Fil 102 g2 Ekokritisismo Bilang Isang Interdisiplinaryo PDF Free

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

MINDANAO STATE UNIVERSITY

Fatima, General Santos City


COLLEGE OF SOCIAL SCIENCES AND HUMANITIES

EKOKRITISISMO BILANG ISANG INTERDISIPLINARYO

Presented to:
Prof. Angeles E. Ysmael
FIL 102

Researchers:
Dolino, Almira Cate
Francisco, Larielee
Imbong, Kenneth Dan
Jordan, Jan Carlo
Guinanas, Gerson Jan
1st – BAELS
EKOKRITISISMO BILANG ISANG INTERDISIPLINARYO
Ang Ekokritisismo ay nakatuon sa ugnayan ng ekolohiya at panitikan na tumatalakay sa
usapin ng pagpapahalaga sa kalikasan, kapaligiran, at nosyon ng mga tao sa wilderness
at frontier sa iba-ibang panahon at pook sa Pilipinas. Sa pagsusuri ng mga akdang
pampanitikan, nahuhubog ang pagtingin at gawi ng tao ukol sa kapaligiran.

Hindi mapapasubaliang ang kasiyahan na kaalamang dala ng panitikan sa lipunan kung


saan ito ay umiiral. Ito ay:

 Naglalayong mag-aliw at magturo


 Nakakapagbigay daan sa pakikipag-ugnayan ng tao sa Maykapal
 Gabay ng tao sa kanyang pakikipag-ugnayan sa kapwa at kanyang kapaligiran sa
kalahatan
 Sumasalamin sa mga gawain ng tao

Ang ideya at kaalaman Ekokritisismo ay maaring ipagsama sa mga pamamaraan ng iba’t


ibang disiplina gamit ang tunay na sintesis ng pagdulog. Dahil interdisiplinaryo ang
pagsusuri gamit ang ekokritisismo, papasok din ang pag-aaral ng Kultura at
Antropolohiya, Agham Panlipunan, at Kasaysayan sa iba pang teoryang pampanitikan
upang higit na mas malalim ang pagpapakahulugan sa mga akdang pampanitikan na
pumapaksa sa kalikasan.

Ayon kay Glotfelty (1994):

We are facing a global crisis toady, not because of how ecosystems function but
rather how our ethical systems function. Going through the crisis requires understanding
our impact on nature as precisely as possible, but even more, it requires understanding
those ethical systems and using that understanding to reform them. Historians, along with
literary scholars, anthropologists, and philosophers, cannot do the performing of the
course, but can help with the understanding.

Ekokritisismo at Kultural-Antropolohiya

Ang ekolohikal na antropolohiya (ecological anthropology) ay ang pag-aaral ng


relasyon sa pagitan ng mga tao at sa kanilang mga kapaligiran. Ito ay ang pag-aaral ng
pagbagay ng kultura sa kapaligitan. Ang kaisipan na ito ay inilatag ni Julian Steward sa
kalagitnaan ng ikadalawampung siglo.

Inilatag ni Steward ang kaisipan ng ugnayan ng kultura at kalikasan at ang kahalagahan


ng konsepto at pag-unawa nito. Ito ay nakapokus sa pag-ukol kung papano ang mga
kultural na paniniwala ay nakatulong sa pagpapanatili ng ekosistem. Nabigyan tuon rin
ng mga kultural antropologo kung papani ang mga aspeto ng kultural na pag-uugali
magpapanatili ng balance o ‘homeostasis’ sa mga relasyon sa pagitan ng isang local na
pangkat at kapaligiran upang itaguyod ang pagmatagalang pagpreserba ng buhay nito.

Samatala, ang kultural na ekolohiya (cultural ecology) ay isang teoryang naglalayong


ipaliwanag ang mga pagkakatulad at pagkakaiba ng kultura sa kapaligiran. Maaring
ikumpara rito ang ibat-ibang kultura upang mahinuha ang mga salik sa kultural na pag-
unlad. Ang konspetong ito ay nagpapalagay na ang kultura ay superorganic.

Ayon kay Steward, maiintindihan natin ang mga halaw sa pamamaitan ng:

 Pagsuri ng Spritual Core na kung saan ito ay ang pundasyon na may kaugnay
sa abilidad ng isang kultura upang makaligtas. Ito ay binubuo ng teknolohiya,
kaalaman, mga gawa, at mga pamilya na kumukuha ng mga yaman mula sa
kalikasan.
 Pagsiyasat ng ugnayan ng mga gawi at ng cultural core.
 Pag-eksamin kung papano nakakaapekto ang mga institusyonal na lipunan at
mga paniniwala sa pag-iral mga nakagawiang pag-uugali.

Ukol sa Cultural Ecology School of Thought, ang pagkakapareho ng kultura ay


mahihinuha sa parehong kondisyon ng kapaligiran. Ang pagbabago ng kultura ay sa
dahilang pagbabago din ng kapaligiran. Ang pagbabago ng kapaligiran ay hindi
nahuhulaan, ang kultura rin ay pumaparoon at pumaririto sa iba’t-ibang direksyon.
Maaring magkatulad ang kultura sa isang punto, ito ay nagbabago sabay ng paglihis ng
kondisyn ng kapaligiran.

Mga pagbabagong hinarap ng kapaligiran


1. Overpopulation o ang pagdami ng populasyon- Ang epidemya ng pagtaas ng
bilang ng populasyon ay nakaapekto sa marawal na kalagayan ng kapaligiran na
nakasira ng ating ekosistem.
2. Polusyon- Pagbabago ng hangin, lupa, tubig ng kapaligiran na nagdulot ng
kapahamakan sa pamumuhay ng mga tao at hayop.
3. Global Warming- Pagkaranas ng pagtaas ng katamtamang temperature ng
himpapawid at mga karagatan sa mundo.
4. Climate Change- Pagbabago ng klima o panahon dahil sa pagtaas ng mga
greenhouse gas na nagpapainit sa mundo.
5. Genetic Modification- Organismong henetikong binago na kinabibilangan ng
mga bakterya at yeast, mga insekto, mga halam, mga hayop, at mga mammal.

Interkoneksyon ng Kalikasan at Kultura

Magkabuhol ang kalikasan at kultura na ibinabandila sa mga akdang pampanitikan. Tuon


ng ekokritisismo ang interkoneksyon sa pagitan ng kalikasan at kultura, particular na sa
kultural na artifacts na wika at panitikan. Ayon kay Glotfelty (1994),

“As critical stance, ecocriticism has one foot in literature and the other on land; as
a theoretical discourse, it negotiates between the human and nonhuman.”

Ito ang mga mahihinuha sa interaksyon ng Kalikasan at Kultura:

1. Ang kultura ay masasalamin kung paano ang tao makipag-ugnayan sa kapwa tao
at sa mga hindi tao.
2. Hindi maaring paghiwalayin ang panitikan at kultura. (Gesdorf at Mayer 2006)
3. Nailalahad sa mga panitikan kung anong ugnayan ang namamayani sa tao at
kalikasan.

You might also like