PRELIM-Sabado, Kristine Lawrence Artriz P. SED3A FILIPINO - Kristine Lawrence Sabado

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 22

QUIRINO STATE UNIVERSITY

DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Bachelor of Secondary Education

Sabado, Kristine Lawrence Artriz P.


BSE-3A FILIPINO

LIT 103 – DULAANG FILIPINO


Prelims

Yunit 1: Ang Dula


Discussion Board

Talakayin: Bakit mahalaga sa mag-aaral ang kasaysayan ng panulaang Filipino/


panulaang Filipino?

SAGOT:
Mahalaga sa mag-aaral ang kasaysayan ng panulaang Filipino/ panulaang
Filipino, upang magkaroon ng ideya at masistemang pagkatuto ang bwat mag-aaral. Sa
ganitong paraan napalalawak nito ang pang-unawa ng bawat mag-aaral patungkol sa
panulaang Filipin. Nabibigyang katarungan ang dapat at ‘di dapat na gawin o ihayag
patungkol sa panulaang Filipino.

Post-competency Checklist: Gamit ang paghahabi ng impormasyon, bumuo ng isang


pagpapakahuluhan sa salitang dula.

SAGOT:

Ang dula ay isang uri ng akdang pampanitikan na kung saan ay may layunin na
itanghal sa pamamagitan ng pananalita at pagkilos sa harap ng mga manonood.
QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Bachelor of Secondary Education

Kasanayang Pampagkatuto 1

Panuto: Magsagot sa bukod na papel. Bigyan ng mas malawak na pagpapaliwanag


ang mga pahayag ng bantog na manunulat na si Shakespear na “ Ang mundo ay isang
teatro…” gayun din ang mga pahayag sa isang sikat na komersyal sa telebisyon na “Ang
buhay ay drama…” Paano nyo ito maipapaliliwanag sa makumbinsing paraan upang
mapaniwala nyo ang inyong mga kamag-aaral kapag ito ay inyong nang ibinahagi sa
kanila. (10 pts)

PALIWANAG:

“Ang mundo ay isang teatro”, ayon kay Shakespear. Hinalintulad ng bantog na si


Shakespear na ang mundo raw ay isang teatro. Sa aking palagay ito mgay ay tunay
sapagkat ang teatro ay isang pagtatanghal ng mga kaganapan sa buhay. Katulad ng
teatro ang mundo ay lugar kung saan nakikita at tinatanghal ang mga pangyayari sa
buhay ng tao kung saan ang mga kaganapan na nangyayari sa buhay ng tao ay siyang
banghay ng kani-kanilang mga kwento. Mula sa mahirap, masalimuot, masasaya at
pagtatagumpay ng buhay. Katulad ng teatro ang mundo ang siyang tanghalang
kakikitaan ng kaparaanan, daloy ng kwento ng buhay ng bawat isa.
“Ang buhay ay drama”. Ang pahayag na ito ay katotohanan, sapagkat ang buhay ay
punong-puno ng aksyon. Ang buhay ay makulay na kung saan, nangyayari ang mga
halohalong emosyon sa buhay na maihahalintulad sa drama, sapagkat ang buhay ng
tao ay hindi lamang umiikot sa iisang dyanra. Maaaring ngayong araw ay punong-puno
tayo ng saya at sa makalawa ay susubukin tayo ng problema, na kung saan susukatin
na an gating pagkatao. Sa drama ng buhay natututo ang bawat isa. Susubukin nito ang
pagkatao at buhay na kinalalagyan mo.
QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Bachelor of Secondary Education

Kasanayang Pampagkatuto 2
Panuto:

1. Ipaliwanag ang mga pahayag ng tanyag na manunulat na si Julian


CruzBalmaceda na ang dula ay “nagtuturo sa atin ng pagyari ng isang akdang
pandulaan o paghahanda baga ng akdang tatanghalin, pagpili ng paksa, paghahanda
ng balangkas, paglikha ng tauhan at pagbibigay ng buhay sa paksang napili na
umaalinsunod sa… paglalahad, buhol o kagustuhan at kalutasan o kakalasan.”
Pangatuwiranan ang inyong mga kasagutan.
2. Ipaliwanag: Ang isip ng tao o manunulat ay may sariling tanghalan. Dito muna
ito itinatanghal bago maging katha.

PALIWANAG:
1. Ang dula ay buong pagsasalaysay na kungs saan binubuo ito ng mga elementong
makapagbibigay buhay sa isang akda. Ang layunin nito ay magpahayag at magturo ng
daloy ng isang akda, kinakasangkapan ito ng angkop na element at sangkap tulad ng
balangkas, karapatdapat na tauhan, pagbibigay ng buhay sa paksang napili na kung
saan kinapapalooban ito ng masistema at maayos na katawan. Sa madaling salita hindi
magiging epektibo ang dula kung may kulang na element at sangkap kailangan, kaya
nararapat lamang na maging pulido at ganap ang paghahanda.

2. Ang isip ng tao o manunulat ay may sariling tanghalan, katulad ng pag-iisip ng


bawat isa tayo ay may kani-kaniyang pananaw sa isang bagay, kaya naman ang bawat
manunulat ay may sariling interpretasyon sa kung ano man ang tumatakbo sa kanilang
isipan. Ang tao o isang manunulat ay may sariling silid sa kaniyang isipan na kung
saan doon nito pinapangyayari ang kung anumang nasusulat nito. Ang bawat ideya na
nabubuo sa kaniyang pag-iisip ay kasabay ng pagbuo niya ng sarili nitong tanghalan.
Ang isipan ng tao ay siyang pangunahing tanghalan ng bawat akdang naisusulat.
anunulat ay may sariling tanghalan. Dito muna ito itinatanghal bago maging katha.
QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Bachelor of Secondary Education

Kasanayang Pampagkatuto 3

MGA KASAGUTAN:

Pahalang: Pababa:
4. Diin at Balanse sa Entablado 1. Banghay
2. Tagapamahala ng Tanghalan
6. Tindig
3.
7. Pagbagsak 4. Tagadisensyo ng Tanghalan
5. Komplikasyon
10. Tema
8. Katulong ng Direktor
11. Tagapagdikta
9. Pagpasok
12. Kumpas
13. Diyalogo at kilos
16. Tagapamahala ng Entablado
14. Paglakad
18. Parsa
15. Saynete
20. Krisis
16. Trahedya
22. Direktor Teknikal
17. Posisyon at Paggalaw
23. Resolusyon
19. Gumaganap o Aktor/KArakter
24. Tanghalan
21. Direktor
25. Eksposisyon
QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Bachelor of Secondary Education

Kasanayang Pampagkatuto 5
Panuto: Magsaliksik ng 10 dula alin man sa mga uri sa loob ng parirala (Pantanghalan,
pantelebisyon, pangradio, pangpelikula) Tukuyin kung anong teorya ng dula ang
ginamit sa mga ito.

TEORYA PAMAGAT NG DULA

1. Teoryang Humanismo “Sinag ng Karimlan” ni Dionisio S. Salazar

2. Teoryang Formalismo “Dahil sa Anak” ni Julian Cruz Balmaceda

3. Teoryang Imahinismo “Kahapon, Ngayon Bukas” ni Aurelio


Tolentino

4. Teoryang Realismo “May isang sundalo at “Nana” ni Rene


Villanueva

5. Teoryang Femenismo “Mga Santong Tao” ni Tomas A. Remigio

6. Teoryang Sosyolohikal “Walang Sugat” ni Severino Reyes

7. Teoryang Eksistensyalismo “Sa Pula, Sa Puti” ni Francisco Rodrigo

8. Teoryang Romantisismo “Anghel” ni Noel De Leon

9. Teoryang Naturalismo “Dekada ‘70” ni Lualhati Bautista

10. Teoryang Dekonstruksyon “Ang Pulubi” ni Epifanio G. Matute


QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Bachelor of Secondary Education

KASANAYANG PAMPAGKATUTO 6 (Bukod na Papel- Kapalit ng Dayorama)

Kasanayang Pampagkatuto 7
Panuto: Kopyahin ang buong pagsasanay. Tukuyin ang mga ipinapahayag.
PANUNULUYAN 1. Tinatanghal tuwing Disyembre.

TIBAG 2. Isang pagtatanghal kung buwan ng Mayo na nakaugalian na sa


Bulakan, Nueva Ecija, Bataan, Rizal at Bicol. Ito ay tungkol sa
paghahanap ni Sta. Elena sa mahal na Sta. Cruz na kinamatayan
ni Kristo.

DALIT ALAY (Flores de Mayo) 3. Pista ng bulaklak na ipinagdiriwang ng mga Filipino


sa buong buwan ng Mayo bilang pagbibigay parangal kay Birheng Maria. Bawat isang
araw sa buong buwan ng Mayo ay naghahandog ng bulaklak kay Maria.
pinaniniwalaang nagsimula noong 1854.
PAGLAKAD NG ESTRELLA AT NG BIRHEN 4. Ito ay isinasagawa sa tuwing sasapit
ang araw ng kapanganakan ni Hesus kung saan sya ay isinilang sa
araw ng kapaskuhan, isa itong dula sa loob ng simbahan kung saan
ay isinasabuhay ang pagtunton ni Birheng Maria tamang lugar
kung saan nya isisilang ang anak ng Panginoon.
KARILYO 5. Dulang gumagamit ng mga ginupit-gupit na karton na nasa
anyong tao tulad ng isang puppet show. Subalit ito ay isinasagawa
sa pamamagitan ng pagatpat ng mga tau-tuhang papel sa ilaw kung
saan ang mga anino ng mga ito ang pinakatampok sa palabas.

PANANAPATAN 6. Ang pananapatan o kung tawagin sa Ingles ay Caroling ay ang


pagkanta ng mga awiting Pamasko na karaniwan ay sa tapat ng
mga bahay-bahay na may layuning manghingi ng regalo na malimit
ay pera.
MORIONES 7. Mga taong nakasuot ng maskara at nakagayak, na paikot sa
bayan, sa loob ng pitong araw sa paghahanap kay Longhino. Simula
sa Araw ng Lunes Santo at nagtatapos sa Pasko ng Pagkabuhay.
QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Bachelor of Secondary Education
PANGANGALULUWA 8. Araw itong ipinangingilin ng mga Katoliko. Kaugalian na
ng mga Pilipino bilang pagtupad sa tungkulin nila sa yumao nilang
mga magulang, asawa, o anak na dalawin ang mga libingan ng mga
ito.

SANTAKRUSAN 9. Isang prusisyon na isinasagawa sa huling bahagi ng pagdiriwang


ng Flores de Mayo. Isinasalarawan nito ang paghahanap sa Banal
na Krus. Nagtagumpay at naging sanhi nang kanyang pagiging
kristiyano.

JUEGO DE PRENDA 10. Laro ng parusa habang nasa lamayan. Ito ay isinasagawa
upang di makatulog ang mga taong nakikipaglamay sa isang
pamilyang nawalan ng mahal sa buhay. Ang mga manlalaro ay
uupo at bubuo ng isang bilog at ang isang pinuno ay magbibigay
ng mga puno o bulaklak sa mga manlalaro. Ang pinuno ay
magkukuwento ng sa isang ibon na nawala sa pagmamay-ari.
PINETENCIA 11. Mula sa salitang Latin na poenitencia na ibig sabihin ay
pagsisisi o kagustuhang patawarin. Madalas makakikita ng
ganitong uri ng dula ay lalawigan ng Pampanga na nagging bahagi
na ng kanilang kultura at tradisyon.

SALUBONG 12. Pagtatanghal o ritwal tuwing bukang-liwayway ng Linggo ng


Pagkabuhay na nagtatampok sa pagtatagpo ng imahen ni Kristo at
ni Birhen Maria. Nagsisimula ito sa dalawang magkahiwalay na
prusisyon ng imahen ni Kristo na susundan ng kalalakihan at ng
imahen ng Birhen na susundan ng kababaihan.

DUPLO 13. Larong may paligsahan sa pagtula kaya maaari ringmauring


tulang pantigan. Ang mga lalaking kasali ay tinatawag na duplero
at ang mga babae ayduplera. Sila ay tinatawag na bilyako at bilyaka
kapag naglalaro na.

KARAGATAN 14. Ito ay itinuturing na matandang anyo ng panitikan. Tinatawag


itong tulang padula sapagkat ang mga ito ay nasusulat ng padula
at ginagampanan ito ng tauhan. Ito din ay tinatawag na dulang
pantahanan sapagkat karaniwang idinaraos sa loob ng bahay o
bakuran ng namatay.
SENAKULO 15. Tradisyonal na pagsasadula ng mga pangyayari hinggil sa mga
dinanas ni Hesukristo bago at pagkaraang ipako siya sa krus.
Hango ang nasabing tradisyon sa Bibliya at iba pang tekstong
apokripa. Kadalasang ginaganap ito sa lansangan o kaya'y sa
bakuran ng simbahan. Ang magkakaibigan, magkakamag-anak, at
QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Bachelor of Secondary Education
magkakababayan ay magkikita-kita upang panoorin at palakasin
ang loob ng mga tauhan sa dula.

MORO-MORO 16. Isang adaptasyon mula sa dula sa Europa na comedia de capa


y espada. Ito ay natatangi sapagkat walang ibang bansa na nakaisip
at nakapagsagawa ng nasabing palabas na katulad nang sa
Pilipinas.
DUPLO 17. Ginaganap ito sa bakuran ng isang tahanan. Tulad ng
karagatan, ginaganap kapag may lamay o parangal s isangnamatay.
Nagpapatalas ng isip sapagkat ang pagmamatuwid ay daglian
oimpromptu. Pinangungunahan ng isang matanda na gaganap na
haring tagahatol.
PANGANGALULUWA 18. Ang Gabi ng Pangangaluluwa gabi ng bisperas ng Undas o
bisperas ng Araw ng mga Patay. Taunang kapistahan araw ng
pagdiriwang na idinaraos tuwing Oktubre 31. Ang unang araw ng
Nobyembre ay kilala bilang Todos Los Santos.
QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Bachelor of Secondary Education

Pagsusulit I.
Panuto: Ibigay ang nakitang pagkakaiba at pagkakatulad ng dula sa iba pang uri ng
panitikan.
A. “May Pagkakaiba at Pagkakatulad”
PAGTUKOY SA PAGKAKAIBA at PAGKAKATULAD NG DULA SA IBA PANG URI NG
PANITIKAN

PAGKAKAIBA PAGKAKATULAD

1. Naisasabuhay ang mga salita, Gaya ng ibang panitikan inilalarawan


pangungusap sa pamamagitan ng nito ang mga damdamin at pananaw ng
pag-arte at pagkilos ng mga may akda.
tauhan sa akda.
2. Karamihan sa mga dulang
Ang mga sangkap ng dula na:
itinatanghal ay mas hango sa Tagpuan,Tauhan,Sulyap sa suliranin,
totoong buhay kaysa sa iba pang-
Saglit na kasiglahan, Tunggalian,
akdang pampanitikan kasukdulan, kakalasan at kalutasan ay
ang mga pagkakatulad nito sa iba pang
mga uri ng panitikan.
3. Inilalarawan ang akda/ o ang Tulad ng dula, ang iba pang uri ng
buhay na isinasagawa sa panitikan ay may tema, ang
tanghalan pinakapaksa ng bawat akda.
4. Pampanitikkang panggagaya sa Nakapagbibigay ng mahalagang aral o
buhay na isinasagawa sa mensahe sa mambabasa.
tanghalan
5. Hindi tulad sa ibang uri ng Gaya ng dula ang ibang mga uri ng
panitikan ang dula ay may mga panitikan ay nagsasabi o nagpapahayag
kawani ng produksyon ito ay ang ng mga kaisipan, mga damdamin at
mga sumusunod: Direktor, humihingi ng pagbabago.
Katulong ng Direktor,
Tagapagdikta, Tagadisenyo ng
Tanghalan, Direktor Teknikal,
Tagapamahala ng Entablado, at
tagapamahala ng tanghalan.
6. Ang dula ay nangangailangan ng Gumagamit ng mga teoryang
iskrip, isa ito sa pampanitikan upang maging mas
pinakamahalagang element ng mabisa ang panitikan.
dula. Ito ay pinakakaluluwa ng
isang dula, sapagkat sa iskrip
QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Bachelor of Secondary Education
nakikita ang banghay ng isang
dula.

7. Ang mga tauhan sa dula ay Ang bawat panitikan ay nasusulat ,


kinakailangang umarte, may nagmula ang panitikang dula at iba pang
alituntunin ang bawat paggalaw mga panitikan sa salitang “pang-titikan”
ng katawan at pag-arte, hindi na ang ibig sabihin ay literature o
tulad sa ibang mga akdang akdang nasusulat.
paampanitikan, maaring ang may
akda ang kumontrol nalamang sa
tauhan ng kaniyang mga akda, sa
pamamagitan ng paglalarawan
lamang sa isipan at hinidi tulad
sa dula na kailangang Makita ng
mga manunuod ang pagkilos.
8. Hindi lamang ito nasusulat o May banghay na sinusunod, upang sa
inililimbag na babasahin. Ito ay ganoon ay matukoy ang pagkakasunod-
nangangailangan ng dedikadong sunod ng mga pangyayari.
grupo ng mga tao para sa
paggawa.
9. Ang dula ay may isang elemento Ang dula tulad ng iba pang mga uri ng
na wala sa ibang panitikan, ito ay panitikan naipakikita ang anyo ng
ang manonood. Hindi maituturing pamumuhay, kalakaran ng mga
na dula ang isang binansagang nailimbag , ang mga ito ay bahagi ng
pagtanghal kung hindi ito kasaysayan.
napanonod ng ibang tao,
sapagkat ang layunin ng dula ay
maitanghal.
10. Ang panitikang ito ay May layuning magpahayag, humikayat
nangangailangan ng props o mga at umaliw.
piling kagammitan upang mas
maging epektibo at kombinsido
ang gagawing pagtatanghal.
Samantala ang ibang panitikan ay
hindi nangangailangan ng
ganitong bagay-bagay.
QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Bachelor of Secondary Education

II. Pagsusulit: Pagsusuri


A. Walang Sugat ni Severino Reyes
Basahin o panoorin: Walang Sugat ni Severino Reyes at Fulgencio Tolentino
https://www.youtube.com/watch?v=ESBNfhqoRS8

Batayan sa pagsusuri:
Pangunahing nilalaman
• Katangian, elemento o sangkap
• Kasunduan ng Dula
• Mga Teorya at mga Bisang Dulang Pampanitikan
• Teatro o tanghalan
• Kahalagahan ng Dula

WALANG SUGAT
ni: Severino Reyes

1. Katangian, Elemento o sangkap

 KATANGIAN
Ang dulang Walang Sugat ni Severino Reyes ay may katangiang
nagsasalaysay, katulad ng iba mga dula. Isang dula o sarswela na may kasamang
awit at tugtog na pumupukaw sa damdamin ng mga manonood. Dulang may
natatangiang katangiang isinalaysay ang patungkol sa suliraning panlipunan o
pampubliko. Ito ay isang melodrama at tragi-komedyang anyo ng dula, na may
diagulo na patula, pasalita at paawit.

 ELEMENTO
1. Iskrip o nakasulat na dula (Banghay/Plot)
Ang banghay ng dulang Walang Sugat ay punong-puno ng panggigilalas.
Naitampok ang pag-ibig sa sinisinta, sa pamilya, sa kapwa at lipunan. Ang
QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Bachelor of Secondary Education
pagsubok ng pagiging Pilipino; pinapahihirapan ng mga prayle ang mga
bilanggog Pilipino na inakusahang filibusterismo, at isa ang ama ni Tenyong
na si Kapitan Inggo. Naihayag sa dulang ito ang panlilinlang ng mga prayle
sa dalaw ng mga bilanggo, sa pagkukunwaring nirerespeto nila ang
karapatang pantao ngunit kabaliktaran ang nangyayari. Nag-alsa ang mga
kalalakihan, sigaw ng mga patriolismo, dahil ang inang bayan ay inaapi na
nang tatlong daang taon. Sa kalagitnaan ng pag-aalsang ito, ipinagkakayari
ng ina ni Julia ang anak niyang si Julia kay Miguel na anak ni Tadeo,
bagaman alam niya na ang kaniyang anak ay kasintahan si tenyong.
Inutusan ni Julia si Lucas na ipasabi kay Tenyong na ipinagkakayari si Julia
ng kaniyang inang si Juana, kay Miguel at naitakda na ang petsa ng kasal.
Nalaman ni Tenyong na namatay na ang kaniyang ina at ikasasala na si Julia
at Miguel. Balisa at malungkot sa nabasa, humini siya ng tulong sa kaniyang
heneral. Umatake ang mga kastila at nagsimula ang digmaan. Bumalik si
Lucas kay Julia na walang nakuhang sagot mula kay Tenyong. Nalungkot at
balisa si Julia sa nangyaring iyon. Dumating na ang nakatakdang araw ng
kasal at napilitan na rin si Julia, pumayag siya sap ag-aakalang patay na si
Tenyong at sa kagustuhang hinid mapahiya ang kaniyang ina. Sa kalagitnaan
ng seremonya dinala ang agaw-buhay na si Tenyong sa pinagdarausan ng
kasal ni Julia. Sa muling pagtatagpo ng magkasintahang sawi, hiniling ni
Tenyong sa pari nay man din lamang na mamatay na siya, ikasal na sila ni
Julia, at sa pagkamatay ni Tenyong, maaari nang pakasalan ni Julia si mIguel.
Pumayag na rin si Miguel sa gustong mangyari ng nag-aagaw-buhay na si
Tenyong, ikinasal sila ni Julia ng paring kastila. Matapos ang seremonya ng
kasal, biglang tumayo si Tenyong at lahat sy napamangha at sumigaw ng:
“Walang sugat, Walang sugat.”

2. Gumanap o aktor/karakter

 Tenyong- isang ginoong umiibig ng tunay sa kasintahan niyang si Julia,


bukod ditto ay mapagmahal din siya sa kaniyang pamilya at bayan.
 Julia- babaeng pinakamamahal ni Tenyong, na sinubok ang pag-ibig sa
kasintahang si Tenyong dahil sa planong makikipag-isang dibdib niya kay
Miguel.
 Juana- ina ni Julia, na nagplanong ikasal ang anak niya sa mayamang lalaki
na Miguel.
 Lucas- kanang-kamay at utusan ni Tenyong.
 Miguel- ang lalaki ipinagkasundo kay Julia para pakasalan.
 Tadeo- ama ni Miguel.
QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Bachelor of Secondary Education
 Kapitan Inggo- ama ni Tenyong na namatay dahil sa kalupitan ng mga
kastila.
 Kapitana Putin- ina ni Tenyong at asawa ni Inggo.

3. Dayalogo
Ang Dayalogo sa dulang Walang Sugat ay mabigat na binibitawan at akma sa
karakter na ginagampanan ng mga taga-ganap. Naipakikita ng buong husay ang
emosyon. Makapangyarihan ang bawat bitaw ng dayalogo, dahil sa lakas a klaro
nito ang mga manonood ay tiyak na mapupukaw ang atensyon.

4. Tanghalan
Ang tanghalan ng dulang ito ay akma at may sapat na espasyo para sa mga
karakter na nasipagganap. Mahusay nilang naipakikita ang ganilang galaw mula
sa entablado upang mas maaliw ang mga manonood.

5. Direktor (Insert NAME NG DIREK

Maayos at nagging karapatdapat ang tagadirehe sa dulang ito sapagkat ng


daloy ng banghay ay maayos na nagampanan ng bawat karakter at dahil iyon sa
tulong niya. Angkop ang tagpuan, damit ng mga tauhan, paraan ng pagganap at
pagbigkas ng mg tauhan. Sa madaling sabi nagampanan ng direktor ang
kaniyang tungkulin bilang tagadirehe.

6. Manonood
Ito ang isa sa pinakamahalagang element ng dula sapagkat sila ang
magbibigay ng komento at opiniyon sa dula. Sa dulang ito at bilang isa sa
tagapanood, palagay ko ay nabigyang kaluguran nila ang bawat manonood
sapagkat naihatid at naitanghal ng maibigi at buong husay ang dula.

7. Tema

Ang tema ng dulang “Walang Sugat” ay may temang Pagmamahal sa bayan


at wagas na pagmamahal sa kasintahan.
QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Bachelor of Secondary Education

 SANGKAP

1. Tanghalan
Sa Guiguinto, Bulacan, Pilipinas

2. Tauhan

 Tenyong- isang ginoong umiibig ng tunay sa kasintahan niyang si Julia, bukod


ditto ay mapagmahal din siya sa kaniyang pamilya at bayan.
 Julia- babaeng pinakamamahal ni Tenyong, na sinubok ang pag-ibig sa
kasintahang si Tenyong dahil sa planong makikipag-isang dibdib niya kay Miguel.
 Juana- ina ni Julia, na nagplanong ikasal ang anak niya sa mayamang lalaki na
Miguel.
 Lucas- kanang-kamay at utusan ni Tenyong.
 Miguel- ang lalaki ipinagkasundo kay Julia para pakasalan.
 Tadeo- ama ni Miguel.
 Kapitan Inggo- ama ni Tenyong na namatay dahil sa kalupitan ng mga kastila.
 Kapitana Putin- ina ni Tenyong at asawa ni Inggo.

3. Sulap ng Suliranin

Nagtungo si Tenyong sa bahay ng kasintahan niyang si Julia. Inabutan niya


ng nagbuburdang si Julia ng isang panyo. Ayaw ni Julia ipakita kay Tenyong ang
kaniyang gawa. Nakita ni Tenyong ang panyo ay may mga letra ng kaniyang
pangalan, ngunit giit ni Julia ay para raw ito sa prayle. Sa kabilang banda ay
sinabi rin ni Julia na para nga kay Tenyong ang panyo at sila’y nagsumpaan na
ikakasal sa altar. Biglang dumating si Lucas, isang alalay ni Tenoyng na
nagsabing inaresto ang ama ni Tenyong at ilan oang kalalakihan ng mga Guardia
Civil sap ag-aakalang sila ay mga rebelde.

4. Saglit na Kasiglahan
Handong magbigay ng pagkain sa kulungan ang mga pamilya at kaibigan
ng mga inaresto. Ang isang tren ang nakalaang sakyan nila patungong kapitolyo.
Inutusan ng mga kastilang prayle si Kapitan Luis Marcelo na paluin at saktan
pa ang mga nakakulong kahit na mayroon ng namatay at nag-aagaw-buhay na
QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Bachelor of Secondary Education
si Kapitan Inggo. Sinabi ng punong-prayle na pakakawlan na si Kapitan Inggo sa
kaniyang asawa. Sinabi rin niyang pupunta siya sa maynila upang sabiin sa
Gobernador-heneral na pakawalan na ang iba pang mga inaresto. Ngunit iba pala
ang plano ng prayle pagdating doon. Ipapapatay niya ang mga mayayaman at
edukadong Pilipino. Nakapiling ni Kapitan Inggo, ang kaniyang pamilya at mga
kaibigan bago siya mamatay. Namatay nga si kapitan Inggo at pagkamatay nito
ay sumumba si Tenyong ng paghihiganti.

5. Tunggalian

Sa lugar ng mga katipunero, biglang dumating Lucas na may bitbit na sulat


na para kay Tenyong na galling kay Julia. Nalaman ni Tenoyng na namatay na
ang kaniyang ina at ipakakasal si Julia kay Miguel. Balisa at malungkot si
Tenyong matapos niyang basahin ang liham. Humingi siya ng tulong sa kaniyang
heneral. Umatake ang mga kastila at nagsimula ang labanan. Bumalik si Lucas
kay Julia na walang nakuhang sagot mula kay Tenoyng. Bumisit muli si Miguel
kay Julia at nagsabing magiging engrande ang kanilang kasal. Nagkunwari
masakit ang upang maiwasan ang pakikipag-usap kay Miguel.

6. Kasukdulan
Dumating na ang nakatagdang araw ng kasal nina Julia at Miguel. Napilitan
si Julia na pumayag sap ag-aakalang patay na ang pag-ibig niyang si Tenyong at
sa kagustuhang hindi mapahiya ang kaniyang ina.

7. Kakalasan
Bago pa man simulan ang seremonya ng kasal, dumating si Lucas na may
balitang nakita na si Tenyong pero siya ay nag-aagaw-buhay itong nakaratay ito
sa karte. Dinala si tenyong sa pinagdarausan ng kasal ni Julia. Sa muli nilang
pagtatagpo, hinihiling ni Tenoyng sa pari na, yaman din lamang na mamamatay
na siya, ikasal na sila ni Julia. Sa pagkamatay nito ay maaari nang pakasalan ni
Miguel si Julia.

8. Kalutasan
Sa pag-aakala ng lahat na matutuluyan na nga si Tenyong, pumayag na rin si
Miguel sa huling hiling ni Tenyong. Kinasal si Tenyong at Julia ng paring kastila.
QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Bachelor of Secondary Education
Matapos ang seremonya ng kasal, biglang tumayo si Tenyong, at lahat ay
napamanghang sumigaw ng “Walang Sugat, Walang Sugat.”

2. Kasunduan Ng Dula
Ang dulang ito ay gumamit ng Ikaapat na Paladindingan (Fourth Wall) sapagkat
ang ikaapat na dinding sa isang entablado ay nakaharap sa mga manonood nang
walang harang.kitang-kita ng mga manonood ang pangyayaring at nakaharap ang
bawat nagtatanghal sa mga ito ng walang anumang balakid.

3. Mga Teorya at mga Bisang Dulang Pampanitikan

Ang ginamit na mga teoryang at mga mabisang dulang pampanitikan ay ang mga
sumusunod:

 Teoryang Sosyolohikal
Ang dulang ito ay hango sa tiyak na panahon at nilikha noong panahon ng kastila
noong ang mga Pilipino ay nasa kamay ng paghahari ng mga kastila. Bukod dito ay ang
dulan ito ay tumatalakay sa kalagayang panlipunan sa isang tiyak na panahon.
Inihayag abg pangyayaring panlipunan at pangkalikasan na kaniyang ginagawalan.

 Teoryang Romantisismo
Ang dulang ito ay punong-puno ng halo-halong emosyon at damdamin.
Inilalarawan ng dula ang bawat sitwasyon nagaganap sa buhay ng tao at lipunan sa
paraang emosyonal. Bukod ditto ay ang mga tauhan tulad ni Tenyong ay nagging
huwaran sa kanilang minamaha, kawa at lipunan.

4. Teatro o Tanghalan

Mahusay at naayon ang tanghalan para sa mga karakter ng dula at maging sa


manunuod. Ang mga tauhan ay lagging naaharap sa mga manunood. Hindi ganoon
kaikli at sikip ang tanghalan para sa lahat, mahusay na nabibigyang buhay ang bawat
galaw ng mga karakter dahil sa mga sapat nitong espasyo.
QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Bachelor of Secondary Education
5. Kahalagahan ng Dula

Ang kahalagahan ng dulang Walang Sugat ni Severino Reyes ay ang pagpapakita


ng pagmamahal at pagnanalasakit sa bayan. Ang dulang ito ay maraming kaakibat na
mahihirap na karanasan sa buhay, ngunit nanaig parin ang pagmamahal sa bayan,
kapwa at sinisinta. Ipinakita sa dula na hindi matutumbasan ng ano mang hirap at
sakit ang tunay na pagmamahal sa bayan at kapwa.

BAKIT BABAE ANG NAGHUHUGAS NG PINGGAN


ni:

1. Katangian, Elemento o Sangkap

 KATANGIAN
Isa itong dulang komedya na patungkol sa mag-asawang pinagpupustahan
at ginawan ng kondisyon ang paghuhugas ng pinggan. Dulang nagsasalaysay ng
kadahilanan sa likod ng paguhugas ng pinggan ng mga kababaihan.

 ELEMENTO
1. Iskrip/Banghay
Ang istoryang “Bakit babae ang naghuhugas ng pinggan”, ay tungkol sa
dalawang mag-asawa na nagkaroon ng kasunduan sa paghuhugas ng pinggan, kung
saan ang sinuman sa kanila ang unang magsalita ay siyang maghuhugas ng pinggan.
Sa kalagitnaan ng kanilang pananahimik, dumating ang kanilang kapitbahay at
nang napansin niya na hindi nagsasalita ang mag-asawa ay nagpatawag siya ng
albularyo. Dumating ito at gumawa ng mga ritwal nunit tulad ng mga kapitbahay
ng ma-asawa nawalan narin ito ng pag-asa at nagplano na nga silang ilibing ang
mga ito sapagkat tila may kakaiba na sa kanila. Habang inaayos ang mag-asawa
para sa gagawing paglilibing, nagsalita ang babaeng asawa na si Ka Maldang, sa
madaling salita nanalo ang asawa nito sa pustahan at mula noon ang babae na ang
siyang naghuhugas ng pinggan.

2. Gumanap, aktor o karakter


 Ka Ugong- asawa ni Ka Maldang, gumawa ng kasunduan para sa
paghuhugas ng pinggan.
QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Bachelor of Secondary Education
 Ka Maldang- asawa ni Ka Ugong na sumang-ayon sa kasunduan. Isang
palaban na babae.
 Babaeng kapitbahay- kaibigan nilang humihiram ng plantsa sa mag-
asawa, siya rin ang unang taong nakapansin sa hindi magandang
kinikilos at nangyayari sa mag-asawa. Siya ang nagbalita sa mga
kapitbahay ng nangyari sa mag-asawa.
 Albularyo- ang siyang sumubok na gamutin ang mag-asawa sa pag-
aakalang na engkanto ang mga ito. Gumawa ng iba’t ibang ritwal upang
mapagsalita ang dalawa.
 Mga Kapitbahay- mga taong nag-aalala at bumulabog sa mag-asawa.

3. Dayalogo
Ang dayalogo sa dulang ito na “Bakit babae ang naghuhugas ng pinggan” , ay tunay
ngang nakaaaliw sapagkat nang aking pinanuod ang dulang ito ay angkop at malinaw
ang dayalogong ginamit. Ginamitan io ng mga pangkaraniwang mga salita na tiyak na
maiintindihan ng marami o ng mga manunood.

4. Tanghalan
Ang tanghalan sa dulang ito ay may sapat na espasyo para sa mga nagsisipagganap.
Ang lawak nito ay akma lamang para sa mga manonood, nakikita o napanunood ito ng
maayos at malinis.

5. Direktor (insert pangalan)


Ang pagkadederihe ng direktor sa naturing na dulang ito ay mahusay, gumamit ito
ng sapat at mabisang mga karakter para bigyang buhay ang dula. Bukod dito ay ang
paggamit nila ng musika at pailaw upang mas bigyang aliw at buhay ang dula.

6. Manonood

Nabigyang kaluguran ng mga nagsipagganap ang mga manunood, sapagkat ang


dulang komedyang ito ay unay na inaliw ang mga manonood, ang mga manunood na
siyang magbibigay ng reaksyon at opinyon sa ginagawang pagtatanghal.
QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Bachelor of Secondary Education
7. Tema

Maliwanag na ang tema ng dulang ito ay ang, kasunduan sa kung sino ang
maghuhugas ng pinggan.

 SANGKAP
1. Tagpuan
Sa bayan ng Santa Rosa
Sa hapagkainan ng mag-asawa

2. Tauhan

 Ka Ugong- asawa ni Ka Maldang, gumawa ng kasunduan para sa


paghuhugas ng pinggan.
 Ka Maldang- asawa ni Ka Ugong na sumang-ayon sa kasunduan. Isang
palaban na babae.
 Babaeng kapitbahay- kaibigan nilang humihiram ng plantsa sa mag-
asawa, siya rin ang unang taong nakapansin sa hindi magandang
kinikilos at nangyayari sa mag-asawa. Siya ang nagbalita sa mga
kapitbahay ng nangyari sa mag-asawa.
 Albularyo- ang siyang sumubok na gamutin ang mag-asawa sa pag-
aakalang na engkanto ang mga ito. Gumawa ng iba’t ibang ritwal upang
mapagsalita ang dalawa.
 Mga Kapitbahay- mga taong nag-aalala at bumulabog sa mag-asawa.

3. Sulyap sa Suliranin
Sa isang bayan ng Santa Rosa, nakatira ang mag-asawang si Ka Ugong at Ka
Maldang. Isang araw pinagtatalunan ng mag-asawa ang kung sino sa kanila ang
paghuhugas ng mga pinagkainan at bakas sa kanilang mukha ang pagkainis sa
naturing na gawaing bahay na ito.

4. Saglit na Kasiglahan

Nagkaroon ng kasunduan ang mag-asawa upang matapos na ang kanilang pag-


aaway. An kasunduang inalok ni Ka Ugong kay Ka Maldang ay ang kung sinuman
sa kanila ang maunang magsalita ay siyang aghuhugas ng pinggan palagi.
QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Bachelor of Secondary Education
5. Tunggalian

Sumang-ayon si Ka Maldang sa kasunduang ito sa lamesa, sa kanilang


hapagkainan ay magkaharap nilang sinimulan ang kasunduan at nagsimula naring
manahimik. Binigyang katuturan nila ang kasunduan at tahimik na namalagi sa
kani-kanilang upuan.

6. Kasukdulan
Sa kalagitnaan ng katahimikan ng mag-asawa ay dumating ang isa sa kanilang
mga kapitbahay na babae para humiram ng plantsa. Nagtaka ang babae sapagkat
bukas ang pinto ng bahay ng mag-asawa at tila tahimik. Pumasok ito at laking gulat
niya sapagkar naratnan niya ang mag-asawa na tahimik at walang kibo. Nabahala
ito at dali-daling tinawag ang iba pa nilang mga kapitbahay upang ipagbigay alam
ang hindi maipaliwanag na nangyayari sa mag-asawa.

7. Kakalasan
Nabahala at nag-alala rin ang iba pa nilang mga kapitbahay sa kanilang
nasaksihan, kaya nagpasya sila na tumawag ng albularyo upang bigyang kalutasan
ang sitwasyon ng mag-asawa. Dumating ang albularyo at gumawa ng mga ritwal
upang magamot ang mag-asawa sap ag-aakalang may salit ang mga ito. Hanggang
sa nagpasya ang albularyo na ilibing na lamang ang mag-asawa.

8. Kalutasan
Nang inihanda na ng mga kalalakihan ang gagamitin sa panlibing, inunang
binuhat si Ka Ugong, walang kibo parin ang pustura nito, umasa si ka Maldang na
pipigilan niya ang mga ito na ibuhat sa kabaong ngunit mali ang kaniyang buong
akala. Kaya naman sa galit ni Ka Maldang sa mga kapitbahay napasigaw ito dahil
sa kanilang pangingiala. Narinig iyon ng kaniyang asawa kaya tuwang-tuwa ito at
pumalakpak dahil nanalo siya sa pustuhan na kanilang pinagkasunduan. Magmula
noon ay si Ka Maldang na ang naghuhugas ng pinggan.

2. Kasunduan Ng Dula ( check it oout again)

Ginamitan ng Ikaapat na Paladindingan (Fourth Wall) ang dulang ito sapagkat ang
ikaapat na dinding sa isang entablado ay nakaharap sa mga manonood nang walang
harang.
QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Bachelor of Secondary Education
3. Mga Teorya at mga Bisang Dulang Pampanitikan

Ang ginamit na mga teoryang at mga mabisang dulang pampanitikan ay ang mga
sumusunod:

 Teoryang Femenismo
Ang dulang ito ay may teoryang femenismo sapagkat inilarawan sa dulang ito
ang karanasan ng isang babae at ang bagay na ipinaglalaban niya. Sa dulo ng
dula ay binigyang diin ang respi=onsibilidad bilang babae at iyon ang
paghuhugas ng pinggan.

 Teoryang Imahismo

Ang dulang ito ay gumamit ng imahen na higit na nagpapahayag sa mga


damdamin, kaisipan, ideya at saloobin na nais na ibahagi ng may akda na higit
na madaing maunawaan. Inilantad ang totoong kaid=sipan ng pahayag sa dula.
Ang dulang ito ay imahismo sapagkat naisusulat ito sa malayang berso, may
kalayaan sa pagpili ng mga paksa, porma at ang paggamit ng mga
pangkaranwiang slaita na ginagamit sa araw-araw ay nasaksihan din sa dulang
ito.

4. Teatro o Tanghalan
Mahusay at naayon ang tanghalan para sa dulang ito, sapagkat ang bilang ng
mga karakter ay sapat lamang sa espasyong mayroon ang tanghalan. Sa aking
ginawang panunuod, bagaman sa harap lamang ng entablado lumalabas, pasok ang
mga nagsisipagganap, tingin ko ay may sapat naming espasyo ang tanghalan para
mismo sa kanilang pagganap. Ang dulang ito ay masasabi kong isang yugtong dula-
dulaan sapagkat ito ay maikoi na binubuo lamang ng isang yugto.

5. Kahalagahan ng Dula

Ang kahalagahan ng dulang “Bakit babae ang naghuhugas ng pinggan”, ay ng


mga posibleng responsibilidad na dapat gampanan ng isang indibidwal.
QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Bachelor of Secondary Education

You might also like