Panitikan Sa Rehiyon 3 (Gitnang Luzon)
Panitikan Sa Rehiyon 3 (Gitnang Luzon)
Panitikan Sa Rehiyon 3 (Gitnang Luzon)
SPECIALIZATION 317
Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya (II) Panitikan ng Pilipinas
Ang Gitnang Luzon ay isang malaking kapatagan kung saan inaani ang karamihan sa
bigas na kinakain sa araw-araw. Ang mga probinsya o lalawigang bahagi ng Gitnang Luzon
ay Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Tarlac, Zambales at Pampanga.
Ang Pampanga ay hango sa salitang pampang o pampangan na ang ibig sabihin ay
tabing ilog. Mangilan-ngilan lamang ang kanilang literatura bago dumating ang mga Kastila
kaya napakadaling naimpluwensiyahan ang panitikan nila nang dumating ang mga Kastila.
Lalo na ng dumating ang mga Amerikano.
Ilan sa mga kilalang manunulat ng Rehiyon 3 ay sina Virgilio S. Almario, Julian
Cruz Balmaceda, Aurelio Tolentino, Jose Corazon de Jesus, Aniceto dela Merced, Marcelo
H. del Pilar, Francisco Baltazar, Florentino Collantes, Teodoro Giner, Cinco H. Panganiban,
Valeriano Hernandez Peña at Juan Crisostomo Sotto.
Etno-Linggwistiko:
● Tagalog ● Kapampangan
● Ilokano ● Pangasinense
Kabuhayan
● Pangingisda, paghahayupan, pagsasaka, pagmimina, pagtotroso, at paggawa ng asukal
at produktong yari sa rattan. Idadagdag pa ang mga parol na may pandaigdigang
kalidad.
● Kilala rin ang lugar sa mga pangunahing produkto katulad ng bigas, mais, isda,
kawaya, at mineral tulad ng ginto, tanso, at iba pa.
Panitikan ng Kapampangan
Awiting Bayan
● Basulto - ito ay naglalaman ng mga matatalinghagang salita na pangkaraniwang
ginagamit sa pagpapastol ng mga kambing, baka, kalabaw, at iba pang mga hayop.
● Goso - tumutungkol sa moralistikong aspekto ng kanilang kalinangan. Ito ay may
tiyak na aral at inaawit sa saliw sa gitara, biyolin, at tamburin tuwing araw ng mga
Patay.
● Pamuri - nag-ugat sa salitang “puri” at inihahanay sa isang uri ng awit ng pag-ibig na
Kapampangan.
● Pang-obra -nagpapakita ng pagpapahalaga sa mga gawain ng mga Kapampangan.
● Paninta - awit bilang pagpaparangal ng mga Kapampangan sa isang hayop, bagay,
lugar o tao na kanilang labis na pinapahalagahan. Ipinalalagay din itong isang awit ng
pag-ibig.
● Sapataya - awiting bnag-uuganay sa mga kapampangan sa kanilang paniniwalang
politikal. May himig ito ng pangangatwiran o pagtatalo habang sinasaliwan ng isang
sayaw sa saliw kastanyente.
● Diparan - naglalaman ng mga salawikain at kasabihan ng mga Kapampangan. Ang
kanilang paksa ay hango sa katotohanan na kanilang naranasan sa buhay.
Dula
● Karagatan - inihahayag sa paraang patula ang pagsasadula ng kanilang karagatan.
Ito ay nag-ugat sa kanilang kasaysayan ng isang prinsesa na sadyang naghulog ng
singsing sa dagat upang mapakasal sa katipang mahirap na maninisid ng perlas.
● Duplo - ito’ay nilalaro rin sa lamayan ng mga patay kung saan nagpapaligsahan ang
mga kalahok sa laro sa kanilang husay sa pagtula.
● Kumidya - laging hango sa pag-iibigan ng isang prinsepe at prinsesa. Ang labanan ng
mga Kristiyano at Muslim ang binibigyann ng mahalagang bigat dito at laging
nagtatapossa pagtatagumpay ng mga Kristiyano at pagbibinyag ng mga muslim sa
Kristiyanismo.
● Zarzuela - mula sa zarzuela ng mga kastila na nag-ugat sa lugar kung saan ito ang
unang itinanghal sa Espanya ang , Zarzuela de la Provincia de Guenco.
Lalawigan ng Nueva Ecija
● Ito ay may pinakamalawak na lupain sa rehiyon 3
● Tinaguriang palabigasan ng Pilipinas na nasa hilagang-silangang bahagi ng gitnang
luzon.
● Ito ay may kabuuang sukat na 560,220 kilometro parisukat.
● 1705 - pinangalanang Nueva Ecija ang lalawigan ng isang kastila na nagngangalang
Cruzan alinsunod sa ngalan ng kanyang bayan sa Espanya, ang Ecija, Seville.
Akdang Panrelihiyon
Pasion
❖ Isang akdang panrelihiyon na naglalaman ng buhay at pagpapakasakit ni Hesukristo.
Cenakulo
❖ Isang paraan ng pagpapahayag ng akdang ito.
❖ Pagsasabuhay ng paghihirap ni Kristo hanggang sa kanyang kamatayan.
Bugtong
Mataas kung nakaupo Ako’y may isang katotong irog
Mababa kung nakatayo Saanman paro’y kasunod-sunod
Sagot: Aso Mapatubig ay di nalulunod
Mapaapoy ay di nasusunog
Sagot: Anino
Salawikain
Ang sakit ng kalingkingan,
Damdam ng buong katawan.
Panunudyo
Bata batuta
Isang bao ang muta.
Tiririt ng Maya,
Tiririt ng ibon,
Ibig mag-asawa
Walang ipalamon.
Awiting Bayan
Atin Cu Pung Singsing (Pampanga)
Atin cu pung singsing
Metong yang timopucan
Amana que iti,
Ong indung ibatan;
Sangcan queng sininup,
Ong metong acaban,
Mewala ya iti,
Ecu camalayan
Si Binibining Phathupats
Ni: Juan Crisostomo Soto
Mga tauhan:
Binibining Yeyeng/Phathupats
Sundalong mag-aaral
Matandang Goduing Pakbong - ama ni Yeyeng
Mga ka-nayon
Tagpuan:
Paaralan
Bayang X
Bb. Yeyeng/Phathupats
Punung-puno ng kolorete ang kanyang mukha. Ipinanganak siya sa isang sulok ng Pampanga,
sa pinakamaliit na bayan nito. Siya ay Pilipina mula ulo hanggang paa; at kahit sa dulo ng
kanyang buhok ay Kapampangan siya.
Buod
Si Yeyeng ay mula sa ‘liblib na pook,’ mahirap lamang kaya’t siya’y nagtitinda ng ginatan at
bitso-bitso, na maaari ring eupemismo lamang ng pagbebenta ng laman. Nang makapasok sa
paaralan si Binibining Yeyeng dahil sa isang Amerikanong sundalo ay natuto siyang mag-
Ingles. ‘Di nagtagal ay hindi na siya nagsasalita ng Kapampangan na siya niyang talagang
wika dahil nakalimutan na raw niya ito at ito ay matigas sa dila. Sa huli ay pinagtawanan siya
ng mga nakakakilala talaga sa kanya at sa sobrang inis siya ay napamura sa wikang
Kapampangan.