ESP 4th Summative Test
ESP 4th Summative Test
ESP 4th Summative Test
Department of Education
Region III
Schools Division Of Bulacan
STA. MARIA EAST DISTRICT
_______1. Itinuturo sa inyong relihiyon na kailangang manalangin bago kumain ngunit hindi mo ito
nagagawa.
A. Tama B. Mali C. A at B D. Hindi tiyak
_______2. Ang pakikipag-away kaninoman ay mahigpit na ipinagbabawal sa inyong relihiyon, kaya ito ay
iyong iniiwasan. Ang iyong ginagawa ay _____________.
A. Mabuti B. Masama C. A at B D. Hindi Tiyak
_______3. Binasag ni Hajid ang rebulto ni Maria na ina ni Jesus sa harap ng kanyang mga kamag-aral na
katoliko. Ito ay nagpapakita ng _____________.
A. Paggalang B. Kabaitan C. Kawalang respeto sa paniniwala ng iba D. A at B
_______4. Laging gumagamit ng po at opo si Jenny sa pakikipagusap sa kanyang mga magulang, ngunit
hindi naman siya sumusunod sa ipinaguutos ng mga ito.
A. Tama B. Mali C. Tama at mali D. Hindi tiyak
_______5. Hindi kumain ng karne ng baboy si Muhamed kahit pinipilit siya ng kanyang kaibigan sapagkat
siya ay muslim. Anong ugali ang kanyang ipinakita?
A. Paggalang B. Pagkamasunurin C. Matibay na pananampalataya D. Pagrespeto
_______6. Mas pinipili ni Robert ang maglaro tuwing linggo kaysa sumamba na ipinaguutos sa kanilang
relihiyon. Anong ugali mayroon si Robert?
A. Masurin B. Tapat C. Kulang sa pananampalataya D. Masayahin
_______7. Araw ng linggo, ano ang dapat unahin ni Annie, gumawa ng proyekto sa paaralan o sumamba?
A. Proyekto sa paaralan B. Sumamba C. Parehong dapat unahin D. Wala
_______8. Taimtim na nanalangin si Mary bago magsimula ang kanilang pagsususlit. Ito ay nagpapakita
ng _________________.
A. Paggalang sa Dios B. Pagrespeto sa Dios C. Pagsunod sa Dios D. Pananalig sa Dios
_______9. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagrespeto sa pananampalataya ng iba?
A. Pagsamba B. Pagdalangin C. Hindi pakikipagtalo sa paniniwala D. Pag-awit
_______10. Alas-tres ng hapon, habang nagnonobena si Aling Ising ay biglang may pumasok na pusa sa
kanilang kusina upang maghanap ng pagkain. Ano ang dapat gawin ni Aling Ising?
A. Bugawin ang pusa B. Tawagin ang anak C. Isara ang pinto at bintana D. Ituloy ang Nobena
_______11. Ito ang ginagawa ng relihiyoso bago kumain.
A. Naghuhugas ng kamay B. Nananalangin C. Nagluluto D. Naghuhugas ng pinggan
_______12. Habang naglalaro ng Mobile Legend ay inutusan si Eman ng kanyang ina na bumili sa
tindahan. Ano ang dapat gawin ni Eman?
A. Sumunod agad sa utos B. Tapusin muna ang paglalaro
B. ipasa ang utos sa ibang kapatid D. Hayaan ang nanay ang bumili
_______13. Pinagtawanan ng iyong kaibigan ang isang batang muslim dahil sa kasuotan nito. Ano ang
dapat mong gawin?
A. Makitawa sa kaibigan B. Hayaan ang kaibigan C. Sawayin ang kaibigan D. Wag pansinin
_______14. Ano ang dapat gawin ni Ana habang umaawit ang lahat sa loob ng sambahan?
A. Makipaglaro B. Umawit C. Matulog D. Kumain
_______15. Mahilig makipagtalo si Miguel sa ibang tao upang patunayan na tama ang kanyang relihiyon.
Ano ang masasabi mo sa ginagawa ni Miguel?
A. Tama B. Mali C. Tama at mali D. di tiyak
_______16. Sumama at kumain sa fiesta si Marvin dahil sa pag-aya ng kanyang kaibigan kahit ito ay
mahigpit na ipinagbabawal sa kanilang relihiyon. Ano ang masasabi mo sa kanyang ginawa?
A. Tama B. Mali C. Nararapat D. A at C
_______17. Ano ang unang dapat gawin kung nagkaroon ng mabigat na karamdaman?
A. Lumapit sa kaibigan B. Pumunta sa Doktor C. Bumili ng gamot D. Manalangin
_______18.Nag-away sina Marta at Berta dahil sa magkaibang paniniwala sa relihiyon. Ano ang dapat
nilang gawin upang sila ay magkasundo?
A. Igalang ang ibang paniniwala B. Magregalo C. wag magkibuan D. Ityuloy ang away
_______19. Nagpalit ng relihiyon ang pamilya ng matalik mong kaibigan. Ano ang dapat mong gawin?
A. Iwasan ang kaibigan C. Igalang ang paniniwala
B. paalisin sya sa kanilang bahay D. turuan siyang lumabag sa utos ng kanilang relihiyon
_______20. Nakita mong kumupit ng pera sa pitaka ng iyong ina ang iyong kjapatid. Ano ang gagawin mo?
A. Isusumbong sa ina C. Ipasosli sa kapatid ang kinupit na pera
B. Paghatian ninyo ang kinupit na pera D. Hayaan ang kapatid sa ginawa