Q3 HG 7 Week5

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Asignatura Homeroom Guidance Baitang 7

W5 Markahan Ikatlo Petsa


I. PAMAGAT NG ARALIN Pagpapakita ng Positibong Gawi tungo sa Kapayapaan sa Tahanan
II. MGA PINAKAMAHALAGANG Pagtugon sa pangangailangan ng komunidad tungo sa kapayapaan
KASANAYANG PAMPAGKATUTO (Respond to the needs of the community towards peace)
(MELCs) HGJPS-IIId-14
III. PANGUNAHING NILALAMAN Nagagamit ang kakayahan upang maprotektahan ang sarili at kapwa tungo sa
mga mabisang paraan ng paglutas ng problema.
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO

I. Panimula (Mungkahing Oras: 10 minuto)


Bilang isang mag-aaral, isang malaking parte ng iyong buhay ang iyong kinabibilangang pamilya. Ang samahan sa
loob ng tahanan ay may malaking papel na ginagampanan sa iyong paglaki, pagkatuto at paglago bilang tao. Dahil dito,
ang mga positibong gawi na makikita sa loob ng tahanan ay madadala ng bawat miyembro patungo sa mas malaking
lipunan na kanyang ginagalawan.
Tinalakay natin sa nakaraang aralin ang mga epektibong paraan upang harapin ang mga problema sa buhay.
Kaugnay nito, mahalaga ring malaman natin kung anu-ano ang mga gawi na maaari mong taglayin bilang isang kabataan
sa loob ng tahanan.
Bilang isang anak, paano mo naipapakita ang kabutihan sa loob ng inyong tahanan? Ano ang naidudulot ng iyong
mga gawi at ugali sa iyong mga kasama sa bahay?
Sa araling ito, mas higit nating palalalimin ang iyong kaalaman tungkol sa pagpapakita ng mga positibong gawi sa
loob ng tahanan at kung paano nakakatulong ang mga ito sa pagpapanatili ng kapayapaan sa loob ng tahanan.
D. Pagpapaunlad (Mungkahing Oras: 30 minuto)

Marahil ay natatanong mo sa ang iyong sarili kung paano nga ba makakamit ang kapayapaan para sa iyo at sa iyong
tahanan. Ang bawat tahanan ay may kanya-kanyang katangian at miyembro na bumubuo dito. Anuman ang inyong
kalagayan, maaari pa ring matamo ang kapayapaan. Paano? Narito ang mga mungkahing paraan upang matamo ang
kapayapaan sa loob ng tahanan:
Una, mahalaga ang pagsunod sa mga magulang at mga nakatatanda. Ang mga maling pasiya ay maaaring
humantong sa malalaking suliranin kung kaya’t mas mabuting humingi ng tulong at gabay sa mga nakatatanda at sa mga
magulang. Mas higit na nakaaalam ng inyong ikabubuti ang mga matatanda sa tahanan.
Pangalawa, maging mapanuri. Halos kailan lang ay isinilang ka sa mundo na taglay ang lahat ng kahanga-hangang
kakayahan at walang-hanggang posibilidad. Subalit may tunay na panganib sa kapaligirang ginagalawan mo. Ang iyong
malaking potensyal at kakayahan ay maaaring malimitahan o masira kung patatangay ka sa kasamaang nakapalibot sa iyo.
Matutong maging maingat sa mga gagawin, piliin lagi ang mas mabuti at ang tama.
Pangatlo, maging maingat. Nabubuhay kayo sa isang mundong mabilis ang pag-unlad ng teknolohiya. Depende kung
paano ginagamit ang teknolohiya sa pang-araw araw na buhay. Ang pag-unlad na ito ay maaaring maging isang
pagpapala o isang hadlang sa atin. Ang teknolohiya, kapag natutuhang mabuti at ginamit sa mabubuting layunin ay hindi
kailangang maging banta sa atin kundi isang bagay na makatutulong sa pag-unlad ngunit ang mga ito ay maaaring
pagmulan din ng kasamaan at pagsasayang ng oras. Kaya nararapat na magkaroon ng disipilina at maging maingat sa
paggamit nito.
Pang-apat, maging mapagmahal. Malaking kapayapaan ang darating sa iyo kapag sinamahan mo ng
pagmamalasakit at pagmamahal sa kapwa na nasa iyong paligid ang iyong pagsisikap na magkaroon ng kapayapaan.
Napakaraming tao na nag-akalang kakaunti lang ang kanilang mga talento ang mapagkumbaba at lubos na ginagamit
ang mga talentong iyon upang mapagpala ang buhay ng mga nasa paligid nila. Bawat isa ay may kakayahan na
makatulong upang makapagbigay ng kapayapaan sa bawat miyembro ng pamilya.
Panglima, tingnan ang mabuti sa iba, hindi ang kanilang mga kamalian. Paminsan-minsan kailangang pansinin ang
pagkakamali para mapagsisihan, ngunit laging magtuon sa kanyang mabubuting katangian. Kapag nadama ninyo na
napakaliit lang ng pag-asa, ang pag-asang iyan ay hindi talaga napakaliit kundi isang napakalaking kawing na
nagdurugtong, parang isang aparatong nagliligtas ng buhay para palakasin at pasiglahin kayo. Magiging mapayapa ang
tahanan na may pag-uunawaan, pagmamahalan at respeto sa isa’t isa.

Gawain sa Pagkatuto 1. Sa iyong sagutang papel, gumuhit ng peace doodles na kagaya ng nasa ibaba. Isulat sa
loob nito ang iyong magiging bahagi upang mapanatili ang kapayapaan sa iyong sarili at tahanan na maaaring
maisagawa sa pamayanan/lipunan.
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
E. Pakikipagpalihan (Mungkahing Oras: 15 minuto)
Gawain sa Pagkatuto 2. Sa iyong sagutang papel, gawin ang Sitwasyon-Aksyon Tsart. Isulat ang iyong gagawing aksyon
upang mabigyang solusyon ang mga sitwasyon sa unang hanay sa mapayapang paraan.

Sitwasyon Askyon
1. Mayroon lamang isang gadget sa inyong tahanan at
kailangan ninyo itong pareho ng iyong kapatid.
2. Nalaman mo na hindi sinunod ng iyong kapatid ang utos
ng iyong ina o nakatatanda sa pamilya.
3. Pinakikisuyuan ka ng iyong magulang ngunit kulang ka na
sa oras upang matapos mo ang iyong gawain sa paaralan.
4. Mayroon kang napanood sa telebisyon na labis na
nagbigay ng pag-aalala sa iyo.
5. Nasira ng nakababatang miyembro ng inyong pamilya
ang isa sa mahalagang gamit mo.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3. Sa isang malinis na papel, sumulat ng isang liham para sa isang miyembro ng pamilya na nais
mong maayos ang inyong komunikasyon o mas mapalapit sa iyo. Gamitin ang iyong mga natutunan sa araling ito.

Narito ang batayan sa pagmamarka para sa iyong liham.

Tampok 4 (Malakas) 3 (Pag-unlad) 2 (Umuusbong) (1) Simula Puntos


Mga Ideya Nagtatag ng Nagpakita ng Ang mga May kulang sa
isang malinaw na pagpapahalaga pagtatangka ay pagtuon at pag
pokus hinggil sa sa araling nakatuon sa unlad
araling tinalakay tinalakay araling tinalakay
(kapayapaan) (kapayapaan) (kapayaan)

Organisasyon Naipakita ang Katibayan ng Sinusubukan ang Nakasalalay sa


isang maayos na lohikal na pagkakasunud- solong ideya
daloy ng mga pagkakasunud- sunod
ideya sunod

Pagpapahayag Malinaw na Maayos na Sinubukang May kulang na


naipadama at naipahayag ang maipahayag sa mga salita upang
naipahayag ang hangarin ng sulat hangarin ng sulat maipakita ang
hangarin ng sulat hangarin ng sulat

Kabuuang Marka: ______________________

A. Paglalapat (Mungkahing Oras: 5 minuto)

Sa tulong ng 3-2-1 Tsart, dugtungan ang mga sumusunod na pahayag. Gawin ito sa iyong sagutang papel

Ang tatlong bagay na aking natutunan sa


natapos na aralin ay __________ 3
2
Ang dalawang bagay na aking naipamalas
sa natapos na aralin ay __________

1
Ang isang bagay na dapat ko pang
pagyamanin at paunlarin ay __________
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
V. PAGNINILAY (Mungkahing Oras: 5 minuto)

• Ipabatid ang iyong personal na pagtatasa sa kard ayon sa lebel ng iyong performans.

Personal na Pagtatasa sa Lebel ng Performans Para sa Mag-aaral


Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa pagsasagawa ng mga gawain. Ilagay ito sa
Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang gabay sa iyong pagpili:
 - Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsasagawa nito. Higit na nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang
aralin.
✓ - Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawanito. Nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang
aralin.
? – Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis a pagsasagawa nito. Hindi ko nauunawaan ang hinihingi sa gawain. Kailangan ko pa
ng paglilinaw o dagdag kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o mahusay.

Gawain Sa Pagkatuto LP Gawain Sa Pagkatuto LP


Bilang 1 Bilang 3
Bilang 2

VI. SANGGUNIAN Scott, Richard G. "Para sa Kapayapaan sa Tahanan” (2013)

Inihanda ni: Kristine P. Perez Sinuri nina: MARIZ P. BORGOÑOS-PALES


RHODA M. MANUAL
GODOFREDO C. MERCADO
Nabigyang Pansin ANA R. REBLORA
at Nasuri ni:

You might also like