Piyesa para Sa Buwan NG Wika
Piyesa para Sa Buwan NG Wika
Piyesa para Sa Buwan NG Wika
-MAIKLING KWENTO-
"PAGPAPAHALAGA SA SARILING WIKA"
Na isinulat ni Binibining Alecxandra Berenguer
Sa isang nayon nakatira ang pamilya ni Pepay,sya ay laki sa bukid at mahirap lamang.Isang araw habang
naglalakad si Pepay pauwi sa kanilang bahay galing sa bukid nakasalubong nya ang matalik nyang kaibigan na
si Maria at tinawag sya nito.
Hanggang nakauwi na sila sa kanilang mga bahay ay yoon parin ang iniisip ni Pepay.
PEPAY:Andito na po ako Inay!
INAY:O sige magpahinga kana at kakain na tayo.
PEPAY:Ay Inay may sasabihin nga po pala ako sa inyo,nabalitaan nyo na po ba ang pagalis ng asignaturang
filipino sa kolehiyo?
INAY:Oo,usap usapan yan sa bayan kanina.
PEPAY:Nakakainis lang ho Inay tila ba sapat na ang kanilang kaalaman upang sumang ayon sa pagtanggal nang
asignaturang ito sa kolehiyo.
INAY:Tatanggalin lang naman daw sa kolehiyo hindi naman sa ating pagkatao.
PEPAY:Ganun din yun Inay parang inalisan narin tayo ng karapatang gamitin ang sariling wika natin,tila isa
tayong banyaga sa sarili nating bansa.
INAY:Haynako! Pepay kumain ka na nga lang,respituhin mo nalang ang kanilang desisyon.
PEPAY:Nakakalungkot isipin na ang mismong sariling wika ay tatanggalan ng halaga samantalang ang wikang
banyaga ay bibigyan ng importansya.
Tumigil na nga si Pepay ngunit hindi nanahimik ang kanyang kokote sa pagiisip.Gusto nyang malinawan ang
mga katanungan na tumatakbo sa kanyang isipan.