Unang Markahan - Modyul 1: Maikling Kuwento

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 22

9

Unang Markahan – Modyul 1:


Maikling Kuwento
Panitikang Asyano
Self-Learning Module (SLM)
Unang Markahan – Modyul 1: Maikling Kuwento
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan ng walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Kimberly G. Yucada
Editors: Richard P. Moral Jr., Marilyn D. Pama
Tagasuri: Evelyn C. Frusa PhD, Prima A. Roullo, Rolex H. Lotilla at Arvin M. Tejada
Tagaguhit:
Tagalapat: Rolex H. Lotilla
Pabalat na may Malikhaing Disenyo: Reggie D. Galindez
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Crispin A. Soliven Jr., CESE – Schools Division Superintendent
Roberto J. Montero, EdD, CESE – Asst. Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Leonardo B. Mission - REPS, Filipino
Belen L. Fajemolin PhD – CID Chief
Evelyn C. Frusa PhD – EPS, LRMS
Bernardita M. Villano –Division ADM Coordinator
Prima A. Roullo- EPS, Filipino

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education- SOCCSKSARGEN


Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax: (083) 228-8825 / (083) 228-1893
E-mail Address: [email protected]
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating
mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga


paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay
at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan. Ito ay may kalakip na
paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa
inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa
tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang
masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang
mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat
isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng
ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay
makararanas ng suliranin sa pag- unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na
matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

ii
Alamin

Isang masayang pagtuntong sa ika-siyam na baiting sa iyong sekondarya.


Napag-aralan mo na ang iba’t ibang akdang pampanitikan tulad na lamang ng
alamat, tula, nobela, maikling kuwento at marami pang iba, kasama na rin ang mga
halimbawa nito. Ngayon, masmapalalawak pa ang iyong kaalaman dahil pag-
aaralan mo ang iba’t ibang Pampanitikang Asyano.
Ang kagamitang ito ay maglalahad sa iyo ng makulay na panitikan ng Asya at
makapagbibigay ng malinaw na pang-unawa sa iyong pagkakakilanlan bilang isang
Asyano. Ito ang durungawang maghahatid sa iyong kamalayan sa kultura ng ating
mga karatig-bansa sa Asya upang lubos na maunawaan ang kanilang kakanyahan
at pagkalahi. Gagabayan ka ng modyul na ito sa iyong paglalakbay sa pamamagitan
ng mga sumusunod na layunin:

Nabibigyang-kahulugan ang mahihirap na salitang ginamit sa akda batay sa


denotatibo o konotatibong kahulugan. (ELC-Paglinang ng Talasalitaan-F9PT- Ia-
b-39 DOMAIN) Nabibigyan nang angkop na kahulugan ang mahihirap na salitang
ginamit sa akda batay sa denotatibo o konotatibong kahulugan sa pamamagitan ng
iba’t ibang gawain. (SPECIFIC OBEJECTIVE)

Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari. (ELC-Pagsulat-F9PU-Ia-b-


41DOMAIN) Napagsusunud-sunod nang tama ang mga pangyayari gamit ang isang
grapikong pantulong. (SPECIFIC OBJECTIVE)

Nabubuo ang sariling paghatol o pagmamatuwid sa mga ideyang nakapaloob sa


akda. (ELC- Pag-unawa sa Binasa- F9PB-Ia-b-39 DOMAIN) Nabubuo nang maayos
ang sariling paghatol o pagmamatuwid sa mga ideyang nakapaloob sa akda sa
pamamagitan ng SHAPE YOUR UNDERSTANDING na gawain. (SPECIFIC
OBJECTIVE)

Naihahambing ang ilang piling pangyayari sa napanood na telenobela sa ilang


piling kaganapan sa lipunang Asyano sa kasalukuyan. (ELC-Panonood-F9PD-Ia-
b-39 DOMAIN) Naihahambing nang maayos ang ilang piling pangyayari sa napanood
na telenobela sa ilang kaganapan sa iyong lipunan sa kasalukuyan sa pamamagitan
ng Selfie. (SPECIFIC OBJECTIVE) at Naihahambing nang mabuti ang ilang piling
pangyayari sa napanood sa ilang kaganapan sa lipunanng Asyano sa pamamagitan
ng mga gabay na tanong. (SPECIFIC OBJECTIVE)

1
Subukin

Basahin at unawain ang bawat tanong na ibinigay upang masukat natin ang
iyong nakaimbak na kaalaman. Isulat ang titik ng iyong sagot sa sagutang papel.

1. Ito ay isang akdang pampanitikan na nagsasalaysay ng mga mahahalagang


pangyayari na kinasasangkutan ng mga tauhan.
A. Maikling kuwento
B. Nobela
C. Sanaysay
D. Tula
2. Ito ay elemento ng maikling kuwento na siyang nagbibigay-buhay at kulay sa
bawat pangyayaring nakapaloob sa kuwento.
A. Tagpuan
B. Tahanan
C. Tauhan
D. Tunggalian
3. Ito ay elemento ng maikling kuwento na nagpapakita ng matinding buhos ng
emosyon ng tauhan.
A. Kakalasan
B. Kalutasan
C. Kasamaan
D. Kasukdulan
4. Sa kuwentong “Ang Ama” na isinalin ni Mauro R. Avena, ano ang naging
magandang wakas nito?
A. Marami ang nakiramay at nagbigay ng tulong.
B. Nagsisi ang ama ni Mui Mui sa kaniyang nagawa at nangakong siya ay
magbabago na.
C. Nakabalik sa trabaho ang ama ni Mui Mui.
D. Namatay ang batang si Mui Mui.
5. Ito ay elemento ng maikling kuwento na nagpapakita o naglalarawan ng iba’t
ibang lugar sa kuwento. Pinupukaw nito ang imahenasyon ng mga
mambabasa.
A. Tahanan
B. Tagpuan
C. Tauhan
D. Tunggalian

2
6. Ito ay elemento ng maikling kuwento na nagpapakita ng problema.
Halimbawa nito ay ang tao laban sa tao.
A. Suliranin
B. Problema
C. Tunggalian
D. Tugmaan
7. Siya ang tinaguriang “Ama ng Maikling Kuwento.”
A. Deogracias Rosario
B. Edgar Allan Poe
C. Lope K. Santos
D. Severino Reyes
8. Ang pagbabasa ng maikling kuwento ay nakatutulong sa mambabasa,
maliban sa:
A. nagbibigay ito ng kabutihang-asal.
B. nagpapahamak dahil hindi tama ang nilalaman nito.
C. nagsisilbing gabay sa buhay.
D. napapalawak nito ang imahinasyon.
9. Kapag ang maikling kuwento ay nakatuon sa pagkakabuo ng mga pangyayari,
ito’y mauuri bilang maikling kuwentong . A. kababalaghan
B. katutubong-ulay
C. makabanghay
D. pangtauhan
10. Ito ang tinaguriang utak, puso at kaluluwa ng maikling kuwento dahil dito
makikita ang ganda at maayos na pagkasunod-sunod ng mga panyayari sa
kuwento.
A. Panimula
B. Gitna
C. Wakas
D. Banghay ng maikling kuwento

3
Aralin
Maikling Kuwento ng Singapore
1
Magsisimula na tayong maglakbay sa Timog-Silangang Asya at sabay nating
pag-aaralan ang ilan sa kanilang panitikan na may malaking impluwensiya sa uri
ng panitikan na mayroon tayo ngayon.

Ilalahad ng araling ito ang mga kuwentong tatalakay sa suliraning


kinahaharap ng isang ama sa pamilya at kung paano ito nakaaapekto sa mga anak.

Inaasahang ikaw ay makapagbabahagi ng iyong kaalaman, karanasan,


opinyon o reaksiyon sa bawat gawainng nakapaloob sa modyul na ito.

Balikan

Sa pagkakataong ito, babalikan natin ang iyong nakaimbak na kaalaman


tungkol sa maikling kuwento. Mag-isip ka ngayon ng mga salita o parirala na
maaaring iugnay sa salitang “Maikling Kuwento”, ang iyong sagot ay maaaring ibase
sa iyong sariling pag-unawa, kaalaman at opinyon. Kopyahin ang pormat sa ibaba
at isulat sa kahon ang iyong mga sagot. Maaaring isa o higit pang mga salita o
parirala ang iyong isusulat sa kahon.

MAIKLING
KUWENTO

4
Ngayon ay bubuo ka naman ng iyong sariling kahulugan ng Maikling
kuwento, gamit ang mga salita o parirala na iyong isinulat sa unang gawain. Isulat
mo ang nabuong sariling-kahulugan sa kahon.

Tuklasin

Sa pagkakataong ito, sisimulan mo na ang pagtuklas ng bagong kaalaman.


Mahalaga na maintindihan muna ng isang mag-aaral tulad mo ang kahulugan ng
maikling kuwento at ang mahahalagang konsepto tungkol dito.

Maikling Kuwento- Ito ay isang maiksing salaysay (narration) hinggil sa isang


mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan. May iisang
kahihinatnan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng ating panitikan.
Ito’y paggagad o paggaya sa realidad ng buhay ng isang tauhan.
Ito ay maaaring basahin sa maikling panahon lamang. Ang karaniwang paksa
nito ay tungkol sa pag-ibig, mga nakatatawang pangyayari, pangangaral tungkol sa
pakikipagkapuwa at kabutihang-asal.
Ang maikling kuwento ay binubuo ng mga elemento, ito ay ang tagpuan,
tauhan, panimulang pangyayari, suliranin, saglit na kasiglahan, tunggalian,
kasukdulan, kakalasan at kalutasan. Ito ay mayroong banghay o bahagi na
nagpapakita ng balangkas o pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento, ang
simula, gitna at wakas.
Ang tinaguriang Ama ng maikling kuwento ay si Edgar Allan Poe.

Elemento ng Maikling Kuwento

1. Tagpuan- Tungkol ito sa panahon at pook kung saan naganap ang mga
pangyayaring isinaad sa kuwento.
2. Tauhan- Ang mga ito ay ang kumikilos at nagbibigay-buhay sa
kuwento. Sa tauhan umiikot ang mga pangyayari sa kuwento.
5
3. Panimulang pangyayari- Ang mga pangyayari dito ay nagsasabi
tungkol sa simula ng kuwento o aksiyon.
4. Suliranin- Ang bawat kuwento ay mayroong suliranin, walang
kuwentong walang makikita na suliranin. Maaaring mabatid ito sa
simula o kalagitnaan ng mga pangyayari.
5. Saglit na kasiglahan- Ito ay ang saglit na paglayo o pagtakas ng mga
tauhan sa suliraning nararanasan. Isang hakbang na makatutulong sa
suliranin.
6. Tunggalian- Ang tunggalian ay maaaring sa pagitan ng mga tauhan
laban sa ibang tauhan, tauhan laban sa kapaligiran at tauhan laban sa
sarili.
7. Kasukdulan- Ang kasukdulan ay nagpapakita ng matinding damdamin
na makikita sa kuwento.
8. Kakalasan- Ito ay ang bahagi ng unti-unting pagtukoy sa kalutasan ng
mga suliranin at pag-ayos sa mga tunggalian. Unti-unti nang
humuhupa ang damdamin sa kuwento.
9. Kalutasan-Sa bahaging ito ay nalulutas na at natatapos ang mga
suliranin at tunggalian sa kuweto.
Banghay ng Maikling Kuwento

Banghay Elemento ng Maikling Kuwento

SIMULA Tagpuan, Tauhan, Panimulang Pangyayari at Suliranin

GITNA Saglit na kasiglahan, Tunggalian at Kasukdulan

WAKAS Kakalasan at Kalutasan

Pagkatapos mong matutuhan ang mga mahahalagang konsepto tungkol sa


maikling kuwento, inaasahang handa ka na sa isang halimbawa nito. Babasahin mo
ngayon ang maikling kuwentong salin ni Mauro R. Avena na pinamagatang “Ang
Ama” mula sa bansang Singapore.

6
Ang Ama
(Isinalin sa Filipino ni Mauro R. Avena)

Magkahalo lagi ang takot at pananabik kapag hinihintay ng mga bata ang
kanilang ama. Ang takot ay sa alaala ng isang lasing na suntok sa bibig ng
nagpapatulo ng dugo at nagpapamaga ng ilang araw sa labi. Ang pananabik ay sa
pagkain na paminsanminsa’y inuuwi ng ama-malaking supot ng mainit na pansit
na iginisa sa itlog at gulay. Ang totoo, para sa sarili lang
niya ang inuuwing pagkain ng ama, lamang ay
napakarami nito upang maubos nang
mag-isa; pagkatapos ay naroong magkagulo sa tira ang
mga bata na kanina pa aali-aligid sa mesa. Kundi sa
pakikialam ng ina na mabigyan ng kaniya-kaniyang parte
ang lahat- kahit ito’y sansubo lang ng marasap na
pagkain, sa mga pinakamatanda at malakas na bata
lamang mapupunta ang lahat, at ni kaunti ay walang
maiiwan sa maliliit.
Anim lahat ang mga bata. Ang dalawang pinakamatanda
ay isang lalaki, dose anyos, at isang babae, onse; matapang ang mga ito kahit payat,
at nagagawang sila lang lagi ang maghati sa lahat ng bagay kung wala ang ina, upang
tiyaking may parte rin ang maliliit. May dalawang lalaki, kambal, nanuwebe anyos,
isang maliit na babae, otso anyos at isang dos anyos na paslit pa, katulad ng iba, ay
maingay na naghahangad ng marapat niyang parte sa mga pinag-aagawan.
Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang okasyon na sinorpresa sila ng
ama ng kaluwagang-palad nito- sadyang nag-uwi ito para sa kanila ng dalawang
supot na puno ng pansit guisado, at masaya nilang pinagsaluhan ang pagkain na
hirap nilang ubusin. Kahit na ang ina nila’y masayang nakiupo sa kanila’t kumain
nang kaunti. Pero hindi na naulit ang masayang okasyong ito, at ngayo’y hindi nag-
uwi ng pagkain ang ama; ang katunaya’y ipinapalagay ng mga batang mapalad sila
kung hindi ito umuuwing lasing at nanggugulpi ng kanilang ina. Sa kabila niyo’y
umaasa pa rin sila, at kung gising pa sila sa pag-uwi sa gabi ng ama nanininipat ang
mga matang titingnan nila kung may brown na supot na nakabitin sa tali sa mga
daliri nito.
Kung umuuwi itong pasigaw-sigaw at padabog-dabog, tiyak na walang
pagkain, at ang mga bata’y magsisiksikan, takot na anomang ingay na gawa nila ay
makainis sa ama at umakit sa malaking kamay nito upang pasuntok na dumapo sa
kanilang mukha. Madalas na masalpok ang mukha ng kanilang ina; madalas iyong
maririnig ng mga bata na humihikbi sa mga gabing tulad nito, at kinabukasan ang
mga pisngi at mata niyon ay mamamaga, kaya mahihiya itong lumabas upang
maglaba sa malaking bahay na katabi nila. Sa ibang mga gabi, hindi paghihikbi ang
maririnig ng mga bata mula sa kanilang ina, kundi isang uri ng pagmamakaawa at
ninenerbiyos na pagtawa at malakas na bulalas na pag- ungol mula sa kanilang ama
at sila’y magtatanong kung ano ang ginawa nito. Kapag umuuwi ang ama na mas
gabi kaysa dati at mas lasing kaysa dati, may pagkakataong ilalayo ng mga bata si
Mui Mui. Ang dahila’y si Mui Mui, otso anyos at sakitin at palahalinghing na parang
kuting, ay madalas kainisan ng ama. Uhugin, pangiwi-ngiwi, ito ay mahilig

7
magtuklap ng langib sa galis na nagkalat sa kaniyang mga binti, na nag-iwan ng
mapula-pulang mga patse, gayong paulit-ulit siyang pinagbabawalan ng ina. Pero
ang nakakainis talaga ay ang kaniyang halinghing. Mahaba at matinis, iyon ay
tumatagal ng ilang oras, habang siya ay nakaupo sa bangko sa isang sulok ng bahay,
namamaluktot nang pahiga sa banig kasama ang ibang bata, na ‘di makatulog.
Walang pasensya sa kaniya ang pinakamatandang lalaki at babae, na malakas
siyang irereklamo sa ina na pagagalitan naman siya sa pagod na boses; pero sa gabi
na naroon ang ama, napapaligiran ng bote ng beer na nakaupo sa mesa, iniingatan
nilang mabuti na hindi humalinghing si Mui Mui. Alam nila na ang halinghing niyon
ay parang kudkuran na nagpapangilo sa nerbiyos ng ama at ito’y nakabubulahaw
na sisigaw, at kung hindi pa iyon huminto, ito’y tatayo, lalapit sa bata at hahampasin
iyong nang buong lakas. Pagkatapos ay haharapin nito at papaluin din ang ibang
bata na sa tingin nito, sa kabuoan, ay ang sanhi ng kaniyang kabuwisitan.
Noong gabi umuwi ang ama na masamang-masama ang timpla dahil
nasisante sa kaniyang trabaho sa lagarian, si Mui Mui ay nasa gitna ng isang
mahahabang halinghing at hindi mapapatahan ng dalawang
pinakamatandang bata gayung binalaan nilang papaluin ito.
Walang ano-ano, ang kamao ng ama ay bumagsak sa
nakangusong mukha ng bata na tumalsik sa kabila ng
kuwarto, kung saan ito nanatiling walang kagalaw-galaw.
Mabilis na naglabasan ng bahay ang ibang mga bata sa
inaasahang gulo. Nahimasmasan ang bata sa pamamagitan
ng malamig na tubig.
Pero pagkaraan ng dalawang araw, si Mui Mui ay
namatay, at ang ina lamang ang umiyak habang ang bangkay ay inihahandang
ilibing sa sementeryo ng nayong may isang kilometro ang layo roon sa tabi ng gulod.
Ilan sa taganayon na nakatatanda sa sakiting bata ay dumating upang makiramay.
Sa ama na buong araw na nakaupong nagmumukmok ay doble ang kanilang
pakikiramay dahil alam nilang nawalan ito ng trabaho. Nangolekta ng abuloy ang
isang babae at pilit niya itong inilagay sa mga palad ng ama na di- kawasa, puno ng
awa sa sarili, ay nagsimulang humagulgol. Ang balita tungkol sa malungkot niyang
kinahinatnan ay madaling nakarating sa kaniyang amo, isang matigas ang loob pero
mabait na tao, na noon di’y nagdesisyong kunin siya uli, para sa kapakanan ng
kaniyang asawa at mga anak. Dala ng kagandahang-loob, ito ay nagbigay ng sariling
pakikiramay, kalakip ang munting abuloy. Nang makita niya ang dati niyang amo at
marinig ang magaganda nitong sinabi bilang pakikiramay sa pagkamatay ng
kaniyang anak, ang lalaki ay napaikyak at kinailangang muling libangin.

Ngayo’y naging napakalawak ang kaniyang awa sa sarili bilang isang malupit
na inulilang ama na ipinaglalamay ang wala sa panahong pagkamatay ng kaniyang
dugo at laman. Mula sa kaniyang awa sa sarili ay bumulwak ang wagas na
pagmamahal sa patay na bata, kaya nagdadalamhati siyang nagtatawag, “Kaawa-
awa kong Mui Mui! Kaawa-awa kong anak!” nakita niya ito sa libingan sa tabi ng
gulod-payat, maputla at napakaliit- at ang mga alon ng lungkot at awa na
nagpayanig sa matipuno niyang mga balikat at brasong kayumanggi ay nakakatakot
tingnan. Pinilit siyang aluin ng mga kapitbahay, na ang iba’y lumayo na may luha
sa mga mata at bubulong-bulong, “Maaaring lasengero nga siya at iresponsable, pero
tunay na mahal niya ang bata.”

8
Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kaniyang mga luha at saka tumayo.
Mayroon siyang naisip. Mula ngayon, magiging mabuti na siyang ama. Dinukot niya
sa bulsa ang perang ibinigay ng kaniyang amo sa asawa. Binilang niya ang papel-
de-bangko. Isa man dito ay hindi niya gagastusin sa alak. Hindi na kailanman.
Matibay ang pasiya na lumabas siya ng bahay. Pinagmasdan siya ng mga bata. “Saan
kayo pupunta?”, tanong nila. Sinundan nila ito ng tingin. Papunta ito sa bayan.
Nalungkot sila, dahil tiyak nila na uuwi itong dalang muli ang mga bote ng beer.

Pagkalipas ng isang oras, bumalik ang ama. May bitbit itong malaking supot
na may mas maliit na supot sa loob. Inilapag nito ang dala sa mesa. Hindi
makapaniwala ang mga bata sa kanilang nakita, pero iyon ba’y kahon ng mga
tsokolate? Tumingin silang mabuti. May supot ng ubas at isang kahon yata ng
biskwit. Nagtaka ang mga bata kung ano nga ang laman niyon. Sabi ng
pinakamatandang lalaki’y biskwit; nakakita siya ng maraming kahon tulad niyon sa
tindahan ni Ho Chek sa bayan. Ang giit naman ng pinalamatandang babae ay kendi,
‘iyong katulad ng minsa’y ibinibigay nila Lau Soh, na nakatira roon sa malaking
bahay na pinaglalabhan ng nanay. Ang kambal ay nagkasiya sa pandidilat at
pagngisi sa pananabik; masaya na sila anoman ang laman niyon. Kaya nagtalo at
nanghula ang mga bata. Takot hipuin ang yaman na walang senyas sa ama. Inip
silang lumabas ito sa kaniyang kuwarto.

Di nagtagal ay lumabas ito, nakapagpalit na ng damit, at dumiretso sa mesa.


Hindi dumating ang senyas na nagpapahintulot sa mga batang ilapat ang mga
kamay sa pinag-iinteresang yaman. Kinuha nito ang malaking supot at muling
lumabas ng bahay. Hindi matiis na mawala sa mata ang yaman na wari’y kanila na
sana, nagbulungan ang dalawang pinakamatanda nang matiyak na hindi sila
maririnig ng ama. “Tingnan natin kung saan siya pupunta.” Nagpumilit na sumama
ang kambal at ang apat ay sumunod nang malayo-layo sa ama.
Sa karaniwang pagkakataon, tiyak na makikita
sila nito at sisigawan ng bumalik sa bahay, pero ngayo’y
nasa isang bagay lamang ang isip nito at hindi man lang
sila napuna.

Dumating ito sa libingan sa tabing gulod.


Kahuhukay pa lamang ng puntod na kaniyang
hinintuan. Lumuhod at dinukot ang mga laman ng supot na dahan-dahang inilapag
sa puntod, habang pahikbing nagsalita,” Pinakamamahal kong anak, walang
maialay sa iyo ang iyong ama kundi ang mga ito. Sana’y tanggapin.” Nagpatuloy
itong nakipag-usap sa anak, habang nagmamasid sa pinagkukublihang mga
halaman ang mga bata. Madilim na ang langit at ang mga maitim na ulap ay
nagbabantang mapunit anoman saglit, pero patuloy sa pagdarasal at pag-iyak ang
ama. Naiwan sa katawan ang basang kamisadentro. Sa isang iglap, ang kanina pang
inip na inip na mga bata ay dumagsa sa yaman. Sinira ng ulan ang malaking bahagi
niyon, pero sa natira na kanilang nailigtas nagsalo-salo sila tulad sa isang piging na
alam nilang ‘di nila mararanasang muli.
Binabati kita dahil natapos mo ang pagbasa ng maikling kuwento!

9
Suriin

Alam mo ba na ang kuwentong “Ang Ama” ay isang uri ng kuwentong


makabanghay na nakatuon sa pagkabuo at pagkasunod-sunod ng mga pangyayari?
Inaasahang nalaman mo na ang mahahalagang kosepto ng maikling kuwento.
Bago ka dadako sa nakatakdang gawain tungkol sa maikling kuwentong iyong
binasa, magkakaroon muna ng isang pagsukat sa iyong natutuhan kanina. Basahin
ang mga pantulong na kahulugan at ayusin ang mga nakaiskrambol na mga letra
upang mabuo ang isang salita. Isulat ang iyong sagot sa patlang.

1. Ito ay nagpapakita ng pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento.


A A N G Y H B-
2. Ang mga halimbawa ng elementong ito ay ang paaralan, simbahan, parke,
bahay at marami pang iba.
G U A P N T A-
3. Ang mga nagbibigay-buhay sa maikling kuwento ay maaaring mabait na gusto
ng lahat at ‘di mabait na kinaiinisan ng mambabasa.
A A U T H N-
4. May problemang mababasa sa maikling kuwento at kadalasan ito ay tungkol
sa tao laban sa kaniyang kapuwa tao.
T N G N I A U G L A-
5. Banghay ng maikling kuwento na nagbibigay hudyat na nabigyang kalutasan
na ang mga suliranin.
A A W S K-

Magaling! Ngayon naman ay aalamin natin ang iyong natutuhan o naunawaan


mula sa maikling kuwentong iyong binasa. Ang mga gawain ay kailangan mong
isagawa upang malinang ang lahat ng kasanayan na dapat mong taglayin.
Bigyang-kahulugan ang nakasalungguhit na mga pahayag, bilang 1 hanggang
5, ayon sa pahiwatig nito sa pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa patlang.

1. Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang okasyon na sinorpresa sila ng


ama ng kaluwagang-palad nito.

2. Alam nila na ang halinghing niyon ay parang kudkuran na nagpapangilo sa


nerbiyos ng ama at ito’y nakabubulahaw na sisigaw at kung hindi pa iyon
huminto, ito’y tatayo, lalapit sa bata at hahampasin iyon nang buong lakas.

3. Mula sa kaniyang awa sa sarili ay bumulwak ang wagas na pagmamahal sa


patay na bata.

10
4. Kung pauwi itong pasigaw-sigaw at padabog-dabog, tiyak na walang pagkain
at ang mga bata’y magsisiksikan, takot na anomang ingay na gawa nila ay
makainis sa ama at umakit sa malaking kamay nito upang dumapo sa
kanilang mukha.

5. Ang balita tungkol sa malungkot niyang kinahihinatnan ay madaling


nakarating sa kaniyang amo, isang matigas na loob pero mabait na tao, na
noon di’y nagdesisiyong kunin siya uli, para sa kapakanan ng kaniyang asawa
at mga anak.

Basahin at unawain naman ang mga tanong, bilang 6-10 na kaugnay pa rin sa
kuwentong binasa. Isulat ang iyong sagot sa patlang.

6. Ano ang pamagat ng maikling kuwentong iyong nabasa?

7. Ano ang laman ng brown na supot noong sinorpresa sila ng kanilang ama?

8. Ibigay ang mga katangian ng ama sa kuwentong iyong nabasa. Maaaring


positibo at negatibo.

9. Bakit kinaiinisan ng ama ang kaniyang anak na si Mui Mui?

10. Ano ang nangyari kay Mui Mui na nagpalungkot sa mga taong nagmamahal
sa kaniya?

Pagyamanin

Mahalaga ang banghay ng maikling kuwento dahil tumatalakay ito ng tamang


pagkasunod-sunod ng mga pangyayari at nagsisilbing gabay sa manunulat at sa
mambabasa. Ang banghay ay binubuo ng tatlong bahagi, ito ang simula, gitna at
wakas na maituturing na utak, puso at kaluluwa ng akda. Ngayon naman ay
tutukuyin mo ang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwentong binasa.

Punan ang mga kahon ng mahahalagang pangyayari mula sa binasang


kuwento, na naaayon sa pagkasunod-sunod gamit ang mga piling pangyayaring
nakasulat sa kahon. Isulat ang pamagat ng kuwento sa hugis bilog at ang mga
pangyayari ay sa loob ng kahon.

11
Narito ang mga piling eksena na iyong gagamitin sa pagsusunod-sunod ng mga
pangayayri.

Nagsisi ang ama at humingi ng kapatawaran sa anak na namatay.


Namatay si Mui Mui dahil sa pananakit ng ama.
Sinaktan/binugbog ng ama ang kaniyang anak na si Mui Mui.
Umuwi ang ama at masama ang timpla dahil nasisante sa trabaho.
Naawa ang ama sa kaniyang sarili at bumulwak ang pagmamahal sa patay na bata.
Marami ang nakiramay sa masakiting batang namatay. Nag-abot ng pera bilang abuloy
ang ibang tao.
Kasalukuyang humahalinghing si Mui Mui at hindi siya mapatahan ng kaniyang mga
kapatid.

3. 4. 5.

2.
6.

1.
7.

12
Isaisip

Sa kabuoan, ang maikling kuwento ay nakatutulong sa mga mambabasa sa


pamamagitan ng pagbibigay ng gabay at aral na makukuha mula rito. Ngunit
mahalaga rin kung paano ito natanggap o naunawaan ng isang mambabasa tulad
mo.
Ibigay ang sariling hatol tungkol sa maikling kuwentong binasa sa
pamamagitan ng SHAPE YOUR UNDERSTANDING kung saan ang iba’t ibang hugis
ay may hinihinging opinyon mula sa iyo. Isulat sa loob ng hugis ang iyong sagot.

Tauhan mula sa kuwentong binasa na nagpapakita ng


mabuting-asal o pagkatao, na sa iyong palagay ay
dapat tularan ng isang mag-aaral tulad mo.

Tauhan mula sa kuwentong binasa na nagpapakita ng


pagbabago sa kaniyang sarili upang maging mabuting tao
para sa pamilya at sa kapuwa, na sa iyong palagay ay
dapat tularan ng isang mag-aaral tulad mo.

Tauhan mula sa kuwentong binasa na nagpapakita ng


hindi kaaya-ayang pag- uugali na sa iyong palagay ay
hindi dapat taglayin ng isang mag-aaral.

Kung ang kalagayan mo ay kapareho sa kuwentong


iyong nabasa, ano ang gagawin mo at saan ka hihingi
ng tulong? Ipaliwanag.

13
Isagawa

SELFIE KAYO NI TATAY

Bibigyan mo ng kulay at saya ang kuwentong iyong nabasa, hindi man ito
nagsimula sa maganda at maayos na pangyayari ay nagtapos naman ito sa tamang
paraan. Kaya hinahamon kita na gumawa nang tama kasama ang iyong ama o kahit
sinong itituturing mong ama.
Mag-selfie kasama ang inyong ama, tatay, daddy, papa o kahit sinong
tumatayong ama. Kung walang selfie na larawan ay maaaring maghalungkat ng mga
lumang larawan at idikit din dito. Lagyan ng mga mensahe o pagpapaliwanag sa
larawang iyong napili. Maaaring magbigay ng simpleng regalo para sa Fathers’ Day.
Idikit ang larawan sa espasyong ibinigay sa ibaba.

Tayahin
Basahin at unawain ang bawat tanong na ibinigay upang masukat natin ang
antas ng iyong kaalaman. Bilugan ang titik na iyong sagot.

1. Ito ay isang akdang pampanitikan na nagsasalaysay ng mga mahahalagang


pangyayari na kinasasangkutan ng mga tauhan.
A. Maikling kuwento
B. Nobela
C. Sanaysay
D. Tula

14
2. Ito ay elemento ng maikling kuwento na siyang nagbibigay-buhay at kulay sa
bawat pangyayaring nakapaloob sa kuwento.
A. Tagpuan
B. Tahanan
C. Tauhan
D. Tunggalian
3. Ito ay elemento ng maikling kuwento na nagpapakita ng matinding buhos ng
emosyon ng tauhan.
A. Kakalasan
B. Kalutasan
C. Kasamaan
D. Kasukdulan
4. Sa kuwentong “Ang Ama” na isinalin ni Mauro R. Avena, ano ang naging
magandang wakas nito?
A. Marami ang nakiramay at nagbigay ng tulong.
B. Nagsisi ang ama ni Mui Mui sa kaniyang nagawa at nangakong
siya ay magbabago na.
C. Nakabalik sa trabaho ang ama ni Mui Mui.
D. Namatay ang batang si Mui Mui.
5. Ito ay elemento ng maikling kuwento na napapakita o naglalarawan ng iba’t
ibang lugar sa kuwento. Pinupukaw nito ang imahenasyon ng mga
mambabasa.
A. Tagpuan
B. Tahanan
C. Tauhan
D. Tunggalian
6. Ito ay elemento ng maikling kuwento na nagpapakita ng problema.
Halimbawa nito ay ang tao laban sa tao.
A. Problema B. Suliranin
C. Tunggalian
D. Tugmaan
7. Siya ang tinaguriang “Ama ng Maikling Kuwento”.
A. Deogracias Rosario
B. Edgar Allan Poe
C. Lope K. Santos
D. Severino Reyes
8. Ang pagbabasa ng maikling kuwento ay nakatutulong sa mambabasa,
maliban sa:
A. nagbibigay ito ng kabutihang-asal.
B. nagpapahamak dahil hindi tama ang nilalaman nito.
C. nagsisilbing gabay sa buhay.
D. napapalawak nito ang imahinasyon.

15
9. Kapag ang maikling kuwento ay nakatuon sa pagkakabuo ng mga
pangyayari, ito’y mauuri bilang maikling kuwentong . A. kababalaghan
B. katutubong-ulay
C. makabanghay
D. pangtauhan
10. Ito ang tinaguriang utak, puso at kaluluwa ng maikling kuwento dahil dito
makikita ang ganda at maayos na pagkasunod-sunod ng mga panyayari sa
kuwento.
A. Panimula
B. Gitna
C. Wakas
D. Banghay ng maikling kuwento

Karagdagang Gawain

Ang maikling kuwento ay hindi lamang nananatili sa mga aklat, ito ay


maaaring makita, masaksihan o magmula sa totoong pangyayari sa buhay.
Kadalasan, ang mga nababasa mo sa aklat ay makikita mo rin sa iyong kapaligiran.

Ngayon, nais kong balikan mo ang mga pangyayaring nagaganap sa iyong


kapaligiran. Suriin at damahin mo ang iyong mga nakikita at naririnig kung ito ba
ay wasto o hindi dapat nangyayari. Inaanyayahan kita na isulat ang iyong opinyon
o saloobin.

1. Ano ang iyong naramdaman tungkol sa:

a. isang amang nagsasakripisyo para sa kaniyang mga anak?


____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

b. isang amang mapanakit sa kaniyang anak?


______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

16
2. Sa iyong komunidad na ginagalawan ngayon, ano ang nakikita mong
nangingibabaw na mga pangyayari, ang mga mapagmahal na ama sa mga
anak o ang mapanakit na ama sa mga anak? Isulat ang iyong mga
pananaw sa patlang.
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

3. Bilang isang Asyanong mag-aaral, anong uri ng lipunan o pamayanan ang


gusto mong pamuhayan? Gusto mo ba ng magulo o maayos na lipunan?
Ipaliwanag ang iyong ninananais na lipunan. Isulat ang iyong sagot sa
patlang.
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

4. Bilang isang anak, ano-ano ang mga pangyayari sa iyong kapaligiran ang
ayaw mong mangyari sa iyo o sa iyong kapuwa? Ipaliwanag.
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

17
18
(Pasig City: Vibal Group, Inc., 2014)
Romulo N. Peralta et al., Panitikang Asyano 9 Modyul ng Mag-aaral sa Filipino.
Aklat
Sanggunian
Pagyamanin 1-7: Subukin 1-10:
1. Kasalukuyang humahalinghing 1. A 6. C
si Mui Mui at hindi siya 2. C 7. B
mapatahan ng kaniyang mga 3. C 8. D
kapatid. 4. D 9. C
2. Umuwi ang ama at masama ang 5. B 10. D
timpla dahil nasisante sa Suriin 1-5:
trabaho. 1. Banghay
3. Sinaktan/binugbog ng ama ang 2. Tagpuan
kaniyang anak na si Mui Mui.
3. Tauhan
4. Namatay si Mui Mui dahil sa
pananakit ng ama.
4. Tunggalian
5. Marami ang nakiramay sa 5. Wakas
masakiting batang namatay. Suriin 1-5: Pagbibigay kahulugan sa mga
Nag-abot ng pera bilang abuloy nakasalungguhit na salita
ang ibang tao. 1. bukal sa palad, buong puso
6. Naawa ang ama sa kaniyang 2. nagpapairita, nagpapagalit
sarili at bumulwak ang 3. nagpakita ng tunay na damdamin
pagmamahal sa patay na bata. o pagmamahal
7. Nagsisi ang ama at humingi ng 4. mapanakit na kamay, mabigay na
kapatawaran sa anak na kamay
namatay. 5. hindi maunawain, hindi
mapagbigay
Tayahin 1-10:
1. A 6. C Suriin 6-10: Pag-unawa sa binasa
2. C 7. B 6. Ang Ama
3. C 8. D 7. pansit guisado
4. D 9. C 8. mapanakit, madamot, lasinggero
5. B 10. D at marami pang iba
Ang ibang gawain o aktibidad ay 9. ang halinghing ni Mui Mui
nangangailangan ng opinyon at 10.namatay si Mui Mui
pananaw ng mag-aaral.
Susi sa Pagwawasto
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran
ng Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing
layunin na ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong normal.
Ang nilalaman ng modyul na ito ay batay sa Most Essential Learning
Competencies (MELC) ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay pantulong
na kagamitan na gagamitin ng bawat mag-aaral sa pampublikong
paaralan ng Rehiyon XII simula sa taong panuruan 2020-2021. Ang
proseso ng paglinang ay sinunod sa paglimbag ng modyul na ito. Ito
ay Bersyong 1.0. Malugod naming hinihimok ang pagbibigay ng puna,
komento at rekomendasyon.

For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – SOCCSKSARGEN


Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893

Email Address: [email protected]

19

You might also like