya. Sa
proseso, nagsusumikap siyang malaman ang katotohanan tungkol sa sarili at sa kanyang
pamilya.
Sa kalaunan ay matutuklasan niya ang mga bagong bagay at matutugunan ang mga tao
na sa huli ay mababago ang kanyang buhay. Sa labas ng mundo, nakakatugon siya sa
mga bagong kaibigan at dalawa sa kanila, si Gabo at Julian ay may gusto sa kanya. Si
Gabo ay isang street-smart na batang lalaki na tinanggap si Eliana para sa kanya,
habang si Julian ay isang photographer ng fashion na humahanga sa kagandahan ni
Eliana, hindi alam na siya ay may kambal na ahas. Gayunpaman, natutugunan din niya
ang kanyang karibal, Margarita, na model-girlfriend ni Julian at hindi alam sa lahat, ang
kanyang kapatid na babae.
Ang tita Minerva ni Eliana ay may alagang serpyente na kumagat at pumatay sa lolo ni
Eliana.
Sa pagtatapos ay nagharap si Eliana at si Minerva, at kalaunay natalo at namatay si
Minerva. Nalaman ni Eliana kung sino ang kaniyang tunay na pamilya na inilahad ng
kaniyang lolo bago ito mawala. Inalis ang ahas na kakambal ni Eliana na si Naja ng
matiwasay at ligtas.
IV. Pagsusuri
A. Uri ng Panitikan
Ito ay panitikang “Piksyon”; ginagamit ng manunulat ang kanilang imahinasyon para sa
pagsulat ng mga akdang bungang-isip lamang.
B. Pamagat
Ang pamagat ng kwento ay hinango sa isa sa misteryosong kwentong-bayan na naging
alamat; ang ahas sa loob ng isang kilLng mall. Ito ay tungkol sa anak na babae ng isang
may-ari ng mall na may isang ahas kambal at nanahanan sa isang lihim na silid ng
basement ng mall na inilarawan sa pamamagitang ni Eliana at Naja.

C. Mga Tauhan
Kim Rodriguez bilang Eliana Cascavel-Dominguez
Ipinanganak na may isang ahas na nasa kanyang likuran. Ang ahas ay lumabas mula sa
kanyang likod at pinagsasama ang kanyang sarili sa paligid ng kanyang kamay tuwing
nararamdaman niya ang mga matinding damdamin.
Kristofer Martin bilang Gabriel "Gabo" Santillan
Lumaki si Gabo sa mga lansangan. Kahit na hindi siya nakatapos ng paaralan, siya ay
matalino sa kalye. Gagawin niya ang anumang bagay upang mabuhay
Enzo Pineda bilang Julian de Vera
Isang sikat na photographer. Siya ay kabilang sa isang mapagmahal na pamilya. Siya ay
tahimik at nakalaan ngunit ipinahayag ang kanyang sarili sa pamamagitan ng kanyang
mga litrato. Si Julian ay may kasintahan na nagngangalang Margarita ngunit sa huli ay
bumagsak din ang pag-ibig sa Eliana.
Lexi Fernandez bilang Margarita "Marga" Dominguez
Kasintahan ni Julian. Siya ay isang naghahangad na modelo, lumaki ang pinalayas at
ginagamit upang makuha ang lahat ng kanyang nais. Siya ay napaka mapagkumpitensya
at gagawin niya ang anumang bagay upang makuha ang kanyang nais
Jean Garcia bilang Isabel "Bel" Cascavel-Dominguez (dating Monteverde)
Ang anak na babae ng mayaman na mag-asawa, si Eddie at Aurora, na laban sa
kanyang pagmamahal sa mahihirap na Eman.
Jomari Yllana bilang Emmanuel "Eman" Dominguez
Eman ay isang malambot na nagsasalita at lubhang masipag na lalaki na nagmula sa
isang maralitang pamilya. Sa kabila ng kanyang mapapahamak na relasyon kay Isabel,
pinipilit ni Eman na maging isang walang-pag-aasawa sa Nora, kung kanino siya ay may
isang anak na babae-Margarita.
Chynna Ortaleza bilang Minerva
Ang kapatid na babae ni Nora, asawa ni Eman. Siya ay inilarawan bilang scheming,
ambisyoso at sakim. Pinoprotektahan niya ang kanyang pamangking babae, si Margarita
at karaniwang tumutulong sa kanya sa kanyang mga iskema laban kay Eliana. Sa
kanyang pakikipagsapalaran para sa kapangyarihan, pinahihintulutan niya ang kanyang
sarili na makagat ng kanyang alagang hayop na "black serpent" (isang mahiko itim na
ahas) at transformed sa isang halimaw ng ahas sa huling bahagi ng serye. Siya ay pinatay
ni Naja sa katapusan ng serye.
Leo Martinez at Eva Darren bilang Eddie at Aurora Cascavel
Ang mga mapagmahal at protektadong mga magulang ni Isabel, at mga lolo't lola kay
Eliana. May-ari ng sikat na "Cascavel Shoemart", tinatrato ni Eddie si Eliana bilang isang
mamahaling hiyas para sa paniniwala niya na ang huli ay ang kanilang masuwerteng
alindog na nagdudulot ng suwerte sa pamilya at negosyo.
Sherwin Revister (voice actor) bilang Naja
Ang twin ahas ni Eliana. Si Naja ay nakalagay sa likod ni Eliana at ibinahagi ang isang
utak ng galugod..
V. Mga Reaksyon
a. Sa Mga Nagsiganap:
Isang mahirap ngunit nakakapanabik na pagganap na sinubok ang talent ng bawat isa.
Mahusay at talagang napakagaling ng mga nagsiganap dito.
b. Istilo ng Manunulat ng Iskrip.
Ang istilo ng manunulat ng iskrip sa teleseryeng ito ay umantig sa bawat puso ng mga
manonood, dto mo makikita ang galling ng Pilipino lalo na sa larangan ng pagsulat. Bawat
iskrip ng mga nagsipagganap ay makikita ang makabuluhang mga salita.
c. Istilo ng Pagdidirehe
Bawat kilos at galaw ng mga tauhan ay masasabi kong malinis at pulido. Pinili at sinuring
mabuti ang mga
d. Mga Teoryang Pampanitikan
Teoryang Klasismo/Klasisismo
Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba
ng estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng mga pangyayari,
matipid at piling-pili sa paggamit ng mga salita at laging nagtatapos nang may kaayusan.
Teoryang Imahismo
 Ang layunin ng panitikan ay gumamit ng mga imahen na higit na maghahayag sa mga
damdamin, kaisipan, ideya, saloobin at iba pang nais na ibahagi ng may-adka na higit na
madaling maunawaan kaysa gumamit lamang ng karaniwang salita. Sa halip na
paglalarawan at tuwirang maglalahad ng mga imahen na layong ilantad ang totoong
kaisipan ng pahayag sa loob ng panitikan.
Teoryang Feminismo
 Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga kalakasan at kakayahang pambabae at
iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan. Madaling matukoy kung ang isang
panitikan ay feminismo sapagkat babae o sagisag babae ang pangunahing tauhan ay
ipimayagpag ang mabubuti at magagandang katangian ng tauhan.
D. Bisang Pampanitikan
a. Bisa sa isip
Dito ay matututunan mong lumaban at makontento sa bagay na mayroon ka.
b. Bisa sa damdamin
Kailangan mong maging metatag upang harapin ang hamon ng buhay.
c. Bisa sa kaasalan
Magkaroon ng bukas na kaisipan at bigayng-halaga ang mga taong nakapaligid sayo.
d. Bisa sa lipunan
Maging handa sa banta ng mundo sayo, ngunit huwag kang basta-basta sumuko, kundi
gawin mo itong lakas upang bumangon.
e. Bisa pangmoral
Mayroong pag-asa sa bawat hakbang ng iyong mga paa.
“Bukas ng Kahapon 1944”
Ni: Carolyn C. Cerezo
Isang masayang lugar sa nayon ng San Julain ako nakatira. Lugar na pawang kababaihan lamang
ang nanunungkulan. Isang kilalang pamilya ang aking kinalakihan, at ang aking ina ang pinakalider
roon. Sa aking musmos na mga mata nasaksihan ang mga karumal-dumal na pangyayari na hindi
ko makakalimutan. Dumating ang isang araw na hindi inaasahan ng lahat. Napakaraming
sasakyang pandigma, at mga sundalong dayuhan ang aking mga nakita na may hawak ng pulang
bandila. Tumunog ang malakas na ugong ng kampana. Hinila ako ng aking ina papasok sa isang
tagong lugar, sa ilalim ng lupa. “inang, ano po ang nangyayari?” “huwag kang lumabas dito anak,
dumating na ang araw ng digmaan.” Mga salitang lubos na hindi ko maintindihan.” Inang wag kang
umalis.” Pilit inaalis ng aking ina ang kamay ko sa laylayan ng kaniyang kasuotan, hanggang sa
mabitawan ko iyon, at siya’y umalis. Pinilit kong samahan siya ngunit hinawakan ako ni Tiya Ising;
“Delikado sa labas, huwag kang aalis.” Napakasikip ng kinalalagyan namin sa ilalim ng lupa,
maya’t maya ay may marinig akong mga putukan. Nagpumiglas ako sa pagkakahawak ni Tiya
Ising, pinilit kong lumabas, umakyat ako sa isang kahoy na hagdanan, at narating ko ang tuktok,
pilit akong tinatawag ni Tiya Ising na bumaba, ngunit ‘di ako nagpapigil. Binuksan ko ng kaunti ang
takip na tanging mata ko lamang ang nakasilip, nang makita ko ang mga nakahandusay na
katawan. Hinila ako ni Tiya Ising, at nahulog akong tulala sa aking nakita. “Tiya, bakit sila nakahiga
sa lupa? Nakita ko si Ate Linda, si Manang Josie, nakahandusay po sila sa lupa…” Sa mga oras
na iyon ay umiyak si Tiya Ising nang marinig niya ang aking sinabi. Si ate Linda ay kaisa-isang
anak ni Tiya Ising. At si Manang Josie naman ang ina-inahan ng Tiya Ising. Napabungha siya ng
iyak kasabay ng mga salitang: “Babawian ko sila, babawi ako.” At nagsabing “Kahit anong
mangyari, dito ka lang, huwag kang lalabas. pupuntahan ko lang ang Ate Linda at Manang Josie
mo…” “Pero Tiya, tulog po sila…” sambit ko. Binigay ni Tiya Ising ang kaniyang bandana sa akin.
“Hahanapin ko rin ang nanay mo, dito ka lang. Ang bandanang iyan ay gamit ko na magmula
pagkabata ko, sa iyo na lamang iyan.” Sabay ang pag-agos ng luha niya. “Tiya, wala po akong
kasama dito, natatakot po ako.” sambit ko. “Huwag kang matakot.” Sabay nang pag-akyat niya at
lumabas.
Ilang oras na ang nakalipas, hindi pa bumabalik si Tiya Ising, maging si Inang. Naramdaman ko
ang gutom, kaya’t naisipan kong lumabas. Binuksan ko ang takip at nakita kong madilim na ang
paligid, gabi na pala. Lumabas ako at hindi nasunod ang sinabi ni Tiya Ising. “Inang… Tiya…
Inang…Tiya..nasa’n na kayo? Natatakot po ako.. Tiya,.. Inang..” Tahimik ang aming nayon sa oras
na iyon, hindi ko makita ang aking Tiya at Inang. Nang may masilayan ko ang isang ilawan sa
tindahan ni Aling Damyan. Mga sundalong dayuhan, pawang nagtatawanan at umiinom ng isang
bote ng alak. Nang makilala ko ang isang babaeng umiiyak na hawak nang isang sundalo.
“Inang.??”
Palapit na sana ako nang may humila sa akin sa puno, “Huwag!” sambit ng isang lalaki. “Bakit mo
ako pinipigilan? Nanay ko ang babaeng umiiyak doon, hindi ako papayag na makita siyang
umiiyak.” sagot ko. “Hindi, hindi mo ako naiintindihan eh…delikado sila. Halika! Magtago na tayo!”
Ngunit bago pa kami makaalis ay may narinig akong isang putok. Tumingin ako sa kasama ko at
bumalik kami sa puno, muli kaming sumilip sa kinaroroonan ng aking inang. Gusto kong lumapit
ngunit delikado gaya ng sinabi ng kasama ko. Nang makita kong nakahandusay si Inang sa lupa.
“Inaa….” Tinakpan ng bata ang aking bibig.. “Bakit ba? Si Inang ko.. nakita ko na gaya ng nangyari
kina ate Linda at Manang Josie.” Sagot ko “Patay na siya..” sabi niya. “ Gusto mo bang magaya ng
mga nakikitang mong nakahandusay sa lupa?” dugtong pa niya. “Hindi,.pero si inang koooo”.Hinila
niya ako dahil ayaw niya kaming marinig ng mga sundalo.
Dinala niya ako sa isang lugar sa ilalim ng lupa. “Teka, ganito din ang pinag-iwanan sa akin ng
aking Tiya Ising, bakit may ganito ka rin?” tanong ko. “Mamaya ko na ipapaliwanag, pumasok ka
muna..” sagot niya.
Pagpasok naming nakita ko ang maraming pagkain. Sa gutom ko ay agad akong lumapit at kinain
ang nakahandang pagkain. “Gutom kana pala.” At tinawanan niya ako.
“Ako nga pala si Ben, katulad ng nakita mo sa nanay mo, ganun din ang nangyari sa itay ko,
maging mga kapatid kong babae ay walang awa nilang pinatay, ako lang ang natira sa aming
lahat”. Nalungkot ako nang marinig ko ang sinabi ni Ben. Naalala ko si Tiya Ising, hindi ko pa siya
nahahanap. “Ang ngalan ko ay Lenlen, hinahanap ko si Tiya Ising dahil nangako siyang babalikan
niya ako. Ano ba ng nangyayari? Bakit may mga sundalo? Bakit nila pinapatay ang mga tao?”
“Dahil gusto nilang sakupin ang bayan natin, ang lugar na ito ay pinaghihinalaang may mga
kayamanan na nakatago at sa lugar na ito, mga babae ang pinapatay dahil mga kababaihan ang
namumuno dito, nalaman ko ito dahil nakita kong dinukot ang iyong ina, sinundan ko sila, at
pinahirapan ang iyong ina at sinabi ng mga dayong ito na sila ang mamumuno sa lugar na ito. Pilit
na ipinaglaban ng iyong ina ang karapatan ng bawat isa ngunit pinagbabaril ang lahat ng babae.”
“Bakit mo kilala ang aking ina? At bakit mo ko tinatago kasama ka, samantalang malaya ka naman
pala?”
“Dahil ibinilin ka sa akin ng iyong ina.” Isang nakakabinging katahimikan ang nangibabaw sa mga
sinabi niya at napaluha ako.
“Sa kalagitnaan ng putukan kanina, nilapitan ko ang iyong ina sa likod ng isang bahay kung saan
siya ay nakagapos. Gusto ko siyang tulungan ngunit tumanggi siya, at ibinilin ka niya Lenlen sa
akin.”
Sa pagbuhos ng aking mga luha, sabay ng pagkatulog nang hindi ko namalayan.
Kinabukasan, nagising ako na hindi nakita si Ben. Malawak kung titignan ang lugar na ito sa ilalim
ng lupa. Parang handang-handa ang lugar na ito para sa digmaan, dahil may mga de lata at iba
pang pagkain ang nakaimbak dito. Inilibot ko ang aking paningin sa lugar na iyon nang makita ko
ang isang larawan, nang palapit na ako ay biglang dumating si Ben. “Ah, Ben, saan ka galing?”
“Huwag mong hawakan ang mga larawan dito, nanggaling lang ako sa labas, tinignan kung
naririyan pa ang mga sundalo.” “Nariyan paba sila?” “Narinig ko na aalis sila mamaya, sa kanilang
pag-alis, lumayo na din tayo sa lugar na ito.” “Ha? Eh Bakit? Sigurado akong hinahanap ako ng
aking Tiya Ising, hanapin muna natin siya bago tayo umalis… pwede bang hanapin mo siya para
sa akin?”. Matapos ang pag-uusap naming ni Ben, ay bigla lang siyang umalis. Sa kaniyang
pagbabalik, malungkot niyang ibinalita na wala na si Tiya Ising. Sa mga oras na iyon ay parang
gumuho ang mundo ko. Inakbayan ako ni Ben upang kumalma. Tinapik-tapik ang aking likod
hanggang tumigil ang luha ko. Nang kumalma ako, nakapag-usap kami ni Ben; “Ben, ilang taon
kana ba? Asan na ng itay mo?”. Ngumiti si Ben, at nagsabi, “Labing limang taong gulang na ako, si
itay nanatili sa ibabaw ng lupa.” “Seryosong sagot ba yan? Ako naman magpapakilala, Ako si
Lenlen, labing-tatlong taon gulang” “Ah, di ko tinatanong.” “Sandali lang, bakit mo pala ako
tinatago? Bakit parang ang halaga ko sayo? May gusto ka ba sa akin?” Natawa siya nang sabihin
ko iyon, “Ikaw bata ka, ang dami mo ng nalalaman na ganyan. “Bakit ba kasi nangyayari ito sa
lugar natin, sa ibang bayan kaya? Ganito din ba kaya? Anong ginagawa ng pamahalaan? Bakit
hanggang ngayon ay mayroon paring kaguluhan.?” “Lenlen, mahirap kasi tayo makita lalo na maliit
at liblib na lugar ang bayan natin.”
Makalipas ang ilang araw, matapos ang araw ng pagdating ng mga sundalo, nagpaalam si Ben na
lalabas upang tingnan ang mga sundalo. Sa kaniyang pag-akyat pataas upang lumabas, may
nahulog sa kaniyang bulsa na isang papel. Tatawagin ko sana siya subalit mabilis siyang nawala.
Binasa ko ang laman ng papel na ito, isang sulat pala.
“Ben, sa pagdating ng mga dayuhan, itago mong maigi si Lenlen, ingatan mo siya at itago sa mga
sundalo. Alam kong mali ang itago sa kaniya ang katotohanan ngunit iyon ang dapat. Huwag mo
siyang ipapakita kaninuman. Ilang beses na nila akong pinagbantaan na papatayin ako kung hindi
nila makuha si Lenlen, kaya kong ibigay ang buhay ko, mailigtas lang si Lenlen. Ito lang ang hiling
ko bago ako sumuko sa kanila. Sa araw nang pagdating nila, itatago ko siya sa ilalim ng lupa sa
likod ng bahay naming, kung hindi mo man siya makita roon, hanapin mo siya, huwag kang titigil.
Salamat anak.”- Ang iyong inang, Lisa.
Sabay ng pagtatanong ng aking isipan, sino si Ben? Bakit sumulat sa kaniya si Inang? Anong
itago? Naguguluhan na ako.
Matapos ang ilang oras, dumating si Ben. Ako’y labing-tatlong taong gulang na ngunit gulong-gulo
ang isip ko. Tinawag ko si Ben, at ipinakita ang sulat ni Inang.
“Ben, Ano to? bakit ka sinulatan ni Inang nang ganito? Sino kaba talaga?” tanong ko ng paulit-ulit
sa kaniya.
Umupo siya at ginulo ang buhok ko. “Ben, ano? Ano?! Sabihin mo ang totoo, bakit ako hinahanap
ng mga sundalo. Bakit kailangan mo akong itago?” naguguluhang tanong ko.
“Wala. Wala yun.” Sagot ni Ben, ngunit hindi ako naniniwala. pinagsasampal ko ang mukha niya.
Nang sumagot siya. “Pinatago ka niya sa akin dahil hinahanap ka ng tunay mong ama, isang
sundalong dayuhan. Hinahanap ka nila, hindi upang mahalin, kundi upang patayin kapag hindi mo
sinabi kung nasaan ang kayamanan ng bayang ito, proprotektahan kita dahil ikaw ang sagot sa
misteryong kayamanan ng baying ito.”Anong kayamanan? Wala akong alam riyan.” Alam mo iyan.”
Pagkumbinsi ni Ben. Nang maalala ko ang mga salitang huling sinabi ng aking ina. “Anak, Lenlen,
ikaw lamang ang nag-iisang kayamanan ko, maging ng bayang ito.” Naguluhan ako. Ako? Ako ang
kayamanan? Paano nangyari ito?!”
“Gissssssssssssssssssssssiiiiiiiiiiiinnnnnnnnnnnnngggggggggg”
Nagulat ako sa malakas na sigaw ni … “Mommy?” “Liza, mabuti naman at gising ka na, ang haba
ng tulog mo, tanghaling tapat na.” “Sorry mom, nanaginip ako, parang totoo.” “Nako anak, epekto
‘yan ng pagbabasa mo ng wattpad., maligo kana at magbihis, may bisita tayo ngayon…”
Sa pagbaba ko sa hagdan naalala ko ang hagdan sa ilalim ng lupa. Natanawan ko si Lola Lenlen.
Agad ko siyang niyakap. “Lola, ang tagal niyong hindi dumalaw ah”. (napatingin ako kay.) “Lolo
Ben?” Agad kong niyakap si Lola Ben, ang kuya ni Lola Lenlen. “Ang tagal ko po kayong gustong
makita Lolo.” Si Lolo Ben ay galing sa America, matagal na panahon at tanging sa kwento lamang
ni Lola Lenlen ang alam ko.” Sa aming kwentuhan, napangiti ako at naalala ang mga tao sa
panaginip ko. Hindi kailanman mababago ang kahapon ng bukas na darating, kahit sa panaginip
ay naranasan ko ang buhay noon nila Lola Lenlen at Lolo Ben.

You might also like