Gawain-Lit 221 (Module 1) - Lyka Marasigan (2a3)
Gawain-Lit 221 (Module 1) - Lyka Marasigan (2a3)
Gawain-Lit 221 (Module 1) - Lyka Marasigan (2a3)
GAWAING PAMPAGKATUTO
1. Natanong mo na rin ba sa iyong isipan kung bakit ka nagbabasa ng mga libro, nobela, tula, kwento, at
iba pang katulad nito? Ano nga ba ang pakinabang nito sa iyong sarili? Sa tanong na iyon, papasok din
ang tanong na, gaano nga ba kahalaga ang panitikan sa buhay ng isang tao? Paano ito nakakatulong
sa atin? At bakit mahalagang mapag-aralan natin ang panitikan? Napapaisip ka ba sa kung ano ang
posibleng kasagutan sa mga tanong na ito? Halina’t atin itong sagutin!
- Minsan kapag o habang nagbabasa ako ng isang libro, tula at kwento ay naitatanong ko sa aking
sarili kung, bakit nga ba binabasa ang mga ito, ano ang makukuha ko dito at bakit mahalaga ang
panitikan. Marahil ito ang aking mga kasagutan na nabuo, binabasa ko ang mga libro, nobela,tula at
kwento dahil hilig ko din ang magbasa at kailangan ko ng impormasyon hinggil sa isang usapin o
bagay. Malaki ang nakukuha kong pakinabang nito sa aking sarili sapagkat napagtatanto ko ang mga
bagay –bagay at nagbibigay ito ng inspirasyon sa akin. Maraming mga aral na maari ko’ng maisagawa
sa pang-araw-araw kong buhay. Sobrang mahalaga ang panitikan sa buhay ng bawat isa dahil ang mga
mensahe at pagpapakahulugan ng mga nakababasa nito ang nagiging gabay nila, at kung minsan pa
ay nagmumulat sa kanila sa realidad ng buhay. Ito rin ang nagpapabago sa takbo at ikot ng kanilang
mundo, ang nagiging daan ng kanilang pagbabago ng isang indibidwal. Nakakatulong ito na magbigay
ng impormasyon at ideya upang mas malalim o lubos na maunawaan ang lahat ng nasa ating paligid.
Ang panitikan ang daan ng mga makakata at manunulat upang maipahayag nila ang kanilang mga
damdamin, ideya at pagkilos na nais nila para sa maga mambabasa. Ang panitikan ay may malaki
mahalagang gampanin sa buhay ng isang tao sapagkat ito ang nagbibigay impormasyon na
magpapayaman ng ating kaisipan. Ito rin ang magbibigay sa atin ng mga kaisipan hinngil sa ating
kultura at sa mga impormasyon hinggil sa ating ating nakaraan o sa mga pinagdaanan sa mga
nakalipas na panahon.
akda
hangarin Tula,kwento
, libro
manunulat Impormasyon
at ideya
kaisipan
Mula sa mga salita aking iniuugnay sa panitikan nakabuo ako ng kaisipan hinggil dito. Ang panitikan ay mula sa
mga kaisipan ng mga manunulat na isinulat o inilathala bilang isang libro, kwento at tula. Ang mga akdang ito
ay nagsasaad at nagsalaysay ng damdamin hinggil sa isang usapin o bagay na nais bigyang kahulugan ng may
akda. Naglalaman ito ng iba’t ibang impormasyon tungkol sa isang isyu na maaaring magmulat sa bawat
mambabasa. Mga ideya na nagbibigay mungkahi sa nais na gawin na pagkilos ng mga manunulat para sa buhay
at sa bayan ng bawat isa. Ang mga iba’t ibang uri o anyo ng panitikan ay nagbibigay aral, impormasyon ang may
hangarin na baguhin o bigyang halaga ang mga bagay na hindi nakikita o naririrnig ng iba. Nais nitong isiwalat o
bigyang halaga ang mgabagay na hindi madalas napapansin o naiignora ng marami.panitikan na daan upang
maiugnay ang nakaraan sa kasalukuyan at sa hinaharap.
Si Lyka Delgado Marasigan ay isang simpleng mag-aaral at maraming nais na makamit sa buhay. Siya ay
isinilang sa Tabontabon, Baco noong Setyembre 08, 2000. Ang kaniyang mga magulang ay sina G. Apolonio
Marasigan at Gng. Gina Marasigan. Siya ang panganay sa tatlong magkakapatid at may isa siyang kapatid na
babae ang pangalawa sa kanila, at isang lalaki ang bunso sa tatlo.
Lumaki siya sa simple at pamilyang puno ng pagmamahakontenl. Pinalaki at hinubog siya ng kaniyang mga
magulang na may takot sa diyos, respeto, pamagmahal at kontento. Mula bata pa lamang ay marami na siyang
pangarap tulad ng pagiging flight attendant at pagiging guro balang araw. Ngunit dahil sa hirap ng buhay at hindi
kaya ng kanilang pinansyal na suporta ang kursong flight attendant pinili niya ang kursong pagiging guro.
Siya ay nag-aral ng dalawang taon sa Tabontabon Day Care Center, sapagkat hindi tinatanggap sa elementarya
ang mga bata na ipinanganak o may kaarawan na lagpas sa itinakdang buwan . Nag-aral siya ng elementarya,
sa Paaralang Elementarya ng Tabontabon na ngayon ay Eladia C. Macalalad Elementary School (ECMES).
Nang siya ay nasa ikatlong taon sa elementarya nanalo siya sa read-a-thon at nakuha ang ikalawang pwesto.
Marami siyang nasalihan na mga patimpalak o tagisan ng talino sa iba’t ibang asignatura, minsan panalo minsan
talo. Ngunit ayos lang lahat dahlia ang mahalaga ginawa at ibinigay mo ang iyong husay para sa paaralan.
Naging ikalawang pangulo rin siya ng Samahan ng Mag-aaral ng kanilang paaralan ng siya ay nasa ikalimang
taon. Naging opisyal ng klase simula nung siya at nasa ikatlong taon hanggang sa ikaanim na taon niya sa
elementarya. Nagtapos siya ng elementary noong Marso 2012-2013 na may ikatlong karangalan, bunga ito ng
kaniyang paghihirap at sipag sa pag-aaral.
Samantala ipinagpatuloy niya ang pag-aaral ng junior at senior high school sa Paaralang Pangsekundarya ng
Canubing. Nagtapos siya ng sekundarya noong Abril 2018-2019 trak ng General Academic Strand ng may
karangalan. Sa kasalukuyan ay nag-aaral siya ng kursong Batsilyer ng Sekundaryang Pang-edukasyon
nagmamayorya ng Filipino at ngayon siya ay nasa ikalawang taon na sa Mindoro State of Agriculture and
Technology Calapan City Campus. Sa kasalukuyan ay patuloy siya pag-aaral at nagpupursigi na makamit niya
ang kaniyang pangarap at mithiin sa buhay maging ng kaniyang buong pamilya.