Maka-Pilipinong Pananaliksik

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA

PANANALIKSIK

Pangkalahatang Ideya

Sa modyul na ito, tatalakayin ang katuturan at kahalagahan ng maka-Pilipinong


Pananaliksik bilang paghahanda sa pagsulat ng mungkahing pananaliksik. Ang mga kasanayang
matutuhan dito ay makatutulong nang malaki upang ihanda ang mga mag-aaral sa mga gawaing
may kinalaman sa pagsulat at pagbuo ng mungkahing pananaliksik.
MGA BATAYANG KAALAMAN SA PANANALIKSIK
• Pinagyaman ng mga naunang bahagi ang kasanayan sa kritikal na pagbasa at hinawi ang
daan tungo sa pagbuo ng maka-Pilipinong pananaliksik. Ipaliliwanag ng bahaging ito ang
mga batayang kaalaman sa pananaliksik at ang mga katangian ng isang etikal na
mananaliksik.
• Dito, ipauunawa sa mga mag-aaral ang kahalagahang panlipunan ng pananaliksik at ang
mga gabay sa pagpili ng makabuluhang paksa. Ipatatanaw rin ang hakbang-hakbang na
proseso tungo sa pagbuo ng isang pananaliksik na tutugon sa pagpapalakas ng wikang
Filipino sa iba't ibang larangan at disiplina.
ANG MAKA-PILIPINONG PANANALIKSIK
• Ang pananaliksik ay paraan ng pagtuklas ng mga kasagutan sa mga partikular na
katanungan ng tao tungkol sa kaniyang lipunan o kapaligiran. -Susan B. Neuman (1997)
• Bukod sa sentral na layunin ng pananaliksik na tumuklas ng mga bagong kaalaman na
magagamit ng tao, malaki rin ang pakinabang ng isang mananaliksik mula sa mismong
proseso ng pagtuklas.
KAHULUGAN AT KABULUHAN NG MAKA-PILIPINONG PANANALIKSIK
• Dakila na ang pananaliksik sa sarili nitong kahulugan at kabuluhan,ngunit lalong
mailalatag ang halaga ng pananaliksik kung isasaalang-alang ang pangangailangan ng
lipunang kinalulugaran nito.
KATANGIAN NG MAKA-PILIPINONG PANANALIKSIK
• Ang maka-Pilipinong pananaliksik ay gumagamit ng wikang Filipino at/o mga
katutubong wika sa Pilipinas at tumatalakay sa mga paksang mas malapit sa puso at isip
ng mga mamamayan.
• Pangunahing isinasaalang-alang sa maka-Pilipinong pananaliksik ang pagpili ng paksang
naaayon sa interes at kapaki-pakinabang sa sambayanang Pilipino.
• Komunidad ang laboratoryo ng maka-Pilipinong pananaliksik.
KALAGAYAN AT MGA HAMON SA MAKA-PILIPINONG PANANALIKSIK
1. Patakarang Pangwika sa Edukasyon
2. Ingles Bilang Lehitimong Wika
3. Internasyonalisasyon ng Pananaliksik
4. Maka-Ingles na Pananaliksik sa Iba't ibang Larang at Disiplina

MGA GABAY SA PAMIMILI NG PAKSA AT PAGBUO NG SULIRANIN SA


PANANALIKSIK
• May sapat bang sanggunian na pagbabatayan ang napiling paksa?
• Paanong lilimitahan o paliliitin ang isang paksa na malawak ang saklaw?
• Makapag-aambag ba ako ng sariling tuklas at bagong kaalaman sa pipiliing paksa?
• Gagamit ba ng sistematiko at siyentipikong paraan upang masagot ang tanong?

ETIKAL NA PANANALIKSIK AT MGA RESPONSIBILIDAD NG MANANALIKSIK


• Ang isang mananaliksik ay birtwal na pumapasok sa isang masaklaw na diyalogo at
pagpapalitang-kuro ng lahat ng iskolar na nananaliksik sa isa o magkakaugnay na paksa.
• Naitala ang pinakaunang paggamit ng salitang etika noong ika-14 siglo ayon sa
diksiyonaryong Merriam-Webster (2014). Ang salita ay nagmula sa Middle English na
ethik, mula sa katagang Griyego ethike, na galing naman sa katagang ethiko. Ang lahat
ng ito ay tumutukoy sa nakaugaliang pamamaraan ng pamumuhay at pakikipag-kapuwa.
• Ayon sa Free Dictionary (2014), ang etika ay tumutukoy sa mga pamantayan ng pagkilos
at pag-uugali batay sa mga katanggap-tanggap na ideya sa kung ano ang tama at mali.
• Sa larangan ng Pilosopiya, ang etika ay itinuturing na isang sangay ng pag-aaral na
nakapokus sa grupo ng mga prinsipyo at paniniwala sa kung ano ang mabuti at nararapat.
• Samakatuwid, ang pagiging etikal ay tumutukoy sa pagiging matuwid, makatarungan,
matapat, at mapagpahalaga sa kapuwa ng isang tao.
• Kung ilalapat ito sa pagsasagawa ng pananaliksik, mahihinuha na ang pagiging etikal sa
larangang ito ay pagsunod sa mga pamantayang may pagpapahalaga sa katapatan,
kabutihan, at pagpapanguna sa kapakanan ng kapuwa.
• Hindi nananaliksik ang sinoman para sa sariling interes at kapakinabangan, at lalong
hindi para paunlarin lamang ang sariling pag-unawa sa isang tiyak na paksa.
• Ang pagbabago ay hindi para sa sarili kundi para sa kapuwa at lipunan. Etikal ang
anomang pananaliksik na nagpapanguna sa ganitong adhikain.
• Sa pagsasakasaysayan ni William Trochim (2006) sa Web Center for Social Research
Methods, tinukoy niya na may dalawang mahahalagang pangyayari pagkatapos ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang nagtulak sa mga mananaliksik na pagnilayan ang
pangangailangang bumuo ng konsensus hinggil sa mga etikal na prinsipyo sa
pananaliksik.
Nuremberg War Crimes Trial
• Ang una ay ang Nuremberg War Crimes Trial, kung saan nailagay sa pampublikong
kamalayan ang pamamaraan ng mga doktor at siyentistang Aleman na gumamit ng mga
taong bihag sa mga concentration camp bilang kasangkapan sa kanilang nakaririmarim na
eksperimento. Dahil dito ay nabuo ang Nuremberg Code na naglalaman ng sampung
batayang prinsipyo sa pagsasagawa ng pananaliksik. Kabilang sa mga prinsipyong ito ang
mga sumusunod:
• boluntaryong paglahok ng mga respondente sa pananaliksik
• hindi pagpapahintulot sa mga hakbang sa pananaliksik na gagamit ng pisikal at mental na
pagpapahirap sa tao
• pagkakaroon ng tamang kapaligiran at proteksyon para sa mga respondente
• kagyat na pagpapatigil sa anomang eksperimento na magiging dahilan ng pagkamatay o
pagkapahamak ng sinomang tao.
• Gayundin, malinaw na tinukoy rito na ang anomang pananaliksik ay kailangang mag-
ambag sa kabutihan ng lipunan.
Tuskegee Syphilis Study
• Noong 1950s hanggang 1960s naman ay nakuwestyon ng publiko ang Tuskegee Syphilis
Study, kung saan hindi hinayaang makagamit ng gamot para sa syphilis ang mga kalahok
sa pananaliksik na African-American.
• Nag-udyok ito sa mga mananaliksik at siyentista upang muling pag-isipan ang
panlipunang halaga ng mga siyentipikong pananaliksik, tukuyin ang pangunahing layunin
nito, at kung kanino ito dapat magsilbi.
MGA GABAY SA ETIKAL NA PANANALIKSIK
Ang mga gabay sa etikal na pananaliksik ay nagpapakita ng mga etikal na isyu sa iba't
ibang bahagi ng pananaliksik. May tinukoy na mahahalagang prinsipyo sa etikal na pananaliksik
ang American Psychological Association (2003) at ang Center for Social Research Methods
(2006) na maaaring maging gabay ng mga nagsisimulang mananaliksik sa anomang larangan.
Narito ang ilan sa mahahalagang prinsipyong iyon:
1. Pagkilala sa Pinagmulan ng mga Ideya sa Pananaliksik
2. Boluntaryong Partisipasyon ng mga Kalahok
3. Pagiging Kumpidensyal at Pagkukubli sa Pagkakakilanlan ng Kalahok
4. Pagbabalik at Paggamit sa Resulta ng Pananaliksik
Plagiarism at ang mga Responsibilidad ng Mananaliksik
• Ayon sa Purdue University Online Writing Lab (2014), ang plagiarism ay ang tahasang
paggamit at pangongopya ng mga salita at/o ideya ng walang kaukulang pagbanggit o
pagkilala sa pinagmulan nito.

Tinukoy ng Plagiarismo.Org (2014) ang iba pang anyo ng plagiarism gaya ng:
• pag-angkin sa gawa, produkto o ideya ng iba;
• hindi paglalagay ng maayos na panipi sa mga siniping pahayag;
• pagbibigay ng maling impormasyon sa pinagmulan ng siniping pahayag;
• pagpapalit ng mga salita sa katulad na wika o kaya ay pagsasalin ng teksto ngunit
pangongopya sa ideya nang walang sapat na pagkilala; at
• ang pangongopya ng napakaraming ideya at pananalita sa isang pinagkunan na halos
bumuo na sa iyong produkto, tukuyin mo man o hindi ang pinagmulan nito.
• Bukod sa mga nabanggit, kaso rin ng plagiarism ang pagsusumite ng papel o anomang
produkto na gawa ng iba o kaya ay sabay na pagsusumite ng iisang papel sa magkaibang
kurso (Council of Writing Programs Administrator 2003).
• Itinuturing na rin na paglabag ang redundant publication kung saan nagpapasa ang isang
mananaliksik ng iisang pag-aaral sa dalawang magkaibang refereed journal para sa
publikasyon
• At ang self-plagiarism, kung saan ang bahagi ng isang pananaliksik ay inuulit sa isa pang
pananaliksik nang walang sapat na pagbanggit kahit pa sarili ring ideya ang pinagmulan
nito (University of Minnesota, Center for Bioethics 2003)
• Maging ang gawain ng ilang mananaliksik na pagpaparami ng listahan ng sanggunian
kahit na hindi naman talaga ito nagamit sa pananaliksik o kaya ay paglalagay ng mga
aklat o materyales na hindi naman personal na nabasa at ginamit, bagkus ay nakita
lamang na binanggit sa aklat ng iba, ay mga porma rin ng plagiarism (Evasco et. al. 2011)

Mga Bahagi at Proseso ng Pananaliksik


• Katangian ng isang mananaliksik ang pagiging masinop at sistematiko sa buong proseso
ng pagsasagawa ng pananaliksik. Makatutulong sa kaniya kung sa unang bahagi pa
lamang ng pananaliksik ay makabuo na siya ng plano sa tatakbuhin ng buong pag-aaral;
tungo sa pagsagot ng tanong sa pananaliksik.
• Ang pag-alam ng proseso ng pananaliksik ay makapagbibigay sa mananaliksik ng sapat
na pundasyon at kakayahan sa pagtuklas ng impormasyong bubuo sa pananaliksik. Narito
ang pangkalahatang proseso ng pananaliksik at kahalagahan ng pagsasagawa ng bawat
bahagi.

1. Pamimili at Pagpapaunlad ng Paksa ng Pananaliksik - sa antas na ito, may sapat nang


kahandaan ang mananaliksik na isulat ang mga sumusunod na mga preliminaryong bahagi ng
pananaliksik: Rasyonal at Kaligiran ng Pag-aaral, Paglalahad ng Suliranin, Layunin at
Kahalagahan ng Pag-aaral, at Rebyu ng Kaugnay na Literatura.
2. Pagdidisenyo ng Pananaliksik - sa antas na ito, maaari na ring iakda ang iba pang bahagi
ng pananaliksik: Teoretikal na gabay at Konseptuwal na Balangkas, Sakop at Delimitasyon
ng Pag-aaral, at Daloy ng Pag-aaral
3. Pangangalap ng Datos - sa antas na ito, handa na ang mananaliksik na iakda ang
Metodolohiya at Pamamaraan ng Pananaliksik
4. Pagsusuri ng Datos - handa na ang mananaliksik na isulat ang Resulta at Diskusyon sa
bahaging ito kasunod ang Lagom, Kongklusyon, at Rekomendasyon ng pananaliksik.
5. Pagbabahagi ng Pananaliksik - sa pinakahuling antas ng pananaliksik na ito, titiyakin na
maibabahagi ng mananaliksik ang mahahalagang naging kongklusyon ng pananaliksik.
Maaaring sa paglalathala sa iba't ibang publikasyon gaya ng mga refereed journal (online o
hindi), libro at iba pang uri ng lathalain.
ANG LARANGAN NG PANANALIKSIK

Ang pananaliksik ay ang pagsubok, pagtuklas, magbigay-linaw sa isang isyu,


magsiyasat ng isang katotohanan na tinanggap at napabalidong mga kaisipan at
paniniwala. Nangangailangan ito ng higit na atensyon, pagtitiyaga, maayos at
masistematikong pag-aaral tungkol sa nais na tuklasin tulad ng problema, konsepto o
kasalukuyang isyu o isang aspektong nais na pag-aralan.
1. Pampayaman ng kaisipan
2. Lumalawak ang karanasan
3. Nalilinang ang tiwala sa sarili
4. Nadaragdagan ang kaalaman

Mga Katangian ng Praktikal na Pananaliksik

• Orihinal na akda
• May Sistema
• Hindi mahirap kalapin ang mga datos na pag-aaralan
• Hindi magastos ang paksa
• Praktikal
• Makatotohanan
• Maaaring kwantitatibo (qualitative) o kwalitatibo (qualitative)

Paksa ng Pananaliksik

 Mayaman sa kultura, panitikan at kaalaman ang ating bansa.


 Maging malikhain
 Pagkakaroon ng tamang gabay at perspektiba sa pananaliksik
Pagpili ng Paksa

 nakapupukaw sa iyong interes at ng mambabasa


 gawing partikular
 kung may katuturan o halaga

Paglalatag ng mga katanungan

 Nilalaman na pag-aaral
 Historikal na konteksto (Pagmapa sa sarili nitong kasaysayan at bahagi sa
pangkalahatang kasaysayan)
 Ano ang katangian at mga kategorya ng paksa
 Ano ang halaga ng iyong paksa

Istruktura ng Pananaliksik
1. Paghahanap ng Paksa
2. Pagsasagawa ng mungkahing pananaliksik/proposal
3. Pananaliksik (Paghahanap ng mga sanggunian, materyales, babasahin at iba pa.
4. Pagsusulat ng unang burador (pagsusuri/interpretasyon ng mga datos)
5. Pagsusulat ng ikalawang burador (pagkinis ng mga detalye/pagtiyak sa mga tala)
6. Pagrebyu (mga komento/mungkahing mga pagbabago para sa ikauunlad ng pananaliksik)
7. Pagsusulat ng rebisyon (tuntungan at gabay sa rebisyon ang mga komento/mungkahi ng
nagrebyu/sariling pagtatasa sa pananaliksik)
8. Pagbabahagi ng pananaliksik/paglalathala (para sa maaaring makinabang at praktika ng
pananaliksik.
Tatlong Uri ng Pananaliksik
1. Quantitative (Kuwantitatibo)
2. Qualitative (Kuwalitatibo)
3. Mixed Methods
Mga Disenyo ng Pananaliksik
1. Palarawan (Descriptive)
Hal. Pag-aaral sa mga suliranin ng mga mag-aaral na naninirahan sa mga boarding houses at ang
naging epekto nito sa kanilang pag-aaral.
2. Eksperimental
Kilala sa tawag na action research, isang uri ng pananaliksik na karaniwang layunin ang
mabigyan ng ebalwasyon ang kasalukuyang kalakaran at humanap ng mas mabuting alternatibo.
3. Pangkasaysayan (Historical)
Sinusuri dito ang mga pangyayari, ang pag-unlad, ang mga dahilan ng bagay-bagay at sanhi at
bunga.
Hal. Ang pag-aaral ukol sa pag-unlad ng ating Pambansang Wika
4. Pag-aaral ng isang Kaso (Case Study)
Ito'y isang malawak na pag-aaral sa isang aklat, pangyayari, karanasan, isang pasyente, kaso sa
hukuman o kaya'y mabigat na suliranin.
Hal. Pag-aaral ukol sa kaso ng isang sugapa sa ipinagbabawal na gamot na naging dahilan ng
pagkakapasok niya sa rehabilitation center.
5. Genetic Study
Pinag-aaralan ar sinusuri nito ang pagsulong at pag-unlad ng isang paksa.
Hal. Pag-aaral sa yugto ng pagdadalaga/pagbibinata ng isang tao
6. Pamamaraang Nababatay sa Pamantayan (Normative)
Inihahambing ang resulta ng isang pag-aaral sa isang umiiral na pamantayan
Hal. Paghahambing ng nagampanan sa Ingles ng mga nasa ikatlong baitang sa isang dibisyon sa
Pambansang Pamantayan sa Ingles ng mga nasa Ikatlong Baitang
7. Hambingang Pamamaraan ( Comparative Analysis)
Ginagamitan ito ng mga talahanayan ng paghahambing ng mga datos.
Hal. Pag-aaral ng bunga ng edukayon sa mga mag-aral ng paaralang publiko at paaralang
pribado.

Bahagi ng Isang Tesis


I. Ang Suliranin at Kaligiran ng Pag-aaral
 Panimula - Nakapaloob dito ang tungkol sa paksang pag-aaralan, bakit nagkainteres ang
mga mananaliksik na ito ang pag-aaralan at ano-ano ang magiging kapakinabangan ng
gagawing pag-aaral.
 Paglalahad ng Suliranin - Nakapaloob dito ang mga katanungan o layunin ng gagawing
pag-aaral.
 Kahalagahan ng Pag-aaral - Ipapakita sa bahaging ito kung ano-ano at para kanino ang
kapakinabangan ng gagawing pag-aaral.
(Mula sa makikinabang-pababa)
* Para sa mga Mag-aaral
*Para sa mga Guro
 Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral - hanggang doon na lamang ang sakop ng pag-
aaral; ang pagpili sa paksa; ang pagkuha ng mga tagasagot at tagataya; at maging ang
target na paglalaanan ng papel.
 Depinisyon ng mga Katawagang Ginamit - Bibigyang kahulugan ang bawat termino sa
dalawang uri:
*Conceptual meaning - leksikal na kahulugan o sa iba pang batayang aklat
*Operational meaning - kung paano ginamit ang mga termino sa loob mismo ng pag-
aaral.

II. Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral


• Kaugnay na Literatura - Anomang nabasang akda, artikulong umuugnay sa
kasalukuyang pananaliksik na buhat sa mga aklat, pahayagan, journal at magasin.
• Kaugnay na Pag-aaral - Mga kaugnay na tesis at disertasyon na may kaugnayan sa
ginagawang pag-aaral.
A. Banyaga
B. Lokal
(3 Kaugnay na Pag-aaral)
*Pamagat ng tesis, mananaliksik, taon kung kailan ginawa ang pag-aaral
*Pamamaraan at naging resulta ng pag-aaral
*Paghahambing at Pagtutulad
• Teoryang Ginamit sa Pag-aaral - Teoryang gagamitin o magiging batayan sa
gagawing pag-aaral
Hal. Sa panitikan...(Teoryang Realismo)
• Balangkas Konseptuwal - Ipapaliwanag kung saan tungkol ang gagawing pag-aaral,
proseso/pamamaraan at inaasahang produkto o awtput.
III. Mga Pamamaraang Ginamit sa Pag-aaral
• Disenyo ng Pananaliksik - Uri ng pananaliksik na gagamitin
- Dahilan ng pagkakapili nito. Hal. Descriptive-analytic o Content Analysis (Pagsusuring
Pangnilalaman)
• Pinagmulan ng mga Datos
- Sino-sino ang kasangkot sa pag-aaral at ang pamamaraan ng pamimili sa mga tagasagot.
-Bakit sila ang napiling isangkot sa pag-aaral; paano napili at kung paano naitakda ang
kabuuang bilang.
• Instrumentong Ginamit sa Pag-aaral - Ginagamitan ba ng sarbey, pakikipanayam,
palatanungan (questionnaire-checklist), ilan ang napasali, paano ang nagiging
pangongolekta, gaano katagal ang inubos na panahon sa pangongolekta.
• Pamamaraan sa Pangangalap ng Datos - Ipinapakita rito nang detalyado ang mga
naging hakbang/proseso sa pangangalap ng datos at iba pang pamamaraan na nagawa ng
mananaliksik.
• Pagsusuring pang-Istatistika - inilalahad dito ang simpleng istatistiks na magagamit
matapos maitala ang mga naging sagot sa sarbey-kwestyuner sa bawat respondent.
Maaari nang gamitin ang pagpoporsyento/bahagdan matapos maitally ang mga numerikal
na datos.
IV. Paglalahad, Pagsusuri at Interpretasyon ng mga Datos
V. Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon
Paalala
*Huwag gamitin ang “amin” at “atin” (Mga Mananaliksik)
* Future Tense (Panghinaharap ang gamiting pandiwa) para sa panukalang pag-aaral .
Hal. Susuriin ng mga mananaliksik
*Pangnagdaan kapag ang papel ay nabuo na

Pinal na Gawain: Sumulat ng isang mungkahing pananaliksik na binubuo ng tsapter 1-3. Ang
ipapasang mungkahing pananaliksik ay printed at nakalagay sa isang white folder, sundin ang
pormat sa ibaba.
• Short Bond Paper (8.5x11)
• Margins: left (1.5), top (1.3) bottom (1.0) right (1.0)
• Page #: Top (right side)
• Spacing: Double Space
• Font Size: 12, Times New Roman
• Before Subtitles: spacing -3
• Title: ALL CAPS (Bold)
*Inivisible page number sa lahat ng mga pahinang may
“Tsapter 1, 2, 3, 4, 5
Tsapter 1
ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NG PAG-AARAL

Panimula
Paglalahad ng Suliranin

Kahalagahan ng Pag-aaral

Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral


Depinisyon ng mga Katawagang Ginamit
Tsapter 2
REBYU NG MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL
Kaugnay na Literatura
Kaugnay na Pag-aaral
A. Banyaga
B. Lokal
Balangkas Konseptuwal
Tsapter 3
MGA PAMAMARAANG GINAMIT SA PAG-AARAL
Disenyo ng Pananaliksik.
Pinagmulan ng mga Datos
Instrumentong Ginamit sa Pag-aaral
Pamamaraan ng Pangangalap ng Datos
Pagsusuring Pang-istatistika

You might also like