Kagamitang Panturo Banghay-Aralin
Kagamitang Panturo Banghay-Aralin
Kagamitang Panturo Banghay-Aralin
I. Layunin
Pagkatapos ng aralin, inaasahang ang mag-aaral ay:
a. natutukoy ang uri ng pang-uri sa pangungusap,
b. nabibigayang halaga ang uri ng pang-uri sa pamamagitan
ng paglalarawan ng komunidad, at
c. nakakasulat ng pangungusap gamit ang tamang paggamit ng
pang-uri.
II. Paksang Aralin
Paksa: Uri ng Pang-uri
Sanggunian: Makabagong Balarilang Filipino
Kagamitan: larawan
III.Pamaraan
a. Panimulang gawain
-Panalangin
-Pagtatala sa lumiban
b.Balik-Aralin
-Ano ang pang-uri?
c.Pagganyak
Ano ang nakikita niyo sa labas?
Ilan ang punong iyong nakita?
Ilarawan ang punong iyong nakita?
d. Paglalahad
-Ipangkat ang klase sa limang grupo
-Magpapaskil ang guro ng mga larawan
-Gagawa ang grupo ng mga pangungusap na naglalarawan sa
larawang nakapaskil. Isusulat ito sa kalahating Manila paper.
-Itatanong ng guro kung ano mga pang-uring ginamit sa
pangugusap.
e. Pagtalakay
Uri ng Pang-uri
1) Pang-uring naglalarawan - Nagpapakilala ng uri o kabagayan ng
isang pangngalan o panghalip.
f. Paglalahat
-Ang guro ay magrerebyu sa paksang tinalakay.
-Ano ang pang-uri?
-Ano ang mga uri ng pang-uri
g. Pagsasanay
IV. Pagtataya
Gumawa ng isang talata na naglalarawan sa inyong komunidad gamit
ang tamang paggamit ng uri ng pang-uri.
V. Takdang-Aralin
Hapanin at isulat sa kwaderno ang mga antas ng pang-uri.