Edukasyon Sa Pagpapakatao

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 15

Edukasyon sa

Pagpapakatao 1
Edukasyon sa Pagpapakatao – Unang Baitang
Unang Markahan – Modyul 16: Aming Kasambahay, Kasapi ng Pamilya
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Dibisyon ng Pasig


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Ronalyn D. Niogan
Editors: Marieta M. Limbo EdD, Rebecca B. Alan, Rose B. Impuesto
Tagasuri: Perlita M. Ignacio, RGC PhD
• Nilalaman: Joan M. Balat, Sylvia G. Custodio
• Wika: Carina S. Javier, Ana Mae F. Santos
Tagasuri (teknikal): Ronalyn D. Niogan, Eufremia B. Volante
Tagaguhit: Nicole Castro, Edison P. Clet, Eufremia B. Volante
Tagalapat: Ronalyn D. Niogan, Eufremia B. Volante

Tagapamahala:

Ma. Evalou Concepcion A. Agustin Liza A. Alvarez, EPS - Science


OIC-Schools Division Superintendent Teresita P. Tagulao, EdD, EPS Mathematics
Carolina T. Rivera, CESE Joselito E. Calios, EPS – English
Assistant Schools Division Ma. Teresita E. Herrera, EdD, EPS Filipino
Superintendent Bernard R. Balitao, EPS – Araling Panlipunan
Norlyn D. Conde, EdD, EPS MAPEH
Manuel A. Laguerta, EdD
Perlita M. Ignacio, PhD, EPS - EsP
Chief, Curriculum Implementation
Librada L. Agon, EdD, EPS EPP
Division
Dulce O. Santos, PhD, EPS Kindergarten/MTB-MLE
Victor M. Javeña, EdD Susan L. Cobarrubias, EdD, PSDS - Special
Chief, School Governance and Education Program
Operations Division Wilma Q. Del Rosario, EPS - LRMS/ADM

Inilimbag sa Pilipinas ng Dibisyon ng Pasig City


Department of Education – National Capital Region
Office Address: Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City
Tel: (02) 8641-88-85, (02) 8628-28-19
E-mail Address: [email protected]
Edukasyon sa
Pagpapakatao 1
Unang Markahan
Modyul 16 Para sa Sariling Pagkatuto
Aming Kasambahay,
Kasapi ng Pamilya
Paunang Salita
Para sa Tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 1


Modyul 16 Aming Kasambahay, Kasapi ng Pamilya!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinesenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamahala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan, at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika 21 siglo lalong-lalo na ang 5 C’s
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob ng kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan,
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa Mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 1, Modyul 16 ukol


sa araling Aming Kasambahay, Kasapi ng Pamilya.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan
upang malinang ang sariling kakayahan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga
makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman ukol sa paksa.
BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong natutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.
MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.
PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibinuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga
PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa iyong mga
pagpapahalaga.
PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mag-aaral.
INAASAHAN

Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang ikaw ay


nakatutukoy ng mga kilos at gawain na nagpapakita ng
pagmamalasakit sa kasambahay.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Iguhit ang masayang mukha ( )kung tama ang


isinasaad ng pangungusap, at malungkot na mukha ( )
kung mali.
________ 1. Gumamagawa ako nang tahimik upang hindi
makaabala sa iba.

________ 2. Iniiwasan kong ang sumali sa usapan nina


nanay at aming kasambahay kung hindi
naman ako ang kinakausap.

________ 3. Tinatanong ko ang aming kasambahay


kung nakakain na siya.

________ 4. Hindi ako mag-iingay kapag nagpapahinga


ang aming kasambahay.

________ 5. Nakangiti ako kapag may pinapagawa sa


aming kasambahay.

1
BALIK-ARAL

Panuto: Magbigay ng mga gawain na nagpapakita ng


pagkakaisa ng pamilya. Piliin ang angkop na salita sa
kahon.

tutulungan tatanungin tatahimik


lilibangin tutulong itutulak
hindi manggugulo

1. Ako ay ____________ kapag hindi maganda ang


pakiramdan ni Nanay.

2. Ako ay ____________ kapag may kausap si Tatay.

3. Ako ay ____________ kapag may online na trabaho


si Kuya.

4. ____________ ko si Ate kapag may ginagawa


siyang palamuti.

5. ____________ ko si Lolo kung may gusto siyang iabot


ko sa kanya.

6. ____________ ko si Lola kapag nalulungkot siya.

2
ARALIN

Ang kasambahay ay nakatutulong sa pamilya


upang makapagtrabaho ang iyong mga magulang. Siya
ang nag-aasikaso ng inyong pangangailangan tulad ng
pagkain, mga damit, paglilinis ng bahay o di kaya naman
ay pag-aalaga ng bata, dahil dito, dapat ipakita ang
pagmamalasakit sa kanila.
Basahin ang kuwento tungkol kay Leni, ang
kasambahay nina Henry.

Matagal na akong nagtatrabaho sa pamilyang


Santos bilang kasambahay. Tumagal ako dahil sa
kabaitan ng pamilya sa akin. Kapag mabigat ang
trabaho, tinutulungan ako ng mga anak nila.
Nang minsang nagkasakit ang aking nanay na
nasa probinsiya, pinayagan nila akong umuwi, at
nagpadala pa sila ng tulong. Ang pamilyang
Santos ay para ko na ring sariling pamilya sapagkat
may malasakit sila sa akin.

Isipin mong si Leni ay kasambahay ng iyong pamilya.


Ano ang nais mong sabihin sa kanya? Gumawa ka
ng sulat para sa kanya sa kahon.

3
MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1
Panuto: Kulayan ang larawang nagpapakita ng
pagmamalasakit sa kasambahay.

1 2

4
Pagsasanay 2:
Kapag may ipinapagawa ka sa inyong kasambahay,
dapat maging magalang ka sa pagsasabi.

Panuto: Isulat sa ibaba kung ano ang sasabihin mo sa


kanya:

1. Kapag gusto mong ipaabot ang gamit,

“_________________________________________”

2. Kapag gusto mong humingi ng pagkain,

“________________________________________”

3. Kapag magpapahatid ka sa eskuwela,

“________________________________________”

4. Kapag magpapatulong kang magbuhat ng


gamit,

“_________________________________________”

5. Kapag may ipabibili ka sa tindahan,

“_________________________________________”

5
Pagsasanay 3:
Maraming alam gawin ang kasambahay. Ano ang gusto
mong ituro niya sa iyo kapag mayroon siyang oras?

1._____________________________________________

2._____________________________________________

3._____________________________________________

PAGLALAHAT

Ano-ano ang mga gawin upang maipakita


ang pagmamalasakit sa inyong kasambahay? Ang
pagmamalasakit ay ipinapakita sa gawa, hindi sa salita
lamang tulad ng:

1. _______________________________________________

2. _______________________________________________

3. _______________________________________________

4. _______________________________________________

6
PAGPAPAHALAGA

Panuto: Buohin ang tugma. Hanapin ang angkop na


salita sa loob ng kahon sa ibaba.

Ipadama kasambahay
bahay buhay

Lagi nating _____________________ ang


pagmamalasakit sa _____________________. Kasama
natin sa _____________________. Alalay siya sa ating
_____________________.

7
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Isulat sa patlang ang Tama kung ang


pangungusap ay nagpapahayag ng tama at Mali kung
ito ay mali.

____________ 1. Iwasang magsalita nang masama sa


kasambahay.

____________ 2. Alamin kung ang kasambahay kung


nakakain na.

____________ 3. Alalayan ang kasambahay kapag


kailangan at kung kaya mo.

____________ 4. Agawin ang sulat na para sa


inyong kasambahay.

____________ 5. Itago ang cellphone ng


kasambahay kapag naiinis ka sa
kanya.

8
9
Pagsasanay 2:
Paunang Pagsubok:
1. “Pakiabot nga po”
2. “Pahingi nga po” 1.
3. “Pahatid nga po” 2.
4. “Patulong nga po” 3.
5. “Pakibili nga po” 4.
5.
Pagsasanay 3:
Magkakaiba ang sagot
Balik-aral
1. tutulong sa trabaho
Paglalahat 2. tatahimik
Magkakaiba ang sagot 3. hindi manggugulo
4. tutulungan
5. tatanungin
6. lilibangin
Pagpapahalaga
-ipadama Aralin:
-kasambahay 1. Vilma. Beth, Tonyo,
-bahay Tatay Ruben, Lola
-buhay Marla,
2. Kailangang
dalhin si Lola Marla sa
ospital,
3. Masipag sa trabahong
Panapos na Pagsusulit: bahay ang mga bata,
1. Tama mapangunawa at
maalalahanin,
2. Tama
4. Pinagpalkiban ang
3. Tama
pamamasyal at ibinigay
4. Mali ang pera para sa gamut
5. Mali ni Lola Marla
Pagsasanay 1:
Magkakaiba ang sagot
SUSI SA PAGWAWASTO
SANGGUNIAN

Abac, Felamer., et al 2017 Edukasyon sa Pagpapakatao


Unang Baitang Kagamitan ng mga Mag-aaral
sa Tagalog, Binagong Edisyon

10

You might also like