AP q1w4m4

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 14

Aralin Heograpiya sa Pagbuo at

Pag-unlad ng mga Sinaunang


1 Kabihasnan sa Daigdig

Balikan

Gawain 1: Kahon-Buuin
Panuto: Sa bahaging ito ay muling tatandaan ang mga kaalaman mo sa nakaraang
modyul tungkol sa yugto sa pag-unlad ng kultura ng tao. Isulat ang
hinihinging impormasyon ng bawat kahon. Gawin ito sa sagutang papel.

Tuklasin

Gawain 2: Balik Tanaw


Panuto: Gamitin ang sagot sa bahaging BALIKAN upang masagutan ang sumusunod
na mga katanungan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang kinalaman ng heograpiya sa mga pangyayaring naganap sa iba’t ibang


yugto sa pag-unlad ng kultura ng tao?
2. Ano ang kaugnayan ng mga pangyayaring naganap sa iba’t ibang yugto sa
pag-unlad ng kabih
Gawain 3: Suri-Awit
Panuto: Basahin at unawain ang mga liriko na hango sa awiting “Masdan Mo Ang
Kapaligiran.” Pagkatapos ay sagutan ang mga gabay na tanong at isulat ito
sa sagutang papel.

Masdan Mo Ang Kapaligiran


By: Asin
Wala ka bang napapansin sa iyong mga kapaligiran?
Kay dumi na ng hangin, pati na ang mga ilog natin.
Hindi na masama ang pag-unlad
At malayu-layo na rin ang ating narating
Ngunit masdan mo ang tubig sa dagat
Dati'y kulay asul ngayo'y naging itim.

Ang mga duming ating ikinalat sa hangin


Sa langit huwag na nating paabutin
Upang kung tayo'y pumanaw man, sariwang hangin
Sa langit natin matitikman
Mayro’n lang akong hinihiling
Sa aking pagpanaw sana ay tag-ulan.

Gabay na mga Tanong:

1. Ano ang ipinahihiwatig ng kanta?


2. Bakit mahalaga ang pangangalaga at pagpapahalaga sa ating kapaligiran?
3. Ano ang magiging epekto sa pamumuhay ng mga tao kung hindi
mapapangalagaan ang kapaligiran?
4. Paano mo maipapakita ang pangangalaga at pagpapahalaga sa kapaligiran?

Suriin

Kaugnayan ng Heograpiya sa Pagsibolng


mga Sinaunang Kabihasnan

Malaki ang papel na ginampanan ng kapaligiran sa pag-unlad ng pamumuhay


ng mga tao. Noon pa man, ang mga tao ay nakadepende sa ibibigay na biyaya ng
kapaligiran na panustos sa kanilang pang-araw araw na pangangailangan.

Nagsimula sa pagkakatuklas ng sistema ng pagtatanim na nang lumaon ay


lumago at nagsilbing pundasyon sa pagsibol ng sinaunang kabihasnan sa mundo.
Kaya sa bahaging ito, pag-aaralan mo ang kaugnayan ng heograpiya at ang
pagkakataguyod ng mga sinaunang kabihasnan sa mundo. Makabuluhang pag-
usapan ang mahalagang papel ng heograpiya sa paglinang ng mga kabihasnan noong
sinaunang panahon
Mesopotamia: Kabihasnan sa Kanlurang Asya

Ang Mesopotamia ay galing sa mga salitang Griyego na meso o pagitan at


potamos o ilog. Samakatuwid, ang Mesopotamia ay nangangahulugang lupain “sa
pagitan ng dalawang ilog” na pinaniniwalaang lunduyan ng unang kabihasnan.

Sa buong mundo, kinilala bilang kauna-unahang kabihasnan ang


Mesopotamia. Samu’t saring pangkat ng tao ang umangkin at nanirahan dito tulad ng
mga Sumerian, Akkadian, Babylonian, Assyrian, Chaldean, at Elamite. Sa loobng
mahabang panahon, maraming mga lungsod ang lumitaw at naglaho sa Mesopotamia
na nang lumaon ay napaghalinhinan naman ng iba pang mga kabihasnan.

Heograpiya ng Mesopotamia

Ang mga pangunahing lungsod sa mundo ay nag-umpisa sa malawak na


lupaing dinadaluyan ng mga Ilog Tigris at Euphrates. Ang malawak na lupa sa gitna
ng dalawang ilog na ito ay kilala sa katawagang Mesopotamia. Makikita
sa Iraq at bahagi ng Syria at Turkey ang lugar na ito sa ngayon.

Ang paarkong matabang


lupain na nagsisimula sa Persian
Gulf patungo sa silangang
dalampasigan ng Meditterranean
Sea ay tinatawag na Fertile
Crescent. Sa rehiyong ito
matatagpuan ang Mesopotamia.

Ang karaniwang pagbaha


ng Ilog Tigris at Euphrates ay nag-
iiwan ng banlik o silt na naging
dahilan ng matabang lupa.
Samakatuwid, naging mainam ang
lokasyong ito sa pagpapahusay ng
pagtatanim.
Indus: Kabihasnan sa Timog Asya

Isang malapad na peninsula na pormang tatsulok ang rehiyon ng Timog Asya.


Saklaw nito ang lupain ng India, Pakistan, Bangladesh, Afghanistan, Bhutan, Sri
Lanka, Nepal, at Maldives sa ngayon.

Ang kalagayang heograpikal at kultural ng rehiyong ito ay naiiba kung


ikukumpara sa ibang lugar ng Asya. Kadalasang tinatawag ito ng mga heograpo na
subcontinent ng India dahil inihihiwalay ito ng mga bundok, kaya masasabing ito ay
halos isang hiwalay na kontinente. Sa hilaga ay makikita ang mga matatarik na
kabundukan ng Hindu Kush, Himalayas, at Karakoram habang napaliligiran ito ng
Arabian Sea sa kanluran, Indian Ocean sa timog, at sa silangan ay Bay of Bengal. Iba-
iba ang lengguwaheng mayroon dito kagaya ng ibang kontinente.

Dumanas pa rin ng mga pag-atake at migrasyon ng taga-labas ang lugar na ito


kahit na ito ay inihihiwalay ng maraming bundok. Sila ay nakapasok sa pamamagitan
ng Khyber Pass sa hilagang-kanluran. Ang dalang sariling wika at tradisyon ng mga
dayuhang ito ay nagpaunlad at nagpayabong sa kulturang Indian.

Heograpiya ng Lambak ng Indus

Taong 1920, natuklasan ang


bakas ng mga lungsod ng Harappa at
Mohenjo-Daro sa lambak ng Indus na
kasabay halos ng pagsisimula ng
Sumer noong 3000 BCE.

Kung ikukumpara, mas


malawak ang nasasakupan ng Indus
kaysa Ehipto at Mesopotamia. Sakop
nito ang malaking bahagi ng hilagang-
kanluran ng dating India at ang
kinalalagyan ngayon ng bansang
Pakistan.
Sa paligid ng Ilog Indus nag-
umpisa ang kabihasnan sa India. Ang
tubig na umaagos sa Ilog Indus ay may
habang 2,900 km. (1800 milya). Ito ay
nanggaling sa natutunaw na
malalaking yelo sa ibabaw ng
kabundukang Himalayas at dinaanan
nito ang Kashmir hanggang ang
kapatagan ng Pakistan. Mapang iginuhit ni Brenda F. Duyan

Ang pagkakaroon ng matabang lupa sa rehiyong ito ang naging dahilan ng pag-
uumpisa ng mga pamayanan at estado sa sinaunang India kagaya nang sa
Mesopotamia. Ang pag-apaw ng ilog ay nag-iiwan ng banlik na nagpabuti sa
paglinang ng lupain. Ito ay taunang nagaganap sa kalagitnaan ng buwan ng Hunyo
at Setyembre.

Pagdating ng 3000 BCE, marami na ang naninirahan sa lambak ng Indus at


kadalasan ay mga maliliit na komunidad na may tanggulan at maayos na kalsada. Sa
sumunod pang mga siglo, nakapagpatayo rin ng mga kanal pang-irigasyon at mga
istrukturang pangkontrol sa pag-apaw ng ilog.
Pamprosesong mga Tanong:

1. Bakit mahalaga ang ilog sa kabihasnang Indus?


2. Ilarawan ang pagkakaiba ng heograpiyang Indus sa heograpiya ng
Mesopotamia.

Tsino: Kabihasnan sa Silangang Asya

Kinilala ang sibilisasyong Tsino sa buong mundo na pinakamatandang


kabihasnang nananatili pa rin hanggang ngayon. Tinatayang nagsimula ito apat na
milenyo na ang nakaraan.

Hinahangad na ng mga Tsino sa mga nakalipas na panahon ang pagiging


magaling sa pamamahala at lalo pang pinalakas ang kabihasnan dahil sa pagyakap
ng pamahalaan sa ideololohiyang Confucianismo at Taoismo. Sa aspetong pulitikal,
naranasan ng China ang pagkakaisa at pagkawatak-watak na humubog sa kultura
at lipunan ng bansa hanggang sa kasalukuyan.

Heograpiya ng Huang Ho
Ang kabihasnan sa China ay
nagsimula sa gilid ng Yellow River o
Huang Ho. Ang kahabaan ng ilog ay
tinatayang 3,000 milya na nanggaling pa
sa kabundukan ng kanlurang China na
umaagos hanggang Yellow Sea. Sa loob
ng mahabang panahon, maraming beses
na nagpaiba-iba ang daluyan ng ilog
hanggang sa nakalikha ito ng isang
malapad na kapatagan na tinawag na
North China Plain.

Nag-iwan ng banlik ang pagbaha


ng Huang Ho ngunit naging suliranin ang
labis na pag-apaw ng ilog sa North China
Plain dahil sa pagiging patag nito.

Mapang iginuhit ni Brenda F. Duyan

Pinaniniwalaang sa kapanahunan ng pamamahala ni Yu ng Dinastiyang Xia


ay nakaisip ito ng sistema upang makontrol ang pagbabahang dulot ng Huang Ho.
Hatid ng kaganapang ito ang paninirahan ng mga magsasaka sa lambak.

Pamprosesong mga Tanong:

1. Ano-ano ang suliraning dulot ng pagbaha ng Huang Ho?


2. Paano nakaapekto ang Huang Ho sa pagbuo at pag-unlad ng kabihasnang
Tsino?
Kabihasnang Ehipto
Sa parteng hilagang-silangan ng Africa makikita ang lambak ng Ilog Nile na
naging lunduyan ng kabihasnang Ehipto. Sinasabing mas matibay ang kabihasnang
sumibol sa Ehipto kung ikukumpara sa Mesopotamia na mas unang nag-umpisa.
Pagdating ng 3100 BCE, ang sinaunang Ehipto ay naging ganap na estado at
nagpatuloy sa loob ng tatlong milenyo.

Paiba-iba ang paliwanag ng mga dalubhasa sa pinagmulan ng kabihasnang


Ehipto batay sa resulta ng paghuhukay ng mga arkeologo. Isinasaad ng mga
katibayang ito na bago pa man nag-umpisa ang kabihasnan sa Lambak ng Nile ay may
nauna ng mga pamayanan sa Ehipto. Sa pagtatapos ng ika-20 na siglo, sa katimugang
bahagi ng Kanlurang Ehipto malapit sa hangganan ng Sudan, natuklasan ang isang
tirahan ng mga sinaunang tao na nagsisilbing ebidensyang arkeolohikal ng
kabihasnan. Bago pa dumating ang 8000 BCE ay pinaniniwalaang mayroon ng
namumuhay dito. Sinasabing ang mga kaanak o inapo ng mga taong ito ang
nagpasimula sa kabihasnang Ehipto sa Lambak ng Nile.

Heograpiya ng Ehipto

Upang maintindihan ang


heograpiya ng sinaunang Ehipto,
laging isipin na ang sinasabing
Lower Egypt ay ang parteng hilaga
ng rehiyon at dito umaagos ang Ilog
Nile hanggang sa Mediterranean
Sea. Habang ang Upper Egypt naman
ay matatagpuan sa timog na bahagi
mula sa Libyan Desert patungong
Abu Simbel. Nanggaling sa
katimugan hanggang hilaga ang pag-
agos ng Ilog Nile na may kahabaang
6,694 kilometro (4,160milya).

Ang rehiyon ay lubos na


sanang maging disyerto kung wala
ang ilog na ito, kaya dati pa man
tinagurian na bilang The Gift of the
Nile ang Ehipto. Pinagbuklod ng ilog
na ito ang parteng hilagang-silangan
ng disyerto ng Africa. Noon pa man,
sa pagsapit ng buwan ng Hunyo ay
labis ang pagdaloy ng tubig sa ilog
dahil sa sobrang ulan sa dakong
pinanggalingan ng Nile. Noong 1970,
natigil ang pag-apaw ng Nile nang
dahil sa ipinagawang Aswan High
Dam na nakapagbigay ng suplay ng
Mapang iginuhit ni Renata L. Edera
kuryente at nagpahusay sa sistema ng patubig.
Ang taon-taong pagbaha ng Nile ay nagkaloob ng biyaya sa mga magsasaka sa
lambak-ilog noong panahong Neolitiko. Naghatid ng banlik sa lupa ang pag-apawng
ilog na nagpabuti sa pagsasaka. Kapag humupa na ang baha ay agarang isinagawa
ang pagtatanim.
Ang mga putik na dala ng ilog ay unti-unting naiipon sa bukana ng Nile sa
hilaga upang maging latiang tinatawag na delta. Ang mga ibon at hayop ay
nananahanan dito at ang tubig naman ay ginagamit para sa mga lupang sakahan.

Sa layuning mapalago ang dami ng kanilang pananim bawat taon, nagtayo ng


mga sisidlan ng tubig at gumawa ng mga daang patubig para sa kanilang sakahan.
Napagtanto sa mga planong ito ang bilang ng puwersa ng manggagawa, kasapatang
teknolohiya, at mahusay na mga pamamaraan. Napagtagumpayan din ang
pagkalkula kung kailan nagaganap ang pagbaha sa panahong ito.

Ang pakinabang ng Nile ay hindi lamang sa mga bukirin, nakatulong at


napahusay din nito ang aspetong transportasyon. Napag-ugnay nito ang mga
naninirahan sa tabing ilog. Naging proteksiyon naman ng Ehipto ang mga disyertong
makikita sa silangan at kanlurang bahagi ng ilog dahil naging balakid ang kalagayang
heograpikal nito sa mga mananakop. Bunga nito ay naging matiwasayat maunlad
ang paninirahan ng mga tao sa matagal na panahon.

Pamprosesong mga Tanong:

1. Bakit naging sagabal sa mga nagtangkang sumakop sa Ehipto ang


kalagayang heograpikal nito?
2. Paano nakatulong ang ilog sa sistemang transportasyon?

Ang Kabihasnan sa Mesoamerica

Libong taon na ang nakalipas, naniniwala ang mga dalubhasa na may mga
grupo ng mangangaso o hunter sa Asya ang nandarayuhan papuntang Hilagang
Amerika. Ang kanlurang baybayin ng Hilagang Amerika papuntang timog ay dahan-
dahang binagtas ng grupo, at nakapagtatag ng hiwa-hiwalay na pamayanan sa
kontinente ng Hilagang Amerika at Timog Amerika.

Pagdating ng ika-13 siglo BCE, ang mga Olmec na nasa Mexico ngayon ay ang
kauna-unahang kabihasnang lumitaw na nakaimpluwensiya sa ibang pamayanan sa
ibang dako ng Amerika.
Heograpiya ng Mesoamerica

Ang pangalang Mesoamerica o


Central America ay galing sa salitang
meso na ang ibig sabihin ay gitna.
Naging sentro ito ng mga unang
sumibol na kabihasnan sa Amerika.
Matatagpuan ang lupaing ito sa
pagitan ng Sinaloa River Valley sa
sentro ng Mexico at Gulf of Fonseca sa
katimugan ng El Salvador. Ang ilog ng
Panuco at Santiago ay makikita sa
hilagang dulo nito. Matatagpuannaman
ang katimugang hangganan mula sa
dalampasigan ng Honduras sa Atlantic
patungo sa gulod o slope ng Nicaragua
sa Pacific at sa tangway ng Nicoya sa
Costa River.

Mapang iginuhit ni Renata L. Edera

Saklaw ngayon ng rehiyong ito ang mga malawak na bahagi ng bansang


Mexico, Guatemala, Belize, El Salvador, at kanlurang parte ng Honduras.Sa
rehiyong ito, ang pagkakaiba sa elebasyon ng lupa at palagiang pag-ulan ay
nagdudulot ng mga uri ng klima at ekolohiya sa iba’t ibang lugar ng rehiyon. Ang
panahon sa lugar na ito ay paiba-iba. Kagaya ng kanlurang Asya at China, sumibol
ang unang pamayanan sa lugar na ito na naging lunduyan ng pagsasaka. Sa ngayon,
may malaking populasyon sa lugar na ito.

Pamprosesong mga Tanong:

1. Ano ang kaugnayan ng heograpiya sa migrasyon ng mga grupo ng mga tao na


naglakbay patungong Amerika?
2. Gamit ang mapa, ano ang mahihinuha mong pangunahing hanapbuhay ng
mga tao sa Mesoamerica?
Pagyamanin

Gawain 4: Kumpletuhin Mo!


Panuto: Itala ang hinihinging impormasyon sa talahanayan sa ibaba. Isulat ang sagot
sa sagutang papel.

Kaugnayan ng Heograpiya
Sinaunang Kabihasnan sa
Heograpiya sa Pagkabuo at Pag-unlad
Daigdig
ng Kabihasnan

1. Mesopotamia
2. Indus
3. Tsino
4. Ehipto
5. Mesoamerica

Gawain 5: Venn Diagram

Panuto: Pumili ng dalawang sinaunang kabihasnan at paghambingin ito batay sa


kanilang heograpikal na kalagayan. Gamit ang venn diagram, ibigay ang
pagkakatulad at pagkakaiba ng mga ito. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

10
CO_Q1_AP-8_Module 4
Tayahin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tanong sa bawat bilang at piliin


ang letra ng tamang sagot.
Isulat ang inyong mga sagot sa sagutang papel.

1. Alin sa sumusunod na pinakamatandang kabihasnan ang nananatili pa rin


hanggang sa kasalukuyan?
A. Ehipto C. Mesopotamia
B. Indus D. Tsino

2. Ano ang mahalagang epekto ng pagkakatuklas ng mga sinaunang Tsino sa


paraan ng pagkontrol ng palagiang pag-apaw ng tubig sa Huang Ho?
A. Nadagdagan ang kanilang kaalaman tungkol sa uri ng mga isda.
B. Bawat tahanan sa lipunan ay mayroon ng sapat na suplay ng tubig.
C. Napahusay nito ang paggawa ng mga malalaking sasakyang pandagat.
D. Nagbigay-daan ang pangyayari upang makapamuhay sa lambak ang
mga magsasaka.

3. Ang pagbahang idinudulot ng Nile ay nahinto lamang noong 1970 nang maitayo
ang Aswan High Dam. Ano ang pinakamahalagang naiambag ng proyektong ito?
A. Pinabilis nito ang sistemang komunikasyon at transportasyon.
B. Naging sentro sa kalakalan ang Ehipto lalong-lalo na sa turismo.
C. Makapagbigay ito ng elektrisidad at naisaayos ang suplay ng tubig.
D. Tumaas ang suplay ng mga isda dahil nagiging malawak na palaisdaan
ang ilog.
4. Alin sa sumusunod ang kinikilalang pinakamatandang kabihasnan sa buong
daigdig?
A. Ehipto C. Mesopotamia
B. Indus D. Tsino

5. Ano ang naging bunga ng pag-unlad ng lipunan sa pagkakaroon ng mga


pagbabago sa aspektong panlipunan, pampulitika, at panrelihiyon sa
Mesopotamia?
A. nilisan ng mga tao ang Mesopotamia
B. nagdulot ito ng sentralisadong kapangyarihan
C. nagbunga ito ng hindi pagkakaunawaan sa lipunan
D. humina ang kabihasnan dahil sa pakikipagkalakalan

6. Ano ang kahalagahan ng mga likas na yaman sa pag-unlad ng Kabihasnang


Indus?
A. nagsilbi itong proteksyon sa kanilang lupain.
B. nadali silang makatago tuwing mayroong mga kalaban.
C. naging pundasyon ng pag-unlad ng kanilang ekonomiya.
D. pinalakas nito ang kapangyarihan ng kanilang pamahalaan.

7. Saan nagmumula ang tubig na dumadaloy sa Ilog Indus?


A. Hindu Kush C. Karakoram
B. Himalayas D. Khyber Pass

11
CO_Q1_AP-8_Module 4
8. Anong anyong lupa ang makikita sa hilagang bahagi ng India?
A. Bundok C. Kapatagan
B. Kabundukan D. Lambak
9. Bakit binansagang “Biyaya ng Ilog Nile” ang Ehipto?
A. Kung wala ang disyerto ay magiging ilog ang buong Ehipto.
B. Ang nangunguna at bukod-tanging kabihasnan sa buong mundo.
C. Kung wala ang ilog, ang buong lupain ng Ehipto ay magiging isang
disyerto.
D. Ang lupain ng Ehipto ay pinaniniwalang tahanan ng mga diyos sa
buong daigdig.

10. Ano sa palagay mo ang mainam na gawin upang mapanatili ang pakinabang ng
Nile Delta sa ekonomiya ng bansang Ehipto?
A. Magtayo ng mga kompanya upang mapakinabangan ang mga hayop
at gawing pagkain.
B. Maghanap ng mamumuhunan upang magpatayo ng mga
condominium o hindi kaya ay subdivision.
C. Gagawin ang lugar bilang isa sa mga lugar ng turismo upang
matulungang mapalago ang ekonomiya.
D. Gagawin ang lugar bilang lugar ng libangan at isagawa ang aktibidad
ng pangangaso at camping.
11. Ano ang naging sanhi ng pagbagsak ng kabihasnang Mesopotamia?
A. Walang likas na hangganan ang lupaing ito.
B. Hindi nagkakaisa ang mga mamamayan dito.
C. Madalas ang pag-apaw ng Ilog Tigris at Euphrates.
D. Walang kasanayan ang mga tao sa pakikipagdigma.

12. Ano ang makikita sa hilagang bahagi ng lupaing Ehipto?


A. Himalayas C. Mediterranean Sea
B. Libyan Desert D. Red Sea

13. Saang rehiyon sa Asya matatagpuan ang sinaunang kabihasnan ng Indus?


A. Hilaga C. Silangan
B. Kanluran D. Timog

14. Paano binago ng Huang Ho ang buhay ng mga Tsino?


A. Napalago ng ilog ang sistema ng pagsasaka ng mga Tsino.
B. Naging mahusay na mandaragat ang mga tao dahil sa pagbaha.
C. Hinubog ng ilog ang kanilang kahusayan sa paggawa ng mga barko.
D. Mas pinili ng mga tao na mamuhay sa kagubatan dahil sa madalas na
pagbaha ng ilog.

15. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa mga pangkat na sumakop sa lupain ng
Mesopotamia?
A. Akkadian C. Assyrian
B. Aryan D. Chaldean

12
CO_Q1_AP-8_Module 4
13
CO_Q1_AP-8_Module 4
14
CO_Q1_AP-8_Module 4

You might also like