Ang Pagtuturo NG Filipino Batay Sa Deped Kurikulum Sa Filipino
Ang Pagtuturo NG Filipino Batay Sa Deped Kurikulum Sa Filipino
Ang Pagtuturo NG Filipino Batay Sa Deped Kurikulum Sa Filipino
May mga mungkahing hakbang na magagamit ng guro sa pagtuturo ng wika na sinusunod ang mga
simulain ng pagdulog na komunikatibo. Narito ang mga hakbang at ang paliwanag sa bawat isa.
1. Pagtiyak sa Layunin - Isa sa mga simulain ng pagdulog na komunikatibo ay ang
pagkakaroon ng kamalayan ng mga mag-aaral sa ginagawa nila sa klase at sa
kahalagahan nito sa kanilang pang-araw-araw na buhay. Magiging makahulugan ang aralin
kung malinaw sa bawat mag-aaral ang layunin nito. Sa hakbang na ito ipinaaalam sa mga
mag-aaral kung ano ang nilalayon ng aralin. Halimbawa: Ang tatalakayin nating aralin ay
tungkol sa paghingi at pagbibigay ng payo. Maaari ring ipakita ang mga larawan na
nauukol sa mga sitwasyon na nagpapakita ng mga gawaing pangwika o kaya naman ay
dayalogo na maglalaman ng aktwal na nangyayari sa pag-uusap.
2. Paglalahad - Dito ipinakikita o ilalahad ang mga kayarian ng wika na gagamitin sa isang
sitwasyon o konteksto na ang tuon ay sa gamit o tungkulin ng wika. Pag-uusapan dito ang
layunin ng nag-uusap, mga paraan na ginagamit upang magkaunawaan tulad ng kilos o
mga pahiwatig na salita.
3. Pagsasanay - Pagkatapos na matutuhan ng mga mag-aaral ang mga kayarian na angkop
gamitin sa sitwasyon, bibigyang laya ang mga mag-aaral na gamitin ang mga ito sa iba’t
ibang sitwasyon. Dito, iba’t ibang gawain ang ibibigay ng guro tulad ng pag-uusap tungkol
sa napapanahong paksa, paglutas ng suliranin, mga role-play na isasakilos o mga larong
pangwika.
4. Paglilipat - Paggamit ng mga natutuhang kayarian at kasanayan sa makatotohanang
sitwasyon. Ang mga mag-aaral ay iisip o pipili ng mga sitwasyon sa tunay na buhay na
ipinakikita ang aktwal na paggamit ng wika. Halimbawa: Pagdedebate tungkol sa isang
paksa, paghingi ng payo, at pagpapaturo sa pagsasagawa ng isang bagay.
c. Kakayahang Diskorsal
- Saklaw nito ang pagkakaugnay ng serye ng mga salita o mga pangungusap na bumubuo
ng isang makabuluhang teksto
d. Kakayahang istratedyik
- ito ay ang kakayahang magamit ang berbal at di-berbal na mga hudyat upang maibatid
nang mas malinaw ang mensahe at maiwasan o maisaayos ang hindi pagkakaunawaan o
mga puwang sa komunikasyon.