G7 2ndmonthly

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

HOLY TRINITY SCHOOL OF PADRE GARCIA, BATS.

INC
IKALAWANG BUWANANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 7
A.Y. 2021-2022

PANGALAN:__________________________________ ISKOR:______/50
PANGKAT:___________________________________ PETSA:________

PANGKALAHATANG PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang bawat panuto. Gamitin


ang maliliit na titik sa pagsasagot sa bawat bilang.

I. PANUTO: Tukuyin ang tinutukoy sa bawat bilang.


_______1. Ito ay akdang patula at ang pangunahing tauhan ay nagtataglay ng ekstra-ordinaryong
kapangyarihan na gingamit sa kabayanihan. EPIKO
_______2. Ito ang tauhang nakararanas ng iba’t ibang tunggalian at pagbabago sa buhay. TAUHANG
BILOG
_______3. Ito ang representasyon, pagkakabuo o pagkakalikha ng may akda sa tauhan.
KARAKTERISASYON
_______ 4. Ito ang tauhan na ang layunin ay suportahan ang pangunahing tauhan. TAUHANG LAPAD
_______ 5. Anumang salita na nag-uugnay sa mga salita, parirala, sugnay at pangungusap. PANG-
UGNAY
_______ 6. Ito ay uri ng pangatnig na nagmula sa salitang sanhi at dahilan. PANG-UGNAY NA
PANANHI
_______7. Ito ay uri ng ng pangatnig na kilala sa tawag na panubali. PANG-UGNAY NA RETORIKAL
_______ 8. Katawagan sa pangkat-etniko ng mga Muslim. MORO
_______ 9. Ito ay isang sistematikong paghahanap ng mahahalagang impormasyon hinggil sa isang
tiyak na paksa o suliranin PANANALIKSIK
_______ 10. Ito ay uri ng ng pagtatala na kinokopya ang mga salita sa aklat at ipinapaloob iyon sa
panipi. TUWIRANG-SIPI
_______ 11. Ito ay isang sistematikong paghahanap ng mahahalagang impormasyon hinggil sa isang
tiyak na paksa o suliranin. PANANALIKSIK
_______ 12. Ito ay talaan ng iba’t-ibang sanggunian katulad ng mga aklat, artikulo, report at iba
pang nalathalang materyal. BIBLIOGRAPIYA
_______ 13. Sa uring ito ng tala malayang ipinapahayag ang paliwanag sa orihinal na sipi o
impormasyon. HAWIG
_______ 14. Sa bahaging ito binibigyang pansin ang nilalaman at paraan ng pagsulat gayundin ang
baybay, bantas at wastong gamit ng mga salita. PAGWAWASTO O PAGREBISA NG BURADOR
_______15. Ito ang magbibigay ng direksyon at magsisilbing patnubay sa pananaliksik.
BALANGKAS
II. PANUTO: Basahin ang tanong sa bawat bilang. Isulat ang titik ng tamang sagot.
1. Siya ang lalaking makisig at kilabot sa tapang na kapatid ni Haring Madali.
a. Batugan c. Bantug
b. Bantugan d. Bantogan
2. Sumisimbolo sa magiging kapalaran ni prinsipe Sulayman sa kanyang pakikidigma.
a. orasan c. bituin
b. halaman d. ulap
3. Halimaw na may maraming paa at ganid na hayop.
a. Kurita c. Pah
b. Tarabusaw d. ibong may pitong ulo
4. Halimaw na may mukhang tao ngunit nakatatakot.
a. Kurita c. Pah
b. Tarabusaw d. ibong may pitong ulo
5. Dahil sa kanyang napakalaking pakpak kung kaya’t nabaon sa lupa ang piping katawan ni
Sulayman
a. Kurita c. Pah
b. Tarabusaw d. ibong may pitong ulo
6. May akda ng kuwentong “Hitman”
a. J.L Royo c. G.L Royo
b. B.L Royo d. D.L Royo
7. Siya ang nagsalin ng akdang Indarapatra at Sulayman
a. Bartolomea del Valle c. Bartolome del Valle
b. Bertolome del Valle d. Berto del Valle
8. Siya ang pinuno ng mga kaaway na lumusob sa kahariang Bumbaran
a. Miskoyaw c. Misyokaw
b. Haring Madali d. Bantugan
9. Prinsesang nakakita sa bangkay ni Prinsipe Bantugan.
a. Datimbang c. Maginawan
b. Maginar d. Gatimbang
10. Nagpapagalaw sa isang kwento
a. tauhan c. simula
b. tagpuan d. tunggalian
III. PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na pahayag. Tukuyin kung
anong tunggalian ang namayani sa bawat pangyayari. I-tayp ang A kung tao vs. tao, B
kung tao vs. sarili, C kung tao vs. kalikasan, D kung tao vs. lipunan at E kung tao vs.
hayop.
_______ 1. Pagtugis ng mga pulis sa kilalang hitman na si Badong D
_______ 2. Paglalaban ni Indarapatra at ng ibong may pitong ulo E
_______ 3. Labanan nina Tarabusaw at Sulayman A
_______ 4. Pag-aalinglangan ng isang batang gustong tumawid sa tulay ng pag-asa. B
_______ 5. Paglalaban nina Bantugan at grupo ni Miskoyaw. A
IV. PANUTO: I-tayp ang wastong pangatnig na bubuo sa pangungusap.
1. Matagumpay kana sana ngayon ________ nagpatuloy ka sa iyong pag-aaral.
kung
2. Maraming tao ang galit sa kanya _________ sa kanyang masamang pag-uugali.
dahil
3. Pinangangaralan ka ng iyong mga guro __________ nais nilang ikaw ay maging mabuting mag-
aaral
sapagkat
4. Kung natapos ko ang aking pag-aaral _________ ay mayroon na akong dangal na ihaharap sayo.
disin sana
5. Pakidaanan mo na rin ang aking gamit _________ mang may oras ka pa.
sakali
V. PANUTO: I-tayp ang wastong pang-ugnay na nanghihikayat upang mabuo ang diwa ng
pangungusap.
1. ____________ (Totoo) ngang pinagpala ang Pilipinas ng magagandang tanawin.
2. ____________ (Tunay na) walang makapapantay sa pag-ibig satin ng Poong Maykapal.
3. Mayroon siyang taglay na kagandahan ___________ (subalit) hindi ito tumutugma sa kanyang
ugali.
4. Maliit lamang ang kanilang tirahan __________ (subalit) masaya silang magkakasama dito.
5. __________ (Talagang) kahanga hanga ang ipinakita niyang talento sa pagkanta.
VI. PANUTO: Tukuyin kung SANHI o BUNGA ang bahagi ng pangungusap na may
salungguhit.
1. Itinuring ng mga tao si Angel Locsin na 'Real Life Darna' dahil sa walang sawang pagtulong nito sa
mga tao, Sanhi
2. Dulot ng hindi pagsunod ng mga tao sa social distancing, kaya patuloy ang pagtaas na bilang na
mayroong Covid-19 sa ating bansa Bunga.
3. Dulot ng labis na pagpuputol ng mga puno, kaya naman nagkakaroon ng malubhang pagbaha
tuwing umuulan. Bunga
4. Nagtratrabaho nang mabuti si tatay sapagkat nais niyang bigyan kami ng maayos na buhay. Sanhi
5. Si Warren ay natulog kaninang tanghali kung kaya siya ay nahirapang makatulog sa gabi. Bunga
VII. PANUTO: I-tayp ang tama kung ang pahayag sa bawat bilang ay nagsasaad ng
katotohanan at mali kung hindi.
_______1. Ang maingat na pagbabasa ng kuwento ay isang hakbang upang maunawaan mong
mabuti ang nilalaman nito. T
_______2. Sa pagpili ng paksa, hindi na dapat isaalang-alang ang iyong pagkaunawa. M
_______3. Ang balangkas ay binubuo ng simula, katawan at wakas o kongklusyon. T
_______4. Sa pagsusuri ng kuwento, mas mainam na makipagpalitan ng kuro-kuro sa higit na
nakauunawa. T
_______5. Ang pagmamarka sa mga pangyayaring nakapukaw ng iyong atensiyon sa isang kwento
ay hindi na kinakailangan. M
“Wag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa iyo”

You might also like