0% found this document useful (0 votes)
1K views4 pages

Gawain

Ang dokumento ay naglalaman ng mga gawain na kailangan gawin tungkol sa dalawang tula na binasa. Ang unang tula ay tungkol sa isang ina at kaniyang anak, samantalang ang ikalawang tula naman ay tungkol sa isang matandang paruparo at kaniyang anak. Ang mga gawain ay nag-uutos na suriin, ipaliwanag at sagutin ang mga tanong tungkol sa layunin, uri, pagkakaiba at pagkakatulad ng dalawang tula.
Copyright
© © All Rights Reserved
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
Download as docx, pdf, or txt
0% found this document useful (0 votes)
1K views4 pages

Gawain

Ang dokumento ay naglalaman ng mga gawain na kailangan gawin tungkol sa dalawang tula na binasa. Ang unang tula ay tungkol sa isang ina at kaniyang anak, samantalang ang ikalawang tula naman ay tungkol sa isang matandang paruparo at kaniyang anak. Ang mga gawain ay nag-uutos na suriin, ipaliwanag at sagutin ang mga tanong tungkol sa layunin, uri, pagkakaiba at pagkakatulad ng dalawang tula.
Copyright
© © All Rights Reserved
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1/ 4

MGA GAWAIN SA MARTES (March 07, 2023)

GAWAIN 5: Tarukin Mo!


Sagutin ang mga gabay na tanong sa isang sagutang papel.

1. Sino ang persona sa tula? Ano ang kaniyang pangarap?


2. Masining ba ang tulang tinalakay? Patunayan ang sagot.
3. Sa ano-anong bagay inihambing ang sanggol? Bakit ito ang mga ginamit sa
paglalarawan sa katangiang taglay niya?
4. Anong kaugalian at kultura ng mga taga-Uganda ang lumutang sa tula? Ibigay
ang iyong pananaw ukol dito?
5. Alin sa mga kaugaliang ito ang naiiba sa kaugalian ng mga Pilipino? Sang-
ayon ka ba rito? Bakit?
6. Makatuwiran bang iugnay ang pagkakakilanlan at katangian ng isang anak sa
kaniyang ama? Sa poon?
7. Anong bisang pangkaisipan at bisang pandamdamin ang natutuhan pagkatapos
basahin ang akda? Ipaliwanag.

GAWAIN 5: Patunayan Mo!


Sa sagutang papel, bumuo ng kongklusyon sa tulong ng kasunod na grapikong representasiyon sa kabilang pahina.

Suriin ang tulang binasa. Ito ba’y isang tulang malaya o tulang
tradisyonal? Malinaw bang isinalaysay ang kultura ng bansang
pinagmulan nito?

Kongklusyon
Ang akdang “Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay” ay isang tulang malaya na nagsalaysay ng nadarama at
pagpapahalaga ng isang ina sa kaniyang anak. Sa pagkakataong ito, pag-aralan mo ang isa pang tula na isinulat ni
Rafael Palma, “Ang
Matanda at ang Batang Paruparo.” Basahin at alamin kung ito ba’y tulang malaya o tulang tradisyonal.

Ang Matanda at ang Batang Paruparo


Rafael Palma

Isang paruparo na may katandaan,


Sa lakad sa mundo ay sanay na sanay;
Palibhasa’y di nasisilaw sa ilaw
Binigyan ang anak ng ganitong aral:

Ang ilaw na iyang maganda sa mata


Na may liwanag nang kahali-halina
Dapat mong layuan, iyo’y palamara,
Pinapatay bawat malapit sa kaniya.

“Ako na rin itong sa pagiging sabik!


Pinangahasan kong sa kaniya’y lumapit,
ang aking napala’y palad ko pang tikis
nasunog ang aking pakpak na lumiit.”

“At kung ako’y itong nahambing sa iba


na di nagkaisip na layuan siya,
disin ako ngayo’y katulad na nila,
nawalan ng buhay at isang patay na.”
Ang pinangaralang anak ay natakot
at pinangako ang kaniyang pagsunod;
ngunit sandali lang. Sa sariling loob
ibinulong-bulong ang ganitong kutob;

“Bakit gayon na lang kahigpit ang bilin


ng ina ko upang lumayo sa ningning?
Diwa’y ibig niyang ikait sa akin
ang sa buong mundo’y ilaw na pang-aliw.”

“Anong pagkaganda ng kaliwanagan!


isang bagay na hindi dapat layuan,
itong matanda ay totoo nga namang
sukdulan ng lahat nitong karuwagan!”

“Akala’y isa nang elepanteng ganid


ang alin mang langaw na lubhang maliit,
at kung ang paningin nila ang manaig
magiging higante ang unanong paslit.”

“Kung ako’y lumapit na nananagano


ay ano ang sama ng mapapala ko?
Kahit na nga niya murahin pa ako
ay sa hindi naman hangal na totoo.”

“Iyang mga iba’y bibigyan ng matwid


sa kanilang gawa ang aking paglapit,
sa pananakali’y di magsisigasig
sa nagniningningang ilaw na marikit.”
Nang unang sandaliy’ walang naramdaman
kundi munting init na wari’y pambuhay,
ito’y siyang nagpapabuyo pang tunay
upang magtiwala’t lumapit sa ilaw.

Natutuwa pa nga’t habang naglalaro


ay lapit nang lapit na di nahihinto
sa isang pag-iwas ay biglang nasulo
tuloy-tuloy siyang sa ningas nalikmo.

Nang unang sandali’y walang naramdaman


kundi munting init na wari’y pambuhay,
ito’y siya pa ngang nagpabuyong tunay
upang magtiwala’t lumapit sa ilaw.

At siya’y hindi na muling makalipad


hanggang sa mamatay ang kahabag-habag,
ang ganyang parusa’y siyang nararapat
sa hindi marunong sumunod na anak.

- Mula sa Diwang Kayumanggi. 1970


Marahil natalastas mo ang nais ibahagi ng may-akda sa tula. Ito’y patunayan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng
mga gawain.

GAWAIN 6: Ipaliwanag Mo!


Isagawa ang pasaklaw na pagpapaliwanag sa sagutang papel gamit ang kasunod na grapikong representasiyon.

ELEMENTO NG TULA PAGSUSURI


a. Sukat
b. Tugma
c. Kariktan
d. Talinghaga
Paglalahat Batay sa Pagsusuri
Ito ba’y tulang tradisyonal o malaya? Patunayan.
Nasasalamin ba sa tula ang kultura ng bansang pinagmulan nito? Sa paanong
paraan? Patunayan.

GAWAIN 7: Sagutin ang tanong sa loob ng Speech Balloon sa iyong sagutang papel.

Ano ang layunin ng tulang binasa? Anong uri ito ng teksto?


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
Paano naiiba ang unang tulang binasa sa ikalawang tula?
Magkatulad ba ang pagiging masining ng dalawang tula?
Patunayan.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

You might also like