0% found this document useful (0 votes)
803 views

Filipino

Ang dokumento ay tungkol sa bakasyon ng may-akda sa Bicol kasama ang kanyang pamilya upang ipagdiwang ang Pasko. Dahil sa traffic at pandemya, naging mahaba at mahirap ang byahe nila. Ngunit nakapagdiwang pa rin sila ng Pasko kasama ang kanilang lola at kamag-anak sa Bicol at nakapag-bonding sila sa kabila ng mga pagsubok.
Copyright
© © All Rights Reserved
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
803 views

Filipino

Ang dokumento ay tungkol sa bakasyon ng may-akda sa Bicol kasama ang kanyang pamilya upang ipagdiwang ang Pasko. Dahil sa traffic at pandemya, naging mahaba at mahirap ang byahe nila. Ngunit nakapagdiwang pa rin sila ng Pasko kasama ang kanilang lola at kamag-anak sa Bicol at nakapag-bonding sila sa kabila ng mga pagsubok.
Copyright
© © All Rights Reserved
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 4

Mga Mahahalagang Pangyayari sa Aking Bakasyon

Ang Pasko ay ang pinakamahalagang pagdiriwang


sa bawat Kristiyanong pamilya, karamihan ay nagsasama-
sama upang ipagdiwang ito. Kaya naman
napagkasunduan ng aming pamilya na umuwi sa Bicol
upang dalawin at makasama namin ang aking Lola at
mga kamag-anak. Ang Pasko ay ang pinakamahalagang
pagdiriwang sa bawat Kristiyanong pamilya dahil ito ang
kapanganakan ni Hesus at maraming pamilya ay nag-
fafamily outing para salubungin ang Pasko.

Disyembre 19 maaga kami gumising at naghanda


para umuwi sa Bikol. Hindi kami nakapag-almusal kaya
nag drive thru kami sa Jollibee Morong. Pagkatapos
kumain ay nagmaneho ulit ang Tatay ko pauwing Bicol.
Mga Ika 4 ng hapon ng bigla kaming tumigil dahil sa
traffic na naidulot ng banggaan ng bus sa Naga. Sa gutom
ay lumabas ang Tatay ko ng sasakyan upang maghanap
ng mabibilhan ng pagkain. Sa kabutihang palad ay
nakabili sya ng cup noodles, itlog at kape na
pinagsaluhan naming tatlo. Mga ika sampu na ng gabi ng
muling nakagalaw mga sasakyan. Dahil sa pangyayaring
iyon ang dapat sana labindalawang oras na biyahe
naming ay inabot ng dalawamput dalawang oras,
dumaing kami sa bahay ng Lola ko Ika tatlo na ng umaga
Disyembre 2020.Talagang nakakapagod ang byahe namin
dahil sobrang haba kaya pagkatapos naming kumain ng
agahan ay natulog muna ako kasama ang Nanay at Tatay
ko. Pagising naming ay binati ko ang mga pinsan ko, kami
ay naglaro at nagbalitaan sa mga pangyayari sa aming
buhay. Dahil sa banta ng Covid 19 ay minarapat naming
na huwag na lang ituloy ang plano naming na maligo sa
dagat at kami ay mag-home quarantine muna. Disyembre
24 nagluto ng handa namin ang Nanay, Lola at pinsan ko.
Ika labing-isa ng gabi ng ginising ako ng Nanay ko upang
kami ay magsalo-salo. Kumain kami ng Buffalo Wings, Ice
Cream, Spaghetti at Pata. Nagbigay din ng aginaldo ang
Nanay at pinsan ko kaya kami ay masayang masaya.
Umaga ng Disyembre 25 ay pumunta kami sa Legazpi
Boulevard upang Mamasyal. Pagkatapos nun ay
dumiretso kami sa Farmland is ring lugar na pasyalan sa
Daraga, Albay. Kami ay ng kuhanan ng larawan sa
nagagandahang Christmas lights at decorations. Dahil sa
mauling ay madulas at talaga naming maputik. Nakita din
naming doon ang smallest Chapel sa Pilipinas. Disyembre
26 ay maga kami gumising at pumunta sa likod ng bahay
upang magpa araw ng aming likod. Pagkatapos kami ay
pumunta sa bukohan ng Tita ko upang Manguha ng buko.
Ang Tatay at Tito ko ay namulot ng ipinakuha nilang
buko. Kumuha rin ako ng larawan at video habang
namumulot sila ng buko. Ang iba ay kinain namin doon
sa bukohan samantalang ang iba naman ay ini uwi
naming sa bahay ng Lola ko. Disyembre 27 ay maaga
kami gumising upang maghanda pabalik sa Binangonan.
Pag alis naming ay madaming ipinabaon ang Lola ko,
anim na Mamnok, isang kaban ng bigas at mga halaman.

Ang mga malulungkot at masasayang pangyayari sa


aking bakasyon ay sa malungkot, hindi kami masyadong
nakagala dahil naka-home quarantine po kami at puro
checkpoint ang mga pasyalan at para sa masaya nakagala
naman po kami ng kaunti at naipagdiwang ko ang Pasko
kasama ang mga pinsan at lola ko. Nakakuha din ako ng
mga larawan ng mga hayop na hindi ko pa nakita dito sa
Binangonan at naging masaya naman ako. Nakita ko din
ang mga ibang tourist spot na hindi ko pa nakikita dahil
lagi ako pumupunta sa mga sikat na pasyalan.

Tunay nga na kami ay nagkaroon ng makabuluhang


bakasyon dahil nadama namin at naipadama rin naming
ang aming pagmamahal sa bawat isa. Hindi man naming
nagawa lahat ng aming plano dahil sa pandemic pero ang
mahalaga ay nagunita naming ang kapanganakan ng
Panginoong Hesus ng Ligtas at sama sama. Kahit hindi
kami masyadong nakagala, ang importante ay sama sama
ang Pamilya na ipinapagdiwang ang Pasko.

You might also like