Modyul 1 Q1
Modyul 1 Q1
Modyul 1 Q1
Filipino
Kwarter 1 – Modyul 1:
Mindanao Salamin ng
Kultura at Panitikan
Filipino – Baitang 7
Kwarter 1 – Modyul 1 : Mindanao Salamin ng Kultura at Panitikan
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran
.
Para sa Tagagabay:
Upang lalong kagiliwan ng mag-aaral at maging kapaki-pakinabang
ang modyul na ito, tiyaking makapagbigay ng oryentasyon sa mga mag-
aaral, magulang, o sinomang miyembro ng pamilya kung paano gagamitin
at iingatan ang modyul na ito.
Ipabatid na kailangang magkaroon ng sariling sagutang papel ang
bawat mag-aaral para sa paunang pagsubok, mga gawain sa bawat
bahagi at panapos na pagsubok. Kung tapos nang sagutin ang modyul na
ito, ipaalala sa mag-aaral na kaagad itong ibalik sa guro para sa
kaukulang tunguhin.
Para sa mag-aaral:
Inihanda ang modyul na ito para sa iyo. Kailangan
mong sundin at saguting mag-isa ang mga gawaing nasa
loob nito. Huwag kang mag-alala, kayang-kaya mo ito.
Tiniyak kong matutuwa ka habang natututo.
Ingatan mo ang modyul na ito. Huwag mong
susulatan at iwasang mapunit ang mga pahina. Gumamit ka
ng sagutang papel o ang iyong kuwaderno. Sige, simulan
na natin!
ii
(Mindanao Salamin ng Kultura at Panitikan)
Panimula:
Magandang Araw! Kumusta ka? Nasa unang araw
tayo pagkatuto sa bagong kaalaman. Halika, samahan mo akong tuklasin
ang panibagong karunungan na magdadala saiyo ng masaya at
makabuluhang karanasan ngayong taon.
1
Ito ang mga bagong salita na dapat
mong kilalanin para sa araling ito.
Talasalitaan
2
Ano ba ang alam mo na sa ating aralin,
subukin mo nga?
Panimulang Gawain
A B. C.
D. E.
3
Magaling! Matagumpay na natukoy mo ang
ilang kaugalian ating mga kapatid na Muslim.
Basahin mo.
Nakalbo ang Datu
(Kuwentong-bayan ng Maranao)
4
buhok ng datu. Tuwing tanghali, sinusuklayan niya ito. Kapag tulog na ang datu,
palihim niyang binubunot ang itim na buhok ng asawa. Dahil sa ipinakikitang
pagmamahal ng dalawa sa asawa ay kuntento na sa kaniyang buhay ang datu.
Hinango : Aragon, Angelita L. Mga Alamat at iba pang mga Kuwento (Legends and other
Stories). Quezon City: Tru-Copy Printing Press, 1986, pp.80-81.
Alam mo ba na…
Ang tauhang lapad (flat character), na hindi nagbabago ang katauhan mula simula
hanggang sa magwakas ang kuwento at ang tauhang bilog (round character)
naman na nagbabago ang katauhan mula sa simula hanggang sa wakas ng
kuwento.
5
Ipagpatuloy mo.
Lubos na naunawaan
Naunawaan
Naguluhan
6
Simulan mo na ang iba’t- ibang
gawain.
Panuto:
Pagsasanay 1
Hasmin
Farida
7
Dahil madali mo lang nasagutan ang unang
pagsasanay, heto pa ang isa pang gawaing
magpapatibay ng iyong kaalaman.
Pagsasanay 2
Panuto:
Magbigay ng hinuha kung anong mga kaugalian ang tinataglay ng mga Muslim tungkol
sa pamumuno na ipinapatupad sa kanilang tribo na ipinakita sa binasang akda.
1. ___________
2. ___________
3. ___________
8
Balikan ang mga natutuhan sa naunang
mga gawain upang masagutan ang
sumusunod na pagsasanay.
Pagsasanay 3
Panuto:
Suriin ang tradisyong inilahad sa binasang
kuwentong- bayan tungkol sa pag-aasawa. Paghambingin ang kaugaliang Kristiyano
sa kaugaliang Muslim ukol sa pag-aasawa. Gumamit ng venn diagram. Gayahin ang
kasunod na sagutang papel.
Muslim Kristiyano
Tungkol sa pag-aasawa
☺
9
Ang bahaging ito ng modyul ay susukat sa mga natutuhan
mo sa loob ng aralin. Huwag kang matakot dahil alam kong
kayang-kaya mo ito. Huling pagsubok na lamang ito na
kailangan mong sagutin.
Panapos na Pagsubok
Ang Pilosopo
Noong unang panahon, sa isang bayan ay may isang pinuno na naging mahigpit sa
pagpapatupad ng batas a ipinatutupad sa kaniyang nasasakupan.. Ang kanilang
pinuno na nagngangalang Abed ay palagiang bumibisita sa kanyang mga tauhan
upang alamin kung sino ang mga higit na nangangailangan. Nang mapansin ni
Subekat na nag-iikot araw-araw ang pinunong upang mamigay ng pagkain sa mga
naghihirap ay kaagad siyang kumuha ng bato at isinalang sa kalan. Nang marating ni
Abed ang kubo, binati kaagad siya ni Subekat. Nakita niya ang kaldero na may
nilagang bato. Nang mapansin niya ito,to ng pinuno, sinabihan niya si Subekat na
kuhain ang kanyang parte na nakalaan para sa kanya.
Isang araw, nagtipon ang mga tao upang magdasal ng dhubor o tinatawag na
pantanghaling pagdarasal. Napagalaman ng pinuno na hindi sumama si Subekat sa
pagdarasal. Iipinaalam ni Abed sa mga tao na aalis sila para magsuri ng lupa dahil
kakaunti na lamang ang lupa para sa susunod na henerasyon. Nang paalis na sila ay
siya namang pagdating ni Subekat. Nagpaalam ito sa pinuno na sasama sa
paglalakad at pinayagan naman ito, kahit na hindi niya ito nakita sa pagdarasal. Alam
10
ng pinuno na sa pagkakataong iyon malalaman niya kung sumusunod ang lalaki sa
batas na ipinapatupad.
Sa pag-alis ng pangkat, sinabi ni Abed na kailangang magdala ang bawat isa ng bato
na tamang-tama lang ang bigat para sa kanila. Nagdala si Subekat ng batong sinlaki
lang ng kanyang hinlalaking daliri. Nang mapagod na sila sa kanilang paglalakbay ay
minabuti nilang magpahinga at magdasal. Hindi pa rin sumali si Subekat sa kanyang
mga kasamahan sa pagdarasal.
Bago sila magpatuloy sa kanilang paglalakbay, sinabihan muli ni Abed ang kanyang
mga kasama na magdala ng maliit na bato. Sumunod ang lahat ng mga tao, maliban
kay Subekat na ang dinalang bato ay ang pinakamalaki sa pag-aakalang magiging
tinapay ulit ito. Nang dumating na sila sa kanilang pupuntahan, sinabi ni Abed sa
bawat isa sa kanila na ihagis ang mga dalang bato sa abot ng kanilang makakaya
dahil ito na rin ang lawak ng lupang matatamo ng kanyang mga nasasakupan.
Samantala, si Subekat na nagdala ng pinakamalaking bato ay sinlaki lamang ng bilao
ang nakuhang lupa. Ito ay dahil sa sobrang bigat ng bato at hindi niya nakayang ihagis
ng malayo. Doon lamang sa nahulugan ng bato ang kanyang makukuhang lupain.
11
Panuto:
Magbigay ng pangyayari sa akda na magpapatibay ang iyong hinuha tungkol sa
kaugaliang muslim.
1. Gawain ng mga Muslim bago kumain
2. Paraang ipinakita ng mga tao bilang pagkilala kay Abed na pinuno.
3. Kahalagahan ng pagsunod batas sa bawat muslim
4. Pamumuhay ng mga tribo sa Mindanao.
5. kahalagahan ng pananampalataya para sa mga Muslim.
Yehey!
Malapit mo nang matapos ang araling ito. Iwasto ang
iyong mga sagot sa pahina 14.
Ilang bituin kaya ang iyong matatanggap? Suriin sa ibaba.
12
Karagdagang Gawain
Panuto:
Bilang isang Pilipino nais mong makilala rin ang mga kapatid na Muslim sa
kanilang natatanging paniniwala, kaugalian at kultura. Kaya napagpasyahan mong
magdisenyo ng poster, gumawa ng tula o bumuo ng isang awit para sa
isasagawang Cultural Summit na dadaluhan ng mga kinatawan mula sa Luzon,
Visayas at Mindanao. Itataya ang iyong disenyo batay sa sumusunod na
pamantayan:
a) naglalarawan ng paniniwala, mga kaugalian at kalagayang
panlipunan ng Maranao 3
b) orihinal 5
c) masining 2
d) makatotohanan 5
KABUUAN 15
13
Susi sa Pagwawasto
sa trabaho at di nakapag-asawa
Panimulang Pagsubok 4. Mahusay sa trabaho ang pinuno.
2. C asawa.
3. B
4. D
5. A
Pagsasanay 3
Pagsasanay 1
Muslim kristiyano
1. tumanda siyang binata
2. naging abala sa pamamahala
1. Maalaga ang mga
3. dahil sa payo ng mga asawang babae
2. ang mayayaman ay 1. Maalaga ang mga
matatandang konseho mahigit sa isang asawa. asawang babae
2. isa lang ang asawa.
4. Florida – kinagiliwan ang puting
buhok kaya binunot ang
itim na buhok ng hari Tungkol sa pag-aasawa
Yasmin- binunot ang
puting buhok upang Panapos na Pagsubok
magmukhang bata ang hari
Ipinagdiriwang ng may 13 tribong
5. nakalbo ang datu
muslim ang Eid-ul-Fitr at Eid- ul adha
Pagsasanay 2
na ibig sabihin ay festival upang
1. Ang mga matanda ay nagpapabunot
mapalaganap ang relihiyong islam.
ng puting buhok sa asawa o anak. Kilala itong may makukulay na na
2. Maalaga ang ina sa asawa. pagdiriwang at nagsisilbing salamin ng
3. Maraming lalaki o babae ang abala wika, kasaysayan, kultura at lipunan
14
Sanggunian:
LM (Panitikang Rehiyonal 7), Read
more on Brainly.ph -
https://brainly.ph/question/319218#rea
dmore Pahina 12-15
15
Para sa iba pang tanong at puna, maaaring sumulat o tumawag sa: