Batayang Edukasyon, Pagtuturo NG Filipino

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

1

Ang Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya sa


Batayang Edukasyon

KASALUKUYANG KALAGAYAN NG PAGTUTURO


NG FILIPINO SA BATAYANG EDUKASYON

Ang Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya sa


Batayang Edukasyon

A. DESKRIPSYON

MGA LAWAK O KASANAYAN SAKLAW NG MGA LAWAK O


KASANAYAN

           Ang Filipino bilang isang aralin o            Para sa MABISANG PAGTUTURO,
asignatura ay lumilinang  sa kasanayan sa ang mga TIYAK NA KASANAYAN ay
PAKIKINIG, PAGSASALITA, PAGBASA, nililinang sa pamamagitan ng mga
PAGSULAT at PAG-IISIP. sitwasyon ng iba’t-ibang kagamitan sa
LUBUSANG PAGKATUTO.

          Bukod sa kasanayan sa PAKIKINIG,            KONSEPTO NG SIBIKA AT


PAGSASALITA, PAGBASA, PAGSULAT, KULTURA, ang NILALAMAN ng Filipino
ang FILIPINO bilang isang aralin ay sa una hanggang ikatlong baitang
lumilinang sa kasanayan ng PAG-IISIP.
       a. Maaaring gamitin ng Filipino ang
nilalaman ng SK/HKS. Ang pokus ay nasa
PAGLILINANG ng mga kasanayan sa
PAKIKIPAGTALASTA-SAN.

      b. Inaasahang ang


mga BATAYANG KASANAYAN sa
pagbasa ay matutuhan nang lubusan sa
tatlong unang baitang.

B. PAGBABAGO SA MGA KASANAYAN O KOMPETENSI SA PAGKATUTO

1. Pagsasaayos ,pagbabawas at pagpapangkat sa kasanayang magkakatulad upang


maiwasan ang pag-uulit-ulit ng mga ito.

2 Pagtuon sa mga tiyak o batayang kasanayan


.
3. Pagbibigay diin sa PAGBASA at PAKIKIPAGTALASTASAN para sa pag-unawa sa
mga BATYANG KAISIPAN O KONSEPTO SA MATEMATIKA AT AGHAM.

1
2

C. MGA INAASAHANG BUNGA

MITHIIN

            Nagagamit ang Filipino sa MABISANG PAKIKIPAGTALASTASAN (pasalita o


pasulat) , nagpapamalas ng kahusayan  sa pagsasaayos ng iba’t-ibang impormasyon
at mensaheng narinig at nabasa para sa KAPAKINABANGANG PANSARILI at
PANGKAPWA at sa patuloy na pagkatuto upang makaangkop sa mabilis na
pagbabagong nagaganap sa daigdig.

D. NAKALAAN/NAKATAKDANG ORAS SA PAGTUTURO NG FILIPINO

PAGBABAGO

BAITANG NESC RBEC PAGBABAGO


I-III 60 80 Dagdag na 20
minuto
IV-VI 60 60 Walang dagdag

PAGBABAGO

1. Para sa Baitang I-III, ang pang araw-araw na pagkakabahagi ng oras ay 80


minuto samantalang sa Baitang IV-VI ang nakabahagi ay 60 minuto

2. May dagdag na 20 minuto sa Baitang I-III. Mula 60 minuto na naging 80


minuto. Walang dagdag sa Baitang IV-VI.

3. Katulad ng sa ENGLISH, WALANG PAGTAAS NG BILANG NG MINUTO SA


BAITANG IV-VI sa pagsasaalang-alang na ang BATAYANG KASANAYAN  sa pag-
aaral ay natutuhan na sa unang tatlong baitang..

E. MGA DAPAT ISINASAALANG –ALANG SA PAGTUTURO NG FILIPINO

1. PAMAMARAANG PAGSASANIB (INTEGRATIVE


METHOD
Integrasyon o pagsasanib ng mga kasanayan/Lawak sa Filipino
(Skills –Based Integration)
HULWARAN 1

May pagkakataon na maaaring maituro o mapag-ugnay ang limang kasanayan


sa isang aralin, kung saan sama-sama o sabayang nalilinang ang limang kasanayan sa
mga mag-aaral.

Ang paglilinang na gawain ay PAKIKINIG tungo sa PAGSULAT sa paglinang ng

2
3

mga kasanayan sa PAKIKINIG, PAGSASALITA, PAGSULAT AT PAG-IISIP.

Isaalang –alang sa paglinang ng mga kasanayan ang ANTAS ng MASTERI O


LUBUSANG PAGKATUTO.

HULWARAN 2

Sa pagsasanib ng mga kasanayan o lawak, hindi dapat na malinang ang lahat


ang lawak o kasanayan nang sabay-sabay.

2.  PAGSASANIB NG TIYAK NA KASANAYAN SA FILIPINO SA


NILALAMAN O KONSEPTO NG IBANG ASIGNATURA (CONTENT-BASED
INTEGRATION

TANDAAN

a.) SA BAITANG I-III


Sibika at Kultura (SK) ang nilalaman ng Filipino Paglinang sa kasanayan sa
Pakikipagtalastasan ang pokus.

                        b.)
TEKSTO/BABASAHIN/PAKSANG ARALIN NG SK AT
PAGPAPAHALAGA O EKAWP GINAGAMIT NA MGA
KAGAMITANG PANLITERATURA (TULA, KWENTO, ALAMAT AT
IBA PA)
              Ito’y nagiging LUNSARAN/SPRING BOARD  sa paglinang ng mga kasanayan
sa Filipino.

                Ang gagamiting LUNSARAN ng ARALIN  ay isang kwento. Ang PAKSA o


NILALAMAN ng kwento ay nauukol sa SK  at EKAWP , sa ganitong sitwasyon
nalilinang hindi lamang kaalaman sa SK ngunit lalo’t higit ang mga KASANAYAN sa
FILIPINO.

BIGYANG DIIN ANG GANITONG PAGSASANIB SA ORAS NG


TALAKAYAN SA NILALAMAN NG MGA TEKSTO O KAGAMITANG
c.) PANLITERATURA NA GINAGAMIT NA LUNSARAN NG
PAGLINANG NG KASANAYAN

INTERAKTIBONG PAGDULOG (INTERACTIVE


3. APPROACH)

K-PANG
GURO            BATA BATA

PAGTUTURO
1 2

Mahalaga para sa isang makabuluhan o makahulugang interaksyon


a.) (meaningful interaction)

b.) Isang gawaing sama-sama (collaborative activity)

3
4

Pagkakaroon ng komunikasyon o pakikipagtalastasan


c.)
Pagpaphayag ng sariling ideya
1.)
Pag-unawa sa ideya ng iba
2.)
Nakikinig sa iba
3.)
Bumubuo ng kahulugan sa isang bigayang konteksto (shared
4.) context)

Ang Pagtuturo ng Filipino sa Sekundarya sa


Batayang Edukasyon

MGA PANGUNAHING MITHIIN SA PAGTUTURO NG FILIPINO SA


SEKUNDARYA SA BATAYANG EDUKASYON

1. Ang makadebelop ng isang gradweyt na mabisang komyunikeytor sa Filipino,


kinakailangang taglay niya angm mga kasanayang makro: ang pagbasa,
pagsulat, pagsasalita, pakikinig at pag-iisip.

2 Ang makadevelop ng isang mahusay o sanay sa komunikatibong


pakikipagtalastasan , nararapat na may kabatiran at kasanayan siya sa apat na
. komponent ng kasanayang komunikatib tulad ng diskorsal, gramatika, sosyo-
linggwistik at istratedyik.

Sa Unang Dalawang Taon

               Ang binibigyan ng pokus ang masusing pag aanalisa at pag aaral ng mga
tiyak na istrukturang gramatikal ng Filipino bilang isang kasabay ng pagtatamo ng 
wastong kasanayan sa maunawang pagbasa. Upang matamo ang mga ito, pinagsanib
ang mga interdisiplinaring paksa at ang makabagong nakapaloob sa iba’t-ibang uri
ng teksto tulad ng mga tekstong prosidyural, reperensyal, journalistic, literasi at
politico-ekonomik at ang pagkatuto ng iba’t –ibang istrukturang gramatikal.

Sa Huling Dalawang Taon


             Ang pokus ay ang pagtatamo ng mapanuring pag-iisip sa pamamagitan ng
kritikal na pagbasa at pag-unawa sa iba’t-ibang genre ng panitikan na nakasalin sa
Filipino.

Sa Bawat Taon
          Binibigyan ng tiyak na atensyon sa paglinang sa pasulat na komunikasyon sa
pamamagitan ng eksposyur sa iba’t-ibang uri ng komposisyon at malikhaing
pagsulat. Ito ay pinagtutuunan ang isang liggong leksyon sa bawat markahan.

4
5

Sa Apat na Taon
Binibigyan ng pansin ang pag-aaral ng Filipino ay ang pagtatamo ng kasanayan sa
akademikong wika.

Mga Akdang Pampanitikan na Binibigyan ng Pansin sa bawat Taon

Unang Taon Ikalawang Taon Ikatlong Taon Ikaapat na Taon


Ibong Adarna Florante at Laura Noli Me Tangere El Filibusterismo

Ang Thematic Curriculum

          Ang Thematic Curriculum ay isang set ng mga organisadong karanasan sa


pagkatuto gaya ng programa , kurso at iba pang mga gawain pampaaralan na
naglalaan sa mga mag-aaral sa higit na malawak at pangnilalamang tema.

Ang mga Benepisyong Matatamo sa Paggamit ng Thematic Curriculum

1. Oportunidad na matutuhan sa pamamagitan ng higit na kontekstwalisadong mga


karanasan sa pagkatuto.

2. Eksposyur sa mga lingkedyes sa pagitan ng pagkatutong ibinase sa paaralan at


pagkatutong nagaganap sa lugar ng paggawa at komunidad.

3. Oportunidad na mailantad ang malawakang mga karanasan awtentik.

4 Malalim na eksposyur sa kinagigiliwang Gawain.


.
5. Oportunidad na masuri ang malawakang pagkakaloob ng hanapbuhay.

6 Higit na malawak na potensyal sa paghahanda ng higit na mataas na edukasyon at


. paghahanapbuhay.

7. Kakayahang makilala ang mga naiiba at di-pangkariniwang interes

Ang mga Benepisyong Matatamo Para sa mga Edukador

1. Oportunidad para sa mga guro na magsama-sama silang mga miyembro ng grupo


ng mga propesyunal na may mga estratehiya sa pagkatuto.

2 Oportunidad para sa mga gurong tagapamatnubay nama’y mga positibong  impak


. sa mga mag-aaral.

3 Oportunidad para sa mga administrador na magpakita ng pamumuno sa

5
6

. pagsasaayos ng paaralan at pagtulong sa mga mag-aaral na magkaroon ng mga


matagumpay na karanasan sa paaralan.

Ang mga Pangunahing Salik sa Lahat ng Aspeto ng Thematic Curriculum

1.  Ang Thematic Curriculum ay maaaring maipatupad sa maraming


paraan gaya ng kurso, akademya klaster, magnet at ang buong paaralan.

2. Ang Thematic Curriculum ay maaaring maisanib  sa ibang mga reporma gaya ng


integrasyon ng edukasyong bokasyunal at akademiko, transisyong paaralan-
paggwa.

3. Ang Thematic Curriculum ay nakalaan para sa paaralang sekundarya ,bagamat


maaari ring maging kapakipakinabang sa paaralang elementarya.

4. Ang Thematic Curriculum ay magsisilbing tulay upang mapagsama angmga


karanasan sa pagkatuto na ibinatay sa paaralan at paggawa.

5. Ang mga hadlang sa lugar ng paggawa gaya ng suplay sa paggawa, maliit na


produksyon at tradisyon ay binawasan ang pagpapatupad ng thematic
curriculum na nabuo mula sa mga aspekto.

Ang mga Pangunahing Pagdulog sa Pagtuturo ng Filipino sa


Antas ng Elemenytarya

Lapit/Pagdu Tradisyunal Istruktural Komunikatib Whole


log Language
 Isang organismo    Sistemang Isang pormal na Isang prosesong
Teorya/Prinsip nasusulat, pasalita, sis- Glo-
yo kumbensyunal arbitraryo at tema ang wika at bal at nakabase sa
ang wika pang – may mga gamit wika (language-
pagkilala at komunikasyon ding functional based
pagbuo ang para ) ang pagkatuto
wika, sa mga kaya
mekanikal ang komunikati- nasa mga
pagkatuto at bong integradong
huhubog pangangaila- kasanayan ang
sa mga ngan oryen-
kaugalian tasyon. Mapag-
(habits) aralan
ang wika bilang
tugo
n sa espisipikong
pa-
ngangailangan.

Pagkilala at Pagtatamo ng Pagtatamo ng Pagtatamo ng


Mga Layunin pagbuo ng mga mga kasa- literasi

6
7

bahagi ng kasanayan nayan na


pananalita, was- pang-ling- -linggwistik nangangahulugan
tong gamit ng gwistik (pagbuo -sosyo- ng magkasanib na
salita ng mga linggwistik paggamit ng mga
ponema, -pang-diskors ka-
morpe- -pang- sanayang
ma at estratehiya pangwika
pangungusap sa iba’t-ibang
gamit
(akademik ,
Magkahiwalay komuni-
na pagsasa- Cooperative/inte kasyon)
nay sa pagbuo ng Patterns, ract-
mga ba- substitution tive learning
hagi ng Drills, (dyadic Cooperative/inter
pananalita mimicry,tag- exchange, group acti-
memics (pokus wo- ve
sa anyo ng rk information learning,problem
wika) gap, solving , peer
task-oriented) coach-
ing student
magkahiwalay interaktibong empower-
na pag- ment
pagtuturo ng aaral ng wika at
wika at pagbasa interaktibong pag-
pagbasa aaral ng wika at
pagbasa/panitikan

                             

TEMA PAKSA
Wika
 Agham                                           
 Matematika
Agham Panlipuna
Iba pang saklaw ng nilalaman

Ang Pagdulog sa Pagtuturong Batay sa Nilalaman (Content –Based Instruction o


CBI)

            Binibigyang kahulugan nina Brinton , Snow at Iverche (1989) Ang


pagtuturong Batay sa Nilalaman bilang integrasyon ng pagkatuto sa nilalaman at sa
mga layunin sa pagtuturo ng wika. Ito’y tumutukoy sa kasalukuyang pag-aaral ng
paksa at paksang aralin , nang may porma at pagkakasunud-sunod ng presentasyong
taglay ng nilalaman ng teksto. Naka-pokus ito hindi lamang sa pagkatuto, kundi sa
wikang gamit bilang midyum ng pagkatuto ng matematika, agham panlipunan, at iba
pang mga asignaturang pang-akademiko.

7
8

Ang Cognitive Academic Learning Approach (CALA)


MGA ESTRATEHIYA

1. Ang estratehiyang metakognitib. Ito’y tumutukoy sa pagkakaroon ng kamalayan,


kaalaman at kasanayan sa pagkontrol sa sariling proseso ng pag-iisip o pag-
unawa (Royo,1992). Ito’y pagpaplano para sa pagkatuto, pagmomonitor at
produksyon, sa pagtataya kung paano natamo ang layunin sa pagkatuto.

2 Ang estratehiyang kognitib. Ito’y interaksyong may kasamang materyal


. (pagpapangkat-pangkat, pagtatala, pagbubuod) o paggawa ng imaheng mental,
pagbabahagi ng bagong impormasyon sa dati nang natutuhang mga konsepto o
mga kasanayan. Ito’y estratehiyang gingamit ng mga manmbabasa sa pagkatuto
ng mga akademikong disiplina.

3. Ang Estratehiyang sosyo-apektib. Ito’y interaksyon sa iba pa upang makatulong


sa kanyang pagkatuto.

PARAAN/TEKNIK

Pagkatutong  Tulung-tulong (Cooperative Learning)

                Ito’y isang paraan/teknik sa pagtuturo at kabilang sa mga pilosopiya ng


edukasyon na humihikayat sa mga mag-aaral na gumawa nang sama-sama bilang
isang pangkat upang matutuhan ang aralin. Natutuhan ng pangkat ang isang
partikular na konsepto o nilalaman kung saan inaasahan ang pakikibahagi ng bawat
isang miyembro sa diskusyon/usapan. 

Ang Apat na mga kasanayan sa Pagkatutong tulung-tulong na nilahad


nina Johnson at Johnson (1986):
1. Pagbuo ng pangkat
2. Paggawa bilang isang pangkat
3. Paglutas ng suliranin bilang isang pangkat
4 Pagbuo ng magkakaibang ideya.
.

Mga Kasanayan sa Paglutas ng Problema

1.      Pagbuo ng suliranin
2.      brainstorming
3.      paglinaw ng mga ideya
4.      pagsang-ayon sa mga ideya
5.      pagpapalawak ng mga ideya
6.      pagtingin sa maaaring maganap
7.      pagpuna sa mga ideya
8.      pagbuo ng impormasyon
9.      paghanap ng solusyon

You might also like