Jedi Sison - Modyul # 2 Tekstong Deskriptibo

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Learner Activity Sheet (LAS)

FILIPINO 11
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

Pangalan: __Jedidiah Rosh K. Sison_ Lebel: _______11_________


Seksiyon: __Ampere__________________ Petsa: __4/7/21_________

2. Tekstong Deskriptibo
Pamagat

Panimula (Susing Konsepto)

Isipin Mo!
Nahuhulaan mo ba kaagad ang isang bagay batay sa ibinigay na deskripsyon?
Nakakatulong ba sa iyo ang impormasyong inihayag upang ganap kang makaunawa?

Alam mo ba!

Mayroon tayong iba’t ibang uri ng teksto, isa na rito ang babasahin na nagbibigay ng
deskripsyon. Ngayon ay pahapyawan natin kung ano nga ba ng tekstong deskriptibo.

Ang mga Tekstong Deskriptibo

Deskriptibo ang isang teksto kung ito ay nagtataglay ng mga impormasyong


subhetibo o obhetibo na may kinalaman sa pisikal na katangian ng isang bagay, lugar at
maging ng mga katangiang taglay ng isang tao o pangkat ng mga tao, kalimitang tumutugon
ito sa tanong na Ano.
Ang pagsulat ng tekstong deskriptibo ay maihahalintulad sa pagpipinta. Ang
mambabasa ay tila direktang nakasaksi sa mga pangyayaring inilalahad sa pamamagitan ng
masining na paglalarawang ginagamit ng manunulat. Gumagamit ito ng cohesive devices
( pang-uri at pang-abay).
Deskriptibo ang isang teksto kung ito ay nagtataglay ng mga impormasyong may
kinalaman sa pisikal na katangian ng isang bagay, lugar at maging ng mga katangiang taglay
ng isang tao o pangkat ng mga tao, kalimitang tumutugon ito sa tanong na Ano.
Ang tekstong deskriptibo ay nagtataglay ng mga impormasyong may kinalaman sa
pisikal na katangiang taglay ng isang tao.
Halimbawa:
a. Masisipag at matitiyaga sa gawain ang mga Asyano.
b. Marami sa mga Asyano, tulad ng Hapones at Koreano ay eksperto sa teknolohiya.
c. Hindi pahuhuli sa kahusayan ang mga Pilipino ang pagdating sa teknolohiya.

Ang tekstong deskriptibo ay nagtataglay ng mga impormasyong may kinalaman sa


pisikal na katangiang taglay ng isang bagay.

Halimbawa

a. Matataba ang mga produktong maaani sa maraming lupain sa mga bansang


Asyano.
b. Mataas ang kalidad ng mga panindang iniluluwas ng mga bansang Asyano sa ilang
karatig-bansa sa Asya.
c. Pawang produktong teknolohikal ang produksyon ng bansang Korea at Hapon.
Ang tekstong deskriptibo ay nagtataglay ng mga impormasyong may kinalaman sa
pisikal na katangiang taglay ng isang lugar.

Halimbawa:
a. Dahil sa pinakamaunlad na bansa ang Hapon, itinuturing itong “higante” sa Asya.
b. May mga bansa sa Asya na kahit na mayaman sa mga likas na yaman ay di –
gaanong maunlad kung ihahambing sa mga karatig – bansa na may kakaunting likas na
yaman.
c. Uunlad ang mga bansa sa Asya kung ang ikinabubuhay ay agrikultura at
industriya.

Ang tekstong deskriptibo ay nagtataglay ng mga impormasyong may kinalaman sa


pisikal na katangiang taglay ng isang pangyayari.
a. Umunlad ang industriya sa Asya dahil sa pagtuklas at pagpapaunlad ng Agham at
Teknolohiya.
b. Sa paggamit ng makabagong teknolohiya, sadyang gumaan ang mga gawain at
higit na dumami ang produksyon.
c. Ang tagumpay naman sa ekonomiya ng Taiwan, Singapore at timog Korea ay
nagbigay sigla sa iba pang bansang Asyano upang magsikap na matamo ang ganitong
tagumpay sa harap ng papalakas na paligsahan ng buong daigdig.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda

 Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalagang salitang ginamit ng iba’t


ibang uri ng tekstong binasa (F11PT – IIIa – 88)
Panuto

Naunawaan mo ba ang susing konseptong ibinigay ko? Maaari kang magtanong


kung may hindi ka nauunawaan hinggil dito mag-text o mag-personal message ka lang sa
akin at tutulungan kitang maunawaan mo ito.

Bago ang gawaing inihanda ko para sa iyo, panatilihing mong maging malinis ang
iyong mga kagamitan at siguraduhing sinunod ang tamang paghuhugas ng kamay. Nasa
ibaba ang mga gawain at kaukulang panuto.
Pamamaraan

Gawain 1:

A. PAGPAPAYAMAN NG TALASALITAAN

Ayusin ang mga titik sa loob ng bulaklak na katumbas ng salitang katapat nito. Gamitin sa
pangungusap ang mga nabuong salita sa paraang naglalarawan.

1. inimbitahan

NIYAKAG

Kinayag ako ng aking kaibigan upang manood ng palabas.

2. namatay

YUMAO

Umuwi kami sa bayan para dalawin ang yumao naming lola.


3. masuwerte

MAPALAD

Mapalad kami dahil wala pang nagkakaroon ng malubhang sakit na mahirap agapan

ng lunas.

4. tauhan

KARAKTER

Masasabing maganda ang karakter na ipinakita sa amin ng mga aktor sa tanghalan.

5. pagkakataon

PRIBILEHIYO

Malaking pribilehiyo ang makapagtapos ng pag-aaral dahil marami kang mararating

sa buhay.
B. PAG-UNAWA SA BINASA

Sagutin ang sumusunod na mga tanong.

1. Ano ang tekstong deskriptibo?

Nagtataglay ng mga impormasyong may kinalaman sa pisikal na katangiang


taglay ng isang pangyayari.

2. Magbigay ng mga paraan na dapat tandaan sa pagbuo ng tekstong deskriptibo.

Maipadama sa mambabasa ang mga pangyayaring nagaganap sa teksto.


Paggamit ng mga cohesive devices ay dapat ring isa alang-alang sa pagbuo ng
isang tekstong deskriptibo.

3. Kung ikaw ay susulat ng tekstong deskriptibo, anong paksa ang pagtutuunan mo ng


pansin? Bakit?

Pipiliin kong ipakita ang kagandahan ng Pilipinas dahil ipinagmamalaki ko


ang aking bansa bilang isang Pilipino at bilang isang mabuting mamamayan.

4. Bilang isang kabataan, sa paanong paraan mo mahihikayat ang iba na pahalagahan


ang mga tekstong deskriptibo?

Ipapadama ko sa kanila na mahalaga ang paggawa ng tekstong


deskriptibo dahil mas nakatutulong ito upang mas malawak na maintindihan
ng mambabasa ang mga imahe na nais ipaisip o iparating ng manunulat.
Nakakatulong ito upang mas malawak maipagana ang imahinasyon ng
mambabasa. Mas madaling maiintindihan at ang tekstong binabasa kung
malinaw ang pagkakalarawan ng manunulat.
GAWAIN 2 :

A. Basahin ang Teksto


Kahit pa ngayong lumaki na ako, hindi ko pa rin maiwasang
umasam na magkaroon ng krismas tring gaya ng ibinebenta sa bayan.
Tuwing pasko, wala mang masyadong palamuti ang aming bahay, naroon
pa rin ang mga palamuti at krismas tring “di nakikita” na ngayon,  ay tiyak na
ako doon. Buong taon iyong nakasabit at lalong tumitingkad at kumikislap
tuwing pasko. Oo. Hindi iyon nakikita ng iba, ni hindi mo makikita pag ikaw
ay bata pa, pag ikaw ay bulag o malabo ang iyong mata. Pero ako, lalo ko
pang nakikita iyon kapag kaming lahat ay nakangiti at sama-samang
nakatawa.

Bumuo ng story board ukol sa tekstong binasa. Sa pagsulat ng iyong awtput isama

ang iyong pagsusuri kung anong paraan ng paglalarawan ang ginamit dito.
Ang paglalarawan na ginamit sa storyboard ay ang paggamit ng mga larawan

upang maipakita ang ipinapahayag sa teksto at upang maiparamdam ito sa

mambabasa na kahit walang krismas tri, masaya pa rin siya kasama ang

kanyang pamilya .

GAWAIN 3 :

Photo essay

Pumili ng isang larawan at gawan ito ng deskriptibong sanaysay na hindi bababa sa


100 salita. Gawing gabay ang rubrik na nasa ibaba.
Kagandahan ng Pilipinas

   Hindi maikukubli na, talaga nga namang maraming makikitang magagandang


tanawin sa ating bansa. Ang Pilipinas ay biniyayaan ng poong maykapal sa likas na
yaman at nagtataglay ng makukulay na kasaysayan na maipagmamalaki, hindi
lamang sa mga turista kundi sa buong mundo. Ang pagkabighani ng mga banyaga sa
mga magagandang lugar sa ating bansa ay talaga namang maipapagmamalaki.

Ang mga lugar na ito ay mula sa Pilipinas sa Luzon, Visayas, at Mindanao. Ang
bawat isa sa kanila ay may iba’t-ibang angking kagandahang ipinapakita. Ang bawat
isa ay may sariling natatanging turismo kung saan ang mga tao mula sa iba pang mga
bansa ay maaaring masiyahan sa kanilang sarili. Ngunit hindi ang buong bansa ay
nagsasalita ng Tagalog. Ang ilan ay nagsasalita sa iba't ibang wika. Ang bansang ito
ay makakaiba sa ibang mga tao mula sa kung ano ang mga Pilipino. Dahil ang
Pilipinas ay isang maliit na bansa ngunit sa bansang iyon ay nauugnay sa maraming
lugar kung saan ang karamihan sa mga tao ay hindi alam na ito ay umiiral. Ang bawat
lugar sa bawat paglilibot ay may sariling kasaysayan. Ang bawat lugar ay may
sariling mga libangan para sa mga tao mula sa iba’t-ibang panig ng mundo.

 Kaysa pumunta sa ibang bansa ay unahin munang bisitahin ang mga


magagandang lugar dito sa ating bansa. Dapat pahalagahan natin lahat, dahil uunlad
at sisikat ang ating bansa kung tatangkilikin natin ang sariling atin. Balang araw
makikilala tayo sa buong mundo at maipagmalaki natin na “It’s more fun in the
Philippines!”.
Rubrik sa Pagpupuntos
PAMANTAYAN SA PAGSULAT NG SANAYSAY

Paggamit ng Salita/Pahayag (10)

Nilalaman (10)

Kaugnayan sa Larawan (10)

Kabuuan (30)

Inihanda ni:

ROMEO P. LORIDO
Pangalan ng May Akda

TANDAAN: Magsanay ng mga Personal na Protocol sa Kalinisan sa Lahat ng Oras.

You might also like