Detailed Lesson Plan

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

MASUSING BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN NG UNANG BAITANG

(IKATLONG MARKAHAN)

A. Pamantayang Pangnilalaman

Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagkilala ng mga


batayang impormasyon ng pisikal na kapaligiran ng sariling paaralan at ng mga taong bumubuo
dito na nakakatulong sa paghubog ng kakayahan ng bawat batang mag-aaral.

B. Pamantayan sa Pagganap

Ang mag-aaral ay buong pagmamalaking nakapagpapahayag ng pagkilala at pagpapahalaga


sa sariling paaralan.

C. Kasanayan sa Pagkatuto

Nailalarawan ang mga tungkuling ginagampanan ng mga taong bumubuo sa paaralan (e.g.
punong guro, guro, mag-aaral, doctor at nurs, dyanitor, etc.) (AP1PAA-IIIb-4)

I. LAYUNIN
Sa pagtapos ng aralin, ang mag-aaral ay inaasahang maisagawa ang mga
sumusunod na hindi bababa sa 80%:
1. Natutukoy ang mga taong bumubuo sa paaralan.
2. Nailalarawan ang mga tungkuling ginagampanan ng mga taong bumubuo sa paaralan.
3. Napapahalagahan ang mga taong bumubuo sa paaralan.

II. PAKSANG-ARALIN
Mga Tungkuling Ginagampanan ng mga Taong Bumubuo sa Paaralan.

III. MGA KAGAMITANG PANG PAGTUTURO

1. SANGGUNIAN:
Araling Panlipunan MELC page 3 (Third Quarter, week 4-5)

2. IBA PANG KAGAMITANG PANG PAGTUTURO:


Mga larawan at tsart
IV. PAMAMARAAN

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL


A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Bago tayo magpatuloy sa ating susunod
na aralin, balikan muna natin ang huling
paksa na ating tinalakay.
Tungkols saan ito? Ang epekto ng pisikal na kapaligiran sa sariling
pag-aaral.
Ano naman ang maaring epekto nito? Mahirap mag-aral kapag maingay ang paligid.
Mahusay!
2. Pagganyak
Ang mga ipapakita kong litrato ay may
kinalaman sa ating susunod na aralin, Ano sa
tingin nyo ang nasa larawan?

Paaralan

Ano naman ito?

Guro

E ito?
Mag-aaral

Mahusay!
B. Paglalahad
Dahil ang nakita nyong mga litrato at
paaralan, guro at mag aaral, ang tatalakayin
natin ngayon ay tungkol sa mga tungkuling
ginagampanan ng mga taong bumubuo sa
paaralan.
Sino-sino sa tingin nyo ang mga taong Punong guro, guro, mag-aaral
bumubuo sa paaralan?
Tama!

Ano nga ba ang Paaralan?


Paaralan- ito ay ang lugar kung saan nag-
aaral ang isang mag-aaral.
Mga taong bumubuo nito:
Principal/Punong guro- sila ang pangunahing
namumuno sa isang paaralan.
Alam nyo ba kung sino ang punong guro ng Si Ma’am Virlan Ruba po
ating paaralan?
Mahusay!
Ang tungkulin ng isang punong guro ay
pamunuan ang paaralan, suriin ang mga
guro,disiplina ng mga mag-aaral at
panatilihing malinis at maayos ang paaralan.
Teacher/Guro- sila ang tagapagturo.
Pangunahin sa mga tungkulin ng isang guro
ang pagtuturo. Ginugugol nila ang kanilang
oras sa loob ng silid-aralan upang magbigay
ng impormasyon, gumising sa kawilihan ng
mag-aaral sa paksang tinatalakay,
magpaliwanag, makipagtalakaya, magtanong
at tumugon sa mga katanungan ng mga
mag-aaral. Sila rin ang tumatayong
pangalawang ina ng mag-aaral.
Magbigay nga kayo ng halimbawa. Ikaw po Teacher Ashley
Magaling!
Mag-aaral- Tungkulin ng isang mag-aaral
ang mag-aral ng mabuti, intindihing mabuti
ang mga signaturang tinatalakay sa paaralan
at sumunod sa mga tuntunin ng paaralan.
Sino-sino ang halimbawa ng mag-aaral? Kami po ma’am!
Tama!
Doktor at Nurs- Ang pangunahing tungkulin
ng mga ito ay ang magamot o mapagaling
ang kanilang pasyente sa paaralan.
Tungkulin din nito na mabigyan ng tamang
serbisyong pangkalusugan ang kanyang
pasyente sa pamamagitan ng pagbibigay ng
kaukulang gamot sa kanyang karamdaman.
Dyanitor- ang tungkulin ng isang dyanitor ay
panatilihing malinis ang kapaligiran. Sila ang
naglilinis ng mga kalat sa paaralan, nililinis
nya ang mga silid at bakuran nito.
Gwardiya- tungkulin nila na mapanatili ang
kapayapaan sa paaralan, sila rin ang
nagbabantay dito.
Tindera- tungkulin nilang maghanda at
magtinda ng mga masasarap na pagkain sa
kantina.
C. Paghahambing at Paghahalaw
Paano nyo pinapahalagahan ang mga Sumunod at making
taong bumubuo ng paaralan? Magbigay galang at huwag maging bastos…
Ibigay ang mga taong bumubuo sa paaralan.
1. 6. 1. Punong Guro 6. Gwardiya
2. 7. 2. Guro 7. Tindera
3. 3. Doktor at Nurs
4. 4. Mag-aaral
5. 5. Dyanitor
D. Paglalahat
Sino-sino ang bumubuo sa paaralan? Punong Guro, Guro, Mag-aaral, Dytanitor,
Gwardiya, Doktor at Nurs at Tindera
Ano ang tungkulin ng punong guro? Pamunuan ang paaralan
Ano ang tungkulin ng guro? Magturo
Ano ang tungkulin ng mag-aaral? Mag-aral ng mabuti, makinig
Ano ang tungkulin ng doktor at nurs? Magpagaling ng may sakit
Ano ang tungkulin ng gwardiya? Panatilihin ang kapayapaan sa paaralan
Ano ang tungkulin ng Dyanitor? Linisin ang kalat sa paaralan
Ano ang tungkulin ng tindera? Magtinda ng masasarap na pagkain
Ano ang mga dapat gawin para
mapahalagan ang mga taong bumubuo ng Magbigay ng galang at sumunod
paaralan?
Mahusay!
E. Paglalapat
Ngayon, tayo ay lalalabas at
magpapasalamat sa mga taong bumubuo ng
paaralan upang maiparamdam sa kanila ang
pagpapahalaga.
F. Pagtataya
Panuto: Basahin at unawain ang mga
pngungusap. Tukuyin kung tama o mali ang
pangungusap.
1. Ang gwardiya ay ang nagtuturo sa mga
mag-aaral. 1. Mali
2. Ang dyanitor ay ang naglilinis ng paaralan. 2. Tama
3. Ang tungkulin ng mag-aaral ay mag-aral ng 3. Tama
Mabuti.

V. TAKDANG-ARALIN
Pumili ng isa sa mga taong bumubuo ng paaralan at magsulat ng mensahe para
dito.

VI. MGA TALA

VII. PAGNINILAY

You might also like