(Halaw sa Opisyal na Piyesa ng BULPRISA Tula 2017) Elementarya Antas 1
PAG-ASA Ni Regie J. Olaira
Tayong mga Pilipino ay may isang kasabihan,
Bawat taoy may pag-asa habang siyay nabubuhay Totoo ngang may pag-asa kainlanman, kaninuman, Itoy makamtan kung naisin ng sangkatauhan.
Ang mga taong pulubiy palaboy-laboy sa daan
May pag-asang makakamit kung silay tutulungan, Pagkaing hiningi at limos sa mga taong bayan Umaasa na balang araw, pag-asay makamtan.
Ang pag-asa ay isang inspirasyon ng mga tao
Na siyang naging gabay upang maging matatag tayo, Matiyaga sa lahat ng gawain upang umunlad Ang pag-asay makamit ng mga taong nangangarap. Calvary Christian Academy Piyesa ng Tula sa Buwan ng Wika 2017 (Halaw sa Opisyal na Piyesa ng BULPRISA Tula 2017) Mataas na Paaralan Antas 1
BINANTAYOG NA LAYUNIN Ni Jaime S. Sumpaico
Binantayog: pagsisilbi sa likod ng mga taon,
Pangalan moy napabantog noon pa mat maging ngayon; Kabuuang pagbabago na kakambal ng panahon, Ang dito sa akademya ay layuning mapausbong, Sa landasin ng pag-unlad, liwanag kang isang tinghoy, At ningas na tumatanglaw sa bukas na naghahamon.
Tinatahak na tradisyon ang programa ng gampanin,
Nitong mga akademyang pusot diway nagkadupil; Deklamasyon, talumpati saka tulay mga sining, Sinaliwan ng musika at nag-uyaying awitin; Larangan ng paglalaro nag-anyaya sa damdamin, Mens sana corpore sano* nagdiwang sawikain.
Akademya at BULPRISA iisa sa paglilingkod,
Kabuuang pagbabago ay tiyagang ibinunsod; Sa linang ng pagsisikap mga binhing isinabog Ay ang binhi ng pagsuong may tag-aning tuwat lugod; Ang sasag ay nangako sa pintugang sumisinop, Bawat gabiy may umaga, may ginhawa bawat pagod.
*mens sana in corpore sano malusog na pag-iisip sa malusog na pangangatawan