Araling Panlipunan 8
Araling Panlipunan 8
Araling Panlipunan 8
Name:_________________________________________________Grade&Section:__________
Inihanda ni: Binibining Cloue Faye I. Basallo
Subukin
Panimulang Pagtataya:
Panuto: Ngayon, subukang sagutin ang paunang pagtataya na magtatakda kung ano na ang iyong alam sa
mga aralin. Bigyang-pansin ang mga katanungan na hindi mo masasagutan nang wasto at alamin ang sagot
sa mga aralin sa modyul na ito. Handa ka na ba? Simulan mo na ang pagsagot.
1. Pinalawig ng mga pinunong tinatawag na halach uinic ang mga pamayanang urban na sentro rin ng
kabihasnang Maya sa pagsamba ng kanilang mga diyos. Ano ang ibig sabihin ng halach uinic?
A. tunay na lalaki C. tunay na pinuno
B. tunay na kakaiba D. tunay na tagapaglingkod
2. Ano ang dahilan ng paghina ng ekonomiya at kabuhayan ng kabihasnang maya?
A. Mayaman at maunlad ang mga lungsod-estado ng Maya.
B. May mahusay na sistema ng pagtatanim na nagdulot ng sobrang produkto.
C. Nagdulot ng kaguluhan at kahirapan ang madalas na digmaan sa pagitan ng mga lungsod-
estado.
D. Pagkawala ng sustansiya ng lupa. Ang paglaki ng populasyon ay nagdulot ng suliranin sa
suplay ng pagkain.
3. Bakit mahalaga ang asin para sa mga African?
A. Dahil marami ito sa kanilang lugar.
B. Dahil ito ay ginagawa nilang gamut.
C. Dahil ito ay nagsisilbing pampalasa sa kanilang mga pagkain.
D. Dahil ginagamit ito upang mapreserba ang kanilang mga pagkain.
4. Paano nakatulong ang heograpikal na lokasyon ng mga kaharian ng Mali at Songhai sa pag-unlad
nito?.
A. Nagsilbing natural na proteksyon ng imperyo ang malawak na disyerto ng Sahara
B. Napalilibutan ito ng mga anyong-tubig na nagbigay-daan sa pag-unlad ng pagsasaka
C. Nakatulong ang kanilang lokasyon upang mapanatili ang kalayaan at kaligtasan mula sa banta
ng mga mananakop
D. Nagsilbi itong tagapamagitan ng kalakalan ng ginto, asin, at iba pang produkto sa pagitan ng
kaloob-loobang bahagi ng Africa at ng mga Arab sa Sahara
5. Naniniwala ang mga Aztec na kailangang laging malakas ang mga diyos upang mahadlangan ng mga
ito ang masasamang diyos sa pagsira ng daigdig. Ano ang kadalasang ginagawa ng mga Aztec para
mapasaya ang kanilang mga diyos?
A. Nag-aalay ng tao.
B. Nag-aalay ng hayop.
C. Nagsasagawa ng ritwal.
D. Nagkakaroon ng piyesta.
6. Ang sumusunod ay mga paraan upang mapangalagaan ng mga Polynesin ang kanilang mana maliban
sa isa?
A. Dapat ay mag-alay ng dugo ng hayop sa kanilang diyos
B. Bawal pumasok sa isang banal na lugar ang karaniwang tao.
C. Ang mga lalaking naghahanda sa pakikipaglaban o para sa isang mapanganib na gawain ay
dapat nakabukod.
D. Bawal ang mga kalalakihan na makihalubilo sa babae at pili lang ang dapat nilang kainin
upang hindi mawala ang kanilang mana.
7. Ang kabihasnang ito ay tanyag sa kanilang malawak at maayos na kalsada at rutang patubig ng mga
lungsod-estado.
A. Aztec C. Maya
B. Inca D. Olmec
8. Alin ang naglalarawan sa sinaunang kabuhayan ng mga tao sa mga pulo ng Pacific?
A. Ang sinaunang relihiyon ng mga tao sa pulo ng Pacific ay Animismo.
B. Ang mga sinaunang pamayanan sa mga isla ay matatagpuan sa mga lawa o dagat-dagatan.
C. Ang pangunahing kabuhayan ng mga tao sa mga pulo ng Pacific ay pagsasaka at
pangingisda.
D. Ang mga sinaunang mamamayan ng mga pulo ng Pacific ay naniniwala sa banal na
kapangyarihan o mana.
9. Ano ang dahilan ng pagbagsak ng kabihasnang Songhai?
A. Mahihina ang mga pinuno.
B. Kakulangan sa makabagong armas.
C. Kakulangan sa mga malalakas na kawal.
D. Maliit lamang ang nasasakupang teritoryo.
10. Marami ang naging dahilan ng pagbagsak ng sibilisasyong Mayan. Alin sa sumusunod ang HINDI
kasali?
A. Epidemya
B. Natural na kalamidad
C. Pagpasok ng dayuhan
D. Hindi pagsunod sa kanilang pinuno
Tuklasin
Gawain 1: Larawan Ko, Hula Mo
Panuto: Maghanap ng mga larawan na itinutukoy sa mga salita na makikita sa loob ng kahon. Isang larawan
lamang ang idikit sa bondpaper or ordinaryong papel. Huwag kalimotang lagyan ng pangalan bawat larawan
upang matiyak na ito ang hinihinging larawan.
Suriin
Kabihasnang Olmec (1500-500 B.C.E)
Ang kabihasnang Olmec ang kauna-unahang pangkat na umusbong sa gitnang America. Tinawag
silang Olmec, na nangangahulugang “rubber”, dahil sila ang unang gumamit ng dagta ng punong rubber o
goma. Pagsasaka ang pangunahing ikinabubuhay ng mga Olmec. Nagtayo sila ng kanilang sistemang
irigasyon upang masaka ang kanilang lupain. Sila rin ay nakagawa ng kalendaryo, gumamit ng isang sistema
ng pagsulat na may pagkakatulad sa hieroglyphics ng mga Egyptian, at nakalinang ng katangi-tanging akda ng
sining. Naunawaan na rin nila ang konseptong zero sa pagkukuwenta. Sa kasamaang palad ang kanilang sulat
ay hindi pa lubusang nauunawaan ng mga iskolar hanggang ngayon kaya mayroong limitasyon sa pagbibigay
ng impormasyon tungkol sa ibang pangyayari sa kanilang kasaysayan. Dahil dito ang mga kaalaman sa Olmec
at iba pang mga sinaunang tao sa America ay hango mula sa iba pang labi ng kanilang panahon. Ang mga
likhang ito at maging ang paniniwalang Olmec ay may malaking impluwensiya sa kultura ng mga sumunod na
kabihasnan, tulad ng Maya at Aztec.
Kulturang Olmec
Larong Pok-a-tok
Ang larong ito ay isang rituwal na ukol sa paniniwala ng mga Olmec. Ito ay kahalintulad sa larong basketbol
ngunit hindi maaaring hawakan ng manlalaro ang bola, sa halip ay gagamitin nila ang kanilang siko at
baywang upang maipasok ang bola na yari sa goma sa isang maliit na ring na gawa sa bato at nakadikit sa
mataas na pader. Pinaniniwalaan ng mga arkeologo na ang ilang mga manlalaro ay ginagawang sakripisyo
pagkatapos ng laro. Ang larong ito ay ginagamit na rin ng mga ibang kabihasnan sa Mesoamerica.
Hayop na jaguar
Mahalaga sa paniniwalang Olmec ang hayop na jaguar na pinakakinatatakutan ng maninila (predator) sa
Central America at South America. Ito ay nagpapakita ng lakas, katusuhan, at kakayahang manirahan
saanmang lugar. Ito rin ay agresibo at matapang. Sinasamba ng mga Olmec ang espiritu ng jaguar.
Pagyamanin
Gawain 2: Data Information Chart
Panuto: Ipakita sa pamamagitan ng chart na ito ang pagkakaiba ng kabihasnang Olmec at Maya pagdating sa
kanilang lokasyon, lipunan, ekonomiya, relihiyon at paniniwala, at ang dahilan ng pagbagsak.
Batayan Kabihasnang Olmec Kabihasnang Maya
A. Lokasyon
B. Lipunan
C. Ekonomiya
D. Relihiyon at Paniniwala
Suriin
Kabihasnang Aztec (1200 – 1521)
Kung ang mga Maya ay nagtatag ng kanilang Kabihasnan sa timog na bahagi ng Mesoamerica, ang mga
Aztec naman ay naging makapangyarihan sa gitnang bahagi nito. Matatandaan na sa bahagi ring ito
umusbong ang sinaunang Kabihasnang Olmec. Bunga nito, ang pamumuhay at paniniwala ng mga Aztec ay
may impluwensiya ng mga Olmec. Subalit, hindi tulad ng mga Olmec, ang mga Aztec ay nagpalawak ng
kanilang teritoryo. Mula sa dating maliliit na pamayanang agrikultural sa Valley of Mexico, pinaunlad ng mga
Aztec ang kanilang kabihasnan at nagtatag ng sariling imperyo. Kinontrol nila ang mga karatig lupain sa
gitnang bahagi ng Mesoamerica. Ang mga Aztec ay mga nomadikong tribo na ang orihinal na pinagmulan ay
hindi tukoy. Unti-unti silang tumungo sa Lambak ng Mexico sa pagsapit ng ika-12 siglo C.E. Ang salitang Aztec
ay nangangahulugang “isang nagmula sa Aztlan,”isang mitikong lugar sa Hilagang Mexico.
Noong 1325, itinatag nila ang pamayanan ng Tenochtitlan, isang maliit na isla sa gitna ng lawa ng
Texcoco. Ang Texcoco ay nasa sentro ng Mexico Valley. Nang lumaon, ang lungsod ay naging mahalagang
sentrong pangkalakalan.
Angkop ang Tenoctitlan sa pagtatanim na siyang pangunahing ikinabubuhay ng mga Aztec dahil
mayroon itong matabang lupa. Sa kabila nito, hindi sapat ang lawak ng lupain upang matugunan ang
pangangailangan ng mga mamamayan. Ang hamong ito ay matagumpay na natugunan ng mga Aztec.
Ang lupa sa paligid ng mga lawa ay mataba subalit hindi lubos na malawak. Upang madagdagan ang
lupang tinataniman, tinabunan ng lupa ng mga Aztec ang mga sapa at lumikha ng mga chinampas, mga
artipisyal na pulo na kung tawagin ay mga floating garden.
Wala silang kasangkapang pambungkal ng lupa o hayop na pantrabaho. Nagtatanim sila sa malambot
na lupa na ang gamit lamang ay matulis na kahoy.
Dahil sila ay mga magsasaka, ang mga Aztec ay taimtim na umaasa sa mga puwersa ng kalikasan at
sinasamba ang mga ito bilang mga diyos. Ang pinakamahalagang diyos nila ay si Huitzilopochtli, ang diyos ng
araw. Mahalaga ang sikat ng araw sa pananim ng mga magsasaka kaya sinusuyo at hinahandugan ang
naturang diyos. Mahalaga rin sina Tlaloc, ang diyos ng ulan at si Quetzalcoatl. Naniniwala ang mga Aztec na
kailangang laging malakas ang mga diyos na ito upang mahadlangan ng mga ito ang masasamang diyos sa
pagsira ng daigdig. Dahil dito, ang mga Aztec ay nag-alay ng tao. Ang mga iniaalay nila ay kadalasang bihag
sa digmaan bagama’t may mga mandirigmang Aztec na nagkukusang-loob ialay ang sarili.
Sa pagsapit ng ika-15 siglo, nagsimula ang malawakang kampanyang militar at ekonomiko ng mga
Aztec. Ang isa sa mga nagbigay-daan sa mgapagbabagong ito ay si Tlacaelel, isang tagapayo at heneral.
Itinaguyod niya ang pagsamba kay Huitzilopochtli. Kinailangan din nilang manakop upang maihandog nila ang
mga bihag kay Huitzilopochtli. Ang paninindak at pagsasakripisyo ng mga tao ay ilan sa mga naging
kaparaanan upang makontrol at mapasunod ang iba pang mga karatig-lugar na ito. Ang mga nasakop na
lungsod ay kinailangan ding magbigay ng tribute o buwis. Dahil sa mga tribute at mga nagaping estado, ang
Tenochtitlan ay naging sentrong pangkabuhayan at politikal sa Mesoamerica mula sa Pacific Ocean haggang
Gulf of Mexico at mula sa hilagang Mexico hanggang sa Guatemala.
Ang mga Aztec ay mahuhusay na inhenyero at tagapagtayo ng mga estruktura tulad ng mga kanal o
aqueduct, mga dam, gayundin ng sistema ng irigasyon, liwasan, at mga pamilihan.
Ang biglaang pagbaba ng populasyon ng mga Aztec ay dulot ng epidemya ng bulutong, pang-aalipin,
digmaan, labis na paggawa, at pagsasamantala. Sa kabuuan, tinatayang naubos ang mula 85 hanggang 95
bahagdan ng kabuuang katutubong populasyon ng Mesoamerica sa loob lamang ng 160 taon.
Sa pagdating ni Hernando Cortes at mga Espanyol sa Mexico noong 1519, natigil ang pamamayani ng mga
Aztec sa Mesoamerica. Si Cortes ang namuno sa ekspedisyong Espanyol na nanakop sa Mexico. Inakala ni
Montezuma II, pinuno ng mga Aztec, na ang pagdating ng mga Espanyol ay ang sinasabing pagbabalik ng
kanilang diyos na si Quetzalcoatl dahil sa mapuputingkaanyuan ng mga ito.Noong 1521, tuluyang bumagsak
ang Tenochtitlan.
Kabihasnang Inca (1200-1521 )
Noong ika-12 siglo, isang pangkat ng mga taong naninirahan sa hilagang-kanlurang bahagi ng Lake
Titicaca sa matabang lupain ng Lambak ng Cuzco. Sa pamumuno ni Manco Capac, bumuo sila ng maliliit na
lungsod-estado.
Ang salitang Inca ay nagangahulugang “imperyo.” Hango ito sa pangalan ng pamilyang namuno sa
isang pangkat ng tao na nanirahan sa Andes. Unti-unting pinalawig ng mga Inca ang kanilang teritoryo
hanggang sa masakop nito ang 3,220 kilometro kuwadrado sa kahabaan ng baybayin ng Pacific. Saklaw ng
imperyong ito ang kasalukuyang lupain ng Peru, Ecuador, Bolivia, at Argentina.
Noong 1438, pinatatag ni Cusi Inca Yupagqui o Pachakuti ang lipunang Inca sa pamamagitan ng
pagkakaroon ng isang sentralisadong estado. Sa ilalim ni Topa Yupanqui (1471-1493), pinalawig niya ang
imperyo hanggang hilagang Argentina, bahagi ng Bolivia, at Chile. Napasailalim din sa kaniyang
kapangyarihan ang estado ng Chimor o Chimu na pinakamatinding katunggali ng mga Inca sa baybayin ng
Peru. Sa ilalim naman ni Huayna Capac, nasakop ng imperyo ang Ecuador.
Sa pagdating ni Francisco Pizarro, ang Espanyol na mananakop ng Inca noong 1532, ang lupain ng
Imperyong Inca ay sumasaklaw mula sa hilaga sa kasalukuyang Colombia hanggang sa katimugan sa bahagi
ng Chile at Argentina. Subalit dahil sa mga tunggalian tungkol sa pamumuno at kawalang kapanatagan sa
mga nasakop na bagong teritoryo, unti-unting humina ang imperyo. Dagdag pa rito ang tila napakalaking
saklaw ng Imperyong Inca na naging malayo mula sa sentrong pangangasiwa sa Cuzco. Nariyan din ang
malaking pagkakaiba ng mga pangkat ng tao sa ilalim ng kanilang kapangyarihan.
Samakatuwid, ang imperyo ay nasa kaguluhang politikal na pinalubha pa ng epidemya ng bulutong na
dala ng mga sinaunang dumating na conquistador o mananakop na Espanyol. Sa katunayan, si Huayna
Capac, isa sa mga pinuno ng Inca, ay namatay sa isang epidemya noong 1525. Ang pagpanaw na ito ay
nagdulot ng tunggalian sa kaniyang mga anak na sina Atahuallpa at Huascar. Sa huli, nanaig si Atahuallpa.
Nakilala niya si Pizarro habang naglalakbay ito patungong Cuzco. Nang lumaon, binihag ni Pizarro ang
Atahuallpa at pinatubos ng pagkarami-raming ginto. Noong 1533, pinapatay si Atahuallpa at makalipas ang
isang taon, sinakop ng mga Espanyol ang Cuzco gamit lamang ang maliit na hukbo.
Sa kabila ng katapangan ng mga Inca, hindi nila nagawang manaig sa bagong teknolohiyang
dala ng mga dayuhan, tulad ng mga baril at kanyon. Ang ilan sa mga Inca ay nagtungo sa kabundukan ng
Vilcabamba at nanatili rito nang halos 30 taon. Hindi nagtagal, ang huling pinuno ng mga Inca na si Tupac
Amaru ay pinugutan ng ulo noong 1572. Dito tuluyang nagwakas ang pinakadakilang imperyo sa Andes.
Pagyamanin
Gawain 3: Diagram ng Kabihasnan
Kabihasnang Aztec Kabihasnang Inca
A. Pinagmulan A. Pinagmulan
1. 1.
2. 2.
B. Paniniwala B. Paniniwala
1. 1.
2. 2.
C. Nagawa C. Nagawa
1. 1.
2. 2.
Isaisip
Gawain 4: KKK (Kaugnayan ng Kabihasnan sa Kasalukuyan)
OLMEC
MAYA
AZTEC
INCA
Isagawa
Gawain 5: Sanay-Suri
Panuto: Sumulat ng sanaysay tungkol sa kahalagahan ng mga kontribusyon ng mga Kabihasnang Klasikal sa
Mesoamerica. Gamiting gabay ang sumusunod:
1. Paano pinalawak ng mga Kabihasnang Klasikal sa Mesoamerica ang kanilang kapangyarihan?
2. Ang kanilang mga pinuno ay may pagkakatulad ba sa mga pinuno ng ating bansa?
3. Kung ikaw ay maging isang punong barangay sa inyong lugar, paano mo mapangangasiwaan ang mga
tao para labanan ang banta ng pandemic na Corona Virus?
Module 3
Aralin 2: Mga Kaharian at Imperyo sa Africa
Balikan
Gawain 1: Muling Ibalik
Pagyamanin
Gawain 2: Pagsagot sa Chart
Panuto: Punan ng maikling paglalarawan tungkol sa kontinente ng Africa ayon sa hinihingi ng chart.
Kontinente ng Africa
Heograpiya ng Africa Kalakalang Trans- Pagpasok ng Islam Kabihasnan sa Africa
Sahara