Mga Saligan Sa Panunuring Pampanitikan
Mga Saligan Sa Panunuring Pampanitikan
Mga Saligan Sa Panunuring Pampanitikan
PANUNURING PAMPANITIKAN
Ang Panunuring Pampanitikan ay isang malalim na paghimay sa mga akdangpampanitikan sa
pamamagitan ng paglalapat ng ibat’t ibang dulog ngkritisismo para sa mabisang pag-unawa sa
mga malikhaing manunulat at katha.
Kahalagahan ng Pagsusuri
1. Ang bunga ng pagsusuri ay pantay na paghuhusga sa akda na kung saan ang mambabasa ay
nakalilikom ng higit na kaalaman tungkol sa likhang sining.
2. Naipaliliwanag ang mga mensahe at layuning napapaloob sa akda.
3. Ang makatarungang pagsusuri ay magiging sandigan ng higit pang pagpapalawak at
pagsulong ng manunulat at ng panitikan.
4. Maging ang istilo ng manunulat ay natutuklasan sa pamamagitan ng pagsusuri.
(Karagdagang Detalye)
Sa pagsusuri, kinakailangan ang lubos na kaalaman sa kathangsinusuri tulad ng buong
nilalaman ng akda, paraan ng pagkakabuo nitoat ang ginamit ng awtor na pamamaraan o
istilo.
Kinakailangan ding ang manunuri ay may opinyong bunga ngobhektibong pananaw laban
man o katig sa katha, kaya mahalagangsiya ay maging matapat.
Ang pagpapaliwanag o panunuligsa sa isang akda upang ihatid angkahalagahan nito ay
pamumuna.
Isa sa mga aspektong lumilikha ng mga akdang pampanitikan kasamaang iba’t ibang
sangkap ng kalikasan at mga kaugnay ay kapaligiran.
Dalawa ang layunin ng panitikan: magbigay aliw at magbigay-aralkaya mahalaga din sa
mga akda ang magkaroon ng bias sa Kaasalan.
Mula rito, maraming napupulot na pangyayari, sitwasyon at banghayna maaaring
gamiting paksa sapagkat batay ito sa sarilingpagmamasid o Karanasan.
Ang kalipunan ng mga pinagyamang sinulat o nilimbag sa isangtanging wika ng tao ay
Panitikan.
Ang pinakamahalagang salik na nagturo sa atin kung paano lumikhang mahuhusay na
panitikan ay Karanasan.
Pinakamahalagang bisang taglay ng panitikan; hindi malikhain angakda kung walang bias
sa Kaasalan.
Nag-uudyok ito na umunlad at yumaman ang diwa ng mga mambabasa kaya tinawag
itong bisa sa kaisipan.