Filipino Sara Test 1

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

SARA FELICIO FILIPINO TEST

I. Buuin ang pangungusap gamit ang tamang panghalip panao. Piliin ang tamang sagot sa loob
ng kahon

1. Charlie ang pangalan ko. _______ay anim na taong gulang.


2. Ikaw, si Larry at ako ang kakanta sa Linggo. Dapat _______ magsanay.
3. Si tita Glenda ang nag-aalaga sa akin. ________ ang lagi kong kasama.
4. Ako at si Sam ay sasama sa Hiking. Magdadala _________ tent at pagkain
5. Naglalaro sina Marc at Romeo sa parke. Napagod na _______ at umuwi.
6. Malayo pa ang inyong pinanggalingan Tito Mike at Tita Pelita, uminom po muna
_______ ng tubig.
7. Zach pakikuha mo nga yung libro sa lamesa. ________ na ang susunod na mag
babasa.
8. Sina Gng. Jose aat Bb. Reyes aang mga bagong guro. ________ ang magtuturo sa atin
ng Math at Filipino.
9. Naririnig mo ba iyon? Natatakot ________.
10. _______ ba si Polly? Dumating na ang iyong pinadeliver na pagkain.

II. Isulat sa patlang ang kaantasan ng pang-uri na may salunguhit . Isulat ang L kung ito ay
pang-uring Lantay, PH kung ito ay pahambing at PS kung pasukdol.
A.
1. Si Crissa ang pinakamahusay sa klase ni Bb. Bergado.
2. Mas malinis ang aking silid kaysa sa kwarto ng aking kapatid.
3. Ang buhok nil Lola Chita ay kasimputi ng ulap.
4. Ang mga bata ay magagalang sa kanilang mga magulang.
5. Singtangkad n ani Mario ang kaniyang tatay.
B. Piliin ang letra ng tamang sagot.
1. Ang kanilang bahay ay _____.
A. lalong maganda B. higit na maganda C. mas maganda D. maganda
2. _____ ang kanyang sapatos kaysa sa akin.
A. maliit B. mas maliit C. napakaliit D. ubod ng liit
3. Ang aking silid ang _____ sa lahat ng kuwarto sa bahay.
A. Malaki B. mas malaki C. pinakamalaki D. lalong malaki
4. _________ siya kaysa ka kuya niya.
A. Mabait B. Mas mabait C. pinakamabait D. lalong mabait
5. Ang niya ay _________. Kaya ayoko lumapit sa kanya.
A. Nakakatakot B. mas nakakatako C. Pinakanakakatakot D. lalong nakakatakot
III. Piliin ang tamang aspekto ng pandiwa na bubuo sa pangungusap.
1. Bukas _____ ang magpipinsan upang dalawin ang kanilang lolo at lola sa Maynila.
A. luwas B. lumuwas C. luluwas D. lumuluwas
2. Si Karen ay _____ ng damit kahapon.
A. laba B. naglaba B. maglaba C. maglalaba
3. Mamaya ko na ________ ang aking takdang aralin.
A. Sagot B. Sasagutan C. magsasagot D. nasagutan
4. May pasok na bukas kay _________ ko na ang aking mga gamit.
A. handa B. ihahanda C. naghanda D.maghahanda
5. Kanina ay ________ ako habang tumatakbo.
A. dapa b. nadapa C. dumapa D. nagdapa
6. _________kami ng eroplano sa susunod na buwan.
A. Sumakay B. Sasakay C. Sumasakay
7. Ako ________ ng durian sa susunod na araw.
A. bumili b. bibili C. bumibili
8. Sa Martes _________ang pinsan ko mula probinsya.
A. dumating B. dumarating C. dadating
9. ________ sila ng kanilang silid sa Lunes.
A. nag- ayos b. mag-aayos C. nag-aayos.
10 . Masaya ang silang ________ habang kumakanta.
A. Naglakad B. Naglalakad C. Lumakad
IV. Isulat sa patlang kung ang salitang may salungguhit ay ginagamit bilang pang-uri o pang-
abay.
1. _____________ Ang tumatakbong kabayong itim ay matulin.
_____________ Matulin tumakbo ang kabayong itim.
2. _____________ Masigla ang mga tao tuwing piyesta.
_____________ Masiglang sumasayaw ang mga tao sa piyesta.
3. _____________ Ang guro namin ay mahusay magpaliwanag ng mga kababalaghan.
_____________ Mahusay ang paliwanag ng aming guro tungkol sa mga
kababalaghan.
4. _____________ Magaling magsulat ng mga kuwentong pambata si Flor.
_____________ Si Flor ay isang magaling na manunulat ng mga kuwentong pambata.
5. _____________ Ang tatay ni Doris ay isang matiyagang manggagawa sa Saudi Arabia.
_____________ Matiyagang naghahanapbuhay ang tatay ni Doris sa Saudi Arabia.
6. _____________ Maayos ang pila ng mga deboto sa prusisyon.
_____________ Idinaos nang maayos ang prusisyon ng mga deboto.
7. _____________ Madaling nakumpuni ng magkapatid ang sirang bubong.
_____________ Ang pagkumpuni ng sirang bubong ay madali para sa magkapatid.
8. _____________ Ang buhay ng mag-anak na Santos sa probinsiya ay maginhawa.
_____________ Ang mag-anak na Santos ay maginhawang namumuhay sa probinsiya.
V. Isulat ang tamang pang-angkop na ( na, ng, g ) bubuo sa pangungusap.
1. Bago____ bili ni Ate Nadia ang itim na sapatos.
2. Isa siya sa pangkat _____ piniling kumanta sa konsiyerto.
3. Sila ay naghanda at nag-ensayo sa loob _____ tatlong linggo.
4. Nais ko na marinig ang mala-anghel ____ boses ng mga mangaawit.
5. Ang konsiyerto ay itatanghal sa isang malaki___ bulwagan.
6. Lahat ay inaanyayaan__ manood ng itatanghal _____ konsiyerto.
7. Sumabay tayo sa kotsen___ sasakyan ni Nadia para hindi tayo mahuli.
8. Mayroon daw dadalo____ espesyal _____ panauhin.
9. Napakagara ng mga barong Tagalog _____ suot ng mga lalaki____ mang-aawit!
10. Nakasulat sa programang ito _____ ang pangkat ni Nadia ay ika-apat na aawit.

You might also like