Katangian NG Wika
Katangian NG Wika
Katangian NG Wika
b. May lebel o antas. May wikang batay sa gamit ay tinatawag na formal at di-formal, pang-
edukado, balbal, kolokyak, lalawiganin, pansensya at pampanikan. Dumedepende ang lebl o
antas ng wika sa mga taong gumagamit nito at maging sa uri ng lugar na pinaggagamitan.
Halimbawa, iba ang uri ng wikang gamit ng isang pari sa simbahan kaysa sa wikang gamit sa
palengke. Iba rin ang wika ng taong nakapag-aral kaysa sa taong hindi nakapag-aral.
c. Ang wika ay komunikasyon. Ang tunay na wika ay wikag sinasalita. Ang wikang pasulat
ay paglalarawan lamang ng wikang sinasalita. Gamit ito sa pagbuo ng pangungusap. Walang
pangungusap kung walang salita. Sa pagsasama-sama ng mga salita, nabubuo ang
pangungusap. Ginagamit ang wika bilang instrument ng pagkakaintindihan, pagkakaisa at
pagpapalawak ng kaalaman.
d. Ang wika ay natatangi. Bawat wika ay may kaibihan sa ibang wika. May pagkakaiba
man ang mga wika, wala naming maituturing na superyor o imperyor. Napagsisilbihang lubos
ng partikular na wika ang lipunang gumagamit dito, kaya walang makapagsasabi na nakahihigit
ang kanyang wika sa wika ng iba.
Dayalek Wikang subordineyt ng isang katulad ding wika. Pekuliyar ito sa isang tiyak na lugar o
rehiyon. Halimbawa Cebuano-Cebu, Cebuano-Davao, Cebuano-Gensan
Sosyolek Ang tawag sa wikang ginagamit ng bawat partikular na grupo ng tao sa isang lipunan.
Maaaring ang grupo ay nagkakaiba ayon sa edad, sa seks, sa uri ng trabaho, sa istatus
sa buhay, sa uri ng edukasyon, atbp. Halimbawa ng mga salitang
bakla bongga (maganda sa Filipino o extravagant/flamboyant sa Ingles), shoke (pangit
sa Filipino o ugly sa Ingles).
Idyolek May tatak ng pagiging indibidwal, kaya nga sinasabing indibidwal dahil may natatanging
pagkakaiba sa iba. Kakaiba ang indibidwal ng isang indibidwal na mababakas sa
mukha, pagkilos at maging sa pagsasalita. May perkuliyaridad sa pagsasalita ng isang
indibidwal at ang perkuliyaridad sa pagsasalitang ito ay tinatawag
na idyolek. Halimbawa ang isang Tagalog ay gumagamit ng “kung baga” pagsasalita
bilang pagsisimula, ang Ilonggo naman ay kilala sa paggamit ng “gid”, “anay” at “bala”
sa pagsasalita. Ang pangungusap na “game kana ba” kapag sinasabi ni Kris Aquino ay
kakaiba sa paraan ng pagbigkas ni Edu Manzano. May distinksyon sa paraan ng
pagbigkas ng dalawang host. Kung gayon masasabi na ang idyolek ay ang indibidwal
na paggamit ng wika.
Rejister Ang rejister ay set ng mga salita o ekspresyon na nauunawaan ng mga grupong
gumagamit nito na maaaring hindi mauunawaan ng mga taong hindi kasali sa grupo o
hindi pamilyar sa propesyon, uri ng trabaho o organisasyong kinabibilangan ng
nagsasalita o grupong nag-uusap. Halimbawa ang mga abogado ay maririnig sa kanila
ang mga salitang kliyente, nasasakdal, notary, kaso at iba pa. maaari naming dribol,
referi, free throw at iba pa.
Ang kritisismo sa wikang Ingles sa kakayahan nitong maging mahalagang sangkap ng
panlipunang kapital ng Pilipinas ay hindi nakabatay sa dahilang ito ay isang dayuhang wika.
Kahit pa tinatanggap na ang wikang Ingles bilang nangingibabaw na wika sa larangan ng
politika, batas, ekonomiya at kultura sa bayang ito, hindi naman nito napag-uugnay ang lahat ng
mga mamamayan sa kanilang pakikilahok sa mga nabanggit na aspekto ng lipunan (Acopra, A.
et al., 2018).
Hindi rin pinagdududahan ang wikang Ingles dahil ang pangingibabaw nito ay nakabaon
sa pagiging wikang ginagamit ng mga naghaharing uri, namumuno, komokontrol at
nagpapalakad ng ating lipunan. Ang alinlangan sa wikang Ingles ay nagmumula sa pagiging
wikang di-makapag-ugnay, wikang mapaghiwalay, at wikang nahahati ng mga sektor at
mamamayan. Kung ang wikang Ingles ay tunay na mapag-ugnay at nagiging daan sa mabisang
transaksyon, hindi mahalaga ang pagiging dayuhan nito o kung ito ay ginagamit ng mga
naghaharing uri dahil may panlipunang mahalaga ang pagiging dayuhan nito o kung ito ay
ginagamit ng mga naghaharing uri dahil may panlipunang halaga pa rin ito sa mga
nasasakupan dahil sa pag-unawa nila rito nagagamit ito sa kanilang transaksyon. Ang wikang
Ingles ang siyang nagsisilbing tulay sa globalisasyon (Acopra, A. et al., 2018).
Mahalaga ang papel ng wika sa globalisasyon sapagkat ito ay naglalarawan bilang
samu’t saring proseso na naglalayong mapag-isa ang iba’t ibang networks sa buong mundo sa
pamamagitan ng kompetisyon, pakikipag-ugnayan o interkoneksyon at pagtutulungan o inter-
dependence (Tullao, 2001).
Ang kasalukuyang ito ay bumabalot at nagpapabago sa lahat halos ng antas ng buhat at
lipunan sa iba’t ibang lugar sa buong mundo. Ang lawak, lalim at bilis ng paggalaw ng mga
produkto, kapital, kaalaman, at mga tao sa pagitan ng mga bansa ang nagpapalawak sa
kasalukuyang gamit ng konsepto ng globalisasyon. Dahil dito, ang globalisasyon ang isa sa
pinakalantad na reylidad sa kasalukuyan na nakakaapekto sa iba’t ibang bahagi ng buhay at ito
ang pangunahing dahilan na nagbibigay ng bagongbatayan at katuturan sa umuusbong na
papel ng ga indibidwal, institusyon at istruktura sa isang lipunan.
Kaugnay nito, ano ang papel ng wikang Filipino sa kapaligirang may dalawang uri ng
integrasyong hinaharap sa ating lipunan? Walang duda na ang pangunahing papel ng wikang
nauunawaan ng nakararami ay ginagamit lamang upang itanghal ang nasyonalistikong
damdamin. Ngunit sa katotohanan sa harap ng duwalismo sa ating lipunan may halagang
ekonomiko ang wikang Filipino na ginagamit sa mga transaksyon ng mga nakarararming
Filipino kahit pa sinasabing sa larangan ng komersyo, batas at politika ang nangingibabaw ang
wikang Ingles.
Noong unang panahon, merong mga taong patuloy na tumatangkilik sa mga produkto at
sumasalita ng sariling wika. Sa paraan na ito, napapayaman nila ang wikang Filipino gamit ang
wastong pagsasalita ng sariling wika. Pinapakita dito na dapat sila ang gayahin sapagkat sila
ang mga katutubo habang tayo’y nasa sinapupunanng mga ina natin, sila ang patuloyna
lumalaban sa Kalayaan ng bansang Pilipinas, kung kaya’t tayo’y nagkaroon ng sariling wika na
dapat respetuhin. Pero sa panahon ngayon, tila’y nababale wala na lamang ang Wikang
Filipino, sapagkat dito na pumapasok ang mga iba’t ibang larangan ng pananalita.
Sa panahon ngayon, mabilis magbago ang lahat na para bang tila nilalamon ng
makabago at modernong panahon ang nakagisnan ng mga tao. Ano nga ba ang epekto ng
pagbabagong ito sa kasaysayan ng bawat tao at maging sa bansang Pilipinas. Isa na rito ay
ang Wikang Filipino, para ba sa inyo meron pa bang papel ang wikang Filipino sa harap na
laganap na globalisasyon? Sinasabi ng iba na mas kailangan paunlarin ang kaalaman ng mga
Pilipino sa wikang Ingles sapagkat ito raw ay higit na makakatulong sa kanilang kinabukasan,
ito raw ay isang wikang komersyo, wika ng makabagong teknolohiya sumakatuwid ang wika
ang globalisasyon. Ang ganitong pananaw ay naniniwala na ang kaalaman sa wikang Ingles ng
mga Pilipino ay isa sa mga pangunahing batayan sa pagiging kompetitibo. Isa rin itong dahilan
ng komparatibong kalamangan ng mga mamamayan sa kalakalang internasyunal. Ang
nasabing ito ay may punto ngunit naisip ba ang mga taong iyon na dahil rito nahahati ang mga
Pilipino? Upang mangingibabaw ang epekto ng pagsanib kaysa epekto ng paghahati, higit na
tama ang gawing susi ang Wikang Filipino bilang wika sa laganap na globalisasyon. Ibig sabihin
mahalin, gamitin nang tama at pahalagahan ang wikang nabanggit.
Ayon nga kay Dr. Pamela C. Constantino (2009), panahon na upang mabago ang
pagtingin sa Filipino bilang wikang panturo at asignatura. Ang negatibo at mababang pagtingin
sa sariling wika, bung ana rin ng kolonyal na pag-iisip na hinubog ng ilang siglong kolonisasyon
ang nananatiling hadlang sap ag-unlad ng wika at ng lipunang pinaggamitan nito.
November 13, 1936 – Norberto Romualdez (Father of the Law of National Language)
- Commonwealth Act 1984 upang itatag ang Surian ng Wikang Pambansa (SWP)