Aral Pan Lesson Plan

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan

Baitang 7
Inihanda ni: Joanna April Juyo

I. Layunin
Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang :
a. Naipapaliwanag ang sinaunang kabihasnan sa timog-silangang asya,
b. Naisasagawa ang mga gawain batay sa paksang tinalakay at naipahayag
sa klase,
c. Napapahalagahan ang kabihasnang ng mga pangkahariang
pangkontinenteng Timog-Silangang asya.

II. Nilalaman
A. Paksa: Mga Kahiriang Pangkontinteng Timog-Silangang Asya
B. Sanggunian: Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba, Pahina 152
C. Kagamitan: Visual aids at larawan

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagtala ng Liban
4. Balik Aral
5. Pagganyak ( Jumbled picture)
Tatawag ng mga estudyante ang guro. Hayaan ang mga
estudyante na buohin ang mga larawan na hindi nakaayos.
Kaakibat na tanong:
 Nakaayos ba ng tama ang sagot nila?
 Ano ang nakikita niyo sa larawan?
 Sa tingin niyo, ano ang paksa na tatalakayin natin ngayon?
B. Paglinang na Aralin
1. Aktibiti
“Kulayan Mo”
Tatawag ang guro ng mga estudyante upang kulayan ang watawat
na nasa pisara.

2. Analisis
Tutukuyin ng guro ang bawat sagot ng mag-aaral.
Itanong ang mga sumusunod:
 Tama kaya ang mga kulay na ginamit niyo?
 Ang kulay ba ay nasa angkop nakalagay?
3. Abstraksyon
Ididikit at ipapaliwanag ng guro ang mga impormasyon tungkol
sa watawat ng Pilipinas.

Ang pinakamahalagang sagisag ng ating bansa ay ating watawat.


Ang ating bansa ay nananatiling malaya hangga’t nakikita nating
nakataas at nakawagayway ang ating bandila.
Si Heneral Emilio Aguinaldo ang nagdisenyo ng unang watawat ng
Pilipinas. Inatasan ni Heneral Aguinaldo si Marcela Agoncillo, na tahiin
ang unang watawat ng Pilipinas. Tumulong kay Marcela Agoncillo na
tumahi ng unang watawat ng Pilipinas ay sina Lorenza Agoncillo at si
Delfina Herbosa de Natividad. Ang tatlong babae ang naghirap sa
paggawa ng watawat. Pagkatapos ng limang araw, iniharap ni Marcela
ang watawat kay Heneral Emilio Agiunaldo.
Ang pambansang watawat ng Pilipinas ay may araw na walo ang sinag,
at tatlong bituin, parehong kulay dilaw, at nakapatong sa puting tatsulok
na equilateral. Sa gawing taas ng natitirang bahagi ay ang kulay asul at
sa ibaba nito ang kulay pula.
Tatlong Bituin - Luzon, Visayas, Mindanao
Walong Sinag ng Araw – Cavite, Batangas, Laguna, Maynila, Nueva
Ecija, Tarlac, Pampanga at Bulacan.
Mga Kulay – Puting tatsulok, Asul, Pula
Pagkatapos ng pagtatalakay, magtatanong ang guro sa mga
estudyante.
 Ano ang tinalakay natin ngayong hapon?
 Ano-ano ang makikita sa watawat ng Pilipinas?
 Ano ang mga sumasagisag sa simbolo ng watawat ng Pilipinas?
4. Aplikasyon
Papangkatin ang klase sa apat. Gagawa sila ng tula kung saan
maiihayag ang mensahe na tungkol sa watawat ng Pilipinas.
Pamantayan:
Nilalaman : 10
Orginasasyon : 5
Pagkamalikhain : _5_
20 puntos
C. Paglalahat
 Bilang isang mag-aaral, mahalaga ba na malaman niyo ang
kahulugan ng ating pambansang watawat?
 Bilang isang mamamayang Pilipino, kailangan ba na malaman
ang kahulugan ng mga simbolo ng bandila ng Pilipinas?
IV. Pagtataya
Panuto: Sa isang kalahating papel (1/2). Sagutan ang mga katanungan
at isulat ito sa patlang.

1. Si Heneral Emilio Aguinaldo ang nagdisenyo ng unang


____________________. 2. Nagdala siya ng disenyo kay
____________________, ang sugo sa pamahalaang rebolusyonaryo. 3.
Ang taong nagtahi ng unang watawat ng Pilipinas sa tulong ni Lorenza
Agoncillo at ni Delfina Herbosa de Natividad ay si ____________________.
4. Ang kulay ng itaas na bahagi ng pambansang watawat ay
____________________. 5. Ang kulay na ito ay kumakatawan sa
kapayapaan, katotohanan at ____________________. 6. Ang ibabang
bahagi ng watawat ng Pilipinas ay ____________________. 7. Ang kulay
na ito ay sumasagisag ____________________, katapangan at ang
kahandaan ng mga Pilipino na mamatay para sa bansa. 8. Ang puting
____________________ ay nasa kaliwang bahagi ng pambansang
watawat. 9. Ang tatlong bituin ay kumakatawan sa
____________________ ng Pilipinas. 10. Ang ____________________ ay
sumasagisag sa walong lalawigan na nakipaglaban laban sa Espana.

V. Takdang-Aralin

Panuto: Sa isang buong papel. Sagutan ang mga tanong.

1. Ano ang pambansang awit ng Pilipinas? Isulat ang lyrics nito.


2. Ano ang kahulugan ng pambansang awit ng Pilipinas? Ilarawan sa
pamamagitan ng anim na pangungusap.

You might also like