Edukasyon Sa Pagpapakatao

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 15

Edukasyon sa

Pagpapakatao 1
Edukasyon sa Pagpapakatao – Unang Baitang
Unang Markahan – Modyul 1: Ang mga Sarili kong Gusto, Interes, at Potensyal
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Dibisyon ng Pasig


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Komite sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Jillian P. Sarmiento


Editors: Marieta M. Limbo EdD, Rebecca B. Alan
Tagasuri: Perlita M. Ignacio, RGC PhD
• Nilalaman: Joan M. Balat, Sylvia G. Custodio
• Wika: Carina S. Javier, Ana Mae F. Santos
Tagasuri (Teknikal): Jenelyn S. Saligumba, Eufremia B. Volante
Tagaguhit: Nicole A. Castro, Edison P. Clet, Eufremia B. Volante
Tagalapat: Eufremia B. Volante

Tagapamahala:

Ma. Evalou Concepcion A. Agustin Liza A. Alvarez, EPS - Science


OIC-Schools Division Superintendent Teresita P. Tagulao, EdD, EPS Mathematics
Carolina T. Rivera, CESE Joselito E. Calios, EPS – English
Assistant Schools Division Ma. Teresita E. Herrera, EdD, EPS Filipino
Superintendent Bernard R. Balitao, EPS – Araling Panlipunan
Norlyn D. Conde, EdD, EPS MAPEH
Manuel A. Laguerta, EdD
Perlita M. Ignacio, PhD, EPS - EsP
Chief, Curriculum Implementation
Librada L. Agon, EdD, EPS EPP
Division
Dulce O. Santos, PhD, EPS Kindergarten/MTB-MLE
Victor M. Javeña, EdD Susan L. Cobarrubias, EdD, PSDS - Special
Chief, School Governance and Education Program
Operations Division Wilma Q. Del Rosario, EPS - LRMS/ADM

Inilimbag sa Pilipinas ng Dibisyon ng Pasig City


Department of Education – National Capital Region
Office Address: Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City
Tel: (02) 8641-88-85, (02) 8628-28-19
E-mail Address: [email protected]
Edukasyon sa
Pagpapakatao 1
Unang Markahan
Modyul 1 Para sa Sariling Pagkatuto
Ang mga Sarili kong Gusto,
Interes, at Potensyal
Paunang Salita
Para sa Tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 1


Modyul 1 Ang mga Sarili kong Gusto, Interes, at Potensyal!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinesenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamahala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan, at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika 21 siglo lalong-lalo na ang 5 C’s
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob ng kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa Mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 1 ukol sa araling Modyul 1


Ang mga Sarili kong Gusto, Interes, at Potensyal!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.
PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.
BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
na unang paksa.
ARALIN
Talalakayin sa bahaging ito ang paksa sa Modyul na ito.
MGA PAGSASANAY
Pagbibigay ng guro ng iba’t-ibang pagsasanay na dapat
sagutan ng mga mag-aaral
PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibinuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyan halaga.
PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa iyong mga
pagpapahalaga..
PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mag-aaral.
INAASAHAN

Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang makikilala


mo ang sariling gusto, interes at potensyal.

PAUNANG PAGSUBOK

Handa ka na ba sa aralin? Subukin natin ang iyong


kaalaman ukol sa ating aralin ngayon.
Bilugan ang iyong gusto, interes at potensyal.

1
BALIK-ARAL

Noong ikaw ay mas bata, ano ang gusto mong


gawin kapag nasa bahay ka? Ngayong nasa bahay ka
palagi at hindi makalabas dahil sa COVID 19
pandemya, saan nakatuon ang iyong interes? Kung
may nais kang matutuhan na bago, ano ito?

ARALIN

Ang bata sa larawan ay si Liza. Gusto niyang


sumama sa kanyang nanay sa pagtitinda sa palengke.
Gusto- ito ay ang mga bagay o gawain na iyong nais,
hangad o ibig.

2
Siya naman si Joey. Siya ay may interes sa video
games katulad ng chess, billiard at word puzzle.
Interes – ito ay ang mga bagay o gawain na kinahihiligan
mo.

Si Albert ay matangkad at may matitibay na mga


binti. May potensyal siya sa paglalaro ng volleyball.
Potensyal – ito ay tumutukoy sa kakayahan na maaaring
mapaunlad pa.

3
MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1:
Tingnang mabuti ang mga larawan. Kulayan ng
pula ang larawan ng gusto mong gawin. Bughaw
kung interesado ka, at luntian kung ikaw ay may
potensyal katulad ng nasa larawan.

4
Pagsasanay 2:
Gumupit ng mga larawan ng mga bagay na kaya
mong gawin, at idikit ito sa iyong kuwaderno.

Pagsasanay 3:
Basahin ang sumusunod na pangngusap. Punan ang
patlang ng kaya mong gawin gamit ang isang bahagi ng
katawan na nabanggit.

Kaya kong ________________________________________


gamit ang aking _________________.

ulo

kamay

mukha

bibig

paa

5
PAGLALAHAT

Kapag gusto mong lumangoy sa ilog, kaya mo itong


gawin. Kapag interesado kang magbasa, panatilihing
may malinaw ang iyong mata. Kapag gusto mong
matuto ng badminton, linangin mo ang iyong potensyal
na kumilos at tumakbo nang mabilis.

Tandaan:
Kapag alam mo ang iyong gusto, interes at ang
potensyal na matuto ng ibang kaalaman , makikilala
mong mabuti ang iyong sarili.

6
PAGPAPAHALAGA

Ang pagkilala sa sarili ay mahalaga para sa atin.


Alamin nating mabuti ang ating gusto, mga interes, at
potensyal upang mapaunlad ang kakayahan.

Panuto: Lagyan ng tsek ()ang mga kakayahan mo, at


ekis (X) kung ito ay mga bagay na hindi mo kayang
gawin.

1 2

3 4

7
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Basahin ang mga sumusunod, Lagyan ang


patlang ng G kung ang pangungusap ay nagpapakita
ng iyong Gusto, I kung Interes, at P kung Potensyal.

____________ 1. Pinagsisikapan kong linangin ang


aking talento sa abot ng aking makakaya.

____________ 2. Natutuwa ako kapag ako’y kumakanta sa


harapan ng mga tao.

____________ 3. Naglalaro ako ng online games.

____________ 4. Tinuturuan akong tumugtog ng piyano ng


aking kamag-aral.

____________ 5. Sumasali ako sa paligsahan sa aming


paaralan katulad ng Quiz Bee.

8
9
Pagsasanay 3
Paunang Pagsubok:
Magkakaiba ang
Halimbawang sagot:
sagot
Braso: Maglaro ng
sports, gumuhit o
magpinta; Balik-aral
Magkakaiba ang
Paa: football, sagot
pagtakbo, pagsayaw
Mukha: mag
entertain, Pagsasanay l
pakikisalamuha o Magkakaiba ang
pagtanggap ng bisita sagot
Bibig: umawit,
Pagsasanay 2
makipagtalastasan
Magkakaiba ang
sagot
Pagpapahalaga
Magkakaiba ang sagot
Panapos na Pagsusulit:
Magkakaiba ang sagot
SUSI SA PAGWAWASTO
SANGGUNIAN

Abac, Felamer E.,et al Edukasyon sa Pagpapakatao Unang Baitang


Kagamitan ng mga Mag-aaral sa Tagalog, Binagong Edisyon pahina 3-
11

10

You might also like