fonema-KALIKASAN AT ISTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

KALIKASAN AT ISTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO

Magkatulad ang lahat ng wika dahil lahat ng taong gumagamit ng wika ay nakapagpapahayag o
nakapagtatalastasan sa paraang nagkakaunawaan sila ng kanilang kagrupo. Ang lahat ng wika ay binubuo ng
mga tunog at sagisag. Bagamat sinasabing magkakatulad ang mga wika, nagkakaiba naman ang mga ito sa
dahilang arbitraryo ang relasyon ng tunog sa kahulugan ng bawat salita, at maging ang pagbbuo at ang pag-
uugnay ng mga salitang ito. Upang masabi mong alam mo ang wika, kinakailangan alam mo ang sistema ng
pag-uugnay ng tunog sa kahulugan ng tunog na ito.

Lahat ng wika ay pantay-pantay. Walang superior o imperyor na wika. Lahat ng wika ay may kasapatan
upang magkaintindihan ang mga tagpagsalita ng mga ito. Lahat ng wika ay may grammar. Lahat ng wika ay
may fonema, morfema, leksikon, sintaks. Bagamat lahat ng wika ay may grammar, natatangi ang mga ito tulad
ng sa wikang Filipino.

Leksyon 1: Fonema, Morfema at Leksikon

Fonema ng Wikang Filipino


Ang bawat wika ay may tiyak na dami ng makabuluhang tunog. Ang mga tunog na ito ay
nakapagpapabago ng kahulugan ng mga salita. Ito ay tinatawag na fonema.

May dalawang kategorya ang fonema sa Filipino

Kategorya ng Fonemang Filipino


1. Mga fonemang segmental
2. Mga fonemang suprasegmental

1. Mga fonemang segmental. Sa pagpasok ng walong letra sa alfabetong Filipino (c, f, j, ñ, q, v, x, z) na


dating wala sa abakada, ang mga letrang fonemik na f, j, v, at z ay malayang nagagamit sa mga pangngalang
pambalana bukod sa mga pangngalang pantangi. Dahil dito, naging bahagi na ang mga letrang ito ng wikang
Filipino na dahilan upang maragdagan ang mga fonema. Mula sa dating 21 bilang ng fonema, naging 25 na ito
– 20 na katinig at 5 na patinig. Naging bahagi nan g fonemang Filipino ang mga tunog na /f/, /j/, /v/, at /z/.

1|Pahina
Mga Fonemang Katinig

PARAAN NG PUNTO NG ARTIKULASYON


ARTIKULASYO Panlabi Panlabi Pangngipi Panggilagi Pangngala Panlalamuna Impit o
N Pangipin n d -ngala n Glotal

Pasara
w.t. p t k
m.t. b d g ?
Pailong m n ŋ
Pasutsot
w.t. f s h
m.t. v z
Aprikatibo
w.t.
m.t. j
Pagilid l
Pakatal r
Malapatinig y w

Makikita sa tsart ang PUNTO NG ARTIKULASYON o kung saang bahagi isinasagawa ang pagbigkas ng
fonema, na maaaring panlabi, pangngipin, pangngilagid, pangngalangala, bilar o sa dulo ng lalamunan, at ang
glottal o impit na tunog na ginagawa sa pamamagitan ng pagsara ng glotis. Sa gilid naman ng tsart, makikita
naman ang PARAAN NG ARTIKULASYON. Ito ang paraan ng pagbigkas o paraan ng pagpapalabas ng hangin sa
bibig o kaya’y sa ilong- kung ito ay pasara, o kaya’y pailong o nasal, pasutsot, pagilid, pakatal at malapatinig.

Ipinagkakaiba rin ng dalawang fonema ang kawalang ng tinig (w.t.) o pagkakaroon ng tinig (m.t). Iba
ang fonemang panlabing pasara, walang tinig na /p/ kaysa sa fonemang panlabing pasara na may tinig na /b/.

May isa sa isang tumbasan ang fonema at titik dahil konsistent ang palabaybayan o ispeling sa wikang
Filipino. Lahat ng simbolo para sa bawat fonema ay siya ring titik maliban sa /?/ para sa impit na tunog o glotal
at / ŋ/ para sa ng.

Halimbawa:

pala bala tula dula kulay gulay


nawa ŋawa titik titig basag bahag

2|Pahina
Mga Fonemang Patinig

BAHAGI NG DILA
Posisyon ng Dila Harap Sentral Likod
Mataas i u
Gitna e o
Mababa a

Ipinapakita sa trart ng fonemang patinig na nagkakaiba ang paraan ng pagbigkas ayon sa taas ng
posisyon ng dila – mataas, gitna at mababa. Ipinakikita rin kung saang bahagi ng dila ang gumagana sa
pagbigkas – harap, sentral o likod. Ang bawat isa sa mga tunog na ito ay hiwalay na mga fonema dahil hindi
sila malayang nagkakapalitan nang hindi nagbabago ang kahulugan ng salita, maliban sa ilang salitang Filipino
tulad ng lalaki at lalake; pito at pitu, at iba pa.

Makikita sa ibaba ang halimbawa ng mga salitang may fonemang hindi malayang makapagpapalitan.

tela – tila iwan – ewan oso – uso

Karamihan ng mga salita sa Filipino ay nalilikha sa pamamagitan ng palabas na hangin. Ito ang lumilikha
ng presyur na nagpapakatal sa mga babagtingang pantinig (vocal cords). Ang tunog ay namomodipika ng ilong
at bahagi ng bibig tulad ng dila at panga, ngipin at labi, matigas na ngalangala at malambot na ngalangala.
Nagkakaroon ng pagkakaiba ang mga tunog na ito ayon sa paraan at punto ng artikulasyon.

2. Mga fonemang suprasegmental. May tatlong fonemang suprasegmental ang Filipino. Ang mga ito
ay tono,diin, at antala. Nagbibigay-kahulugan ang mga ito sa pakikipagkomunikasyon.

Tono. Ito ang pagtaas at pagbaba ng tinig sa pagbigkas ng pantig ng isang salita.
Halimbawa:

1. I

kaw - (may katiyakan)

2.
kaw? – (hindi sigurado, nagtatanong)

3|Pahina
Diin. Ito ang haba ng bigkas na iniuukol sa patinig ng pantig ng isang salita.
Halimbawa:

búkas – sa susunod na araw


bukás – walang takip, hindi sarado
dága – mahaba at matulos na hayop
daga – isang uri ng maliit na hayop

Antala. Ang antala ay isang saglit na pagtigil sa pagsasalita upang lalong maging malinaw at mabisa ang
kaisipang ipinahahayag.
Halimbawa:

1. Hindi ako ang pumatay//


(Maaaring ibang tao ang pumatay, at hindi ang nagsasalita.)

2. Hindi// ako ang pumatay.


(Inamin ng nagsasalita ma siya ang pumatay.)

4|Pahina

You might also like