LAS 7.2 EsP 9 Week 5b Final
LAS 7.2 EsP 9 Week 5b Final
LAS 7.2 EsP 9 Week 5b Final
Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any work
of the Government of the Philippines. However, prior approval of the government agency or
office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit.
Such agency or office may, among other things, impose as a condition the payment of
royalties.
2
Introductory Message
MABUHAY!
Ang EsP 9 Learning Acivity Sheet na ito ay binuo upang matugunan ang
pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa larang ng edukasyon, na patuloy ang
kanilang pagkatuto kahit na sila ay nasa kani-kanilang mga tahanan o saan mang
bahagi ng learning center sa kanilang komunidad.
Ang EsP 9 Learning Acitivity Sheet na ito ay binuo upang matulungan ka, na
mapatuloy ang iyong pagkatuto kahit wala ka ngayon sa iyong paaralan, pangunahing
layunin ng LAS na ito na mabigyan ka ng makahulugan at makabuluhang mga gawain.
Bilang aktibong mag-aaral, unawain nang mabuti ang mga panuto nga bawat gawain.
3
Learning Activity Sheets
Pangalan ng Mag-aaral:
Grado at Pangkat:
Petsa:
Sa lahat ng mga nilikhang may buhay, tanging ang tao lamang ang inaatasan
ng mga gawaing ginagamitan ng talino. Hindi katulad ng hayop na gumagawa lamang
kapag ginagabayan o inaatasan ng tao o maaaring gumagawa lamang sila
sa dikta ng kanilang instinct upang matugunan ang kanilang pangangailangan.
Sa pamamagitan ng paggawa, napatutunayan ang isang pang dahilan ng pag-iral
ng tao - ang pagiging bahagi ng isang komunidad, ang gumawa hindi lamang para
sa kaniyang sarili kundi para sa kaniyang kapuwa at sa pag-unlad nito.
Ang Mga Layunin ng Paggawa ay:
1. Upang kitain ng tao ang salapi na kaniyang kailangan upang matugunan ang
kaniyang mga pangunahing pangangailangan.
Hindi mabubuhay nang maginhawa ang tao kung hindi siya magtatrabaho. Sa
kasalukuyang panahon, mahalaga ang pera dahil sa papel nito sa pagbili ng mga
produkto at serbisyong kailangan ng tao. Kailangan ng taong gumawa para mabuhay.
Hindi maaaring maging katulad siya ng isang parasite na laging inaaasa sa iba ang
kaniyang ikabubuhay. Sa pamamagitan ng paggawa, napagyayaman ang kaniyang
dignidad. Ito ang dahilan kung bakit ninanais ng mga magulang na makapagtapos ng
pag-aaral ang kanilang mga anak: upang makakuha ng disenteng trabaho ang mga
ito at hindi makaranas ng kaparehong kahirapan.
4
2. Upang makabahagi sa patuloy na pag-angat at pagbabago ng agham at
teknolohiya.
Pinagkalooban ng Diyos ang tao ng talento upang gamitin ito sa pag-unlad niya
at ng pamayanan mahalagang taglayin ng lahat ng tao ang malalim na pagnanais na
maibahagi ang kaniyang kakayahan para sa ikauunlad ng lipunan. Nakakalikha ang
tao ng mga teknolohiya, bunga ng kaniyang patuloy na pag-aaral sa pangangailangan
ng tao, na nakapagpapadali at nakapagpapabilis sa kaniyang produksiyon. Nakikita
ang tulong na naibibigay ng agham at teknolohiya upang mapadali ang pamumuhay
ng tao at mapaunlad ang ekonomiya.
5
MGA SANGGUNIAN
MGA GAWAIN
B. Pagsasanay/Aktibidad
Miyembro ng Dahilan
Pamilya
Para Para mapagyaman Para maabot ang
Kumita ang talento pangarap
Ama
Ina
Ate
Kuya
6
4. May kabuluhan ba ang paggawa sa lipunan?
REPLEKSIYON
SUSI SA PAGWAWASTO