Pananaliksik Sa Mito

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

UNIVERSITY OF SANTO TOMAS

JUNIOR HIGH SCHOOL


FILIPINO

Name: Regina Sandra O. Gonzales Date: Aug. 20, 2021


Section: 10 - St. Daniel Score: _____________

“AENEAS”

Ang mitolohiyang Aeneas ay binubuo ng iba’t-ibang karakter, isa na dito si Aeneas. Si Aeneas ay isang
dakilang tagapagtanggol ng kanyang bayan. Si Sybil naman ay isang babaeng propeta na bagbibigay ng hula
tungkol sa patnubay ng mga Diyos. Si Venus ay ang mapagmahal na ina na gagawin ang lahat para sa
kanyang anak. Si Cerberus naman ay ang asong may tatlong ulo. Siya ang nagbabantay sa tarangkahan ng
daigdig ng mga patay. Ang Elysian Fields ay isang tagpuan sa mito. Ito ay isang pook na makikita sa dulong
kanluran ng daigdig. Ang Troy naman ang tahanan nina Aeneas na winasak ng mga Griyego. Ang Italya
naman ang pinaniniwalaang lugar nila Aeneas na may magandang buhay na naghihintay sakanila.

Sila Aeneas ay naglalakbay patungong Italya kasama ang mga natirang Trojan sa paniniwalang
maganda ang kapalaran nila doon. Nang malapit na silang makarating sa kanilang destinasyon, nagpadala si
Juno ng malakas na bagyo. Dahil dito ay napadpad sila sa ibang lugar, ito ay sa Carthage. Sa kanilang
pagdating, sinalubong sila ng reyna ng Carthage na si Dido. Ipinakilala ng ina ni Aeneas na si Venus ang
kanyang anak kay Dido. Kwinento ni Aeneas ang pagbagsak ng Troy kay Dido. Si Aeneas at ang kanyang
mga kasama ay doon muna namahinga sa Carthage. Nagkaroon ng pag-iibigan si Dido at Aeneas na siyang
ikinangamba ni Jupiter. Kaya ipinadala ni Jupiter si Mercury upang paalalahanan sila Aeneas na maglakbay na
patungong Italya. Sinunod naman ito ni Aeneas ngunit nalungkot at hindi natanggap ni Dido kaya sinaksak
niya ang kanyang sarili hanggang siya’y mamatay.

Sa kanilang paglalakbay ay napadpad muli sina Aeneas sa Sicily, kung saan nakalibing ang kanyang
ama. Nagsagawa ng palaro si Aeneas para sa pabibigay puri sa kanyang yumaong ama. Habang isinasagawa
ang palaro, si Juno naman ay nakahanap ng paraan upang hindi matuloy ang plano nina Aeneas. Inutusan
niya ang mga babae sa Trojan na pasiklabin ng apoy ang mga barko nila Aeneas upang hindi sila makarating
sa Italya. Ngunit nagpatuloy pa rin si Aeneas sa paglalakbay kasama ang iilang Trojan na gusto pa rin
sumama. Habang sila ay naglalakbay, pumunta sila kay Sybil sa Cumae para makapunta sila sa mundo ng
mga patay. Nakita niya roon si Dido na hindi siya kinakausap. Sa kanila pang paglalakbay, nakarating sila sa
dalawang ilog. Nakilala nila ang bangkero ng mga patay na si Charon. Sumakay sila sa bangka nito at narating
ang Elysian Fields na kanilang hinahanap. Ito ay isang paraiso kung saan nandoon ang mga yumaong
nakagawa ng mabubuting bagay nung sila ay buhay pa. Nakita niya roon ang kanyang ama at sila ay nag-
usap. Ipinakita ng kanyang ama na si Anchises ang kinabukasan kay Aeneas. Natuwa si Aeneas sa kanyang
nakita sapagkat nakita niya ang kanyang magiging mga anak at apo. Pagkatapos nito ay nagpaalam na sila sa
isa’t-isa at tuluyan nang umalis si Aeneas at nagtungo sa Italya.
Maraming aral ang maaaring mapulot sa mitolohiyang ito, isa na dito ang pagiging matatag kahit
maraming pagsubok ang nararanasan mo. Katulad sa mito, hindi sumuko si Aeneas sa paglalakbay niya
patungong Italya kahit maraming balakid ang kanyang naranasan, dahil iniisip niya pa rin ang magandang
buhay na naghihintay sakanya sa Italya. Sa buhay, kailangan rin natin dumaan sa mga pagsubok at problema
ngunit hindi dapat tayo sumuko sapagkat may naghihintay sa ating magandang bagay na maaaring mangyari.
Pinatunayan sa mitolohiyang ito na kahit ang iyong mga kakampi ay magtaksil sa’yo. Sa paglubog ng araw,
tanging ang sarili mo lang ang nandiyan para tumulong at gumabay sa’yo. Isa pang aral na aking natutunan ay
pahalagahan mo ang iyong mga mahal sa buhay habang sila ay nabubuhay pa. Mahirap mawalan ng mahal
sa buhay lalo na ang iyong mga magulang, kaya ipakita niyo ang inyong pagmamahal sa kanila upang sa huli
ay wala kayong pagsisihan.

Katulad sa ibang bansa, marami rin mitolohiya ang Pilipinas. Marami ring kinikilalang diyos ang ating
mga kababayan, isa na dito si Bathala. Si Bathala ang kinikilalang “may kapal sa lahat” ng mga Pilipino.
Naniniwala sila na si Bathala ang may gawa ng lahat ng tao at bagay. Siya ang pinakamataas sa lahat ng
diyos at diyosa. Si Lakapati naman ay Diyosa ng agrikultura at pagmayabong. Kilala siya bilang pinakamabait
na diwata. Si Apolaki naman ang diyos ng araw at patron ng mga mandirigma. Pinaniniwalaan na ang kanyang
mga mata ang nagsisilbing liwanag sa mundo. Si Amanikable naman ang diyos ng karagatan at patron ng mga
mangangaso. Siya ay kilalang diyos na masungit at magagalitin.

Mga Sanggunian:

https://www.britannica.com/topic/Aeneas
https://www.cliffsnotes.com/literature/a/aeneid/summary-and-analysis/book-i
https://www.aswangproject.com/creatures-mythical-beings-philippine-folklore-mythology/?
fbclid=IwAR3wOqril7TyjR35KDNz9x-RUMXtg6aCH29-WyPE6ViZ8zYvi_LHN98g0sA

You might also like