Q1W1 AGRI Asynchronous

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Q1 Asynchronous (Mga Kasanayan at KaalamansaPagtatanim ng Halamang Ornamental)

Panuto; Basahin at sagutin ang mgasumusunodnatanongtungkolsapaksangpinag-aaralan.

Gumamit ng malinisnapapelsapagsagot at kunan ng litrato o pwedenggamitin ang note na

option sapagsagotsagawainito.

1. Ano ang ibig sabihin ng salitang Agrikultura?

Ang agrikultura ay ang paglinang at pagpaparami ng mga hayop, halaman at halamang-singaw para gawing pagkain,


hibla, panggatong, gamot at iba pang mga produkto para gamitin sa pagpapanatili at mapabuti ang buhay ng mga tao.

2.Ano-ano ang pagkakaiba ng halamang ornamental sa iba pang halaman?

Ang pagkakaiba ng halamang ornamental sa iba pang halaman ay itinatanim ito upang magbigay ng ganda sa mga parke,
tahanan, paaralan, hotel, at restaurant. Hindi lang sa pagpapaganda ng kapiligiran, maraming din itong pakinabang tulad
ng pagpigil sa pagguho ng lupa at pagbaha, naiiwasan nito ang polusyon, nagbibigay lilim at sariwang hangin at
napagkakakitaan.

3.May alam ka ba sa pagtatanim? Kung oo, anong halaman na mayroon ka sa inyong bahay, magbigay ng isa.

Oo,may konti akong alam sa pagtatanim. Mayroon kaming Snake Plant dito sa bahay.

4.Ano-ano ang mga kagamitan na ginagamit sa pagtatanim ng halamang ornamental?

ANG MGA KAGAMITAN SA PAGTATANIM NG HALAMANG ORNAMENTAL:


Asarol – ito ay ginagamit sa pagbubungkal ng lupa.
Piko – ito ay ginagamit sa pagbubukal ng matitigas na lupa.
Kalaykay – ginagamit sa pagpapantay ng lupa at paghihiwalay ng bato.
Palang tinidor – pandurog sa malalaking tipak o kimpal ng lupa.
Dulos – ginagamit sa paglilipat ng punla, pagtanggal ng damo, at pagpapaluwag ng lupa sa paligid ng halaman.
Itak – pamutol sa sanga at puno ng malalaking halaman.
Bareta – ginagamit sa paghuhukay ng bato at tuod ng kahoy.
Karet – panggapas sa matataas na damo o pag- aani ng palay.
Palakol – pamputol sa malalaking kahoy.
Pala – ginagamit sa paghuhukay at paglilipat ng lupa.
Regadera – pandilig sa mga halaman.
Timba – panghakot ng tubig na pandilig.
Kartilya – lalagyan at panghakot ng lupa at mga kagamitan.
Kahong kahoy – lalagyan ng lupa.
Pruning shear – pamputol ng maliliit na sanga o bunga ng halaman.
5.Ibigay ang kahulugan ng mgasumusunod:

Pagbubungkal- Ito ang ginagawa upang magiging buhaghag ang lupa na ating pagtataniman. Mahalaga ang
pagbubungkal ng lupa upang madaling dumami ang mga ugat ng tanim, madaling mararating ng tubig ang mga ugat at
maluwag na makapasok ang hangin sa halaman.

Pag-aabuno- Ito ay ang paglalagay ng abono sa halaman. Kailangan ito upang maging sapat ang sustansiyang taglay ng
lupa na kailangan ng mga ugat ng pananim.

Pagdidilig- Ito ay palagi nating ginagawa upang hindi matuyo ang lupa sa paligid ng mga halaman. Kailangan itong
ingatan sa pagdidilig upang hindi ito mapinsala.

You might also like