(Template) Module 2-Sining NG Komunikasyon

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Commission on Higher Education

CORDOVA PUBLIC COLLEGE


Gabi, Cordova Cebu
Modyul Blg. 2
Filipino 1 – Sining ng Komunikasyon

PANGALAN:_____________________________ Kurso, Taon at Seksyon:_______ Petsa ng pagkumpleto:_________

I. PAKSA: Filipino Bilang Wikang Pambansa


II. LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng modyul, ikaw ay inaasahang:

a) Naipapaliwanag ang konsepto ng kasaysayan ng Wikang Pambansa at Batas Pangwika


b) Nasusuri at naiisa-isa ang mga mahahalagang pangyayari o kaganapan tungo sa pagkakabuo,
pagbabago, pag-unlad at pagkatatag ng wikang pambansa.
c) Nakapag-bibigay ng ilang mahalagang konsepto na natutunan sa salitang Filipino.
d) Napapahalagahan ang bawat pangyayaring naganap sa pagkakatatag ng Wikang Pambansa sa pag-
unlad, paglilinang at pagpapalaganap nito sa pamamagitan ng patuloy na paggamit, pagbabago at
pananaliksik ng mga makabagong pag-aaral batay sa wikang naaayon sa makabagong panahon.

III. MGA MAPAGKUKUNAN:


Book: Filipino 1. Komunikasyon sa Akademikong Filipino Authored by: Cid V. Alcaraz, Magdalena O. Jocson,
Patrocinio V. Villlafuerte

IV. ARALIN:

Filipino Bilang Wikang Pambansa

Ang wikang pambansa ay ang wikang pinagtibay ng pambansang pamahalaan at ginagamit ito sa pamahalaan at
pakikipag-ugnayan sa mga mamamayang kanyang sakop. At kung ang bansa ay multilinggwal na tulad ng Pilipinas,
dapat lamang asahan na ang wikang pambansa ang magiging tulay na wika sa pag-uugnayan ng iba’t-ibang pangkat-
etniko sa kapuluan na may kani-kanilang katutubong wikang pambansa.

Definisyon ng Filipino

Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng kumonikasyon ng mga etnikong
grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay, ang Filipino ay dumaraan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng
mga panghihiram sa mga wika ng Pilipinas at mga di katutubong wika at sa ebolusyon ng iba’t ibang varayti ng wika
para sa iba’t ibang sitwasyon, sa mga magsasalita nito na may iba’t ibang sanligang sosyal, at para sa mga paksa ng
talakayan at iskolarling pagpapahayag.

Paraan ng pagdedebelop

Ang unang pariralang ginamat sa pagtukoy sa wikang pambansa ay “ pambansang wika ng Pilipinas na batay sa
Tagalog” sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na nilagdaan ng Pangulong Manuel L. Quezon noong
Disyembre30, 1937 alinsunod sa rekomendasyon ng unang Lupon ng surian ng Wikang Pambansa batay sa mga
resulta ng mga pag-aaral na itinakda ng Batas ng Komonwelt Blg. 184,s. 1936.Pagkaaraan sa dalawampung taon ng
paggamit at pagtuturo sa wikang pambansa, nilagdaan ni Kalihim Jose E. Romero ng Edukasyon at Kultura ang
Memorandum pangkagawaran Blg. 7 Noong Augusto 13, 1959, nag nag-aatas sa paggamit ng katawagang “ Pilipino”
sa pagtukoy sa wikang pambansa upang maikintal sa wikang pambansa ang di mapapawing katangian ng ating
pagkabansa.” At ang konstitusyon ng 1987 ay nagtadhana na dapat magsasagawa ng mga hakbang ang Batasang
Pambansa tungo sa paglinang at pormal na pagpapatibay ng isang panlahat na wikang pambansa na tatawaging”
Filipino” at hanggat walang ibang itinadhana ang batas, ang Ingles at Pilipino ang magiging wikang opisyal.

Paano nagsimula ang paglinang ng wikang pambansa?

Nagsimula ang pormal na mga hakbang sa paglinang ng wikang pambansa sa bisa ng konstitusyon ng 1935 Artikulo
XIV, Seksyon 3 na nagtatadhana na, “Dapat magsasagawa ng mga hakbang ang Pambansang Asemblea tungo sa
paglinang at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na mababatay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika,”

Tagalog at Pilipino

Sa maraming taon, ang Wikang pambansa at ang Tagalog ay iisa rin. Subalit narito ang kalagayang dapat linangin.
Ang pagkakapili ng Pilipino bilang katawagang ang kahulugan ay Wikang Pambansang Batay sa Tagalog ay udyok
ng hangaring mapadali ang pagtanggap ng mga rehiyonalistang di- tagalog, bagamat hindi gaanong naiibigan ng mga
makadalisay sa pananagalog at ng mga ibang nalulungkot sa pagkawala ng tawag na tagalog sa Wikang Pambansa.
Pilipino ay isang wikang pambansa batay sa tagalog. Tagalog – tumutukoy sa wikang katutubong batayan sa Pilipino.

1987- Konstitusyo ng Pilipinas – Artikulo XIV – Sek. 6

Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa
salig sa umiiral nga mga Wika ng Pilipinas at sa iba pang wika.”

Mariz E.Yagong – CPC Instructor G-mail Account: [email protected]


Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaring ipasya ng Kongreso. Dapat magsagawa
ng hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum na
opisyal ng komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.

Frame ng Tungkulin / Tungkulin ng Wika

● Pang-interaksyunal – Nakapanatili/ nakapagpapatatag ng relasyong sosyal


● Pang-instrumental – Tumutugon sa mga pangangailangan
● Panregulatori – Kumokontrol/gumagabay sa kilos at asal ng iba
● Pampersonal – Nakapagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon
● Pang-imahinasyon – Nakapagpapahayag ng sariling imahinasyon sa malikhaing paraan
● Pangheuristiko- Naghahanap ng mga impormasyon o datos
● Pang-impormatib- Nagbibigay ng impormasyon o datos

Paano nagsimula ang pagtuturo ng wikang pambansa sa mga paaralan?

Sa bisa ng kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 (abril 1, 1940) na inilagda ng Pangulong manuel l. Quezon na
pagpahintulot din sa pag-iimprenta ng Diksyunaryo at ng balirala ng Wikang Pambansa. Ang wikang pambansa ay
itinuturo sa mga paaralang pambubliko at pribado simula noong Hunyo 19, 1940.

Paano naging wikang opisyal ang wikang pambansa?

Sa bisa ng batas ng Komonwelt Blg. 570 (Hulyo 7, 1940) ang wikang pambansa ay ipinapahayag bilang wikang opisyal
simula Hulyo 4, 1946.

Ilang Porsyento ng poysento ng populasyon ng Pilipinas ang nakauunawa, nakakabasa, nakapagsasalita at


nakakasulat ng wikang Filipino?

Ayon sa sarbey na ginawa ng Social Weather Station at ang Ateneo de Manila University mga apat na taon na ang
nakalilipas, mga 92% - nakakaunawa ng wikang Filipino, 88% - ang nakakabasa 83%-ang nakapagsasalita at 82% -ang
nakakasulat.

Ang apat na pinakamalaganap na wikain sa Pilipinas

● Sebuwano, Tagalog, Hiligaynon at Ilokano

Mga Lingua Franca ng Pilipinas – itinuturing na pangalawang wika ang wikang hindi katutubo na ginagamit sa
pakikipagtalastasan.

Hilagang Luzon – Ilokano

Timog Luzon – Tagalog

Bisaya at Mindanao – Sebuwano

V. AKTIBIDAD:
I. Sa pamamagitan ng pamaraang clustering, ibigay ang ilang mahalagang konsepto na natutunan sa salitang
Filipino. Pagkatapos, bumuo ng isang talata ng pagsasama-samahin ang mga konsepto na isinulat na
maaring bumuo ng isang malawak na kaisipan sa salitang Filipino.

Filipino

Nabuong talata:
_______________________________________________________________________________________
____________________________________________________________ …
VI. Ebalwasyon o Pagsusulit
I. Paghambingin sa pamamagitan ng diagram ang mga salitang Filipino, Pilipino, at Tagalog.

Mariz E.Yagong – CPC Instructor G-mail Account: [email protected]


Tagalog

Filipino
Pilipino

II. Gawin ang sumunod:

1. Ipaliwanag ang definisyon ng Filippino na nakasaad sa Artikulo XIV, Sek. 6 ng Konstitusyon ng Pilipinas mula
1987 hanggang sa kasalukuyan.

_________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________...

Mariz E.Yagong – CPC Instructor G-mail Account: [email protected]

You might also like