Rbi Script-3

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

GRADE 7 Filipino

Learning Competency : Naisusulat nang sistematiko ang mga nasaliksik na impormasyon


kaugnay sa kaligirang pangkasaysayan ng Ibong Adarna (F7PU-IVa-b-18)
(MODULE 4 – 4RTH QUARTER)
Episode : 3
Scriptwriter : Faridah R. Faisal, Division of Iligan City
Audio Auditor :
Length : 30 minutes
Title : Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna
Objective : Naisusulat nang sistematiko ang mga nasaliksik na impormasyon
kaugnay sa kaligirang pangkasaysayan ng Ibong Adarna
a.1 Natutukoy ang mga mahahalagang impormasyon tungkol sa kaligirang

pangkasaysayan ng Ibong Adarna

a.2 Naisusulat nang sistematiko ang mga nasaliksik na impormasyon gamit ang isang

desinyong grapiko

a.3 Naipapaliwanag ang kahalagahan ng pagtangkilik ng panitikang Pilipino sa sariling

lahi

INTRODUCTION MUSIC
Teacher: Magandang araw mga mag-aaral! Ito na naman po ang inyong lingkod guro na si
Faridah Faisal magiging kaagapay ng mga mag-aaral mula sa ikapitong baitang
ng asignaturang Filipino. Halina at ating tuklasin ang isang bahaging aralin sa
ikaapat na marakahan kung saan mapag-aaralan antin ang pagsusulat nang
sistematiko ng mga nasaliksik na impormasyon kaugnay sa kaligirang
pangkasaysayan ng Ibong Adarna. Alam kong handa ka na. Halina’t simulan na.
Sagutin muna nang buong husay ang aking katanungan.
Ano-anu ang iyong ginawa upang maibahagi ang iyong sariling ideya tungkol sa
kahalagahan ng pag-aaral ng Ibong Adarna?
Naisip mo na ba ang mga hakbang na iyong nagawa? Kung ganun ay magaling.
Alamo ba na ang iyong ginagawa ay isang pananaliksik na paraan para
mahanap ang kahalagahan ng “Ibong Adarna”. Kaya lang kailangan pa rin nating
alamin ang kasaysayan at sistematikong paglalahad ng mga impormasyon ukol
sa iyong nasaliksik tungkol sa kaligirang pangkasaysayan ng Ibong Adarna.
Marahil kayo ay nagtataka kung ano ba ang ibig sabihin ng kasaysayan. Ang
kasaysayan o History sa Ingles ay sistematikong pag-aaral ng nakaraang
pangyayari upang maunawaan ang kasalukuyan at mapaghandaan ang
hinaharap.
Ang sistematiko naman ay sumusunod sa maayos at makabuluhang proseso.
Magagawang sistematiko ang nasaliksik na mga impormasyon kaugnay sa sa
kaligirang pangkasaysayan ng “Ibong Adarna” sa pamamagitan ng pagsunod sa
mga paraan na ito. Ito ang mga gabay sa paglalahad ng sistematikong
impormasyon tungkol sa kasaysayan ng “Ibong Adarna”
1. Una ay alamin muna ang naunang panahong lumaganap ang kasaysayan ng
“Ibong Adarna”.
2. Pangalawa, kilalanin ang manunulat at lugar na pinagmulan.
3. Sa pangatlong gabay naman ay tuklasin ang lugar na nakaimpluwensiya sa
nilalaman, paksa at estilo ng pagkasulat.
4. At para sa huling gabay ay palawakin ang kahalagahan na naglalaman ng
gintong aral.
Ngayon, nasagutan na ang iyong mga katanungan hinggil sa kasaysayan at
sistematikong paraan sa pagsasaliksik ng isang kaligirang pangkasaysayan.
Nawa’y magagamit mo ito sa iyong pagsusuri sa kaligirang pangkasaysayan ng
akdang “Ibong Adarna”.
Basahin at unawain nating mabuti ang kaligirang pangkasaysayan ng “Ibong
Adarna”.

Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna

v Ang Paglaganap ng Korido sa Panahon ng mga Espanyol

Bagama’t ang pagdating ng mga Espanyol sa Pilipinas sa pangunguna ni Ferdinand


Magellan ay naitala noong Marso 16, 1521, sinabing ang kasaysayan ng pananakop ng mga
Espanyol sa ating Inang Bayan ay nagsimula noong taong 1565 nang dumating si Miguel
Lopez de Legaspi sa bansa at nagtatag ng unang pamayanan sa Cebu.

Tatlo ang pangunahing layunin ng mga Espanyol sa pananakop sa Pilipinas. Una,


upang palaganapin ang Katolisismo. Ikalawa, ang pagpapalawak ng kapangyarihan sa
pamamagitan ng pagpaparami ng mga sakop na mga bansa. Ikatlo, ang paghahanap ng
mga pampalasa, masaganang likas-yaman, at mga hilaw na materyales upang matustusan
ang kanilang mga pangangailangang pang-ekspedisyon.

Dahil sa layunin ng mga Espanyol na mapalaganap ang Katolisismo, sinunog nila ang
mga nakasulat na panitikan ng ating mga ninuno. Sa halip, pinalitan nila ang mga ito ng
panitikang nagbibigay-diin sa pananampalatayang Kristiyanismo. Ito rin ang naging sanhi
kung bakit ang panitikan sa panahong ito ay naging mapanghuwad o may pagkakatulad sa
mga anyo at paksang Espanyol. Lumaganap sa larangan ng panulaan ang mga tulang liriko,
mga awit, mga korido, at ang pasyon. Sa larangan naman ng drama ay namayani ang duplo,
karagatan, komedya o moro-moro, mga dulang panrelihiyon, senakulo, at sarsuwela.
Samantalang ang mga akdang tuluyan o prosa ay may paksang panrelihiyon at karaniwang
tungkol sa mga talambuhay ng mga santo.

Ayon sa talang sinulat nina Jose Villa Panganiban, et. al. sa aklat na pinamagatang
Panitikan ng Pilipinas, ang panitikan noong panahon ng Espanyol ay sinabing may tatlong
katangian:

• May sari-saring kaanyuan at pamamaraan, gaya ng mga tulang liriko, awit, korido,
pasyon, duplo, karagatan, komedya, senakulo, sarsuwela, talambuhay, at mga
pagsasaling-wika.

• Ang karaniwang paksa ay panrelihiyon,


• Ang lalong nakararami ay huwad, tulad o halaw sa anyo, paksa, o tradisyong
Espanyol.

Naging isang mabisang behikulo ang panitikan upang mabilis na mapalaganap ang
relihiyong Katolisismo sa bansa. Isa sa pinakatanyag na uri ng panitikang nagbibigay-halaga
sa diwang Kristiyanismo ay mga tulang romansa na nauuri sa dalawang anyo: ang awit at
ang korido. Madalas ang mga ito ay nagsisimula sa panalangin o pag-aalay ng akda sa
Birhen o sa isang santo. Kalimitang ito ay pumapatungkol sa pakikipagsapalaran at
kabayanihang karaniwang kinasasangkutan ng mga prinsipe, prinsesa, at mga maharlikang
tao kung saan ang pangunahing tauhan ay nagtatagumpay dahil sa kaniyang mataimtim na
pananalig at matiyagang pagtawag sa Diyos.

Dahil lubhang mahigpit ang sensura noong panahon ng Espanyol, hindi lahat ng mga
akdang pampanitikan ay maaaring maisulat at mailathala lalo pa’t kung ito ay laban sa
pamamahala ng mga Espanyol. Ngunit dahil sa temang sinasaklaw ng awit at korido, ang
mga ito ay namayani at higit na nakilala ng marami. Ayon sa aklat na Panitikang Pilipino ni
Arthur Casanova, ang awit at korido ay maaaring uriin gamit ang mga sumusunod na mga
pamantayan.

Adarna”. Ayon kay Pura Santillan-Castrence, ito ay sa dahilang ang kasaysayan ng akdang ito
ay maaaring hinango lamang sa kuwentong-bayan mula sa mga bansa sa Europa tulad ng
Romania, Denmark, Austria, Alemanya, at Finland. Ito rin ang dahilan kung bakit Hanggang sa
kasalukuyan, hindi pa rin matukoy kung sino talaga ang sumulat ng koridong “Ibong maraming
kritiko ang nagsabing ang “Ibong Adarna” ay hindi ganap na maituturing na bahagi ng
panitikang Pilipino sa dahilang hiram lamang sa ibang bansa ang kasaysayan nito.
Kung uungkatin ang kasaysayan, ang tulang romansa ay nakilala sa Europa noong panahong
Medieval o Middle Ages. Tinatayang noong 1610, mula sa bansang Mexico, ito ay nakarating sa
Pilipinas na ginamit namang instrumento ng mga Espanyol upang mahimok ang mga katutubo
na yakapin ang relihiyong Katolisismo.
Bagama’t itinuturing na halaw o nagmula sa ibang bansa ang akdang ito, sinabi ng maraming
kritiko na umangkop naman sa kalinangan at kultura ng mga Pilipino ang nilalaman nito.
Masasalamin sa akda ang mga natatanging kaugalian at pagpapahalaga ng mga Pilipino tulad
ng pagkakaroon ng matibay na pananampalataya sa Poong Maykapal, mataas na
pagpapahalaga sa kapakanan ng pamilya, mataas na pagtingin o paggalang ng mga anak sa
magulang, paggalang sa nakatatanda, pagtulong sa mga nangangailangan, pagtanaw ng utang
na loob, mataas na pagpapahalaga sa puri at dangal ng kababaihan, pagkakaroon ng tibay at
lakas ng loob sa pagharap sa mga pagsubok ng buhay, at marami pang iba. Bukod sa mga
gintong aral na makukuha sa akda, ito ay tinangkilik din ng ating mga ninuno sa panahon ng
pananakop ng mga Espanyol sapagkat ito ay nagdulot din noon ng kasiyahan o kaaliwan sa
kanila. Sa katunayan ang akdang Ibong Adarna ay itinuturing na panitikang pantakas sapagkat
ang mahihirap na Pilipino na sakbibi ng hirap at sakit dahil sa kahirapang kanilang nararanasan
bunga ng paniniil ng mga Espanyol ay pansamantalang nakatatakas sa kanilang tunay na
kalagayan sa sandaling mabasa o mapanood ang akdang ito at mailagay ang kanilang sarili sa
pakikipagsapalaran ni Don Juan na siyang pangunahing tauhan sa akda.
Sa mga koridong nalimbag at naisulat sa Pilipinas, ang “Ibong Adarna” ang higit na tumanyag
sapagkat bukod sa ang mga sipi nito ay ipinagbibili sa mga perya na karaniwang isinasagawa
tuwing kapistahan ng mga bayan-bayan, ito rin ay itinatanghal sa mga entablado na tulad ng
komedya o moro-moro.
Dahil na rin sa pasalin-saling pagsipi, ang mga sulat-kamay at maging ang mga nakalimbag na
kopya ng Ibong Adarna ay isinaayos ang pagkasulat ng kabuuan ng akda partikular ang mga
sukat at tugma ng bawat saknong. Sa kasalukuyan, ang isinaayos na sipi ang karaniwang
ginagamit sa mga paaralan at palimbagan.
Malugod kitang binabati sa taglay mong galing sa pag-unawa sa impormasyon. Alam kong
handa ka na para sagutin ang mga sumusunod na gawaing malugod na inihanda para sa iyo.
Alam kong kayang-kaya mo ito.
Simulan mo na!
Para sa unang Gawain, pagsunod-sunorin mo!
Panuto: Ayusin ang tamang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari
sa kasaysayan ng “Ibong Adarna”. Isulat ang bilang 1-10 bilang na sagot sa iyong papel.
_______ 1. Dahil na rin sa pasalin-saling pagsipi, ang sulat kamay at maging ang mga
nakalimbag na kopya ng Ibong Adarna ay isinaayos.
_______ 2. Itinuturing na panitikang pantakas ang akda sapagkat ang mahihirap na Pilipino ay
sakbibi ng hirap at sakit.
_______ 3. Ayon kay Pura Santillan-Castrence, ang “Ibong Adarna” ay hinango lamang sa
kuwentong-bayan mula sa bansang Europa.
_______ 4. Noong 1610, mula sa bansang Mexico, nakarating sa Pilipinas ang tulang
romansang ginamit ng mga Espanyol upang mahimok ang katutubo na yakapin ang relihiyong
Katolisismo.
_______ 5. Tinangkilik ng mga ninuno sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol sapagkat
ito ay nagdulot ng kasiyahan at kaaliwan.
_______ 6. Itinuturing na halaw o nagmula sa ibang bansa ang akda.
_______ 7. Sinasabi ng maraming kritiko na umaangkop sa kalinangan at kultura ng mga
Pilipino ang nilalaman.
_______ 8. Naging tanyag ang tulang romansa sa Europa noong panahong Medieval o Middle
Ages.
_______ 9. Masasalamin sa akda ang mga natatanging kaugalian
at pagpapahalaga ng mga Pilipino tulad ng pagkakaroon ng matibay na
pananampalataya sa Poong Maykapal.
_______ 10. Ang “Ibong Adarna” ay higit na tumanyag at ipinagbili sa perya.
Hayan at natapos mon a ang unang Gawain, ngayon naman upang higit mong mahasa ang
iyong natutunan subukang muli ang gawaing ito na inihanda na nakapaloob sa iyong modyul.
Panuto: Isalaysay nang sistematiko ang kaligirang pangkasaysayan ng “Ibong
Adarna” gamit ang isang disenyong grapikong tren sa sunod na pahina.
Kopyahin ang disenyong grapiko at gawing gabay ang mga tanong na nasa
talahanayan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Anong Sino ang Ano-anong uri Ano-anong Ano-anong


panahon manunulat at ng tulang katangian kaisipan o aral
unang saan romansa ang mayroon ang ang itinuro ng
lumaganap nagsimula ang nagbibigay- Ibong Ibong Adarna?
ang Ibong halaga sa
Ibong Adarna? Adarna?
Adarna? diwang
Kristiyanismo?

Lumaganap ____________ ___________ ___________ ____________


ang Ibong ____________ ___________ ___________ ____________
Adarna sa ____________ ___________ ___________ ____________
panahon ng ____________ ___________ ___________ ____________
___________ ____________ ___________ ___________ ____________

Sa pagtatapos ng iyong aralin, subukan ang huling pagtataya.


Suriin at unawaing mabuti ang mga katanungan sa bawat bilang. Piliin ang pinakaangkop na
titik ng sagot at isulat ito sa sagutang papel.
1. Kailan naitala ang pagdating ng mga Espanyol sa Pilipinas sa pangunguna ni Ferdinand
Magellan?
a. Marso 16, 1521 c. Marso 15, 1521
b. Marso 16, 1565 d. Marso 15, 1565
2. Alin sa larangan ng panulaan napabilang ang akdang “Ibong Adarna”?
a. Awit c. Korido
b. Pasyon d. Tulang Liriko
3. Ano ang ibig sabihin ng allegro sa konsepto ng Ibong Adarna?
a. may tono c. may mabilis na himig
b. may kumpas na ¾ d. may mabagal na himig
4. Ang mga sumusunod ay layunin ng mga Espanyol sa pananakop ng Pilipinas maliban
sa isa.
a. pagpapalaganap ng Kristiyanismo
b. pagpapalawak ng kapangyarihan
c. paghahanap ng mga pampalasa at likas na yaman
d. pagkakaroon ng maraming asawang Pilipino sa bansang Pilipinas
5. Ano ang ginawa ng mga Espanyol upang mapalaganap ang Katolisismo?
a. Nagpatayo sila ng simbahan sa Pilipinas.
b. Nagparami sila ng mga nasasakupang bansa.
c. Binayaran ang namumuno sa Pilipinas nang malaking halaga.
d. Sinunog nila ang mga nakasulat na panitikan ng ating mga ninuno.
6. Ano ang pangunahing paksa ng akdang “Ibong Adarna”?
a. pakikipagsapalaran at kabayanihan ng mga maharlikang tao
b. pagtatagumpay ng mga tauhang may pambihirang lakas at kapangyarihan
c. pagtataksil ng mga lahing kumakalaban sa mga Kastila
d. paggalang sa nakatatanda, pagtulong sa nangangailangan, at relihiyong
Kristiyanismo
7. Ano ang pinagkaiba ng awit at korido batay sa paksa?
a. tungkol sa pakikipagsapalaran ng Hari ng Espanya
b. tungkol sa pananampalataya, alamat, at kababalaghan
c. tungkol sa bayaning naninindigan sa kalagayan ng bayan
d. tungkol sa pagtataglay ng kapangyarihan ng mga tauhan
8. Ano ang pinagkaiba ng awit at korido batay sa katangian ng tauhan?
a. Ang mga Katoliko at Muslim ay hindi magkasundo.
b. Ang mga tauhang nagsipaganap ay mahihirap at mayayaman.
c. Ang mga tauhan ay kumakanta at itinatanghal sa entablado.
d. Ang mga tauhan ay may taglay na kapangyarihang supernatural.
9. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng isang sistematikong paglalahad ng
kasaysayan?
a. lugar – manunulat – panahon – bansang nakaimpluwensiya
b. manunulat – panahon – lugar – bansang nakaimpluwensiya
c. bansang nakaimpluwensiya – manunulat – panahon – lugar
d. panahon – manunulat – lugar – bansang nakaimpluwensiya
10. Ang kasaysayan ay hango sa salitang Griyego na “historia”. Ito ay nangangahulugang . .
.
a. pagtalakay sa pananampalataya sa Panginoon at pulitika
b. pagsasalaysay sa pisikal na katangian sa isang bayan
c. pumapaksa sa kababalaghang nangyayari sa lipunan
d. pananaliksik sa mga hindi nakasulat at nakasulat na tumutukoy sa mahahalagang
pangyayari

Magaling! Binabati kita dahil natapos mo ang aralin na ito. Nawa’y iyong isapuso at isip ang
iyong mga natutunan ngayon. Muli, ito po ang inyong lingcod guro na nagpapaalala “Basta
Iligan, number one. Basta Iligan, walang iwanan”! Paalam at hanggang sa muli.

You might also like