Komunikasyon (Depinisyon, Kahalagahan, Uri at Katangian)

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 33

“DEPINISYON AT

KAHALAGAHAN NG
KOMUNIKASYON
Depinisyon:
Ang salitang komunikasyon ay galing sa
salitang latin na communis na
nangangahulugang karaniwan o panlahat.
Ang komunikasyon ay ang pakikipag-usap,
paglalarawan, pagpapahayag, pakikipag-
ugnayan at pakikipagtalastasan sa mga tao.
Depinisyon:
Isang proseso ng pagpapalitan ng
impormasyon na kadalasan na ginagawa sa
pamamagitan ng karaniwang simbolo.
Proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng
mga mensahe na maaring berbal o di-berbal.
Narito ang pakahulugan ng
komunikasyon mula sa
iba’t ibang eksperto:
Keith Davis (1967)

“ Ang komunikasyon ay isang proseso ng


pagpapasa at pag-unawa sa impormasyon

mula sa isang tao patungo sa kanyang kapwa.

Newman at Summer (1977)


“ Ang komunikasyon ay pagpapalitan ng
impormasyon, ideya, opinyon o maging
opinyon ng mga kalahok sa proseso.

Birvenu (1987)

“ Ang komunikasyon ay isang proseso ng


pagpapasa ng nararamdaman, ugali,
kaalaman, paniniwala at ideya sa pagitan ng

mga nabubuhay.
Keyton (2011)


Ang komunikasyon bilang pagkakaunawaan sa
pagitan ng mga kalahok sa prosesong ito.

Kahalagahan ng Komunikasyon
 Kahalagahang Panlipunan
 Kahalagahang Pangkabuhayan
 Kahalagahang Pampulitika
 Kahalagahang Panlipunan
Anumang propesyon upang maging
matagumpay, ay nangangailangan ng
mabisang pakikipagtalastasan.
 Kahalagahang Pangkabuhayan
Ang tagumpay at kabiguan, ang hinaharap ng tao
ay nakasalalay sa paraan ng kanyang
pakikipagunawaan.
Sa pamamagitan ng mahusay at maayos na
pakikipag-usap at pakikisalamuha sa iba,
nakagagawa siya ng desisyon tungkol sa anumang
bagay: sa kabuhayan, relihiyon, edukasyon at
pulitika.
 Kahalagahang Pampulitika
Mahalaga ang komunikasyon sa larangan ng pulitika
sapagkat ito ang gamit ng tao upang matalakay ang
mga bagay na mayroong kinalaman sa bayan at
maipaabot sa kinauukulan.
Kailangan din ito upang maliwanag na masulat at
maipatupad ang mga batas. Maging ang pakikipag-
ugnayan sa iba pang bansa ay hindi kailanman
magiging posible kung hindi dahil sa komunikasyon.
Mga Uri at Katangian
ng Komunikasyon
 Uri ng Komunikasyon

1. Komunikasyong Intrapersonal
2. Komunikasyong Interpersonal
3. Komunikasyong Pampubliko
 Katangian ng Komunikasyon
1. Ang Komunikasyon ay isang proseso
- Encoding
- Decoding
2. Ang proseso ng komunikasyon ay
dinamiko
3. Ang Komunikasyon ay komplikado
 Katangian ng Komunikasyon
4. Mensahe, hindi kahulugan ang naipadadala at
natatanggap sa komunikasyon.
5. Hindi tayo maaaring umiwas sa komunikasyon
6. Laging may dalawang uri ng mensahe sa
proseso ng komunikasyon
 Relasyunal (di-berbal)
 Panlinggwistika (berbal o pasalita)
Pamamaraan ng Komunikasyon

 Berbal na Komunikasyon
 Di-Berbal na Komunikasyon
 Berbal na Komunikasyon
Ginagamit ang makabuluhang tunog at sa
paraang pasalita.
Tumutukoy sa pagpaparating ng ideya o
mensahe gamit ang salitang nagririprisinta sa mga
kaisipan.
Halimbawa:
Gising na! Tanghali na! Baka mahuli ka sa klase.
 Denotatibo at konotatibo
Denotatibo
Ito ang sentral o ang pangunahing kahulugan ng
isang salita.
Halimbawa:
Simbahan – isang gusali na itinayo upang doon
magsimba ang tao.
Tao – nilikha ng Diyos, binigyan ng buhay,
kaluluwa at isip.
 Denotatibo at konotatibo
Konotatibo
Ito ay maaring magtaglay ng mga pahiwatig na
emosyon o pansaloobin.
Maaari ring proseso ng pagpapahiwatig ng
karagdagan o kahulugang literal.
Tandaan: Ang pagkakahulugang konotatibo ay
maaring magiba-iba ayon sa saloobin, karanasan at
sitwasyon ng isang tao.
 Denotatibo at konotatibo
Konotatibo
Halimbawa:
Bundok – mataas, marumi, madawag,
masukal, naggugubat at iba pa.
Puti – kalinisan
Berde – Malaswa o Kabastusan
Pula – maalab, nag-aapoy, apoy, galit, pagibig
Dilaw – pagseselos, pagdududa at iba pa
Paraan ng Pagpapakahulugan o
Interpretasyon ng mga Simbolong Verbal
1. Referent
Ito ang tawag sa bagay o ideyang kinakatawan ng
isang salita tiyak na aksyon, katangian ng mga aksyon,
ugnayan ng bagay sa ibang bagay.
2. Komong Referens
Ito ang tawag sa parehong kahulugang ibinibigay ng
mga taong sangkot sa proseso ng komunikasyon.
Paraan ng Pagpapakahulugan o
Interpretasyon ng mga Simbolong Verbal
3. Kontekstong Berbal
Ito ang tawag sa kahulugan ng isang salita na
matutukoy batay sa ugnayan nito sa iba pang salita.
4. Paraan ng Pagbigkas o
Manner of Utterance(Paralanguage)
Maaari magbigay ng kahulugang konotatibo.
 Di-Berbal na Komunikasyon
Ito ay pagpapalitan ng mensahe o
pakikipagtalastasan na ang daluyan o channel ay hindi
lahat lamang ng sinasalitang tunog kundi kasama ang
kilos ng katawan at ang tinig na iniaangkop sa
mensahe.
Halimbawa:
kumpas ng kamay, galaw ng braso, taas ng kilay, iba-
ibang uri ng pagtingin at pagtitig at iba pa.
Mga Uri ng Komunikasyong
Di-Berbal
 Galaw ng Katawan  Katahimikan
 Proksemika/Espasyo  Kapaligiran
 Oras  Simbolo
 Pandama  Kulay
 Paralanguage  Bagay
 Galaw ng Katawan
1. Ekspresyon ng Mukha
2. Galaw ng Mata
3. Kumpas “Galaw ng Kamay”
- regulative, descriptive, emphatic
4. Tindig o Postura
 Proksemika (Proxemics)
“Pag – aaral ng komunikatibong gamit ng
espasyo, isang katawagang binuo ni Edward T.
Hall (1963), isang antropologo.
Uri ng Proxemic Distance
1. Espasyong Intimate up to 1- ½ ft.
2. Espasyong Publik- 12 ft. o higit pa
3. Espasyong Sosyal- 4 -12 ft.
4. Espasyong Personal- 1- ½ - 4 ft.
 Oras / Kronemika (Chronemics)
a. Teknikal o siyentipikong oras - ginagamit lamang
ito sa laboratoryo at kaunti lamang ang kaugnayan
nito sa pangaraw-araw nating pamumuhay.
b. Pormal na Oras - tumutukoy kung paano
binibigyan ng kahuluganang kultura at kung paano
ito itinuturo. Halimbawa,sa kultura ng ating oras,
hinahati ito sa segundo, minuto, oras, araw, linggo,
buwan at taon.
 Oras / Kronemika (Chronemics)
c. Impormal na Oras - medyo maluwag sapagkat
hindi eksakto.
Halimbawa: Magpakailanman, agad-agad,sa
madaling panahon atngayon din
d. Sikolohikal na Oras - tumutukoy sa kahalagahan
ng pagtatakda ng oras sa nakaraan, sa kasalukuyan
at sa hinaharap.
 Pandama o Paghawak (Haptics)
Ito ay isa sa pinaka-primitibong anyo ng
komunikasyon. Minsan, ito ay nagpapahiwatig ng
positibong emosyon. Nangyayari ito sa mga taong
malapit sa isa’t isa gaya ng mga magkakaibigan o
magkakapalagayang-loob.
Halimbawa:
Pagyakap, Paghaplos, pisil, tapik, batok, haplos,
hipo at iba pa.
 Paralanguage
Tumutukoy sa paraan ng pagbigkas ng isang
salita; pagbibigay diin sa mga salita.
Halimbawa:
Bilis ng pagbigkas, paghinto sa loob ng
pangungusap, lakas ng boses, kasama rin sa
bahaging ito ang pagsutsot, buntung-hininga, ungol
at paghinto
 Katahimikan / Hindi Pag-imik
May mahalagang tungkulin ding ginagampanan
ang dipag-imik/katahimikan pagbibigay ng oras o
pagkakataon sa tagapagsalita namakapag-isip at
bumuo at mag-organisa ng kaniyang sasabihin.
Sandata rin ito tugon sa pagkabalisa o pagkainip,
pagkamahiyain opagkamatatakutin.
 Kapaligiran
Ang pagdarausan o lugar na gagamitin sa
anumang pulong, kumperensya, seminar at iba pa
ay tumutukoy sa uri ng kapaligiran: pormal o di
pormal na kaayusan ng lugar.
 Simbolo (Iconics)
Mga simbolo sa paligid na may malinaw na
mensahe.
Hal. Sa palikuran, bawal manigarilyo atbp.
 Kulay (Colorics)
Nagpapahiwatig ng damdamin o oryentasyon.
Halimbawa:
Ang kulay asul at pula sa bandila ng pilipinas.

 Bagay (Objectics)
Tumutukoy sa paggamit ng mga bagay sa
pakikipagtalastasan. Kabilang rito ang mga
elektronikong ekwipment.
Maraming Salamat!

You might also like