Tanjay, Mark Froilan BSE-EnG A2020 TA#3 GE10
Tanjay, Mark Froilan BSE-EnG A2020 TA#3 GE10
Tanjay, Mark Froilan BSE-EnG A2020 TA#3 GE10
1. Ibigay ang kahulugan ng salitang Pagsulat ayon kay Alcomtiser Tumangan, Lalunio, Bernales at Peck/
Burkingham.
- Alcomtiser Tumangan:
Ayon kay Tumangan (1997): Ang pagsulat ay “isang paraan ng pagpapahayag ng
pag-iisip at damdamin ng isang tao sa pamamagitan ng mga simbolo ng mga
tunog ng salita”.
- Lalunio:
Ayon kay Lalunio (1990): Ang pagsulat ay isang prosesong sosyal o panlipunan,
ang bunga ng interaksyon na proseso ng mga mag-aaral at produkto ng sosyo-
kultural na konteksto na nakaaapekto sa pagkatuto.
Pag-iisip, pagpapahalaga, pagwawangis, pagpapasya at paglutas.
- Bernales at Peck o Burkingham
Ang paglalarawan naman nina Peck at Buckingham sa pagsulat: “Ang pasulat ay
ekstensyon ng wika at karanasang natamo ng isang tao mula sa kanyang
pakikinig,pagsasalita at pagbabasa.”
2. Anu-ano ang uri ng Pagsulat, layunin, Pilosopiya, Proseso at Istandard na isinasaalang alang sa pagsulat.
Uri ng Pagsulat:
- Akademik
Ito ay maaaring maging kritikal na sanaysay, lab report, eksperimento,
konseptong papel, term paper o pamanahong papel, thesis o disertasyon. •
Itinuturing din itong isang intelektwal na pagsulat dahil layunin nitong pataasin
ang antas at kalidad ng kaalaman ng mga estudyante sa paaralan.
- Teknikal
Isang espesyalisadong uri ng pagsulat na tumutugon sa mga kognitiv at
sikolohikal na pangangailangan ng mga mambabasa at manunulat. • Nagsasaad
ito ng mga impormasyong maaaring makatulong sa pagbibigay- solusyon sa isang
komplikadong suliranin.
- Journalistic
Pampamamahayag ang uring ito ng pagsulat na kadalasang ginagawa ng mga
mamamahayag o journalist. • Saklaw nito ang pagsulat ng balita, editoryal,
kolum, lathalain at iba pang akdang mababasa sa mga pahayagan at magazin.
- Referensyal
Naglalayong magrekomenda ng iba pang sanggunian o source hinggil sa isang
paksa. • Madalas, binubuod ng isang manunulat ang ideya ng ibang manunulat at
tinutukoy ang pinaghanguan niyon na maaaring sa paraang parentetikal, footnotes
o endnotes.
Madalas itong makita sa mga teksbuk, pamanahong papel, thesis o disertasyon.
Maihahanay din dito ang paggawa ng bibliyografi, indeks at notecards.
- Profesyonal
Ito ay nakatuon sa isang tiyak na profesyon.
Saklaw nito ang mga sumusunod:
1. police report – pulis
2. investigative report – imbestigador
3. legal forms, briefs at pleadings – abogado
4. patient’s journal – doktor at nurse.
- Malikhain
Masining na uri ng pagsulat sa larangan ng panitikan o literatura.
Ang fokus ay ang imahinasyon ng manunulat.
Layunin nitong paganahin ang imahinasyon ng manunulat at pukawin ang
damdamin ng mga mambabasa.
Mihahanay sa uring ito ang pagsulat ng tula, nobela, maikling katha, dula at
sanaysay.
Layunin ng Pagsulat:
- Ang layunin ng pagsusulat ay makikita sa daloy ng paghahanay ng mga ideya o kaisipan sa isang
teksto. May tatlong pangunahing uri ng layunin ang teksto, ito ay ang mga sumosunod:
Pagsulat na Impormatibo (expository writing)
Ang layunin ng pagsulat ay maglahad, magbigay impormasyon at
magbigay linaw o paliwanag sa paksa sa isang teksto.
ang-akademikong aklat, teksbuk, ulat pangnegosyo pamplet, dyaryo,
polyeto diksyunayo, ensayklopidya magasin at iba pa.
Pagsulat na Mapanghikayat (persuasive writing)
Ang layunin ng pagsulat ay makaakit, mapaniwala at mapasang-ayon ang
mambabasa batay sa ideya na ipinahayag sa teksto.
Sulating pampananaliksik, editoryal, kolum, lathalain, sanaysay, proposal
na sulatin at iba pa.
- HABANG SUMUSULAT:
o Magsimula sa isang paksang pangungusap.
o Ayusin at pansinin ang pagkakaugnay-ugnay ng mga ideya Isulat nang malinaw o error-
free ang pangungusap
- PAGKATAPOS SUMULAT:
o KOHIRENS
Kakayahang maipakita ang ugnayan ng mga ideya
o KAISAHAN
Malinaw na magkakaugnay ang mga ideya at umiikot sa isang sentral na ideya.
o KAISAHAN
Malinaw na magkakaugnay ang mga ideya at umiikot sa isang sentral na ideya.
o KASAPATAN
Sapat ang mga detalya, paliwanag, at ebidensya para suportahan ang paksang
tinalakay.
o KASANAYAN SA PANGUNGUSAP
Pag-oobserba sa estruktura ng gramar na ginamit-tamang bantas, ispeling at
pormat.
Istandard ng Pagsusulat:
- Kaisahan
o Ito ay may isang paksang tinatalakay
- Kasapatan
o Ito ay may sapat na detalye, ebidensya, patunay na sinasabi
- Kalinawan
o ito ay malinaw at hindi maligoy ang mga pangungusap
- Ugnayan
o ito ay nakokonek at nagkakaugnay ang mga pangungusap
- Empasis
o pagbibigay ng higit na pansin sa pinakamahalagang kaisipan
- Di-Pormal na Pagsulat.
o Ay maaring naglalayon ding makapaglahad ng kaisipan subalit hindi nag sasaalang-alang
sa isang maayos na pamaraan