Pakikinig 3,4,5

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

PAKIKINI

G
LEKSYON III:

LAYUNIN NG PAKIKINIG
LEKSYON III:
LAYUNIN NG PAKIKINIG
Layunin ng Pakikinig (Espina at Borja, 1999)
1. Makinig upang maaliw
2. Makinig upang lumikom ng mga impormasyon o
kaalaman
3. Makinig upang magsuri
LEKSYON IV:

MGA PANUNTUNAN PARA


SA KRITIKAL NA PAKIKINIG
LEKSYON IV:
MGA PANUNTUNAN PARA SA KRITIKAL NA PAKIKINIG
(ALDEN AT RODMAN)

1. Pakinggan ang mga impormasyon bago magsagawa ng evalwasyon


para dito
2. Magsagawa ng evalwasyon sa kredibilidad ng tagapagsalita
3. Pag-aralan ang mga ebidensya ng tagapagsalita
4. Pag-aralan ang mga emosyunal na pang-akit o pag-aapela ng
tagapagsalita
5. Pag-aralan ang pangangatwiran ng tagapagsalita
LEKSYON V:

URI NG MGA
TAGAPAKINIG
LEKSYON V:
URI NG MGA TAGAPAKINIG
(ALDEN AT RODMAN, 1997)

1. Mapagkunwaring tagapakinig (pseudolistener)


2. Mapamiling tagapakinig (selective listener)
3. Mapagsanggalang na tagapakinig (defensive listener)
4. Mananambang (ambusher)
5. Insuladong tagapakinig (insulated listener)
6. Insensitivong tagapakinig (insensitive listener)
7. Agaw-eksenang tagapakinig (stage hog)
LEKSYON V:
URI NG MGA TAGAPAKINIG
(ALDEN AT RODMAN, 1997)

1. Mapagkunwaring tagapakinig (pseudolistener) Ang


tagapakinig na ito ay nagpapanggap na nauunawaan
ang mensaheng ipinaaabot ng tagapagsalita.
Nagkukunwari itong nagbibigay-atensyon sa
pamamagitan ng pagtingin sa mata ng tagapagsalita,
pagtango at pagngiti at paminsan-minsang pagsagot.
LEKSYON V:
URI NG MGA TAGAPAKINIG
(ALDEN AT RODMAN, 1997)

II. Mapamiling tagapakinig (selective listener)


Tumuutgon lamang ang tagapakinig na ito sa bahaging
sinasabi ng tagapagsalita na interesado siya. Binabalewala
naman niya ang ibang sinasabi na sa tingin niya’y hindi
mahalaga sa pagkakataong iyon.
LEKSYON V:
URI NG MGA TAGAPAKINIG
(ALDEN AT RODMAN, 1997)

III. Mapagsanggalang na tagapakinig (defensive


listener)
Itinuturing ng tagapakinig na ito na isang pag-atakeng
personal ang mga inosenteng puna. Nabibilang rin sa grupo
ng mga tagapakinig na ito ang mga kalahok sa debate na
ipinagtatanggol ang kanilang panig.
LEKSYON V:
URI NG MGA TAGAPAKINIG
(ALDEN AT RODMAN, 1997)

IV. Mananambang (ambusher)


Ito ang uri ng tagapakinig na pinakikinggang mabuti ang
bawat sabihin ng tagapagsalita upang makapag-ipon ng
sapat na mga impormasyong gagamitin upang ipang-atake
sa nagsasalita.
LEKSYON V:
URI NG MGA TAGAPAKINIG
(ALDEN AT RODMAN, 1997)

V. Insuladong tagapakinig (insulated listener)


Ito naman ang tagapakinig na walang pakialam sa
mensaheng ipinaaabot ng tagapagsalita. Sa halip na
unawain ang sinasabi ay iniiwasan ito at binabalewala.
LEKSYON V:
URI NG MGA TAGAPAKINIG
(ALDEN AT RODMAN, 1997)

VI. Insensitivong tagapakinig (insensitive listener)


Pinakikinggan lamang ng tagapakinig na ito ang mensahe ng
tagapagsalita nang paimbabaw kung kaya hindi malinaw ang
dating ng ideya sa kanya. Nagbibitiw siya ng mga salitang hindi
pinag-iisipan o kaya’y gumagawa ng mga di-verbal na pahiwatig
nang walang pakialam kung ano ang nararamdaman ng kausap.
LEKSYON V:
URI NG MGA TAGAPAKINIG
(ALDEN AT RODMAN, 1997)

VII. Agaw-eksenang tagapakinig (stage hog)


Ang tagapakinig na ito ay tinatawag ding narsisista dahil sa
halip na magbigay-atensyon sa tagapagsalita ay isinisingit
lagi ang kanyang sarili. Mahilig siyang sumabat sa sinasabi
ng nagsasalita kung kaya kinakainisan siya minsan.

You might also like