Panulaang Filipinooo

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Takdang Gawain Para sa Modyul

Pangalan: Abegael Cosipe


Kurso at Taon: BSEd Filipino 2B
Iskor:

Panuto: Tugunan nang maayos ang mga sumusunod. Ipasa ito sa Octubre 18, 2021. Pag-
unawa sa Paksa

1. Saliksikin ang kahulugan ng sumusunod na matalinghagang pahayag.

a) bantay-salakay - ito ay tumutukoy sa isang tao kung saan ito ay masugid na


nakaaligid sa kanyang kapwa para maisgawa ang kanyang masamang binabalak.
b) alilang-kanin - Utusan
c) balitang-kutsero - Ang Balitang Kutsero ay ang pagsasabi ng isang impormasyon
na walang matibay na ebidensiya na maari ding walang katotohan at gawa gawa
lamang
d) natutulog sa pansitan - Nagpapakasarap
e) maanghang ang dila - Masakit magsalita
f) matigas/makapal ang mukha - Walang hiya
g) kidlat sa bilis - matulin
h) halang ang kaluluwa- tumutukoy sa masamang tao(mamamatay tao)
i) makati ang dila - madaldal

2. Ilahad at ipaliwanag nang maigi ang kahalagahan ng paggamit ng mga


matatalinghagang pahayag at mga tayutay sa mga sulatin (10 puntos).

Ang matalinghagang salita ay nagpapahiwatig ng mabuting paghahatid ng malinaw na


mensahe sa akda o pahayag samantala ang tayutay ay ay salita o isang pahayag na
ginagamit upang bigyan diin ang isang kaisipan o damdamin. Sinasadya ng
pagpapayahag na gumagamit ng talinghaga o di- karaniwang salita o paraan ng
pagpapahayag upang bigyan diin ang kanyang saloobin.

Ang kahalagan ng paggamit ng matatalinhagang pahayag at mga tayutay sa mga sulation


ay nakakatulong maging masining at kaakit-akit ang pagpapahayag at pagsulat.
3. Magbigay ng sampu (10) matatalinghagang pahayag na ginagamit sa iba't ibang
bahagi ng katawan. Halimbawa. tulak ng bibig, kabig ng dibdib; mabulaklak ang
dila. Kapag walang maisip na talinghaga sa isang bahagi ng katawan, halimbawa
ay daliri, mag-isip ng sariling talinghaga para rito.

1. Makati ang kamay - magnanakaw


2. Balat sibuyas - sensitibo
3. Daga sa dibdib - takot
4. Alog na ang baba - matanda
5. Bukas ang palad - matulungin
6. Kabungunguang balikat - kaibigan
7. Matigas ang katawan -- tamad
8. Matalas ang dila - masakit magsalita
9. Ikurus sa noo - tandaan
10. Kalog na ng baba - nilalamig

4. Bahagi ng ating pagiging mga Pilipino ang pagpapahalaga sa "loob" ng tao.


Tukuyin at magsaliksik ng sampung (10) matalinghagang pahayag tungkol dito.
Halimbawa, bukal sa loob; masama ang loob; malakas ang loob. Tukuyin ang uri
ng mga talinghaga na ginamit sa mga halimbawang sinaliksik at nakalap mo sa
tapat ng mga ito.

1. Bumabagabag sa loob - nakalap


2. Pinipintig ng loob - nakalap
3. Mahinang loob - nakalap
4. Mabuting loob - nakalap
5. Bangis sa loob - nakalap
6. Balik loob - nakalap
7. Bungang loob - nakalap
8. Lubos ang loob - nakalap
9. Bigat ng loob - nakalap
10. Hanggad ng loob - nakalap
5. Kumuha ng sipi ng isang awit. Salungguhitan ang mga ginamit na
matalinghagang pahayag sa loob nito. Gumamit ng separadong papel.

“Kahit konting pagtingin”

Kahit konting liwanag ng pag-ibig


Ang igawad sa pusong may ligalig
Ang pag-asa'y aking nakikita
At ang ligaya'y nadarama
Kahit konting liwanag ng pag-ibig
Ang sa akin ay ipahiwatig
Oh, giliw ko, kay ganda ng langit
At ang awit kung dinggin ay kay tamis

Kahit konting pagtingin


Kung manggagaling sa 'yo
Ay labis ko nang ligaya
Dahil sa ikaw ay mahal ko
Kahit konting pagtingin
Kung manggagaling sa 'yo
Ay labis ko nang ligaya
Dahil sa ikaw ay mahal ko

Kahit konting liwanag ng pag-ibig


Ang sa akin ay ipahiwatig
Oh, giliw ko, kay ganda ng langit
At ang awit kung dinggin ay kay tamis

Kahit konting pagtingin


Kung manggagaling sa 'yo
Ay labis ko nang ligaya
Dahil sa ikaw ay mahal ko
Kahit konting pagtingin
Kung manggagaling sa 'yo
Ay labis ko nang ligaya
Dahil sa ikaw ay mahal ko

Ay labis ko nang ligaya


Dahil sa ikaw ay mahal ko
6. Tingnan sa diksiyonaryo ang iba't ibang katawagan sa salitang "bahay" o
singkahulugan nito. Magsaliksik din ng iba't ibang talinghagang ginagamit tungkol
sa bahay o mga bahagi nito, at ipaliwanag ang kahulugan. Halimbawa, haligi ng
tahanan (ama), pader ng pangarap (sandigan). Sa pagpapaliwanag ng kahulugan,
masasabi pa rin bang totoo ang mga ito hanggang sa kasalukuyang panahon?

1. Ilaw ng tahanan- ina


2. Taga pundi ng ilaw- kabet
3. Ahas sa bahay - masamang kasambahay
4. Kapilas sa buhay - asawa
5. Putok sa buho - ampon

Paglinang sa Pagkamalikhain

1. Ang buwan ay lagi nang ginagamit na talinghaga sa lipunan at maging sa ibang


bansa. Tinatawag nga itong arketipo o mga imaheng paulit-ulit na nakikita sa ating
mga sining. Gamitin ang talinghaga ng buwan sa pagsulat ng tulang mahigit sa
dalawang saknong, kasama ang katagang karagatan. halimbawa: "Ang buwan ay
ikaw, tanglaw sa karagatan ng aking isipan..."

“ Damdamin”
Ang ganda mo ay parang buwan, hindi masusukat kahit karagatan
Ikaw ang nagdala ng liwanag sa madilim at malamin kong mundo
Ikaw ang bumuo kahit ikaw mismo ay hindi perpekto,
Pero ang mga ningning mo ang kumukompleto sayo

Kasabay nang simoy ng hangin,


Ang pagngiti at pagtingala sayo
Hindi makapaniwalang ika’y naabot
Kapiling at akin na
2. Ihambing ang isang mahal sa buhay sa isang bagay na may katulad na katangian
sa minamahal. Kumpletuhin ang diwang nais mong ipahiwatig. Maaari mo itong
ilahad nang patula o patalata. Halimbawa: Ikaw ay tila tinik /sugat/ kalamnan/
laman ng aking isipan.

Ang napili ko ay ang aking ina, maihahambing ko ang aking ina sa isang bulaklak. Kung
gaano kaganda ang bulaklak ganun din kaganda ang aking ina hindi lamang sa panlabas
na anyo kundi pati na din sa panloob. Gaya ng bulaklak madami ang gusto kang sirain
minsan pinuputol ka, minsan naman ay pipistehin ka ng mga bubuyog ngunit ito ay wala
lamang dahil isang araw ay mamumulaklak at mamumukadkad ito.

At gaya ng aking ina kahit na gaano kadami o kabigat ng mga problema ang dumating
sakanyang buhay heto poa din sya at namumukadkad at patuloy na pinapakita ang
kanyang tunay na kagandahan.

4. Gumamit ng personipikasyon upang higit na maging kongkreto ang


inilalarawang emosyon o damdamin. Bumuo ng lima (5) paglalarawan ukol sa
kaligayahan na tulad ng paglalarawan sa isang taong maligaya. Halimbawa:
kumakaway ang ligaya; ngumingiti sa balana; humahalik sa umaga.

1. Sa pagmulat ng mga mga, naghihintay ang bagong umaga


2. Ang mga ngiti sa labi, kasing tamis ng mga tsokolate
3. Walang kapatay, tuwa na nadarama
4. Abot tenga ang ngiti
5. Naniningkit ang mga mata, dahiil sa tunay na saya
5. May mga tao o bagay na dinarakila. Isipin ang mga tao o bagay na ito at gawin
ang sumusunod: (Gumamit ng separadong papel)

a. Sumulat ng isang tula upang dakilain ang isang taong matagal nang hindi
nakikita o namayapa na.

“Nanay”

Nakakalungkot isiping wala kana


Aking lolang masiyahin at malambing
Minsan nalang tayo magkita
Simula nung kami ay lumipat na

Misan kami ay pinupuntahan mo,


Kasama sina tito at lolo
Walang kapantay ang tuwang nadarama
Pag ikaw ay nakita at nakasama

Isang araw nabalitaan na ikaw ay may sakit


Di tayo nagkita halos linggo at buwan
Naiintindihan ko dahil kailangan
Sa mga arawna iyon nagdadasal sa iyong paggaling

Nakakalungkot isiping wala kana


Di na tayo nagkita simula nang mawala ka
Sana nanay gabayan mo kami kung asan ka
Wag mo kaming hahayaan at papabayaan
b. Sumulat ng isang tula upang dakilain ang isang bagay tulad ng dagat, buwan o
bituin nang tila kausap lamang at kaharap. Maaari rin namang isang
paboritong alagang hayop na namayapa na, Tiyaking mailalarawan ang mga
katangian ng mga ito.

“Alaga”

Nagising isang umagang hindi inaasahan


At migz ang iyong pangalan
Ako’y napalapit saiyo agad
Kahit sa madaling panahon

Ikaw ay iba at bukod tangi


Walang katulad at kapantay
Mahal ka ng lahat,
Dahil sila ay napapasaya mo nang wagas

Hindi ka lang basta aso


Ikaw ay parti ng pamilya
Itinuring na kapatid at anak,
Salamat sa madaling pahanon

Nagising isang umagang wala kana


Hindi maintindihan ang nararamdaman
Kung saan ka man sana ngayon,
Kami ay bantayan at gabayan
6. Gumamit ng bahagi ng katawan upang ilarawan ang nais sabihin. Sinekdoke ang
gamiting talinghaga. Maglahad ng limang pahayag. Halimbawa, "Maraming mata
ang nakasaksi sa karumaldumal na pangyayari."

Sa darating na eleksyon gamitin ang mga mata upang makita ang lider na tunay na
makakatulong sa atin upang umunlad ang ating bansa.

Gamitin ang isip upang unawain kung sino nga ba talaga ang tunay na nagmamalasakit sa
bansa at lalo na sa ating mga Pilipino. Gamitin ang tenga sa pakikinig sa opinyon ng bawat
isa, wag magpakapepe sabihin ang gustong sabihin lahat tayo ay kailangan rumespeto sa
bawat opinyon pero alamin muna kung ito ba ay totoo o galing lang sa makakati ang
bunganga na nais lang tayo mapaniwala wag tayo magpakabulag sa pera na binibigay nila
mas isautak ang ating kapakanan sa mga susunod na taon.

8. Basahin ang Bibliya, lalo na ang Mateo, Marcos, Lucas, at Juan o ang apat na
ebanghelyo. Anu-ano ang mga alegorya o parabula na ginamit ni Kristo upang
tukuyin ang kaharian ng langit? Talakayin ang mga ginamit na alegorya at kung
gaano ito kaepektibo o hindi epektibo. Gumamit ng Separadong papel.

Kilala ang mga ebanghelyo nila Mateo, Marcos, at Lucas bilang mga Sinoptikong
Ebanghelyo, dahil pare-pareho ang karamihan sa mga kuwento nila, madalas sa parehong
pagkakasunud-sunod. Habang iminumungkahi nang iba ang mga pinepetsang panahon ng
mga ebanghelyo, `tradisyonal na isinasaalang-alang na ang mga may-akda ay dalawa
sa Labindalawang Apostol ni Hesus, si Juan at Mateo, pati na rin ang dalawang
"apostolikong tao," Marcos at Lucas:

1. Mateo - isang dating maniningil ng buwis na tinawag ni Jesus upang maging isa
sa Labindalawang Apostol,
2. Marcos - isang tagasunod ni Pedro at isang "apostolikong tao,"
3. Lucas - isang doktor na nagsulat ng kung ano ang aklat na Lucas ngayon sa Teopilo.
Kilala rin na nakasulat ng aklat ng Mga Gawa (o Mga Gawa ng mga Apostol) at
naging matalik na kaibigan ni Pablo ng Tarsus,
4. Juan - isang alagad ni Jesus at ang bunso ng kanyang Labindalawang Apostol.
Ebanghelista ang tinatawag sa mga ito, isang salita na nangangahulugang "mga taong
nagpapahayag ng mabuting balita," dahil naglalayon ang kanilang mga aklat na sabihin
ang "mabuting balita" ("ebanghelyo") ni Hesus.

 Mateo ang Ebanghelista, ang may-akda ng unang ulat ng ebanghelyo, ay


sinasagisag ng isang taong may pakpak, o anghel. Nagsisimula ang ebanghelyo ni
Mateo sa talaangkanan ni Jose mula kay Abraham; kumakatawan ito
sa pagkakatawang-tao ni Hesus, at sa gayon sa pagiging tao ni Kristo. Ipinakikita nito
na dapat gamitin ng mga Kristiyano ang katwiran para sa kaligtasan.

 Marcos ang Ebanghelista, ang may-akda ng pangalawang ulat ng ebanghelyo, ay


sinasagisag ng isang leong may pakpak – isang pigura ng katapangan at monarkiya.
Kumakatawan din ang leon sa muling pagkabuhay ni Hesus (dahil pinaniwalaan na
bukas ang mga mata ng leon habang natutulog, isang paghahambing kay Kristo sa
libingan), at si Kristo bilang hari. Ipinakikita nito na dapat may lakas ng loob ang mga
Kristiyano sa landas ng kaligtasan.

 Lucas na Ebanghelista, ang may-akda ng pangatlong ulat ng ebanghelyo (at


ang Mga Gawa ng mga Apostol), ay sinasagisag ng isang kapong bakang o torong
may pakpak – isang pigura ng sakripisyo, paglilingkod at kalakasan. Nagsisimula ang
ulat ni Lucas sa mga tungkulin ni Zacarias sa templo; kumakatawan ito
sa sakripisyo ni Hesus sa Kanyang Pasyon at Pagpapako sa Krus, pati na rin si Kristo
bilang Mataas na Pari (kumakatawan din ito sa pagkamasunurin ni Maria). Ipinakikita
ng kapong baka na dapat maging handa ang mga Kristiyano na isakripisyo ang
kanilang sarili habang sumusunod kay Kristo.

 Juan ang Ebanghelista, ang may-akda ng ika-apat na ulat ng ebanghelyo, ay


sinasagisag ng isang agila – isang pigura ng kalangitan, at pinaniniwalaan ng mga
Kristiyanong iskolar na may kakayahang tumitig nang diretso sa araw. Nagsisimula si
John sa walang hanggang pangkalahatang ideya ni Hesus na Logos at nagpapatuloy
upang ilarawan ang maraming mga bagay na may "mas mataas" na kristolohiya kaysa
sa tatlo pang (sinoptiko) na ebanghelyo; kumakatawan ito sa Pag-akyat ni Hesus, at
ang banal na katangian ni Kristo. Sumasagisag ito na dapat tumingin ang mga
Kristiyano sa kawalang-hanggan nang walang paurong habang naglalakbay sila
patungo sa kanilang layunin ng pagkakaisa sa Diyos.
11. Sa pang-araw-araw na buhay, maraming parikalang makikita sa ating
lipunan. Halimbawa, mga karpinterong walang bahay, mga batang nagsasaya sa
gitna ng baha at kawalan ng tirahan, mga taong nagtitinda ng sapatos ngunit
may sirang sapin sa paa. Magmasid; ano pa ang mga parikalang makikita sa
lipunan? Matapos ang pagmamasid, isulat ito bilang mga taludtod sa tula.
Gumamit ng separadong papel.

“Ngayon”

Mainit at nag aapoy na hapon,


At bigla nalang umulan nang malakas
Lahat ay natigil sa kanilang ginagawa
Payong nagsilabasan, proteksyon para hindi mabasa

Mga kotse, motor at bisikleta


Aso, manok at baka,
Mga tunog na maririnig
Pag naka google meet at online class ka

Mga bata na masayang naliligo


Habang si inay ay nagluluto ng champorado
Pamares na malamig na panahon
Pampainit sa tyan kumukulo

Mga batang naglalaro,


Patintero, taguan, habulan
Makikita mo sa mga mukha nila
Ang tunay na kasiyahan

You might also like