Banghay Aralin - Kurikulum

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

I.

MGA LAYUNIN

 Natutukoy ang tamang pagbikas ng tula at mga kahalagahan ng mga


katanginan nito.
 Nabibigkas nang may wastong tono, diin, antala, at damdamin ang nabasang
tula.
 Makabuo ng sariling tula at magamit ang katangian ng tula

II. PAKSANG-ARALIN : PAGBIGKAS NG TULA AT MGA KATANGIAN NITO;

SANGGUNIAN : MODYUL SA FILIPINO 5 ,(F5PS-Ie-25)

KAGAMITAN : LAPTOP, PANTURONG BISWAL AT BERBAL, BIDYO AT AUDIO


RECORD

ESTRATEHIYA : PASAKLAW NA PARAAN

III. PAMAMARAAN:

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL


A. PAUNANG GAWAIN
 PANALANGIN
- Mag sitayo ang lahat para sa panalangin.
(Magtatawag ang guro ng isang
mag- aaral upang pangunahan ang panalangin.
Panginoon, maraming salamat po sa ibinigay
ninyong panibagong pagkakataon upang kami ay
matuto. Gawaran mo kami ng isang bukas na isip
upang maipasok namin ang mga itinuturo sa amin
at maunawaan ang mga aralin na makatutulong
sa amin sa pagtatagumpay sa buhay na ito. Amen.

 PAGBATI AMEN.
Magandang araw mga bata !

Pag-aayos ng mga pangalan ng bata

Pag tetsek ng liban at hindi liban sa klase

Mayroon bang lumiban sa klase ngayong


araw?
Magandang umaga Binibing
1. PAGSASANAY Annabelle!
Basahin ang tula. Sagutin ang mga sumusunod na
tanong. Isulat sa papel ang tamang sagot.
Mag-isip Bago Magtapon
ni Mary Grace Del Rosario

Tapon dito… Tapon doon…


Walang humpay ang iresponsable sa pagtatapon,
Bagay na puwede pang pakinabangan,
Itinatapon nalang ng walang alinlangan.
Wala po
Bakit hindi muna mag-isip,
Kung bagay ay puwede pang magamit,
Nang hindi ito masayang,
At mauwi lamang sa basurahan?

Matuto tayong sumuri kung alin sa mga ito


Ang puwede pang gamitin at iresiklo,
Sikapin nating tipirin ang mga bagay-bagay
Upang sa plenata’y makatulong na tunay.

Lumang bote’y uwede pang magamit,


Maaaring gawing plorera o pamparikit,
Papel na sinulatan, ‘wag basta lukutin,
Maaari pang gamitin sa susunod na sulatin.

Reduce, Reuse, Recyle ang laging isaisip


Upang sa pagkasira, ang daigdig nati’y masagip
Iisa lamang ang mundong ating tinitirhan
Mahalin natin ito at pangalagaan.
1. Tungkol saan ang binasang tula?
2. Ano ang ibigsabihin ng 3 R’s?
3. Anu-ano ang bagay na puwede pang iresiklo at
gamitin ang nabanggit sa tula?
4. Bakit mahalagang isipin o suriin muna ang
isang bagay bago ito itapon?
5. Paano ang tamang pagbigks ng tula?
6. Ano ang akmang tonong gagamitin sa unang
linya ng tula na “tapon dito… tapon doon…” ?
7. Sa saknong na nasa ibaba, Saan bahagi ang
may antala ?
Bakit hindi muna mag-isip,
Kung bagay ay puwede pang magamit,
Nang hindi ito masayang,
At mauwi lamang sa basurahan?
8. Bakit kailangan gamitan ng tamang tono, diin
at antala ang pagbigkas ng tula?
9. Anong damdamin ang ipinapahayag ng tula?
10. Anong aral ang makukuha natin sa tula?

2. PAGGANYAK:
Humanap ng isang tula at gayahin ito sa Okay po Ma’am.
pamamagitan ng pag-bidyo sa sarili habang
binibigkas ito.

3. BALIK-ARAL : Ano ang Paksa na Tinalaky


natin kahapon? Ma’am , tungkol po sa pagbikas
ng tula
4. PAGLALAHAD
Ang ating aralin sa araw na ito ay ang wastong
pagbigkas ng tula gamit ang wastong diin, antala
at damdamin.

5. PAGTALAKAY
Pakibasa ang kahalagahan ng wastong pagbikas
ng tula. (Magtatawag ang guro ng isang mag-
aaral)

Tumpak ! Mahalaga ito upang mas mahubog tayo


sa pagkatuto ng tamang diin, pag bikas, at tamang
tono at damdamin. Mahalaga na malaman at
matutuhan ang mga ito upan
Pakinggan n’yo ang tula na isinulat ng ating mabigkas ito nang wasto at
bayaning si Dr. Jose Rizal ang “ Sa aking mga maging kaaya-aya ito sa pandinig
Kabata” https://www.youtube.com/watch? ng mga manunuod.
v=OcauJeVvhEs
Upang mapanuod at mapakinggan ito.

Sa Aking Mga Kabata

Kapagka ang baya’y sadyang umiibig


Sa kanyang salitang kaloob ng langit,
Sanlang kalayaan nasa ring masapit
Katulad ng ibong nasa himpapawid.

Pagka’t ang salita’y isang kahatulan


Sa bayan, sa nayo’t mga kaharian,
At ang isang tao’y katulad, kabagay
Ng alin mang likha noong kalayaan.

Ang hindi magmahal sa kanyang salita


Mahigit sa hayop at malansang isda,
Kaya ang marapat pagyamaning kusa
Na tulad sa inang tunay na nagpala.

Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin


Sa Ingles, Kastila at salitang anghel,
Sapagka’t ang Poong maalam tumingin
Ang siyang naggawad, nagbigay sa atin.

Ang salita nati’y huwad din sa iba


Na may alfabeto at sariling letra,
Na kaya nawala’y dinatnan ng sigwa
Ang lunday sa lawa noong dakong una.

Ano ang mensahe o ibig sabihin ng akda ni Dr.


Jose Rizal sa akdang ginawa n’ya? (magtatawag ng
estudyante na sasagot)

Ako po Ma’am, Ang tulang ito ay


upang magsilbing paalala sa
kanyang kapwa Pilipino na
huwag kalimutang mahalin at
tangkilikin ang sariling wika.
Ayon kay Rizal, tanging ang ating
sariling wika lamang ang
Tama ! Napakahusay n’yo . Ngayon ay gawin n’yo makakapagpalaya sa ating bansa
ang tulang “ Sa aking mga kabata” ni Rizal. kung kaya't kinakailangan itong
mahalin at mas palawigin pa.
MGA DAPAT TANDAAN SA PAGBIGKAS NG
TULA
1. TONO- Ang taas o baba ng tinig na inuukol
sa pagbigkas ng pantig ng isang salita,
parirala, o pangungusap upang higit na
maging mabisa at maunawaan ang
pagsasalita.

Hal. Sa unang saknong ng tulang “sa aking


mga Kabata”, ang tono na ginamit ng
tumula sa video ay mababa dahil ito ay
nagpapahayag lamang ng damdamin at
kaisipan.

“Kapagka ang baya’y sadyang umiibig


Sa kanyang salitang kaloob ng langit,
Sanlang kalayaan nasa ring masapit
Katulad ng ibong nasa himpapawid.”

2. DIIN- tumutukoy sa haba ng bigkas sa


patinig sa isang salita. Ito ay ang bigat ng
ng pagbikas ng pantig na maaaring
makapag-iba sa kahulugan ng mga salita
maging ang mga ito man ay magkapareho
ng baybay. Maaaring gamitin sa pagkilala
ng pantig na may diin ang malaking titik.
Ginagamit ang simbulong /:/ upang
matukoy ang pantig ng salita na may diin.
Sa Filipino, karaniwang binibigkas nang
may diin ang salitang higit sa isang pantig.
Malimit ding kasama ng diin ang
pagpapahaba ng pantig. Tulad nito|:
/ba:hay/- tirahan
/sim:bolo/- sagisag

Hal. Sa ikalawang saknong ng tula ay


ibinigkas ng may bigat ang salitang
kahatulan upang mabigyang diin ang
kahulugan nito na kaparusahan.

“Pagka’t ang salita’y isang kahatulan


Sa bayan, sa nayo’t mga kaharian,
At ang isang tao’y katulad, kabagay
Ng alin mang likha noong kalayaan.”

3. ANTALA – Saglit na pagpigil o paghinto sa


pagsasalita upang higit na maging malinaw
ang mensaheng ibig ipahatid sa kausap.
Ginawa ito upang ihiwalay ang ideya o
kahulugan ng nais ipahayag. Kuwit (,) ang
ginagamit sa antalang ito na simbolo ng /.

Hal. Sa ika-apat na saknong ng tula ay may


pagtigil o paghinto sa pagitan ng mga
salitang Latin, Ingles, Kastila at Salitang
anghel na kung saan binibigyang-pansin
ang paghihiwalay ng mga ideya sa tula.

“Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin


Sa Ingles, Kastila at salitang anghel,
Sapagka’t ang Poong maalam tumingin
Ang siyang naggawad, nagbigay sa atin.”

4. DAMDAMIN- Pagpapakita o paglalabas ng


emosyon. Maaring damdamin ng takot,
galit, lungkot o saya.

Hal. Sa tulang “sa aking mga kabata”, ang


damdamin ipinapahayag dito ay
pagmamalaki at pag-ibig sa sariling wika.

GAWAIN 1.1 Pagpapalawak ng Talasalitaan

Basahin ang mga pangungusap at ibigay ang


kasingkahulugan ng mga salitang may
salungguhit.
1. Ang salita nati’y huwad sa iba.

2. Sumakay ang mama sa isang lunday patawid


ng ilong.

3. Lahat ng mga panauhin ay naggawad ng iba’t-


ibang uri ng kasuotan.

4. Hindi nakarating ang mag-asawa dahil sa


paparating na sigwa.

5. Gusto ko ang kulay ng damit mo kabagay tayo


sa kulay ng damit ko.

GAWAIN 1.2 Prosesong tanong para sa Tulang


Ipinabasa

Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Tungkol saan ang binasang tula na “Sa aking


mga Kabata”?

2. Saan inihalintulad ni Rizal ang mga hindi


marunong mag mahal sa sariling wika?

3. Ayon sa tula, ano raw ang mangyayari kapag


ang bayan at ang mga mamamayan nito ay
umiibig sa wika?

4. Ano ang ipinapahiwatig ng huling saknong sa


tula? Ipaliwanag ang sagot.

Ang salita nati’y huwad din sa iba


Na may alfabeto at sariling letra,
Na kaya nawala’y dinatnan ng sigwa
Ang lunday sa lawa noong dakong una.

5. Bilang kabataang Pilipino, paano mo


maipapakita ang pag-ibig sa ating wiuka?

GAWAIN 1.3 Ibigay ang damdamin o emosyon na


nais ipakahulugan ng mga pangungusap.

1. Naku! Nabasag ko ang paboritong plorera ni


nanay.

2. Yehey! Nakapasa ako sa pagsusulit.

3. Naku! Nakalimutan ko ang aklat ko.

4. Umalis ka !

5. Bakit kaya hindi siya nagsasawang tumulong sa


iba?

GAWAIN 1.4

Ibigay ang kahulugan ng salita batay sa diin


nito.Maaaring gumamit ng diksyonaryo.

1. TAsa-

taSa

2. PIto-

piTO-

3. Paso-

paSO-

4. /asoh/-

/a:soh/-

5. /BU:kas/-
/bu:KAS/

Nasagutan n’yo baa ng mga gawain at katanungan


mga bata ?

Mahuhusay! Natutuwa ako sa inyo dahil ibig Opo Ma’am.


sabihin ay naintindihan at naunawaan nyo ng
mabuti ang ating aralin.

TANDAAN

Paraan ng Pagbigkas ng Tula

 Masasabing epektibo ang bumigkas kung


natitinag niya nanunuod. May malakas
siyang hikayat sa madla kung nagagawa
niya itong patawanin o paiyakin sang-ayon
na rin sa diwang isinasaad ng tula.
 Sa makabagong paraan ng pagbigkas, ang
isinasaalang-alang ay ang diwa ng tula.
Kaya’t ang tinig ay maaaring magbago-bago
ayon na rin sa diwang isinasaad nito.
Maaari rin namang pabulong o paanas.Ang
mahalaga ay alam ng bumibigkas kung
kalian niya hihinaan o lalakasan ang tinig
ayon sa diwang ipinaabot ng tula.
 Ang isang dapat iwasan na pagbigkas ay
ang himig na parang ibong umaawit. Kung
minsan naman ang tono o himig ng
bumibigkas ay naroong lumakas-humina;
humina-lumakas. Ito ang tinatawag na
monotone . Hinid ito kahali-halina sa
nakikinig.
 Dapat maging malinaw ang pagbigkas o
pagbitaw ng mga salita ayon sa wastong
diin at pagkakapantig nito. Ang mga pantig
ay dapat na ipukol nang malinaw lalo na
ang mga salitang may impit na tunog.

PAGPAPAHALAGA

Bakit natin kailangan pag-aralan ang

Wastong pagbigkas ng tula at mga katangian


nito?
Naintindihan niyo ba ang aralin natin sa

araw na ito? Wala ba kayong mga nais


Iba’t-ibang sagot ng mga mag-
aaral
itanong? (Ang mga mag-aaral ay may

ibat-ibang sagot) Mahalaga ito upang

magamit natin ang mga angkop na

salita sa angkop nitong pag- gamit sa pag-buo


ng isang tula.

(inaasahang sagot)

PAGTATAYA

Pag-aralan ang tula. Panuorin ang “Sa aking mga


Magulang” ni Jerome Apilla.
hppt://www.youtube.com/watch?v=pGs3-CHqHco
Upang mapanuod kung paano ito binigkas sa
wastong diin, tono, antala at damdamin. I-video
ang sarili habang ginagawa ang tula.

Sa Aking mga Magulang


ni: Jerome Apilla

Kayo ang dahilan ng aking hininga


Ako ay nabuo sa inyong kalinga,
Pag-ibig na wagas, totoo’t dakila,
Ang siyang nagbigay ng lakas ko’t sigla
Hinubog ang aking damdamin at diwa,
Kasama ko kayo sa ngiti ko’t luha.

Sa aking pagtulog sa gabing madilim,


Nagbabantay kayo hanggang sa mahimbing,
Hindi hahayaang lamok ay kagatin,
Pati na ang init, pilit papawiin,
At kung ako ma’y tuluyang magising,
Nakangiti kayong sasalubong sa akin.
Hindi nga maliit ang sakripisyo n’yo.
Simula nang ako’y maging isang tao,
Kaya naman ako’y may mga pangako
Mga utos at hiling ay susundin ko,
Igagalang kayo at irerespeto,
At mamahalin sa buong buhay ko!

PANGWAKAS NA PAGSUSULIT

Basahin ang tula sa ibaba. Isagawa ang mga


gawain.

ANG TREN

Ni Jose Corazon de Jesus

Tila ahas na nagmula


sa himpilang kanyang lungga,
ang galamay at palikpik, pawang bakal, tanso,
tingga,
ang kaliskis, lapitan mo’t mga bukas na bintana.
Ang rail na lalakara’y
nakabalatay sa daan,
umaaso ang bunganga at maingay na maingay,
sa Tutuban magmumula’t patutungo sa Dagupan.

O, kung gabi’t masalubong


ang mata ay nag-aapoy,
ang silbato sa malayo’y dinig mo pang sumisipol
at hila-hila ang kanyang kabit-kabit namang
bagon.

Walang pagod ang makina,


may baras na nasa r’weda,
sumisingaw, sumisibad, humuhuni ang pitada,
tumetelenteng ang kanyang kampanada sa
tuwina.

“Kailan ka magbabalik?”
“Hanggang sa hapon ng Martes.”
At tinangay na ng tren ang naglakbay na pag-ibig,
sa bentanilya’y may panyo’t may naiwang
nananangis.

1. Ano ang kasingkahulugan ng salitang may


salungguhit?

2. Paano mo bibigkasin ang salitang may


salungguhit sa unang taludtod ng tula?

3. Saan bahagi ang antala sa taludtod na ito?

“ang kaliskis, lapitan mo’t mga bukas na bintana”

4. Anong damdamin ang ipinapahiwatig ng


saknong na ito?

“Kailan ka magbabalik?”
“Hanggang sa hapon ng Martes.”
At tinangay na ng tren ang naglakbay na pag-ibig,
sa bentanilya’y may panyo’t may naiwang
nananangis.

5. Paano mo bibigkasin ang isang tula?

Bb

You might also like