G9 Module 1

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 32

9

EKONOMIKS
Ikalawang Markahan – Modyul 1
DEMAND
EKONOMIKS – Ikasiyam Baitang
Self-Learning Module
Ikalawang Markahan – Modyul 1: Demand
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat:Rodelia Tupas, Celestie D. Roldan
Editor: Lito S. Adanza
Tagasuri: Michael A. Adam, Merjorie Q. Ablay, Maria Fe N. Arca
Tagaguhit:
Tagalapat: Emily E. Baculi
Tagadisenyo ng Pabalat: Reggie D. Galindez
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Jade Palomar - REPS -Araling Panlipunan
Romelito G. Flores, CESO V – Schools Division Superintendent
Carlos G. Susarno – Asst. Schools Division Superintendent
Juliet F. Lastimosa, CID Chief
Sally A. Palomo, EPS - LRMS
Gregorio O. Ruales, EPS – ADM Coordinator
Lito S. Adanza – EPS – Araling Panlipunan

Printed in the Philippines byDepartment of Education –SOCCSKSARGENRegion


Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: [email protected]
9

EKONOMIKS
Ikalawang Markahan – Modyul 1:
DEMAND
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan sa ikapitong


baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa aralin tungkol sa mga
sinaunang kabihasnan sa Asya!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay


at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang
pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at
kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala
ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 7 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul ukol sa Heograpiya ng Asya!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw,

i
bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na
kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay nakasalalay sa
iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

ii
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing
makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
An
Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa g
Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito. su
mu
sunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o
sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi
ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong
mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi
ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo ito!

iii
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa na naayon sa iyong kakayahan. Ito ay


makakatulong na maisagawa ang mga pagsasanay at matutunan ang mga konsepto
tungkol sa Demand. Ang mga gawaing ibinigay sa sitwasyon at halimbawa ay naayon
sa iyong mga karanasan, nang sa ganoon ay madali mong maintindihan ang aralin.
Ang bawat gawain ay nailapat sa paraang naaayon at nararapat sa daloy ng pagkatuto.

Ang modyul na ito ay naglalaman ng aralin tungkol sa:

Aralin 1- DEMAND

Pagkatapos ng mga pagsasanay sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

Pinakamahalagang Kasanayan Pampagkatuto


Natatalakay ang konsepto at salik na nakaaapekto sa demand sa
pang araw-araw na pamumuhay.

Pagkatapos ng araling ito ikaw ay inaasahang:


1. Naipaliliwanag ang konsepto ng demand
2. Natatalakay ang mga salik na nakaaapekto sa demand
3. Nahihinuha ang epekto ng demand sa presyo ng mga produkto sa pamilihan
at sa pang araw-araw na pamumuhay

1
Subukin

Ngayon, subukin mong sagutin ang paunang pagsusulit upang matukoy ang
lawak ng iyong kaalaman tungkol sa mga paksang tatalakayin. Bigyang-pansin ang
mga tanong na hindi masasagutan ng wasto at alamin ang sagot nito sa iba’t ibang
aralin sa modyul na ito.

Gawain 1: PAUNANG PAGTATAYA

Basahing mabuti ang mga sumusunod na tanong. Piliin at bilugan ang titik
wastong sagot sa bawat bilang.

1. Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyo na handa at kayang


bilhin ng mga mamimili sa iba’t ibang presyo sa isang takdang panahon.
a. demand b. pagkonsumo c. produksyon d. suplay

2. Nagsasaad ito na kapag mababa ang presyo, mataas ang demand, at kapag
mataas ang presyo, mababa ang demand.
a. batas ng demand c. demand function
b. demand curve d. demand schedule

3. Ito ay ang grapikong paglalarawan sa ugnayan ng presyo at dami ng


demand.
a. batas ng demand c. demand function
b. demand curve d. demand schedule

4. Ito ay ang isang talaan na nagpapakita ng dami ng quantity demanded sa


iba’t-ibang presyo.
a. batas ng demand c. demand function
b. demand curve d. demand schedule

5. Ito ay isang hinuha na walang pagbabago sa ibang salik maliban sa pinag-


aralan.
a. bandwagon c. ceteris paribus
b. inferior goods d. normal goods
2
6. Ito ay tawag sa mga produkto na tumataas ang demand kapag nadagdagan
ang kita ng mga mamimili.
a. bandwagon c. ceteris paribus
b. inferior goods d. normal goods

7. Ito ay tawag sa mga produktong tumataas ang demand kapag bumaba ang
kita ng mga mamimili.
a. income effect c. inferior goods
b. normal goods d. substitution effect

8. Ito ay nagpapahayag na kapag tumaas ang presyo ng isang produkto, ang


mga mamimili ay hahanap ng mas murang pamalit dito.
a. income effect c. inferior goods
b. normal goods d. substitution effect

9. Ito ay tawag sa mga produktong sabay na ginagamit , maaaring di magamit


ang isang produkto kung wala ang isa.
a. complementary goods c. inferior goods
b. normal goods d. substitute goods

10. Ito ay tawag sa mga produktong maaaring maging alternatibo.


a. complementary goods c. inferior goods
b. normal goods d. substitute goods

11. Kaninong desisyon nakabatay ang dami ng demand ng isang produkto


o serbisyo sa pamilihan?
a. konsyumer b. pamahalaan
b. prodyuser d. world market

12. Ano ang karaniwang nangyayari sa demand ng mga produktong bumaba


ang presyo?
a. bababa b. mananatili c.pabago bago d. tataas

13. Ano ang karaniwang nangyayari sa demand ng mga taong bumaba ang
kita?
a. bababa b. mananatili c.pabago bago d. tataas

3
14. Ano ang ipinapahiwatig kapag lumipat ang kurba ng demand sa kanan?
a. bumaba ang quantity demanded
b. nanatili ang quantity demanded
c. hindi matatag ang quantity demanded
d. tumaas ang quantity demanded

15. Upang matugunan ang pangangailangan, ang mga mamimili ay dapat


maging matalino sa pamamahala ng kanyang demand. Ano ang karaniwang
nangyayari sa demand ng mga mamimili sa kanyang inferior goods kung
bumaba ang kanyang kita?
a. bababa b. mananatili c.magbabago d. tataas

4
Aralin
DEMAND
1

Balikan

Magaling! Natapos mo nang sagutan ang paunang pagtataya. Ngayon, sasagutin


mo naman ang susunod na gawain upang lubusang maiugnay ang dating kaalaman sa
bagong aralin na ating tatalakayin.

Gawain 2: SALIK-SEEK

Hanapin sa pinagtabing mga titik ang mga salik ng produksyon at salik ng


pagkonsumo. ( Maaaring vertical, horizontal o diagonal)

a. Bilugan ang nakitang mga salik.

D E M O N S T R A T I O N
A F L I N A A S A H A N L
R F M U F U A G K K M A R
N E P E P A G G A W A A R
A C S C B A M P P O T L U
O T Q H R O P M I G Y A A
P A G K A K A U T A N G N
A G I Y H U Q P A K P W W
K I T A W T K E L R W B N
K E N T R E P R E N Y U R

b. Itala sa ibaba ang mga nahanap mong salik.


Mga salik ng produksyon
1.__________________________________________
2. __________________________________________
3. __________________________________________
4. __________________________________________
5
Mga salik na nakaapekto sa pagkonsumo
1. _______________________________________
2. _______________________________________
3. _______________________________________
4. _______________________________________
.

Tuklasin

Bago natin talakayin ang bagong aralin. Tunghayan muna ang gawain at sagutin
ang pamprosesong tanong.

Gawain 3 : I –TSEK MO!

Lagyan tsek (/) ang mga produkto at serbisyo na gusto mong makamtan o gawin.

______ 1. Smart phone


______2. Laptop
______3.Bagong Damit
______ 4. Mamahaling sapatos
______ 5. Manood ng sine sa mall

______ 6. Burger
______ 7. Fried chicken
_______8.Hair rebonding
_______9. Liptint
_______10.Makapagbakasyon abroad

Pamprosesong Tanong:
1. Anong produkto at serbisyo ang na tsek mo?
2. Lahat ba ng gusto natin ay kaya din nating makamtan? Bakit?

6
Suriin

Handa ka na ba sa bagong aralin? Basahin at intindihin ang mga


impormasyon tungkol sa konsepto ng demand at mga salik na nakaaapekto sa demand.

Gawain 4: BASAHIN AT UNAWAIN

Basahin ang mga sumusunod na teksto at pagkatapos ay sagutan ang mga


sumususunod na gawain.

ANG KONSEPTO NG DEMAND

May mga pangangailangan ang tao na dapat matugunan upang mabuhay.


Ang demand ay tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na gusto at kayang
bilhin ng mamimili sa iba’t ibang presyo sa isang takdang panahon.

Batas ng Demand
Isinasaad ng Batas ng Demand na mayroong inverse o magkasalungat na
ugnayan ang presyo sa quantity demanded ng isang produkto. Kapag tumaas ang
presyo, bumababa ang dami ng gusto at kayang bilhin; at kapag bumaba ang presyo,
tataas naman ang dami ng gusto at kayang bilhin (ceteris paribus). Ang ceteris
paribus ay nangangahulugang ipinagpapalagay na ang presyo lamang ang salik na
nakaaapekto sa pagbabago ng quantity demanded, habang ang ibang salik ay hindi
nagbabago o nakaaapekto rito. Ayon sa Batas ng Demand, sa tuwing ikaw at ang iyong
pamilya ay magdedesisyon na bumili ng isang produkto o serbisyo, ang presyo ang
inyong pangunahing pinagbabatayan. Sa bawat pagbili mo sa tindahan, itinatanong
mo muna ang presyo bago ka magdesisyon kung ilan ang iyong bibilhin.
May dalawang konseptong nagpapaliwanag kung bakit may magkasalungat o
inverse na ugnayan sa pagitan ng presyo at quantity demand. Ang unang konseptong
magpapaliwanag dito ay ang substitution effect. Ipinahahayag nito na kapag tumaas
7
ang presyo ng isang produkto, ang mga mamimili ay hahanap ng pamalit na mas mura.
Sa gayon, mababawasan ang dami ng mamimiling gustong bumili ng produktong
may mataas na presyo dahil maghahanap sila ng mas mura. Halimbawa, kung
mahal ang ballpen maaring bumili ng lapis na mas mura. Ang ikalawa ay ang income
effect. Ito ay nagpapahayag na mas malaki ang halaga ng kinikita kapag mas
mababa ang presyo. Kapag mababa ang presyo ng bilihin, mas mataas ang
kakayahan ng kita ng tao na makabili ng mas maraming produkto. Kapag tumaas
naman ang presyo, lumiliit naman ang kakayahan ng kaniyang kita na maipambili.
Lumiliit ang kakayahan ng kita na makabili ng mga produkto o serbisyo kaya
mababawasan ang dami ng mabibiling produkto.

Demand Schedule
Higit na mauunawaan ang konsepto ng demand sa pamamagitan ng demand
schedule. Ang demand schedule ay isang talaan na nagpapakita ng dami na kaya at
gustong bilhin ng mga mamimili sa iba’t ibang presyo. Makikita sa susunod na
pahina ang halimbawa ng demand schedule.

Demand Schedule para sa Kendi

Presyo bawat piraso Quantity


Demanded
Php 5 10
4 20
3 30
2 40
1 50
0 60

Ang schedule na makikita sa talahanayan ay tumutukoy sa quantity


demanded para sa kendi sa iba’t ibang presyo. Halimbawa, sa halagang piso
(Php1.00) bawat piraso ng kendi, limampu (50) ang dami ng gusto at kayang
bilhin ng mamimili. Sa presyong dalawang piso (Php2.00) bawat piraso,
apatnapung (40) piraso naman ang gusto at kayang bilhin ng mga mamimili.
Kung tataas pa ang presyo at maging limang piso (Php5.00) ang bawat
piraso, magiging sampu (10) na lamang ang magiging demand sa kendi.
Malinaw na ipinapakita ang magkasalungat na ugnayan ng presyo at
8
quantity demanded ng kendi para sa mamimili.
Maliban sa demand schedule, maipakikita rin ang ugnayan ng presyo
sa quantity demanded sa pamamagitan ng isang dayagram o graph. Ito ay
tinatawag na demand curve. Ito ay isang grapikong paglalarawan ng ugnayan
ng presyo at quantity demanded.

Demand Curve

Ang graph sa itaas ay batay sa demand schedule na nasa


talahanayan. Kung ilalapat sa graph ang iba’t ibang kombinasyon ng mga
presyo at quantity demanded ay mabubuo ang demand curve para kendi.
Halimbawa, sa punto A na ang presyo ay limang piso (Php5), sampu (10)
ang dami ng kendi na gusto at handang bilhin ng mamimili; sa punto B na
ang presyo ay apat na piso (Php4), dalawampu (20) ang dami ng kendi na
gusto at handang bilhin ng mamimili. Kung tutuntunin ang mga puntong
ito hanggang punto F ay makabubuo ng isang kurbang pababa o downward
sloping curve. Ang kurbang ito ay nagpapakita ng salungat na ugnayan sa
pagitan ng presyo at sa dami ng gusto at kayang bilhin ng mamimili.
Halimbawa, ang paggalaw ng kurba mula punto A papuntang punto B,
makikita na sa pagbaba ng presyo mula limang piso (Php5) pababa ng apat
na piso (Php4), ang demand sa kendi ay tataas ng sampung (10) piraso.
Kapag ang presyo naman ay tumaas ng piso makikita sa graph na
bumababa ang quantity demanded sa sampung (10) piraso.

9
Paggalaw ng Demand (Movement along the Demand Curve)

Ipinapakita sa graph ang paggalaw sa demand curve. Mangyayari ang


paggalaw ng demand curve kung ang salik na nakaaapekto ay ang sariling presyo ng
produkto. Kung ang presyo ng kendi ay bumaba mula Php5 sa Php4, makikita sa
graph na lilipat ang punto mula A patungong B. Kung tataas naman ang presyo
mula Php2 patungong Php3, lilipat ang punto mula C patungong D.

Demand Function
Ang demand function ay ang matematikong pagpapakita sa ugnayan ng presyo
at quantity demanded. Maaari itong ipakita sa equation sa ibaba:

Qd = f (P)

Ang Qd o quantity demanded ang tumatayong dependent variable, at ang presyo


(P) naman ang independent variable. Ibig sabihin, nakabatay ang Qd sa pagbabago ng
presyo. Ang presyo ang nakapagpapabago sa dami ng handa at kayang bilhin ng mga
mamimili. Isa pang paraan ng pagpapakita ng demand function ay sa equation na:

Qd = a - bP

Kung saan:
Qd = quantity demanded P = presyo
a = intercept (ang bilang ng Qd kung ang presyo ay 0)

b = slope= ∆Qd
∆P

Nagpapakita ang slope ng pagbabago sa quantity demanded sa bawat pisong


pagbabago sa presyo.
10
Upang mapatunayan na ang datos sa demand schedule sa itaas at ang
demand function ay iisa, suriin at pag-aralan ang kompyutasyon sa ibaba.

Demand Function mula sa Demand Schedule para sa kendi: Qd = 60 – 10P

Kapag ang P = 1 Qd = ? Kapag ang P = 5 Qd = ?


Qd = 60 – 10P Qd = 60 – 10P
Qd = 60 – 10 (1) Qd = 60 – 10(5)
Qd = 60 – 10 Qd = 60 – 50
Qd = 50 piraso Qd= 10 piraso

Gamit ang demand function ay maaaring makuha ang dami ng


quantity demanded kung may given na presyo. I-substitute ang presyo na
piso sa variable na P at i-multiply ito sa slope na -10. Ang makukuhang
sagot ay ibabawas sa 60. Mula rito ay makukuha ang sagot na 50 na
quantity demanded. Sa ikalawang halimbawa naman ay Php5 ang presyo
kaya ang naging quantity demanded ay 10.

Iba Pang Salik na Nakaaapekto sa Demand Maliban sa Presyo

Maliban sa presyo, may iba pang mga salik na nakaaapekto sa


demand. Ang pagsusuri sa mga salik na ito ay mahalagang malaman
upang higit na maging matalino sa paggawa ng desisyon.

• Kita- Ang pagbabago sa kita ng tao ay maaaring makapagpabago ng


demand para sa isang partikular na produkto. Sa pagtaas ng kita ng
isang tao, tumataas ang kaniyang kakayahan na bumili ng mas
maraming produkto. Gayundin naman, sa pagbaba ng kita, ang
kaniyang kakayahang bumili ng produkto ay nababawasan.

Kapag dumadami ang demand sa mga produkto dahil


sa pagtaas ng kita, ang mga produktong ito ay maituturing na
normal goods. Sa kabilang banda, inferior goods naman ang
tawag sa mga produktong tumataas ang demand kasabay sa
pagbaba ng kita. Ipagpalagay na ang karneng baka ay
normal good para kay Alena. Sa pagtaas ng kita ni Alena ay
tataas din ang kaniyang demand sa karneng baka. Kapag
bumaba naman ang kita ni Alena, bababa rin ang demand

11
niya para dito.Ipagpalagay naman na ang sardinas ay inferior
good para kay Alena. Sa pagtaas ng kaniyang kita ay bababa ang
kaniyang demand para sa sardinas. Sa pagbaba naman ng
kaniyang kita, tataas ang kaniyang demand para dito.

 Panlasa- Karaniwang naaayon sa panlasa ng mamimili ang pagpili


ng produkto at serbisyo. Kapag ang isang produkto o serbisyo ay
naaayon sa iyong panlasa, maaaring tumaas ang demand para dito.
Kung naaayon ang pandesal sa iyong panlasa bilang pang-almusal,
mas marami ang makakain mo nito kesa sa ensaymada.

• Dami ng Mamimili- Maaari ding magpataas ng demand ng indibidwal


ang tinatawag na bandwagon effect. Dahil sa dami ng bumibili ng
isang produkto, nahihikayat kang bumili. Halimbawa, kapag ang
isang bagay ay nauuso, napapagaya ang marami na nagdudulot ng
pagtaas ng demand. Halimbawa, dahil nauuso ngayon ang
smartphone, marami sa mga mamimili ang gustong makisabay sa
uso kaya marami ang demand nito.

• Presyo ng magkaugnay na produkto sa pagkonsumo –


Masasabing magkaugnay ang mga produkto sa pagkonsumo kung
ito ay komplementaryo o pamalit sa isa’t isa. Ang mga
komplementaryo ay mga produktong sabay na ginagamit, ibig
sabihin hindi magagamit ang isang produkto kung wala ang
complement nito. Magkaugnay ang dalawa sapagkat anumang
pagbabago sa presyo ng kaugnay na produkto ay tiyak na may
pagbabago sa demand ng komplementaryong produkto. Halimbawa,
sa kaso ng kape at asukal, kapag bumaba ang presyo ng kape ay
tataas ang demand sa asukal. Kung tumaas naman ang presyo ng
kape ay bababa ang demand sa asukal. Kapag ang ugnayan ng presyo
ng isang produkto ay negatibo o taliwas sa sa demand para sa isang
produkto, masasabing magkaugnay ang mga ito. Tinatawag itong
produktong komplementaryo (complementary).

Samantala, ang pamalit (substitute) ay mga produktong


maaaring magkaroon ng alternatibo. Ang tubig o juice ay maaaring

12
pamalit sa softdrinks sapagkat pareho itong pamatid-uhaw.
Ipagpalagay natin na tumaas ang presyo ng softdrinks. Dahil dito,
bababa ang quantity demanded ng softdrinks. Kasabay nito, tataas
naman ang demand para sa juice. Kung ang pagtaas ng presyo ng
isang produkto ay magdudulot ng pagtaas ng demand ng isang
produkto, masasabing ang mga produktong ito ay pamalit sa isa’t
isa (substitute goods). Ang iba pang halimbawa ng pamalit ay kape at
tsa, keso, at margarine.

• Inaasahan ng mga mamimili sa presyo sa hinaharap- Kung


inaasahan ng mga mamimili na tataas ang presyo ng isang partikular
na produkto sa susunod na araw o linggo, asahan na tataas ang
demand ng nasabing produkto sa kasalukuyan habang mababa
pa ang presyo nito. Halimbawa, ibinalita na may paparating na
bagyo at tuwirang tatama sa Gitnang Luzon, na isa sa
pangunahing pinagmumulan ng bigas sa bansa, inaasahan na
magkukulang ang dami ng bigas sa pamilihan at tataas ang
presyo nito. Kaya ang mga mamimili ay bibili na ng marami
habang wala pa ang bagyo at mababa pa ang presyo. Sa
kabilang banda, kung inaasahan ng mga mamimili na bababa
ang presyo ng isang produkto, hindi na muna bibili ng marami
ang mga tao sa kasalukuyan. Maghihintay na lamang sila na
bumaba ang presyo bago bumili ulit ng marami.

(Learners Module p. 115-118)Halaw mula sa Modyul Para sa Mga Mag-aaral, Ekonomiks, Yunit 1, Department of
Education, 2015

13
Pagyamanin

Binabati kita dahil sa natapos mo nang basahin at intindihin ang mga


mahahalagang impormasyon na patungkol sa ating aralin. Ngayon naman
ay gawin at sagutan ang mga sumusunod na pagsasanay para iyong lubos
na pagkaunawa.

Gawain 5: MAALA- ALA MO KAYA?

Sagutin ang mga sumusunod na gawain gamit ang kaalamang


natutunan mula sa binasang teksto.Isulat sa nakalaang patlang ang ang
konseptong tinutukoy sa susunod na mga bilang.

_____________ 1. Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyo na gusto


at kayang bilhin ng mga mamimili
______________2. Ito ay nagsasaad na may magkasalungat na ugnayan ang
presyo at quantity demanded.
______________3. Ito ay nagpapahayag na kapag tumaas ang presyo ng isang
produkto, ang mamimili ay hahanap ng pamalit na mas
mura kaya mababawasan ang quantity demanded ng mga
produktong may mataas na presyo.
______________4. Ito ay isang talaan na nagpapakita ng dami at kayang
bilhin ng mga mamimili sa iba’t ibang presyo.
______________5. Ito ay isang assumption na ang presyo lamang ang salik na
nakaapekto sa pagbabago ng dami ng demand habang ng
ibang salik ay hindi nakaaapekto rito.
______________6. Ito ay isang grapikong paglalarawan sa ugnayan ng presyo
at quantity demanded.
______________7. Ito ay nagpapahayag na mas malaki ang halaga ng kinikita
kapag mas mababa ang presyo ng mga bilihin.
______________8. Ayon sa Batas ng Demand, kapag mababa ang presyo,
_____________ ang quantity demanded.
______________9. Ito ay ang matematikong pagpapakita sa ugnayan ng
presyo at ng quantity demanded.
_____________10. Sa kanilang desisyon nakabatay ang dami ng demand ng
mga produkto at serbisyo sa pamilihan.

14
Gawain 6: KAYANG KAYA ANG MATEMATIKA

I- compute ang quantity demanded ng siopao sa iba’t ibang presyo sa


sumusunod na talahanayan. Ipagpalagay na ang demand function ay Qd=
70-3P.

Presyo bawat piraso ng siopao Quantity Demanded


(pesos)
5
7
9
11
13
15

Pamprosesong Tanong:
1. Sa anong presyo pinakamadami ang quantity demanded ng siopao?
2. Sa anong presyo pinakakaunti ang quantity demanded ng siopao?
3. Ano ang nahinuha mo sa ganitong sitwasyon? Nakaapekto ba ang
presyo sa dami ng demand ng isang produkto? Paano?

Gawain 7: COMPUTE PA MORE...


Gamit ang demand function sa ibaba, kompletuhin ang talahanayan upang
mabuo ang demand schedule.
Demand Function: Qd= 200-3P

Presyo (P) Quantity Demanded (Qd)


5
179
12
155
18
140
24
110

15
Gawain 8: PUNUAN MO
Punan ng tamang datos ang sumusunod na talahanayan.

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ano ang mga salik na nakaapekto sa demand maliban sa presyo?


2. Batay sa karanasan mo, anong salik ang higit na nakapagpabago sa
quantity demanded ng mga produkto o serbisyo? Bakit?
3. Kaninong desisyon nakadepende ang dami ng demand ng isang
produkto o serbisyo sa pamilihan?

16
Isaisip

Sa bahaging ito ng aralin ay masusubok natin ang lalim ng iyong


pagkaunawa sa aralin tungkol sa demand sa pamamagitan ng pagsuri at tamang
pagsagot kung ang mga sumusunod na sitwasyon ba ay magdudulot ng pagtaas o
pagbaba ng demand sa pamilihan.

Gawain 9: I- EMOJI MO!


Iguhit sa patlang ang ang kung ang sitwasyon ay magdudulot ng pagtaas
na demand, at iguhit naman ang kung ito ay magdudulot ng pagbaba ng
demand.
_______ 1. Demand sa flower pots dahil marami ang nahumaling magtanim ng mga
bulaklak
_______ 2. Lumipas na sa uso ang paggamit ng graphic shirts.
________3. Demand sa load at internet connection dahil sa mga webinar at online
classes.
________4. Demand sa gasolina ngayong araw dahil inanunsyo ng mga kompanya
ng langis na tataas ng 1 piso ang presyo bawat litro nito bukas.
_______ 5. Demand sa mga school uniform sa pagbukas ng klase ngayong
pandemic.
_______ 6. Vitamins C, alcohol at face mask ngayong panahon ng pandemic.
_______ 7. Maraming manggagawa ang nawalan ng trabaho dahil sa pandemic.
_______ 8. Demand sa hamon at bigas na malagkit sa buwan ng Pebrero.
________9.Nadagdagan ang sweldo ng mga manggagawa sa SOCCSKSARGEN.
_______10. Pagdagsa ng mga prutas gaya ng durian, rambutan, lanzones at
mangosteen sa mga buwan ng Agosto at Setyembre.

17
Isagawa

Tunghayan naman ang bahaging ito ng ating aralin. Sagutin ang gawaing ito
na makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa
tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.

Gawain 10: DEMAND KO, KONTROL KO

Isulat sa katapat na kahon ang nararapat gawin ng isang konsyumer bilang


matalinong pagtugon sa mga pagbabago sa mga salik na nakaaapekto sa demand.

Sitwasyon Nararapat Gawin

Pagtaas ng kita ng
pamilya dahil na
promote sa trabaho si
Papa.

Pagbaba ng kita dahil


nabawasan ang oras
ng trabaho sa
panahon ng panndemic.

Maraming bibilhan ng
regalo dahil sa
nalalapit na Pasko.

Pagtaas sa presyo ng
mga produktong
nakasanayang bilhin.

Nauuso ang paggamit


ng branded na sapatos
at bag.

18
Tayahin

Binabati kitang muli sa iyong matagumpay na pagsagot sa pagsasanay.


Nasa dulo na tayo ng iyong pag aaral tungkol sa konsepto ng demand. Susukatin
naman ngayon ang iyong pagkatuto sa pamamagitan ng pagsagot sa pagtataya.

Gawain 9: PAGTATAYA

Basahing mabuti ang mga sumusunod na tanong. Bilugan ang titik ang
tamang sagot.
1. Ayon sa Batas ng Demand, ano ang mangyayari sa demand ng
produkto kapag bumaba ang presyo nito?
a. bababa b. mananatili c. pabago-bago d. tataas

2. Ito ay ang grapikong paglalarawan sa ugnayan ng presyo at quantity


demanded ng isang produkto o serbisyo.
a. batas ng demand c. demand function
b. demand curve d. demand schedule
3. Kaninong desisyon nakabatay ang dami ng demand ng isang produkto
o serbisyo?
a. konsyumer b. pamahalaan c.pamilihan d. prodyuser

4. Kailan maituturing na may demand ang isang tao?


a. Kapag may gusto siyang bilhin
b. Kapag nakaramdam siya ng gutom
c. Kapag kailangan niya ang isang produkto o serbisyo
d. Kapag may kagustuhan at kakayahan siyang bumili ng produkto o
serbisyo

5. Ito ay ang isang talaan na nagpapakita ng dami ng quantity


demanded ng isang produkto sa iba’t-ibang presyo.
a. batas ng demand c. demand function
b. demand curve d. demand schedule

6. Maraming mga konsyumer ang nahikayat bumili ng mga produkto at


serbisyo kapag ito ay nauuso. Ano ang tawag sa sitwasyong ito?
a. fashion c. ceteris paribus
b. bandwagon effect d. building self-esteem

19
7. Kung ang normal goods mo ay karne, at inferior goods mo naman ang
sardinas, ano ang mangyayari sa demand mo sa karne kung tataas
ang iyong kita?
a. mababawasan c. madagdagan
b. hindi magbabago d. pabago-bago

8. Ito ay tawag sa mga produkto na tumataas ang demand kapag


bumaba ang kita ng mga mamimili.
a. Bandwagon c. Ceteris paribus
b. Inferior goods d. Normal goods

9. Ito ay nagpapahayag na kapag tumaas ang presyo ng isang produkto,


ang mga mamimili ay hahanap ng mas murang pamalit dito.
a. income effect c. inferior goods
b. normal goods d. substitution effect

10. Ito ay tawag sa mga produktong sabay na ginagamit , maaaring di


magamit ang isang produkto kung wala ang isa.
a. complementary goods c. inferior goods
b. normal goods d. substitute goods

11. Ito ay tawag sa mga produktong bibilhin ng mga mamimili kung wala
silang kakayahang bilhin ang unang produktong nagustuhan nila.
a. complementary goods c . inferior goods
b. normal goods d. substitute goods

12. Upang matugunan ang pangangailangan, ang mga mamimili ay


dapat maging matalino sa pamamahala ng kanyang demand. Ano ang
karaniwang nangyayari sa demand ng mga mamimili sa kanyang
inferior goods kung bumaba ang kanyang kita?
a. bababa b. mananatili c.mag babago d. tataas

13. Nag anunsyo ang isang kompanyang gumagawa ng cellphone na


magkakaroon sila ng anniversary sale at bababa ang presyo ng
kanilang mga paninda sa loob ng isang linggo. Ano ang mangyayari
sa demand ng mga cellphone na paninda nila sa loob ng linggong iyon?
a. bababa b. mananatili c.mawawala d. tataas

20
14. Ang presyo ay isang mahalagang salik na nakaaapekto sa demand.
Paano inilarawan ang ugnayan ng presyo at quantity demanded ng
mga produkto at serbisyo?
a. magkasangga c. magkataliwas
b. magkaagapay d. magkasundo

15. Ang kurba ng demand ay isa sa mga nagpapakita ng ugnayan sa


pagitan ng presyo at quantity demanded. Ano ang ipinapahiwatig
kapag lumipat ang kurba ng demand sa kaliwa?
a. bumaba ang quantity demanded
b. nanatili ang quantity demanded
c. hindi matatag ang quantity demanded
d. tumaas ang quantity demanded

21
Karagdagang Gawain

Magaling at iyong nasagutan ang pagtataya, ngayon naman ay pagyamanin


ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutunang aralin sa pamamagitan ng pag
sagot sa mga gawain na sumusunod.

Gawain 11: IDE- DEMAND KO

Magtala ng mga produkto at serbisyo na nararapat maging bahagi ng ating


demand sa pang araw-araw na pamumuhay upang makaagapay suliraning dulot
ng pandemic.

Larangan Produkto/serbisyo
Kalusugan

Kaligtasan

Edukasyon

22
Susi sa Pagwawasto

23
24
Sanggunian
LE-andSIM-Format E REYES.pptx

A. Aklat

Imperial, Consuelo M. et., al., Kayamanan (Ekonomiks) Binagong Edisyon 2010.


REX Book Store, Inc.

Imperial, Consuelo M. et., al., Kayamanan IV Ikatlong Edisyon 2013.


REX Book Store, Inc.

Balitao, Bernard R. et., al., Ekonomiks Mga Konsepto at Aplikasyon,


Bagong Edisyon 2012, Vibal Publishing House , Inc.

Balitao, Bernard R. et., al., Ekonomiks Mga Konsepto at Aplikasyon (Manwal ng


Guro sa Araling Panlipunan) Ikaapat na Taon, Vibal Publishing House , Inc.

Balitao, et.al, Modyul para sa mga Mag-aaral, Ekonomiks, 2015.

B. Website

http://www.slideshare.net
http://www.rexinteractive.com

25
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: [email protected] * [email protected]

You might also like