AP1 MODYUL 3 Aralin 3.3 Mga Tao Na Bumubuo Sa Paaralan at Ang Kanilang Tungkulin

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

ARELLANO UNIVERSITY

ELEMENTARY DEPARTMENT

MODYUL 3 - Aralin blg 3.3: Mga Tao na Bumubuo sa Paaralan at ang Kanilang Tungkulin
PANGALAN: PETSA :
BAITANG AT PANGKAT: GURO:
ASIGNATURA: Araling Panlipunan 1 PANURUANG TAON: 2021-2022 IKATLONG KAPAT

Paksang- Aralin: Mga Tao na Bumubuo sa Paaralan at ang Kanilang Tungkulin

Mga Layunin: Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


1. Nakikilala ang mga tao na bumubuo sa paaralan.
2. Nailalarawan ang mga tungkuling ginagampanan ng mga
taong bumubuo sa paaralan.

Konsepto blg. 3.3

1. May mga taong bumubuo sa paaralan. Sila ang mga sumusunod:

Punong-guro – ang namamahala sa buong paaralan. Siya ay


nakakataas sa lahat ng guro

Guro – ang nagtuturo sa mga mag-aaral ng mga bagong


kaalaman at mabuting asal.

Nars at Doktor – Sila ang nangangalaga sa kalusugan ng mga


mag-aaral.

Guidance Counselor – ang tagapayo at tumutulong sa mga


mag-aaral upang magkaroon ng mabuting asal.

Librarian – tagapangalaga at tagapamahala sa lahat ng mga


aklat sa paaralan.

Canteen helper – tungkulin niya ang magluto at maghanda


ng pagkain sa loob ng kantina.

Janitor – ang tagapangalaga sa kalinisan ng buong paligid ng


paaralan.

Guwardiya – tungkulin niya na mabantayan at maingatan ang


seguridad ng buong paaralan.

Mag-aaral – Sila ang mga bata ana pumapasok sa paaralan


upang matuto ng mga bagong kaalaman.

2. Ang mga bumubuo sa paaralan ay tumutulong sa paglinang ng


kakayahan, talino, at pag-uugali ng mga mag-aaral.

3. Ang bawat isa sa kanila ay may iba’t ibang tungkulin na


ginagampanan sa paaralan kaya nararapat na sila ay bigyan ng
paghanga at paggalang.
Pagsasanay blg. 3.3

A. Panuto: Bilugan ang tamang salita na bubuo sa pangungusap.

1. Ang (guro, nars) ay natuturo sa mga mag-aaral ng mga bagong


kaalaman at mabuting asal.

2. Ang (guwardiya, janitor) ang nagbabantay sa kaayusan at seguridad


ng buong paaralan.

3. Ang (guro, punong-guro) ang namamahala sa buong paaralan.

4. Ang (guidance counselor, librarian) ang tagapayo at tumutulong sa


mga mag-aaral upang magkaroon ng mabuting asal.

5. Ang (canteen helper, janitor) ang tagapangalaga sa kalinisan ng


buong paligid ng paaralan.

6. Ang (guro, librarian)ang tagapangalaga at tagapamahala sa lahat


ng mga aklat sa paaralan.

7. Ang (canteen helpers, nars at doktor) ang nangangalaga sa


kalusugan ng mga mag-aaral.

B. Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Dapat bang pahalagahan ang mga bumubuo ng paaralan? Bakit?

______________________________________________________________________

______________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

2. Paano mo maipapakita ang paggalang mo sa mga tao sa paaralan?

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

______________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

3. Paano nakatutulong ang mga bumubuo ng paaralan sa paglinang ng


iyong talino, kakayahan, at pag-uugali?

______________________________________________________________________

______________________________________________________________________

______________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

You might also like