Aralin 3 - MasisitemanPangangalaga NG Gulay

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 26

BALIK ARAL

Isaayos ang mga hakbang sa paggawa ng basket composting ayon sa wastong


pagkakasunod- sunod nito.

Diligan ang laman ng sisidlan at lagyan ng pasingawang kawayan upang mabulok kaagad ang basura.

Pumili ng sisidlan na yari sa kahoy o yero na sapat ang laki at haba. May isang metro ang lalim.

Takpan ng dahon ng saging o lagyan ng bubong ang sisidlan upang hindi pamahayan ng langaw at
iba pang peste.

Alisin ang mga pasingawang kawayan at haluin ang laman ng sisidlan upang magsama ang lupa at
nabubulok na mga bagay pagkalipas ng isang buwan.

Ikalat nang pantay ang mga pinagpatung-patong na tuyong dahon, dayami, pinagbalatan ng gulay at
prutas, dumi ng mga hayop at lupa tulad ng compost pit hanggang mapuno ang sisidlan.
BALIK ARAL
Isaayos ang mga hakbang sa paggawa ng basket composting ayon sa wastong
pagkakasunod- sunod nito.

1 Pumili ng sisidlan na yari sa kahoy o yero na sapat ang laki at haba. May isang metro ang lalim.

2
Ikalat nang pantay ang mga pinagpatung-patong na tuyong dahon, dayami, pinagbalatan ng gulay at
prutas, dumi ng mga hayop at lupa tulad ng compost pit hanggang mapuno ang sisidlan.

3 Diligan ang laman ng sisidlan at lagyan ng pasingawang kawayan upang mabulok kaagad ang basura.

Takpan ng dahon ng saging o lagyan ng bubong ang sisidlan upang hindi pamahayan ng langaw at
4
iba pang peste.

Alisin ang mga pasingawang kawayan at haluin ang laman ng sisidlan upang magsama ang lupa at
5
nabubulok na mga bagay pagkalipas ng isang buwan.
Panimula

Sa gitna ng pangangailangan ngayong panahon ng “new


normal”, nararapat lamang na matutuhan natin ang paghanap
ng mga pagkaing matatagpuan lamang sa ating bakuran. Ang
pagtatanim ng mga gulay ay makatutulong upang malunasan
ang kakulangan sa pagkain.

Subalit ang mayayabong o maunlad na pananim ay


nakasalalay sa wasto o masistemang pangangalaga natin sa
ating mga pananim.
Suriin

Pansinin ang dalawang larawan. Ano ang napapansin sa dalawang pananim na


ito?
Paksang Aralin
Pagdidilig
 Ang tubig ay kailangan ng mga halaman upang
masipsip ng mga ugat ang sustansiyang taglay ng lupa.
 May mga halamang nangangailangan ng pagdidilig araw-
araw tulad ng mga dahong gulay.
 May mga halaman ding maaaring diligin ng tatlong ulit lamang sa isang linggo
hanggang sa mamulaklak tulad ng bungang- gulay.

 Tandaan: Ang pagdidilig ay dapat gawin sa umaga at hapon.

 Iwasan ang pagdidilig sa tanghali lalong- lalo na kung matindi ang sikat ng araw
upang hindi malanta ang halaman.
Pagbubungkal ng lupa sa paligid ng halaman

 Ginagawa ito upang makahinga at makasagap ng


sariwang hangin ang mga ugat ng halaman.

 Mainam gawin ang pagbubungkal kung ang lupa ay


mamasa-masa, kadalasan sa umaga o hapon.

 TANDAAN: Ang mga halamang mababaw ang tubo ay hindi na nangangailangan ng


malalim na pagbubungkal. Tanging ang mga halamang malalim ang tubo ang
nangangailangan ng malalim na pagbubungkal tulad ng mga halamang nabibilang sa
halamang-ugat.

 Gumamit ng angkop na kasangkapan tulad ng dulos o ng maliit na palang tinidor.


Pag -aalis ng mga ligaw na damo

 Inaagaw ng mga damo ang sustansiyang taglay ng lupa


na dapat sana ay para lamang sa pananim ,kung kaya’t
kailangan itong bunutin.

 Bunutin ang mga ito sa pamamagitan ng kamay o sa


tulong ng maliit na dulos o palang tinidor.

 TANDAAN: Bunutin pati na ang mga ugat upang hindi na muli pang tumubo ang
mga ito.
Paglalagay ng abono

 Makatutulong ang paglalagay ng karagdagang abono o


pataba sa paglaki o lalong pagyabong ng mga tanim.

 Maglalagay tayo ng abono upang makatiyak na may


sapat na sustansiyang taglay ang lupang pagtataniman.

 Inihahalo at inilalagay ang katamtamang dami ng


pataba sa lupa ayon sa pangangailangan nito.

 Upang makatipid, maaaring gumamit ng abonong organiko.

 TANDAAN: Ang kumpletong pataba ay nagtataglay ng nitrogen, phosphorous, at


potassium.
Paglalagay ng harang na bakod sa paligid ng pananim

 Makatutulong ang paglalagay ng harang upang


mahadlangan ang pagpasok ng mga hayop na sumisira at
kumakain ng mga pananim.

 Maaaring gumamit ng mga pinutol na kawayan o anumang


uri ng kahoy na mayroon.

 Upang makatipid, gumamit ng mga lumang kahoy mula sa sirang


kagamitan na maaari pang gamitin at saka na lamang pintahan upang
maganda tignan.
Pagpuksa ng mga Peste at Kulisap

 Ang pagdapo ng mga kulisap at nakapipinsalang insekto


sa mga halamang tanim ay hindi maiiwasan ngunit
maaari natin silang puksain sa pamamagitan ng:

 Pagbobomba ng mga gamot laban sa peste at kulisap

 Pagtatanggal sa pamamagitan ng kamay

 Ang mga itlog nito ay ay maaaring tanggalin at bunutin ng ating


mga kamay o maaari ring budburan ng pulbos ng tabako sa
magkabilang gilid ng dahon kung basa ito ng hamog.
Para sa matagumpay at ligtas na pagsasagawa ng masistemang
pangangalaga ng mga halaman, kinakailangang gumamit ng
wastong kasangkapan sa paghahalaman.

Narito ang mga kagamitan at kasangkapan sa paghahalaman:


Mga Panghukay/Pambungkal ng Lupa

Asarol Bareta
Piko
Ginagamit sa paghuhukay ng
malalaking bato at tuod ng kahoy.
Dulos Tinidor
(Gardening fork)

Ginagamit ito sa paglilipat ng Pandurog ng mga kimpal ng lupa


punla, pagpapaluwag ng lupa at
pagtatabon sa puno.
Pala Palang Tinidor

Pandurog ng malalaking
kimpal ng lupa
Ginagamit ito sa paglilipat ng lupa.
Mga Pamutol ng sanga Prunning Shear
ng kahoy

Ginagamit itong pamutol ng mga


Itak sanga o bunga ng halaman.
Palakol
Kalaykay

Ginagamit ito sa paglilinis ng bakuran. Tinitipon


nito ang mga kalat tulad ng mga tuyong dahon
at damo. Ginagamit din ito sa pag- alis ng mga
malalaking tipak ng bato sa halaman.
Tulos at Pisi

Ginagamit ito sa bilang gabay sa paggawa ng mga hanay sa kamang taniman.


Mga Pandilig Kartilya

Regadera
Ginagamit itong panghakot ng
Garden hose lupa at iba pang kagamitan.
Karagdagang kasuotan sa paghahalaman

Guwantes
Apron Bota
MGA GAWAIN
Gawain 1

Panuto: Pag-ugnayin ang mga parilala upang mabuo ang konsepto o kaisipan.Isulat
lamang ng titik ng wastong sagot sa patlang.

A. Upang makahinga at makasagap ng sariwang hangin ang mga ugat ng halaman


B. Upang hindi pasukin ng mga hayop na sumisira at kumakain ng mga pananim
C. Kung may sapat na sustansyang taglay ang lupang pinagtatamnan
D. Upang masipsip ng ugat ang sustasyang taglay ng lupa
E. Upang walang maging kaagaw ang panananim sa sustansyang ibinibigay ng lupa

_____1. Kailangan ng mga halaman ang tubig

_____2. Kailangan bungkalin ang lupa sa paligid ng halaman

_____3. Binubunot ang mga ligaw na damo na tumutubo sa paligid ng halaman

_____4. Higit na magiging malusog ang mga pananim

_____5. Nilalagyan ng bakod ang paligid ng halaman upang


Gawain 2

Panuto: Itala ang mga masistemang pangangalaga ng halamang gulay sa loob ng kahon.

Masistemang
Pangangalaga ng
Halamang Gulay
Gawain 3

Panuto: Kilalanin ang mga kagamitan sa paghahalaman.

1 2 3 4

5
References

SDO-QC (EPP 5-Modyul 3: Masistemang Pangangalaga ng Tanim na Gulay)

Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan 5


(Evelyn D. Deliarte, Ana B. Ventura, Randy R. Emen)

You might also like