ESP

Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 3

PRINSIPYO NG BATAS MORAL

KONSENSYA (tama at mali)


- isang tinig sa loob ng tao na nagbibigay ng payo at nag-uutos sa kanya sa gitna
ng isang moral na pagpapasya kung paano kumilos sa isang sitwasyon
- naririnig tuwing gagawa ng desisyon
- compass ng ating buhay
- tutulong upang di mapunta sa maling direksyon
- gamitin ito upang maging payapa ang buhay na malayo sa takot at pangamba

KRISIS
- kritikal na sandali ng ating buhay
- mga problema kung saan naiipit ka sa higit sa isang pagpipilian

AKLAT NI FELICIDAD LIPIO (libro)

PAANO KUMIKILOS ANG KONSESNYA SA TUWING HUMAHARAP SA KRISIS

UNANG YUGTO
- Alamin at naisin ang mabuti
* gamitin ang kakayahang ibinigay sa atin ng Diyos upang makilala ang mabuti at
totoo.

IKALAWANG YUGTO
- Ang pagkilatis sa partikular na kabutihan sa isang sitwasyon.
*gamit ang kaalaman sa mga prinsipyo ng moralidad, kilatisin kung ano ang mas
mabuti sa isang partikular na sitwasyon.

IKATLONG YUGTO
- Paghatol para sa mabuting pasiya at kilos
* pakinggan ang sinasabi ng konsensiya

IKAAPAT NA YUGTO
- Pagsusuri ng sarili o pagninilay
* pagnilayan ang naging resulta ng ginawang pagpili.

LIKAS NA BATAS MORAL


-pinakamataas na batayan ng kilos ng tao
- likas na batas moral ang ating gabay sa paggawa ng mabuti at masama.
- nakalapat dito ang ating konsensya

PRINSIPYO NG LIKAS NA BATAS MORAL


- gawin mo ang mabuti, iwasan mo ang masama
- kasama ng lahat ng may buhay, may kahilingan ang taong pangalagaan ang kaniyang
buhay
- kasama ng mga hayop, likas sa tao ang pagpaparami ng uri at pag-aralin ang mga
anak
- bilang rasyonal na nilalang, may likas na kahilingan ang tao na alamin ang
katotohanan at mabuhay sa lipunan

TANDAAN
- sa paggawa ng desisyon ugaliing kumonsulta sa konsensya

Konsensya - nagpapaalala na dapat tayong maging mapanagutan sa ating kalayaan na


gumawa ng pasya

Paano mahuhubog ang konsensya? ayon kay Felicidad Lipio


- kailangang matapat at masunuring isagawa ng tao ang pagsuri sa katotohanan.
- maglaan ka ng panahon para sa regular na panalangin at pakikipag-ugnayan sa
Diyos.
- sa pamamagitan ng konsensya ay nakagagawa tayo ng pasaya na maaaring makaapekto
ng malaki sa ating buhay.

PARAAN UBANG MAHUBOG ANG KONSENSYA


- Piliin ng mabuti
- Igalang ang katotohanan
- Makipag-ugnayan sa Diyos

3 ANTAS NG KONSENSYA
1. Antas ng likas na pakiramdam at reaksyon
- nagsisimula sa ating pagkabata
- umaasa sa mga paalala at paggabay ng mga nakatatanda sa atin
- nalalaman na tama ang iyong ginawa kapag narinig ang magandang reaksyon ng
magulang
- nalalaman na mali ang iyong ginawa kapag ika'y pinalo sa pwet o pinagsabihan ng
magulang
- mahalaga ang papel ng ating magulang o kahit sinong kasama natin sa bahay
sapagkat sila ang nagiging unang gabay ng bata sa paghubog ng konsensya,
kailangang maging maingat ang bawat isa sa pagkilos at pananalita dahil sa mata ng
bata ang sinasabi at ginagawa ng matanda ay palaging tama.

2. Antas ng Superego
- malaki ang bahaging ginagampanan ng isang taong may awtoridad kagaya ng pulis at
guro sa pagpapasya at pagkilos ng bata sa antas nito
- itinuturo sa bata kung ano ang ipinagbabawal sa lipunan at nagiging bahagi na ito
ng kanyang buhay nang hindi niya nalalaman

3. Antas ng Konsensyang Moral


- unti-unting namumulat sa sariling pananagutan dahil sa mabuting prinsiyo na
nalaman at narinig sa iba't-ibang uri ng tao
- alam na niya ng tama at mali, at nakikita na nag resulta o epekto ng kanyang
desisyon
- habang lumalaki ay dumadami ang prinsipyong nababasa at napapakinggan
- nakikita na ang tunay na nangyayari sa lipunan

Simulan ang paghubog ng konsensya mula nang ikaw ay bata pa lamang, makatutulong
ito upang magkamali sa paghusga ng mabuti at masama sa hinaharap.

Antas ng likas na pakiramdam


- nahuhubog ang konsensya sa pamamagitan ng mga sinasabi at pinapakita ng mga
magulang sa kanilang batang anak.
- gaya ng mga salitang papuri kapag tama ang ginawa at pagpalo sa pwet bilang tanda
na sila ay nagkamali

Antas ng Superego
- nahuhubog ang konsensya sa tulong ng mga taong nasa awtoridad o kapangyarihan
kagaya ng teacher o pulis na nagtuturo sa atin tungkol sa mga batas, ordinansa, o
alituntunin na dapat sundin

TANDAAN
- upang mapaunlad ang konsensya mas mabuti na humingi ng gabay mula sa mga taong
kilala mo na may sapat na kakayahan sa proseso ng paghubog nito, kagaya ng
magulang, mga nakatatanda mga aral mula sa pari o taga-simbahan at lalo na sa
Diyos.

KALAYAAN
ETTY HILESUM - nakaranas ng pangaabuso
ANG TUNAY NA KAHULUGAN NG KALAYAAN

Sto. Tomas De Aquino


- ang tao ang kumikilos para sa kanyang sarili at wala nang iba pa
- kalayaan ay likasna sa atin mula nang tayo ay isinilang
- kalayaan ng katangian ng kilos loob
- malaya kung ano ang gusto natin isipin at maramdaman

May kalayaan tayong gawin ang gusto nating gawin, gunit di kasama dito ang resulta
ng ginawa natin

kakambal ng kalayaan ay RESPONSIBILIDAD

Uri ng kalayaan
- Kalayaang pansarili (fundamental freedom)
sakop ang buong pagkatao o personal na kalayaan
- Kalayaang pangkaisipan (physcological freedom)
kakayahan na magpasya, kalayaan piliin ang gagawin
- Kalayaang moral (moral freedom)
likas na batas mora, kilos-loob
- Kalayaang pampolitikal (political freedom)
magbigay ng pagkakaton sa tao na maging produktibo
kalayaang piliin ang paniniwalaan sa lipunan

pinakatunay na kalayaan natin ay ang MAGMAHAL at MAGLINGKOD


Kalayaang kabahagi ang kapwa sa sambayanan (pakikipagkapwa)
Tunay na kalayaan ay ang pagpapahalaga sa kapwa

Kalayaan mula sa (freedom from) - hadlang sa kalayaan natin, nakasentro sa ating


sarili
Kalayaan para sa (freedom for) - uunahin ang kapakanan ng kapwa, pagtugon sa kapwa

Galatia 5:14 Gamitin ang kalayaan sa diwa ng pag-ibig (maglingkod at magmahal)

You might also like