Rehiyon X Report
Rehiyon X Report
Rehiyon X Report
(Hilagang Mindanao)
MGA MAGUULAT:
AIRA MAE MAMBAG
CESARIUS JOSHUA MATEO
REHIYON
X:HILAGANG
MINDANAO
REHIYON X: HILAGANG MINDANAO
• May populasyon na 3,505,708
• May sukat na 16,924.9 sq. km
• Ang karaniwang wikang ginagamit dito ay
Cebuano, Maranao, Manobo, Tagalog atbp.
KALIGIRANG KAALAMAN UKOL
SA REHIYON
Ang mga pangunahing produkto ng Rehiyon
X ay abaka, pinya, niyog, kape, palay, saging,
lansones at troso. Matatagpuan din dito ang
malalaking deposito ng mineral tulad ng
chromite, manganese, ginto, luwad, apog at
bakal.
Ang pangunahing hanapbuhay sa Hilagang
Mindanao ay ang pagsasaka, pangingisda at
pagmimina.
MGA LALAWIGANG
BUMUBUO SA REHIYON
Ang mga lalawigang bumubuo sa
rehiyon ay ang Bukidnon, Camiguin,
Misamis Occidental, Misamis Oriental at
Lanao Del Norte. Ang sentrong
pangrehiyunal ay sa Lungsod ng Cagayan
de Oro.
Mga lalawigang Bumubuo sa Rehiyon:
Mga lalawigan ng Rehiyon X
• Bukidnon
• Kabisera: Malaybalay City
• Camiguin
• Kabisera: Mambadjao
• Misamis Occidental
• Kabisera: Oroquieta City
• Misamis Oriental
• Kabisera: Cagayan De Oro City
• Lanao Del Norte
• Kabisera: Tubod
BUKIDNON
• May sukat na 10,498.59 sq. km
• May populasyon na 1,541,308
• Binubuo ng 2 Lungsod , 20 Bayan , 464 Barangay, 3
distrito
• Ang kabisera nito ay ang lungsod ng Malaybalay.
• Ang pangunahing hanapbuhay sa lalawigan ay pagsasaka
at pagaalaga ng mga hayop.
• Ang pangunahing produkto ng lalawigan ay palay, mais,
pinya, saging at tubo.
• Ang Mount Kitanglad ay isang bulkan na matatagpuan
sa Bukidnon. Ito ay may sukat na 2,899 meters at ito rin
ang pang-apat sa pinaka mataas na bundok na sa
Pilipinas.
• Ang Pulangi River naman ay isang ilog nakadugtong sa
Rio Grande de Mindanao. Ito ang pinakamahabang ilog
sa Bukidnon at pang-lima naman sa Pilipinas.
• Ang Monastery of Transfiguration ay isa sa pinaka-
kilalang gusali na matatagpuan sa Malaybalay City. Ang
nag disenyo nito ay si Leandro Locsin isa sa National
Artist for Architecture. Ang Monastery of
Transfiguration ay tirahan ng mga Benedictine monks.
CAMIGUIN
• Ito ay may sukat na 237.95 sq. km
• May populasyon na 92,808
• Ito ay binubuo ng 5 Bayan at 58 Barangay
• Ang kabisera ng lalawigan ay Mambajao
• Ang Camiguin ay ang pangalawang pinakamaliit na
lalawigan sa Pilipinas.
• Ang pangunahing hanapbuhay dito ay pangingisda at
pagsasaka.
• Ang mga pangunahing produkto ng lalawigan ay
Kopra, abaka, manga at lanzones.
• Ang mga pangunahing produkto ng lalawigan ay Kopra,
abaka, manga at lanzones.
• Ang Bulkang Hibok-Hibok ang huling bulkang
pumutok dito noong 1953, na nananatiling isang
aktibong bulkan. Dineklara ng ASEAN ang Bulkang
Hibok-Hibok bilang isang heritage park.
• Ang Mantigue Island Nature Park ay isang isla na
pinagmamalaki ng Camiguin dahil sa pino at
napakaputing buhangin. Sa sobrang linis ng tubig sa
isla, makikita mo kaagad ang mga coral reefs, isda at
mga seaweed na nakapalibot dito. Ang mga turista ay
maaaring mag snorkeling, mag swimming at mag
diving.
MISAMIS OCCIDENTAL
• Ito ay may sukat na 2,055.22 sq. km
• May populasyon na 617,333.
• Ito ay binubuo ng 14 bayan, 3 lungsod, 2 distrito at 490
barangays.
• Ang kabisera ng lalawigan ay Oroquieta.
• Ang salitang “Misamis” ay galing sa salitang Subanen na
“kuyamis” na isang uri ng buko.
• Ang pangunahing hanapbuhay sa lalawigan ay pangingisda at
pagsasaka.
• Ang mga pangunahing produkto sa lalawigan ay buko o niyog,
palay, mais, abaca, kape, cacao at goma.
• Ang mga wikang sinasalita sa lalawigan ay Cebuano,
Subanen, Tagalog at English.
• Ang Bawbawon island ay isa sa dinarayo ng mga turista
sa Misamis Occidental. Isa sa mga pinagmamalaki ng
Bawbawon Island ay ang napakalinaw na tubig at
napakapinong buhangin. Pinagmamalaki din nila ang mga
Mangroove tree na patatagpuan din sa isla.
• Ang Caluya Shrine ay matatagpuan sa Sapangdalaga,
Misamis Occidental. Ito ay isang replika ng Rio de
Janiero’s statue of Jesus Christ the Redeemer sa Brazil.
Bukod sa sariwang hangin, makikita rin mula sa taas ng
bundok ang Caluya Bay at Murcielagos Bay.
MISAMIS ORIENTAL
• Ito ay may sukat na 3,131.52 sq. km
• May populasyon na 956,900
• Ito ay binubuo ng 23 Bayan, 2 Lungsod, 2 Distrito at 424
barangays. Ang lungsod ng Cagayan de Oro itinuturing na
“independent city”
• Ang kabisera ng Lalawigan ay ang Cagayan de Oro City.
• Ang pangunahing hanapbuhay sa lalawigan ay pagsasaka at
produksyon ng bakal, mineral, goma at pagkain.
• Ang mga pangunahing produkto sa lalawigan ay pagaangkat
ng pinya at bakal na ginagamit sa paggawa ng mga barko.
• Ang mga wikang ginagamit sa lalawigan ay Cebuano,
Higaonon, Maranao, Subanon, Tagalog at English.
• Ang Sagpulon Falls ay matatagpuan sa Brgy. San
Isidro, Jasaan, Misamis Oriental. Ito ay may taas na
halos 45.7 metro.
• Ang Mount Balatukan ay isang bulkan na
matatagpuan sa Misamis Oriental. May taas itong
2,560 na metro. Ang bunganga ng bulkang ito ay
hugis tatsulok.
LANAO DEL NORTE
• Ito ay may sukat na 3,346.57 sq. km
• May populasyon na 722,902
• Ito ay binubuo ng 22 bayan, 462 barangay at ang
lungsod ng Iligan ay itinuturing na “independent
city”.
• Ang kabisera ng lalawigan ay ang Tubod.
• Ang pangunahing hanapbuhay sa lalawigan ay
pagsasaka at pangingisda.
• Ang mga pangunahing produkto ng lalawigan ay
• Matatagpuan din sa Lanao Del Norte ang Agus
hydropower plant na nagbibigay ng halos 80% na
kuryente sa buong Mindanao.
• Ang Maria Cristina Falls o tinatawag ding “twin falls”
ay matatapuan sa lalawigan ng Iligan. Ito ay may taas
na 98 metro. Ito rin ang ginagamit sa Agus VI
Hydropower Plant upang makapagbigay ng kuryente.
• Ang Pagayawan Falls ay matatagpuan sa Lanao del
Norte. Nahahati ang talo sa tatlong parte o patong. Isa
sa pinagmamalaki ng talon a itoay ang malinaw at
malamig na tubig.
MGA KILALANG
MANUNULAT SA
REHIYON X
Emmanuel Lacaba
• Emmanuel Agapito Flores Lacaba o mas kilala
bilang Eman Lacaba. Tinatawag din siya bilang
“Poet Warrior” of the Philippines.
• Ipinanganak noong Disyembre 10, 1948 sa
Cagayan de Oro City, Misamis Oriental.
• Lumipat ang kanyang pamilya noong siya ay
pitong taong gulang at siya rin ay nag-aral sa
Ateneo de Manila University.
• Naging miyembro din siya ng Panulat Para sa
Kaunlaran ng Sambayanan (PAKSA) at ng
New People’s Army.
• Namatay siya noong Marso 18, 1976 sa Tucaan
Balaag, Asuncion, Davao del Norte. Siya ay 27
gulang.
Ilan sa mga akda niya ay ang mga
sumusunod:
• Pateros Blues at Open Letters to Filipino Artists ay
dalawang tula na isinulat ni Lacaba. Inilathala ito ng
magasin na “Bomb” kasama ng iba pang akda ng mga
pilipinong manunulat.
• “Awit ni Kuala” ay isang awit na isinulat ni Lacaba at
kinanta ni Lolita Rodriguez at ginamit ito sa
pelikulang “Tinimbang Ka Ngunit Kulang”
Francisco R. Demetrio
• Ipinanganak noong Hunyo 18, 1920 sa Cagayan de
Oro City
• Nakapagtapos ng pag-aaral sa St. Agustine school at
Ateneo de Cagayan de Oro.
• Tinapos ang Theology sa Woodstock College sa
Maryland
• Inordinahan bilang isang pari noong 1951
• Natanggap niya ang “Gawad CCP para sa SIning”
Ilan sa mga akda niya ay ang mga
sumusunod:
• Christianity In Context
• Ang kanyang liborong The Soul Book ay
nanalo noong 1991 National Book Award mula
sa Manila Critics Circle.
Jose F. Lacaba Jr.
• Kilala sa tawag na Pete Lacaba
• Ipinanganak noong August 20, 1945 sa
Cagayan de Oro City, Misamis Oriental.
• Nakakatandang kapatid ni Emmanuel Lacaba
• Unang namahayag tungkol sa mga gawain ng
“Student Activist Movement”.
• Nakamit ang “Carlos Palanca Award for
Literature 1983”
• Ilan sa mga akda niya ay ang mga
sumusunod:
• Isang tulang pinamagatang “Mga kagila-gilalas
na Pakikipagsapalarang Nagaganap” (1991)
• Sumulat din siya ng mga awitin tulad ng “Isang
Karaniwang Tao” na ginamit sa pelikulang
Jaguar at “Sangadaan” na ginamit din sa
pelikulang Sister Estella L.
Ito ang ilan sa mga akdang sinulat niya
na kinilala ng Manila Critic Circle:
• Sa Daigdig ng Kontradiksyon
• Days of Disquiet
• Nights of Rages
• Salvages of Poems
Iba pang manunulat sa
Rehiyon
• Lina Espina-Moore
• Reuben R. Canoy
• Miguel A. Bernard
• Albert Alejo
• Agustin Jadormeo Pagusara, Jr
Mga Panitikang sa
Rehiyon X
Limbay
• Ito ay galing sa lalawigan ng Bukidnon
• Karaniwang isinasagawa ito tuwing may pagtitipon
• Ito ay binibigkas nang paawit na punong-puno ng
damdamin.
HALIMBAWA NG LIMBAY:
Hari ng A Ag liko
Magbul-og magsininla ko
Iyang lalong ha otaw
Isan ko palasanah
Ho manguhapoy tagyunas
Sag tayun ta yunan mawili Bulalangan a ho balugto ta sabanga
Ho mahaganhan ha gagaw Isan ko abongan ah
Iyan ad bagad ho kanak Ko bito ha pigtabiran
Manti-ay-ay Manduraw
Manti-ay-ay Manduraw
Petite mother of Binanus
Yontok inay Binanus
It is not really a lie
Hura labi ka biro The flowers of my fancy
So kabukad ko hikdog koo At the middle of the night;
Sa liwada ko daluman It is not really false
The blossom of my dreams
Hura labi ka damalig
So bulak ko damago ko
Sala
• Isa rin itong tulang pasalaysay na mula sa
lalawigan ng Bukidnon.
• Nagpapahayag ito ng pagmamahal at
binibigkas ito ng paawit subalit nagpapahayag
ng patanong.
HALIMBAWA NG SALA:
• Sala Ko Hari Agkabayan-An (Song of
Unrequited Lover)
Idangdang
• Ito ay isang tulang pasalaysay na nauukol sa
mga tao at sa mga nangyayari sa kanyang
kapaligiran.
• Ito ay maririnig na inaawit sa Bukidnon
(Central Bukidnon)
• Kilala ito bilang “ballad” sa ingles.
HALIMBAWA NG
IDANGDANG
MINHAYON Helpfully spread
(The Rendezvous That Never Was) My one and only veil
Idiomatic translation Thought he was the one
I was singing the song Minahayon Ay, it was a cow
Then I went home
While going down the glade of
In every way I did go
Dagyangasun Purposely made a knot
Whether it rains or it pours In all the way I did go
It is our date with the cowboy I made a signal was there
It is our appointment with the
hardboy
Cowboy of Mimison
Hardboy of talahiron
MGA PANITIKAN SA
REHIYON X
Alamat
• Ang alamat ay isang uri ng kuwentong bayan at panitikan na
nagsasalaysay ng mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa
daigdig.
• Halimabwa ng Alamat sa Rehiyon X Ang Guimad (Alamat
mula sa Misamis Occidental)
• Noong unang panahon, si Gu-i-mad, isang pangulo ng mga
subanon sa isang kilalang lugar. Siya ay matulungunin,
mapagbigay, at mayroong maayos na pananaw sa kanyang mga
nasasakupan. Isa siya sa mga taong mayroon ding nalalaman sa
pagpapagaling sa mga hindi kalalakihang sakit. Madali siya
lapitan ng mga tao, hindi siya maramot sa mga taong
nangangailangan sa kanyang tulong. Ginagalang siya sa lahat ng
mga tao pati na rin sa mga malalaking tao sa ibang tribo.
• May isang araw na kinailangan niyang pumunta sa isang lugar
para sa gawing usapan. Sinakyan niya ang kanyang kabayo para
puntahan ang lugar sa isa niyang kaibigan. Sa panahon na siya’y
papauwi na, malakas na malakas ang ulan at hangin. Sa hindi
inaakalang pangyayari, biglang humampas ang malakas na baha.
• Sa kasawiang palad, natangay siya ng baha pati na rin ang
kanyang kabayo at hindi na siya nakita. Sa pasikat ng
araw, nakita ng mga tao si Gu-i- mad sa gilid ng sapa na
wala ng buhay at may maraming mga pasa sa katawan.
• Ilang araw ang nakalipas matapos ang pangyayaring ito,
napagdisisyunan ng mga tao na Guimad ang ipapangalan
nila sa kanilang lugar, dahil na rin sa pagpapaalala sa
kabutihang nagawa ni Gu-i-mad. Napagkasunduan din nila
na ibahin ang nakarehistro. Naging Guimad ang nasabing
lugar na hango kay Gu-i-mad na pangulo ng mga subanon
noon. Hanggang ngayon, ito na ang pangalan ng lugar na
ito.
Pabula
• Ang pabula ay isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan
ang mga hayop o kaya mga bagay na walang-buhay ang
gumaganap na mga tauhan.
• Halimbawa ng Pabula s Rehiyon X Ang Palaka at ang Daga
(Pabula mula sa Bukidnon)
• Isang araw masayang namamasyal ang
magkaibigang palaka at daga sa isang kagubatan.
Sa kanilang pamamasyal napansin ng palaka na
silay napalayo na ng husto sa kanilang tirahan,
kaya ito ay kanyang sinabi kay daga munit ang
sabi lamang ng daga.
• “Wag kang mag-alala alam ko ang pasikot sikot
sa gubat".
• At nagpatuloy lang sa paglalakad ang daga na
sinundan na lamang ng palaka.
• Makaraan ang ilang saglit na paglalakad ng dalawang
magkaibigan sa gitna ng kagubatan. Sila'y nakarinig ng
huni ng pusa, sa narinig ng magkaibigan sila'y
napakaripas ng takbo munit si daga ay nalito sa dalawang
daanan. Ngunit Alam ni palaka ang daan.
• “Sa kanan” wika ni palaka na siyang tunay na tamang
daanan.
• “Hindi sa kaliwa kontra naman ni daga sa sinabi ni
palaka".
• Walang nagawa si palaka kundi tuloyang iwan si daga na
dumaan sa di-tamang daanan at bago makalayo si palaka
natanaw niyang pinag-tulungtulungan ng mga pusa si
daga.
Tula
• Ang tula o panulaan ay isang masining na anyo ng panitikan na
naglalayong maipahayag ang damdamin ng makata o
manunulat nito.
• Ilan sa mga halimabawa ng Tula mula sa Rehiyon X ay ang
Panlalang Hu Laga o Panligaw sa isang Dalaga.
PANLALANG HU LAGA
Diwata ha linibeng
Tumpas ha tinaghanaw
Tinaghanaw hu buntud
Tampuyung ha imbatal
Buntura induluna
Imbatal hu diwata
Buntura aghayhayunan
Hayhayunan hu tupas
Ku balian nu diwata
PANLILIGAW NG ISANG DALAGA
Patango-tango sa gilid at harap Nang panahong dalhin sa langit
Sintang pinakaiibig Nang sandaling pumaitaas
Ito ang aking minimithi Si Gininlawan Binatug
Ito ang nais ng aking isip Sa langit ng kasiyahan
Na tayo ay makisama sa mga wagas Sa langit ng kaligayahan
Na tayo ay makipagtipon sa mga diwata Ang lugar ng walang kamatayan