PeriodicalTest ESP 5 Q1

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Unang Markahang Pagsusulit

ESP 5

Pangalan: ___________________________________________ Grado: _______ Seksiyon: _____


Paaralan: ____________________________________________ Petsa: _______ Iskor: _______

Panuto: Basahing mabuti ang katanungan sa bawat bilang. Piliin ang titik ng wastong sagot. May
isang oras kang gawin ito. (Good Luck!)
1. Ano ang iyong gagawing paghahanda kapag may pagsusulit?
a. Mag-aaral ng mabuti.
b. Maagang matulog upang huwag mapuyat.
c. Magdasal imbis na mag-aral.
d. Kaibiganin ang mga matatalinong kaklase.
2. May kapitbahay kang humihingi ng gulay na inyong pananim. Ano ang tamang tugon mo sa
tuwing siya’y humihingi?
a. Hay! Kumuha lang kayo.
b. Bakit hindi kayo magtanim ng gulay?
c. Kumuha lang po kayo at ingatan ang pagpitas ng gulay.
d. Hoy! Magtanim naman kayo.
3. Bakit kailangang mag-aaral ng mabuti?
a. Upang magkapagtapos at makakuha ng magandang trabaho sa hinaharap.
b. Upang mapatunayan sa lahat na magaling ka.
c. Upang maipagmalaki ang sarili.
d. Upang matalbugan mo ang iyong mga kapatid.
4. Si Malia ay palaging nagbabasa ng aklat. Ano ang kaibahan niya sa mga batang hindi
nagbabasa ng aklat?
a. Mas malawak ang kanyang kaalaman.
b. Mas malaki ang kanyang mga mata.
c. Mas antukin siya.
d. Mas maging madaldal siya.
5. Naglalakad kayo pauwi ng iyong kaibigan mula sa isang religious fellowship, nang bigla siyang
himatayin. Ano ang maari mong maitulong?
a. Iiwanan mo ang iyong kaibigan dahil ayaw mong managot.
b. Iiwan mo siya sa isang tabi at tatawagin mo ang kanyang magulang.
c. Hihingi ka ng saklolo sa mga dumaraan upang dalhin sa ospital.
d. Pagalitan dahil umaarte lamang.
6. Walang kinatatakutan ang ______ na nanunungkulan.
a. tapat c. mayaman
b. sinungaling d. magaling
7. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng kawilihan sa pagbabasa?
a. Naghahanap ng mga larawan.
b. Binasa at iniintindi ang nilalaman.
c. Inuuklat ang mga pahina sa aklat.
d. Pinagtawanan ang mga larawan na nakita sa aklat

8. Nasunugan ang iyong kaibigan na si Gina. Ano ang magagawa mo para sa kanya?
a. Magbigay ng kahit kaunting tulong.
b. Sabihang mag-ingat palagi.
c. Mag-alay ng awit.
d. Bilhan ng bagong bahay.
9. Ikaw ay nagpapakita ng kawilihan sa pag-aaral kapag ikaw ay
a. Pumapasok sa paaralan kung gusto lang.
b. Lumiliban kapag umuulan.
c. Nag-aral kung may malaking baon na ibibigay si Nanay.
d. Nagsusumikap na mag-aral
10. Paano natin maipapakita an gating pagmamahal sa Panginoon?
a. Sundin ang kanyang mga utos.
b. Mamimili ng mga kaibiganin.
c. Maglaro araw-araw.
d. Suwayin ang utos ng mga magulang.

11. Alin sa mga sumusunod ang nararapat gawin kapag may humihingi ng pagkain?
a. Hindi pansinin.
b. Sabihing pumunta sa kapitbahay.
c. Turuang maghanapbuhay.
d. Bigyan ng pagkain.
12. Biglang dumating ang ulan habang naglalakad kayo ng iyong kaklase pauwi. Napansin mong
wala siyang dalang payong. Ano ang nararapat mong gawin?
a. Hayaan siyang maglakad sa ulan.
b. Samahan siyang hintaying huminto ang ulan.
c. Anyayahan siyang makisukobsa iyong payong.
d. Iwanan siya sa daan.
13. Paano mo maipapakita ang iyong pakikiisa sa mga nasasalanta ng bagyo at iba pang sakuna?
a. Magbigay ng card na naglalaman ng pakikiramay.
b. Magbigay ng mga bagay na magagamit nila.
c. Hayaan lang silang magdusa.
d. Magtago upang hindi mahingan ng tulong.
14. Ano ang pinakamabuting gawin sa bilang pasasalamat sa Panginoon na ibinigay niyang buhay
sa iyo?
a. Alagaan ang sarili at maging mabuting bata.
b. Magsimba araw araw.
c. Kumain ng marami.
d. Mamigay ng regalo araw araw.
15. Nakasanayan na ni Kris Ann na may handa sa kanyang kaarawan ngunit hindi ito nangyari sa
taong ito dahil nagkasakit ang kanyang kapatid. Ano ang nararapat niyang gawin?
a. Magsungit sa kanyang mga magulang.
b. Awayin ang kanyang kapatid.
c. Intindihin ang sitwasyon at magpasalamat sa Panginoon sa kanyang buhay.
d. Magmukmok buong araw.
16. Alin ang isang magandang halimbawa ng pagdiriwang ng kaarawan?
a. Mamili ng maraming kagamitan.
b. Mamasyal sa parke.
c. Magpaparty buong araw.
d. Magsimba at mamahagi ng mga biyaya sa mga kapuspalad.
17. Ano ang mabuting gawin kapag nag-aaway ang iyong mga kapatid?
a. Kampihan ang bunsong kapatid.
b. Hayaan silang mag-aaway.
c. Buwagin at ayusin ang sitwasyon.
d. Isumbong sa pulis.
18. Araw ng inyong pagsamba, ngunit inaanyayahan ka ng iyong kaibigan na maligo sa dagat. Alin
sa mga sumusunod ang tama mong gawin?
a. Sumama at hindi magpaalam sa mga magulang.
b. Tanggihan at ipaliwanag ang dahilan.
c. Iwasan ang kaibigan.
d. Sigawan at pangaralan ang iyong kaibigan.
19. May isang Muslim na nabugbog at humingi ng tulong sa daan. Ano ang nararapat mong
gawin?
a. Hayaan siya dahil hindi mo siya kasamahan.
b. Huminto at ibigay ang nararapat na tulong.
c. Humanap ng ibang Muslim upang tutulong sa kanya.
d. Tumakbo at hayaan siyang mamatay.
20. Ano ang dapat nating gawin sa ating kapwa ayon sa Gintong Kautusan?
a. Gumawa ng mabuti.
b. Bigyan sila ng sakit sa ulo.
c. Hindi sila pakialaman.
d. Hayaan ang kapwa na magdusa.
21. Naglitson ang Tatay mo sa iyong kaarawan. Isa sa mga kaibigan mong dumalo ay hindi
kumakain ng baboy dahil labag ito sa kanilang pananampalataya. Ano ang gagawin mo?
a. Pilitin siyang kumain ng baboy.
b. Pauwiin ang kaibigan.
c. Maghanap ng pagkaing makain ng iyong kaibigan.
d. Pagsabihan siyang hindi na dumalo sa susunod na kaarawan.
22. Napadaan kayo ng iyong mga kaibigan sa simbahan ng Iglesia ni Cristo habang sila ay
nagsasamba. Ano ang nararapat ninyong gawin?
a. Sumigaw ng malakas.
b. Tumahimik
c. Lumuhod sa harap ng simbahan.
d. Sumilip at alamin ang kanilang ginagawa.
23. Binigyan kayo ng takdang-araling ng inyong guro. Napagod ka sa kalalaro. Ano ang gagawin
mo?
a. Ipagawa sa Kuya ang takdang-aralin.
b. Magpahinga sandali at gawin ang takdang-aralin.
c. Hindi gawin ang takdang-aralin.
d. Liliban sa klase kinabukasan.
24. Kaarawan ng kaibigan mo. Iniimbitahan kang sumama sa kanila sa pamamasyal sa ibang
pook. Ano ang gagawin mo?
a. Lumiban sa klase at sumama sa kanila.
b. Hindi ipagpalit ang pagpasok sa klase sa pamamasyal.
c. Yayain nalang na maglaro ang kaibigan imbis na mamasyal.
d. Utusan ang kaibigan na magpakain sa lahat ng kaklase.
25. Palaging nagnanakaw ang iyong kaklase ng pagkain dahil gutom siya. Paano mo siya
matutulungang huminto sa pagnanakaw?
a. Ipaliwanag na masama ang kanyang ginagawa at ipamahagi ang iyong baon.
b. Hayaan siyang magnakaw.
c. Isumbong sa pulis.
d. Ipagdasal na may magbigay ng pagkain sa kanya.
26. Ano ang dapat gawin upang umunlad ang iyong marka?
a. Sikaping mag-aral ng mabuti.
b. Kaibiganin ang mga matatalinong kaklase.
c. Huminto sa pag-aaral.
d. Mangongopya tuwing may pagsusulit.
27. Paano maipakikita ang tiyaga sa pag-aaral?
a. Gawin lamang ang mga madadaling Gawain sa pag-aaral.
b. Tapusin ang sinimulang Gawain, gaano man ito kahirap.
c. Simulan agad ang Gawain at hindi tapusin pagnahihirapan na.
d. Mag-aral lang kapag binigyan ng malaking baon.
28. Alin sa mga babasahing ito ang nararapat pagtuunan ng pansin?
a. Komiks
b. Aklat tungkol sa karahasan.
c. Aklat tungkol sa kagandahang asal.
d. Pahayagan na may pornograpiya.

29. Paano masasabing makabuluhan ang isang aklat.


a. Ito ay may maraming magagandang larawan
b. Wasto at may kumpletong impormasyon ang nilalaman nito
c. Maganda ang uri ng papel
d. Ito ay makapal
30. Nabasag mo ang plorera na nasa mesa ng iyong guro habang ikaw ay naglilinis. Ano ang
dapat mong gawin?
a. Itago ang nabasag na plorera.
b. Umuwi sa bahay at magtago.
c. Sabihin sa guro ang totoo.
d. Sabihing ang kaklase mo ang nakabasag.
31. Mabait at mayaman si Ana. Gusto mo siyang maging kaibigan. Paano mo ito gagawin?
a. Magpanggap na mayaman.
b. Magpakabait kapag kasama si Ana.
c. Magpakabait at sikaping yumaman.
d. Magpakabait at magpakatotoo.
32. Nakita mong kinuha ni Pedro ang laruan ni Tita. Itinago niya ito sa kanyang bag. Umiiyak na
naghahanap si Tita ng nalaman niya ito. Ano ang nararapat mong gawin?
a. Pagtakpan ang ginawa ni Pedro.
b. Bigyan ng bagong laruan si Tita.
c. Sabihin kay Pedro na ibalik ang laruan.
d. Pag-awayin ang dalawa.
33. Nagkakawanggawa ang simbahang iyong kinabibilangan. Habang namimigay kayo ng tulong,
napansin mong may mga taong hindi ninyo kasama sa pananampalataya na pumipila. Ano
ang dapat mong gawin?
a. Paalisin sila.
b. Hikayating lumipat sila sa inyong simbahang kinabibilangan.
c. Bigyan pa rin sila ng tulong.
d. Hindi sila pansinin.
34. Paano ka makakatulong sa iyong kaklaseng mabagal bumasa?
a. Kutyain sila.
b. Ipaalam sa buong paaralan ang kanilang kahinaan.
c. Hikayating magbasa ang iyong kaklase at tulungan sa kanilang kahinaan.
d. Hikayatin silang lumipat sa ibang paaralan.
35. Kumakain ka ng tinapay. Lumapit ang isang batang madungis at humingi ng iyong kinakain.
Ano ang nararapat mong gawin?
a. Paalisin ang bata.
b. Bigyan siya ng tinapay.
c. Pagalitan ang bata.
d. Murahin bago bigyan ang bata.
36. Katatapos mo lang magsimba. Habang ikaw ay pauwi nakasalubong mo ang iyong kaklaseng
iyong kinaiinisan. Ano ang dapat mong gawin?
a. Sikaping batiin siya.
b. Magkunwaring hindi nakita ang iyong kaklase.
c. Sabihing naiinis ka sa kanya.
d. Awayin siya.
37. Hinikayat ng inyong guro na mag-aambag ng mga lumang damit para sa nasalanta ng bagyo.
Ano ang gagawin mo?
a. Ibigay ang mga punit mong damit.
b. Sabihin sa Nanay na magbigay ng mga damit.
c. Baliwalain ang sinabi ng guro.
d. Magpabili sa Nanay ng mga magagandang damit upang purihin ng guro.

38. Naglalaro kayo ng taguan ng iyong mga kapatid sa inyong bakuran. Napansin mong natutulog
ang iyong kapitbahay. Ano ang nararapat mong gawin?
a. Ipagpapatuloy ang paglalaro at pagsigaw.
b. Palitan ang inyong laro na hindi mag-iingay.
c. Humanap pa ng ibang kalaro.
d. Katukin at gisingin ang inyong kapitbahay.
39. May isang taong naninigarilyo sa dyip na inyong sinasakyan. Napansin mong hinihika ang
isang pasahero dahil sa usok ng sigarilyo. Paano mo siya matulungan?
a. Kausapin ang taong naninigarilyo na itigil muna ang kanyang paninigarilyo.
b. Pababain ang matandang hinihika.
c. Sabihan ang nagmamaneho ng dyip nabilisan ang takbo.
d. Pabayaan ang matandang magtiis sa usok.
40. Nawala mo ang hiniram mong sombrero ng iyong kapatid. Ano ang dapat mong gawin?
a. Sabihing itinago mo lang.
b. Umiyak at magtago.
c. Magpabili kay Nanay ng bago.
d. Sabihin ang totoo sa kapatid mo.
UNANG MARKAHAN PAGSUSULIT SA ELEMENTARY ESP IV

TABLE OF SPECIFICATION
Competency Knowledge Comprehension Application Synthesis Evaluation Key

 Nakikilala na ang 1,2,3,25,38 27,28 26 1. d


paggawa nang mabuti ay 2. c
isang paraan ng 3. b
pagpapakatao. 4. a
5. c
 Naisasagawa ang mga 5,6,15 4 32 6. d
kautusan ng Panginoon 7. c
bilang pasasalamat sa 8. b
bigay niyang buhay 9. b
10. a
 Naisasabuhay ang mga 7,8,10,40 35 11. c
aral ng sariling 12. b
relihiyon/paniniwala 13. b
14. b
 Naipapakita ang tamang 9,11 12 23 15. a
pakikitungo sa kapwa 16. a
anuman ang kanyang 17. b
relihiyon/paniniwala 18. c
19. b
 Naipapakita ang kawilihan 13,14,39 33 20. c
at positibong saloobin sa 21. d
pag-aaral 22. c
23. c
 Nakagagawa ng epektibong 16,17 24 31
24. c
paraan sa pag-aaral 25. b
26. a
 Nagpapakita ng kawilihan 18,19,37 34 27. b
sa pagbasa/pagsuri ng mga 28. b
aklat at magasin 29. a
30. d
 Naipapakita ang pagiging 20,21,22 31. a
matapang sa pagsasabi ng 32. c
totoo 33. a
 Nahihinuha na ang 36 29,30 34. a
pagsasabi ng tapat maging 35. c
pagsasama ng maluwag 36.a
37.b
38. a
39. d
40. a

You might also like