Yunit 2
Yunit 2
Yunit 2
PAGPOPROSESO
NG
IMPORMASYON
PARA SA
KOMUNIKASYON
Mga Layunin
Maipaliwanag ang
kabuluhan ng
wikang Filipino
bilang mabisang
wika sa
kontekstwalisadon
g komunikasyon at
sa mga komunidad
at sa buong bansa.
Mapalalim ang
pagpapahalaga sa
sariling paraan ng
pagpapahayag ng
mga Pilipino sa
iba’t ibang antas
ng larangan.
Katuturan, Uri,
Elemento, Proseso,
Anyo at Konteksto
ng Komunikasyon
Ano ang
Komunikasyon?
Ang
komunikasyon ay
hango sa salitang
Latin na
“communis” na
ibig sabihin ay
saklaw lahat na
binubuo ng
lipunan. Ito rin ay
proseso ng
paghahatid at
pagtanggap ng
mensahe. Sangkot
sa komunikasyon
ang mga
sumusunod na
makrong
kasanayan na
Pagsasalita,
Pakikinig,
Pagbasa, Pagsulat
at Panonood.
Elemento at
Proseso ng
Komunikasyon
Maraming
modelo ng
komunikasyon,
ngunit narito ang
tipikal na
ilustrasyong
makikita sa ibaba
na tumuturol sa
tagapaghatid,
tagatanggap,
mensahe, tsanel at
balik-tugon.
Tagapaghatid.
Nagsisimula ang
proseso ng
komunikasyon sa
kung ano ang nais
ipahatid na
mensahe ng
tagahatid na
sumasailalim sa
malalimang pag-
iisip sa bawat
detalye na
partikular na
paksa. Tinatawag
din siya bilang
communicator o
source.
Mensahe. Ito ay
naglalaman ng
opinyon, kaisipan
at damdamin na
karaniwang
nakabatay sa
paniniwala at
kaalaman ng ng
tagahatid
patungong
tagatanggap
upang magkaroon
ng komunikasyon.
Tsanel. Mayroong
dalawang anyo
ang tsanel upang
maipahayag at
maihatid ang
naturang mensahe.
Ang una ay
pandama (sensory)
tulad ng paningin,
pandinig, pang-
amoy, panlasa at
pakiramdam; at
Institusyunal
(institutionalized)
na tuwirang sabi o
pakikipag-usap,
sulat at
kagamitang
elektroniko.
Tagatanggap. Ang
nagbibigay ng
kahulugan sa
naturang
mensaheng
inihatid ng
tagapaghatid na
tumutugon sa
mensaheng
natanggap.
Mayroong tatlong
antas ang
tagatanggap,
Pagkilala,
Pagtanggap at
Pagkilos.
Balik-tugon. Hindi
magiging
matagumpay ang
komunikasyon
kung walang tugon
sa bawat mensahe.
Dito rin makikita
ang kabisaan ng
paghahatid ng
mensahe dahil ito
ang magiging
batayan ng
susunod na siklo
ng komunikasyon.
Uri ng
Komunikasyon
Komunikasyong
Berbal.
Ginagamitan ng
wika na maaaring
pasulat o pasalita.
Halimbawa ng text
messages,
pakikipagtsismisan
at pagbibigay ng
mensahe sa mga
nakalimbag na
teksto sa mga
mambabasa.
Paraan ng
Pagpapakahulugan
o Interpretasyon
ng mga
Simbolikong
Berbal
Referent- tawag sa
bagay o ideyang
kinakatawan ng
isang salita. Isang
tiyak na aksyon,
katangian ng mga
aksyon, ugnayan
ng bagay sa ibang
bagay.
Komon Referens -
tawag sa parehong
kahulugang
ibinibigay ng mga
taong sangkot sa
proseso ng
komunikasyon.
Kontekstong
Berbal - tawag sa
kahulugan ng
isang salita na
matutukoy batay
sa ugnayan nito sa
iba pang salita.
Paraan ng
Pagbigkas/Manner
of Utterance -
maaari ring
magbigay ng
kahulugang
konotatibo.
Komunikasyong
Di-Berbal. Ang
komunikasyong ito
ay hindi
ginagamitan ng
wika bagkus kilos
o galaw ng
katawan lamang
ang gagamitin sa
paghahatid ng
mensahe tulad ng
pagtango,
pagkindat at
pagkaway na
halimbawa ng
senyas.
Uri ng
Komunikasyong
Di-Berbal
Kinesics –
pinapatunayan
lamang sa
bahaging ito na
ang bawat kilos ay
may kaakibat na
kahulugan na
maaaring bigyang
interpretasyon ng
mga taong na
kanyang paligid.
Ekspresyon ng
mukha tulad ng
pagkunot ng noo
at pagtaas ng
kilay.
Oculesics – gamit
ang mata,
maipahihiwatig ng
isang tao ang
kanyang nais
iparating sa
kausap tulad ng
pagkindat at
pagpikit.
Proximics – gamit
ang espasyo,
pinaniniwalaang
ang agwat ng tao
sa kapwa ay may
kahulugan na
maaaring mabuo
sa pananaw ng
tagatanggap ng
mensahe tulad ng
nag-uusap na
malapit ang
distansya.
Chronemics – oras
ang
pinapahalagahan
sa uring ito na
nahahati sa apat:
teknikal o
eksaktong oras,
pormal na oras o
kahulugan ng oras
bilang kultura,
impormal na oras o
o ras na walang
katiyakan at
sikolohikal na
nakabatay sa
estado sa lipunan
at mga personal na
karanasan.
Haptics –
karaniwang
kinabibilangan ng
paghaplos o
pagdampi na
maaaring bigyang
pakahulugan ng
taong
tumatanggap ng
mensahe sa paraan
ng paghaplos nito
tulad ng pagtapik
sa balikat na
waring
nakikiramay o
pagbati.
Paralanguage –
tumutukoy sa di-
linggwistikong
tunog na may
kaugnayan sa
pagsasalita tulad
ng intonasyon,
bilis at bagal sa
pagsasalita o
kalidad ng boses.
Mga Karagdagang
Uri - Simbolo
(Iconics) – mga
simbolo sa bilding,
lansangan, bote,
reseta atbp; Kulay
(Chromatics) –
maaaring
magpahiwatig ng
damdamin o
oryentasyon; at
Bagay (objectics) –
paggamit ng mga
bagay o objects sa
komunikasyon.
Anyo ng
Komunikasyon
Intrapersonal –
isang self-
meditation na anyo
ng komunikasyon
na kinakausap ng
tao ang kanyang
sarili sa pagnanais
na higit na maging
produktibong
indibidwal.
Interpersonal – ito
ang ugnayang
komunikasyon sa
pagitan ng
dalawang tao na
umaasa sa
mensaheng
inihatid at tugon
sa kausap.
Pampubliko - sa
komunikasyong ito
nagaganap ang
linyar na
komunikasyon na
ibig sabihin,
natatapos ang
komunikasyon
kapag naiparating
na ng nagpapadala
ng mensahe sa
kanyang
tagapakinig.
Dalawa o higit
pang katao ang
kasangkot.
(seminar,
conference at
miting de avance)
Pangmadla-
magkatulad ito sa
pampubliko ngunit
nagkakaiba
lamang sa
kagamitan sa
paghahatid ng
impormasyon dahil
sa komunikasyong
ito, ginagamitan
ito ng elektroniko
tulad ng cellphone,
telebisyon at
radyo.
Konteksto sa
Komunikasyon
Mahalaga ring
malaman ng mga
mag-aaral ang
iba’t ibang
konteksto o
paningin sa
komunikasyon. Ito
ay nahahati sa
limang kategorya.
Pisikal – oras at
lugar na
pinagdarausan ng
isang pangyayari
ay mahalagang
konteksto sa
komunikasyon na
maaaring
kasangkutan ng
aktwal na lugar,
oras o antas ng
ingay sa kaugnay
na salik halimbawa
ang lugar kung
saan gaganapin
ang kumperensiya
na dapat closed
door upang
maunawaang
mabuti ang mga
presentasyon.
Sosyal –
tumutukoy sa
personal na
ugnayan ng mga
kalahok sa
komunikasyon
tulad ng mga
naglalaro ng
basketball na
kinakailangang
mauunawaan ng
manlalaro
(teamwork) ang
bawat isa upang
makamit ang
tagumpay.
Kultural –
tumutukoy ang
kultura sa
prinsipyo at
paniniwala ng
pangkat na
maaaring
paniwalaan o hindi
paniwalaan dahil
sa magkaiba ang
pangkat na
pinagmulan ng
dalawang nag-
uusap kung kaya’t
magkaroon ng
kamalayan sa
bawat kultura.
Sikolohikal – dito
makikita ang mga
mood at emosyon
ng mga kasangkot
sa buong proseso
ng komunikasyon
tulad ng debate sa
loob ng klase na
maaaring
magkaroon ng
personalan kung
kaya’t hindi
nagiging maganda
ang takbo ng
aktibidad.
Historikal – ito ay
batay sa
kaganapang
nangyari sa
nakaraan na
inaasahan ng
bawat kasali sa
proseso ng
komunikasyon
tulad ng pagkatalo
sa isang laro na
maaaring maging
sanligan upang
paghandaan ang
mga sumusunod
pang laban o laro.