Mapeh G4 P.E. Modyul 3 2

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 40

MAPEH

4 (P.E)
Unang Markahan

LEARNER’S MATERIAL
MAPEH-P.E
Grade 4

Regional Office Management and Development Team: Job. S. Zape, Jr.,


Leonardo C. Cargullo, Romyr L. Lazo, Fe M. Ong-Ongowan,
Lhovie A. Cauilan, Ephraim L. Gibas, Rena Mae D. Macabebe

Schools Division Office Management Development Team: : Elpidia


Bergado CID-Chief, Dan Leo A. Vicedo, Mary Jane A. Capupus, Elsie R.
Gliponio, Gina Cereno Padua

Arts Ikaapat na Baitang


PIVOT IV-A Learner’s Material
Unang Markahan , Modyul 1: Pagguhit
Unang Edisyon, 2020

Inilathala ng: Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon IV-A CALABARZON


Patnugot: Wilfredo E. Cabral
Pangalawang Patnugot: Ruth L. Fuentes
PIVOT 4A CALABARZON
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi
maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan
ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula,
atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga
iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang
gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa
mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin
o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Ang modyul na ito ay nagtataglay ng mga pangunahing


impormasyon at gabay sa pag-unawa ng mga Most Essential Learning
Competencies (MELCs). Ang higit na pag-aaral ng mga nilalaman,
konsepto at mga kasanayan ay maisasakatuparan sa tulong ng K to 12
Learning Materials at iba pang karagdagang kagamitan tulad ng
worksheets/activity sheets na ipagkakaloob ng mga paaralan at/o mga
Sangay ng Kagawaran ng Edukasyon. Magagamit din ang iba pang mga
paraan ng paghahatid kaalaman tulad ng Radio-based at TV-based
Instructions o RBI at TVI).

CLMD CALABARZON

PIVOT 4A CALABARZON
Gabay sa Paggamit ng PIVOT Learner’s Material
Para sa Tagapagpadaloy

Ang Modyul na ito ay inihanda upang makatulong sa ating mga mag-aaral na


madaling matutunan ang mga aralin sa asignaturang MAPEH-Musika. Ang mga
bahaging nakapaloob ditto ay sinigurong naayon sa mga ibinigay na layunin.
Hinihiling ang iyong paggabay sa pagbibigay sa ating mga mag-aaral ng tamang
paraan ng paggamit nito. Malaki ang iyong maitutulong sa pag -unlad nila sa
pag-unawa sa pagpapakita ng kakayahan ng may tiwala sa sarili na kanilang magiging
gabay sa mga sumusonod na aralin.

Para sa Mag-aaral
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng
silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi na dapat mong maunawaan. Ang
sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain
at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul
na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong
kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo.
Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

PIVOT 4A CALABARZON
Mga Bahagi ng Pivot Modyul

Bahagi ng LM Nilalaman

Ang bahaging ito ay naglalahad ng MELC at ninanais na


Panimula

Alamin outcome ng pagkatuto para sa araw o lingo, layunin ng


aralin, pangunahing nilalaman at mga kaugnay na
halimbawa para Makita ng mag-aaral ang sariling
Suriin kaalaman tungkol sa nilalaman at kasanayang kailangan
para sa aralin.

Ang bahaging ito ay naghahanap ng mga aktibidad,


Subukin
Gawain, nilalaman na mahalaga at kawili-wili sa
Pagpapaunlad

Tuklasin mag-aaral, karamihan sa mga Gawain ay umiinog


lamang sa mga konseptong magpapaunlad at
magpapahusay ng mga kasanayan sa MELC lalo na ang
bahaging ito ay nagbibigay ng oras para Makita ng mag-
Pagyamanin
aaral ang alam niya, hindi pa niya alam at ano pa ang
gusto niyang malaman at matutunan.

Ang bahaging ito ay may iba’t ibang Gawain at


oportunidad sa pagbuo ng kailangang KSA.
Isagawa
Pinahihintulutan ng guro ang mga mag-aaral na makisali
Pakikipagpalihan

sa iba’t ibang gawain at oportunidad sa pagbuo ng


kaniláng mga KSA upang makahulugang mapag-
ugnay-ugnay ang kaniláng mga natutuhan pagkatapos
Linangin ng mga gawain sa D. Inilalantad ng bahaging ito sa mag-
aaral ang totoong sitwasyon/gawain ng búhay na
magpapasidhi ng kaniyang interes upang matugunan
Iangkop ang inaasahan, gawing kasiyá-siyá ang kaniláng
pagganap o lumikha ng isang produkto o gawain upang
ganap niyang maunawaan ang mga kasanayan at

Ang bahaging ito ay nagtuturo sa mag-aaral ng proseso


Isaisip na maipakikita nilá ang mga idea, interpretasyon,
pananaw, o halagahan at makalikha ng mga piraso ng
Paglalapat

impormasyon na magiging bahagi ng kaniláng kaalaman


sa pagbibigay ng repleksiyon, pag-uugnay o paggamit
nang epektibong nito sa alinmang sitwasyon o konteksto.
Tayahin Hinihikayat ng bahaging ito ang mga mag-aaral na
lumikha ng mga estrukturang konseptuwal na nagbibigay
sa kanilá ng pagkakataong pagsamahin ang mga bago
at lumang natutuhan.

PIVOT 4A CALABARZON
WEEK Pamantayang Pangkaligtasan sa Paglalaro
1 Aralin
I
Ang araling ito ay inaasahang makakatulong saiyo para
maisa-isa mo ang mga pamantayang pangkaligtasan sa paglalaro at
maipamamalas mo ang gawain alinsunod sa mga pamantayang
pangkaligtasan.

Ano ang tinutukoy ng mga nasa larawan? Bakit mahalagang


maihanda ang katawan sa pagsasagawa ng mga laro? Paano mo
mapananatiling malakas ang resistensiya ng iyong katawan? Mahalaga
bang magpasuri sa doktor tungkol sa pisikal at medikal na kalagayan ng
iyong katawa? Bakit? Sa iyong palagay, nakadaragdag ba sa iyong
kaligtasan ang pagiging malinis sa pangangatawan? Ano ang nararapat
gawin bago magsimula ng gawain o laro? Bakit kailangan itong isagawa?
Saang bahagi ng paaralan maaring mag sagawa ng mga laro? Ano ang
nararapat mong gawin sa palaruan bago magsimula ng laro? Kung
nagbabadya na ng sama ng panahon habang ikaw ay naglalaro,ano ang
marapat mong gawin? Bakit mahalagang mag-ingat sa pagsasagawa ng
mga laro?

5 PIVOT 4A CALABARZON
D
Mga Alituntuning Pangkaligtasan at Pangkalusugan

1. Magpasuri sa doktor tungkol sa kalagayang pisikal o medical ng


katawan.
2. Sumunod sa pamantayan ng laro.
3. Magsuot ng tamang kasuotan sa paglalaro.
4. Maging malinis sa pangangatawan.
5. Kumain ng mga masusustansiyang pagkain upang mapalakas ang
resistensiya ng katawan.
5. Tiyaking maayos at ligtas ang palaruan sa anumang sakuna o aksidente.
6. Tumigil sa paglalaro kung may pagbabadya ng sama ng panahon.
7. Magsagawa ng warm up exercise bago magsagawa o magsimula ng laro.
8. Sumunod sa hudyat ng pagsisimula at paghinto ng laro.
9. Iwasang makasakit ng kalaro.
10. Ipagbigay alam ang anumang karamdaman habang naglalaro.
11. Tanggapin ng maluwag sa kalooban ang pagkapanalo o pagkatalo sa
laro.

Ang katawan ng tao ay katulad ng isang makina na nangangailangan


ng pahinga, wastong pagakain at pangangalaga upang laging maging mala-
kas,at malusog. Upang mapanatili natin ito, dapat na isagawa lagi natin
ang mga patakarang pangkalusugan at nang makaiwas sa sakit at sakuna.

6 PIVOT 4A CALABARZON
D
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Tama o Mali. Isulat ang tama kung wasto
ang isinasaad ng pangungusap at mali kung hindi wasto. Sa inyong
kuwaderno.

1. Nakikipag-away kapag natatalo na ng mga kalaro.


2. Mas kinakain ang mga junk foods kaysa mga gulay.
3. Nagsusuot ng mga bagong damit kapag nakikipaglaro.
4. Tinitiyak na malinis,maayos at ligtas ang lugar na paglalaruan.
5. Kaagad ng sinisimulan ang laro kahit hindi nakakapagsagawa ng warm
up exercise.
6. Ipinagpapatuloy ang paglalaro kapag may pagbabadya ng sama ng
panahon.
7. Kinakamayan ang mga kalaro talo man o panalo.
8. Nakikipaglaro ng habulan kahit may sakit na hika.

E
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Paano kaya magiging ligtas sa pagsasagawa
ng mga aktibidad o laro ang batang katulad mo? Ilarawan.
__________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

7 PIVOT 4A CALABARZON
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Lagyan ng tsek (/) ang angkop na sagot sa
bawat tanong.

Isinasagawa mo ba ang mga ito? Opo Hindi

1. Ipinagbibigay alam ang anumang karamdamang


nararamdaman habang naglalaro.

2. Inaaway ang kalaro kapag natatalo na.

3. Ginupit ang mga kuko bago makipaglaro.

4. Bumibili ng mga junk foods sa tindahan


matapos makipaglaro.

5. Sumusunod sa hudyat ng pagsisimula at


paghinto ng laro.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Basahin ang mga sitwasyon at sagutin


ang mga tanong. Isulat sa kuwaderno ang sagot.

1. Isang araw ng Linggo, may tatlong lalaking bihis na bihis na galing sa


simbahan. Napadaan sila sa isang pampublikong palaruan. Nais nilang
maglaro subalit maraming nagkalat na basag na bote sa palaruan.
Dapat ba silang maglaro? Bakit?
Kung sila ay maglalaro,ano muna ang dapat nilang gawin? Bakit?

2. Nagsasanay ang mga manlalaro ng volleyeball ng Alfonso sa palaruan


dahil sila ay lalahok sa pan-dibisyong palaro.Masaya silang naglalaro
nang biglang gumuhit ang kidlat.
Ano ang dapat gawin ng mga manlalaro? Bakit?
Anong pinsala ang naidudulot ng kidlat?

8 PIVOT 4A CALABARZON
Ang pagsasayaw ay isang magandang paraan upang maihanda at
mapaunlad ang katawan sa pagsasagawa ng mga gawain o laro. Tiyaking
angkop ang kasuotan sa pagsasagawa ng gawain. Magsagawa ng maikling
warm up bago magsimula. Maari kang magsaliw ng tugtog sa iyong
pagsasagawa nito.
PINOY AEROBICS
MGA HAKBANG:
1. Mag jojogging sa kinatatayuan sa 16 bilang.
2. Itaas ang dalawang kamay na inaabot ang langit pakaliwa at pakanan
sa 16 bilang.
3. Ihakbang ang kanang paa at itaas ang kaliwang tuhod kasabay ng isang
palakpak bawat bilang sa 2 bilang.
4. Ihakbang ang kaliwang paa at itaas ang kanang tuhod sabayan ng isang
palakpak bawat bilang sa 2 bilang.
5. Ulitin ang (a) at (b) sa 4 bilang.
6. Humarap sa kanan at ulitin ang a-c sa 8 bilang.
7. Ulitin ang Figures 1,2, at 3.

A
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat sa
kuwaderno.

1. Alin ang sinusunod sa pagpapasimula o paghinto ng laro?


A. Palakpak C. Pagsigaw
B. Hudyat D. Batingting

2. Alin sa mga sumusunod ang dapat iwasan habang nakikipaglaro?


A. Paglalaro nang ayon sa pinag-usapan.
B. Tulakan at balyahan.
C. Pagbibigay-alam kaagad ng anumang karamdaman.
D. Pagsunod sa reperi.

9 PIVOT 4A CALABARZON
3. Aling bahagi ng katawan ang hindi dapat tamaan ng bola kapag
naglalaro?
A. braso
B. Kamay
C. Bahaging mataas sa baywang
D. Paa

4. Ano ang tamang gawin kung may sugat o galos na natamo habang
naglalaro?
A. tiisin ang sakit na nararamdaman
B. Gamutin pagkatapos ng laro
C. Ilihim o itago
D. Ipagbigay alam sa kinauukulan

5. Saan dapat isagawa ang paglalaro?


A. kahit saan C. sa angkop na palaruan
B. Sa bakanteng lugar D. sa likod ng bahay

Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Suriin ang isinasaad ng bawat bilang.


Lagyan ng tsek (/) ang patlang kung ito ay nagsasabi ng tamang pagsunod
sa pamantayang pangkaligtasan sa paglalaro at ekis (x) kung hindi. Isulat
sa kuwaderno ang sagot.

____1. Pagsusuot ng tamang kasuotan sa paglalaro.

____2. Kumakain ng mga masusustansiyang pagkain upang mapalakas


ang resistensiya ng katawan.

____3. Nakikipaglaro sa labas ng bahay kahit umuulan na.

____4. Nagsasagawa ng warm up exercise bago magsagawa o magsimula ng


laro upang maging handa ang katawas sa gawain.

____5. Nagpapasuri sa doktor upang malaman ang kalagayang


pangkalusugan.

10 PIVOT 4A CALABARZON
___6. Umiiwas makasakit ng mga kalaro.

___ 7. Ipinagbibigay alam sa nakatatanda ang anumang sugat o galos na


natamo habang naglalaro.

___ 8. Sa tamang lugar ng palaruan nagsasagawa ng paglalaro.

___ 9. Sinusunod ang sariling nais sa paglalaro.

___10. Tintiyak na ligtas ang lugar na paglalaruan.

11 PIVOT 4A CALABARZON
Pagsubok sa mga Sangkap ng
Physical Fitness
Aralin
I
Ang aralin na ito ay idinisenyo at isinulat upang matulungan ka na
maunawaan ang aralin tungkol sa pagsubok sa mga sangkap ng Physical
Fitness. Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang maisagawa ang
iba’t ibang Physical Fitness Activities.

Tingnan ang mga larawan.

Lahat ba ng mga taong nasa larawan ay physically fit? Paano mo


nasabi na sila ay physically fit? Ano-ano ang mga sangkap ng physical
fitness? May mga gawain o pagsubok ang bawat sangkap ng physical
fitnessna kailangan isagawa ng may kapareha o kasama. Anu-ano ang mga
pagsubok na ito? Paano ginagawa ang bawat pagsubok? Gaano katagal o
kabilis dapat isagawa ang mga pagsubok na ito? Ano ang nasusukat sa
atin katawan sa pagsasagawa ng bawat pagsubok?

12 PIVOT 4A CALABARZON
Basahin at isagawa ang mga sumusunod.
1. 3 Minute Step Test (Cardiovascular Endurance) - tatag ng puso sa
tuloy-tuloy na paghakbang.

a. Gamit ang isang tungtungan o


hagdan ihakbang ang kanang paa
pataas. Ilapit ang kaliwa sa kanng
paa.

b. Ihakbang ang kanang paa pababa.


Ilapit ang kaliwa sa kanang paa.

c. Gawin ito sa loob ng tatlong minute.

Ano ang naramdaman mo, napagod ka ba agad? Bakit kaya?

2. Partial Curl-up (Muscular Endurance) –tatag ng kalamnan sa tiyan sa patuloy


na pag-angat.

a. Humiga na nakabaluktot ang


tuhod, ituwid ang braso, at
ilagay amga kamay sa hita.
b. Dahan-dahang abutin ang
iyong tuhod.Hindi kailangang
umangat nang
tuluyan sa iyong likod sa sa-
hig.
c. Bumalik sa pagkakahiga.
d. Ulitin ang (a,b at c) hanggang
makakaya sa loob isang minu-
to.

Anong nararamdaman mo sa paggawa ng partial curl-ups?


Nahirapan ka ba o nadalian? Bakit?
Ang susunod ay pagsubok sa lakas ng iyong braso at dibdib. Handa
ka na ba?

13 PIVOT 4A CALABARZON
3. Push-up (Muscular Strength) – lakas ng kalamnan sa braso at dibdib

sa patuloy na pag-angat.

a. Dumapa sa sahig na nakaluhod ang dalawang kamay na


kapantay ang balikat.

b. Iunat ang mga brasa at ituwi ang buong katawan.


c. Ibaluktot ang mga braso upang bumaba ang katawan at
lumapit ang dibdi sa sahig.
d. Ulit-ulitin hanggang makakaya.
f. Bilangin kung ilang ulit ang nagawa nang maayos.

Pareho ang pamamaraan sa mga babae bukod sa (a) kung saan sa halip na paa
angnakatukod ay tuhod ang nkatukod.

14 PIVOT 4A CALABARZON
4. Stork Stand (Balance)- pagbabalanse gamit ang isang paa lamang.

a. Tanggalin ang sapatos at ilagay


ang mga kamay sa baywang.

b. Iangat ang isang paa.

c. Tuminkayad gamit ang isang paa

d. Simulan ang oras ka pag


nakatingkayad na ang paa.

e. Itigil ito kapag natanggal ang


kamay sa baywang.

Maaring gawin ito sa kabilang paa gamit ang parehong pamamaraan.

5. 50 m Sprint (Speed) – pagsubok sa bilis ng pagtakbo patungo sa


itinakdang lugar sa pinakamabilis na oras na kaya mo.

a. Tumakbo ng mabilis mula sa


panimulang lugar hanggang sa
itinakdang lugar na 50m ang layo.

b. Simulan ang oras sabay ng hudyat


at titigil ito kapag nakarating na ang
tumakbo sa itinakdang lugar.

Mabilis ba ang iyong pagtakbo? Gaano katagal kang tumakbo?

15 PIVOT 4A CALABARZON
6. Shuttle Run (Agility) – pagsubok sa liksi ng pagkilos habang tumatakbo
at naglilipat ng kapirasong kahoy/bagay nula at patungo sa itinakdang
lugar.
a. Sa hudyat, tumakbo patungo sa kabilang guhit at dadamputin ang
isang bagay. Tatakbo pabalik sa kabilang guhit at ilalagay ang piraso ng
kahoy/bagay sa likuran ng guhit.
b. Tumakbo pabalik muli, dadamputin ang ikalawang kahoy/bagay,
tatakbo sa kabilang guhit.
c. Simulan ang oras sa hudyat at itigil ito paglampas sa guhit.

Kumusta ang pagpapalit-palit ng direksyon ng iyong pagtakbo?


Naging madali ba ito para sa iyo?

7. Alternate Hand Wall Test (Coordination) – koordinasyon ng mga mata


at kamay gamit ang isang bolang pinatatalbog sa dingding.

a. Tumayo ng tuwid na naka-stride


sa harap ng isang dingding na
may layong 2m./3ft.

b. Hawakan ang isang maliit na bo-


la. Gamit ang kanang kamay,
ihagis ito sa dingding na may
marka. Saluhin ito gamit ang
kaliwang kamay.

c. Gawin ito sa loob ng 30 segundo


at itala ang bilang ng salo na
nagawa

Hindi titigil ang oras kahit indi masalo ang bola. Tuloy-tuloy lamang
ang oras at ang pagbilang ng nasalo. Nahirapan ka ba sa pagsalo ng bola?
Ano ang paraang ginawa mo para mas madali mong masalo ang bola?
Susunod naman ay ang pagsubok sa iyong reaction time.

16 PIVOT 4A CALABARZON
8. Ruler Drop Test (Reaction Time) – bilis ng reaksyon ng pagsalo ng ruler
na nilaglag na walang hudyat gamit ang daliri.

a. Umupo o tumayo sa isang


lugar. Nakatayo sa harap ang
kasama o kapareha na may
hawak ng uler o meter stick.

b. Bitiwan ng kapareha ang


ruler o meter stick nang wa-
lang hudyat. Saluhin ang
ruler o meter stick
gamit ang mga dalri. Kunin
ang sukat (cm) sa itaas ng
daliri.

c. Gawin ito ng ilang beses at


kunin ang average score.

Nakuha o nahawakan mo ba ng ruler? Mabilis ka ba o mabagal? Ang flexi-


bility naman ang iyong susubuking alamin at gawin sa susunod na gawain.

9. Sit and Reach (Flexibility) – pag-unat sa bot ng makakaya ng iyong


kalamnan sa pata (likod ng hita), binti, at likod.

a. Umupo sa sahig na may


panukat. Sa pagitan ng mga
binti at sumandal sa dingding.
Iunat ang braso sa harap na
magkapatong ang mga kamay.
Ilapat sa 0(zero) na marka ang
dulo ng mga daliri.

b. Iunat ang katawan paharap at


pababa sa panukat nang hindi
Niyu yu gyo g an g kataw a n
patalikod at paharap. Subuking
mahawakan ito ng daliri.

c. Gawin ito nang dalawang beses.


Itala ang iskor. (cm)

17 PIVOT 4A CALABARZON
10. Vertical Jump(Power) – puwersa na maibuhos sa pagtalon nang
mataas.
a. Hawak ang chalk. Tumayo sa tabi ng dingding na may panukat. Kahit
alin kamay sa ymaaring gamitin sa pagmarka sa dingding ngunit mas
mainaman kung kamay na panulat ang gagamitin mo.
b. Itaas ang braso ng iyong panulat na kamay at itapat ang mga daliri sa
panukat.

Malayo ba ang naabot mo? Nakaramdam ka ba ng sakit o kirot sa


pata, binti o likod? Bakit kaya?

c. Itala ang sukat (cm) sa tapat


ng gitnang daliri. Ito ay ang
iyong standing reach height.

d. Lumundag nang mataas sa


abot ng iyong makakaya at
siguraduhing maimarka sa
dingding ang chalk. Kunin ang
sukat at ibawas ito sa
standing reach hieght. Itala
ang sukat na nakuha.

e. Gawin ito ng 2 beses at itala


ang pinakamataas na nakuha.

Tumaas ba ang iyong talon sa pangalawang pagsubok? May ginawa ka ba


upang tumaas pa ito? Ano ang ginawa mo?

Bukod sa mga pagsubok na iyong ginawa, mayroon pang isang


sangkap ng physical fitness na dapat bigyan pansin. Ito ang body
composition. Ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagkuha ng iyong
timbang at taas. Ito ay tinatawag na BMI o Body Mass Index.Ang BMI ang
sinasabing rekomendadong timbang batay sa taas ng isang tao.

Ang Physical fitness ay ang kakayahan ng bawat tao na makagawa


ng pang-araw-araw na gawain nang hindi kaagad napapagod at hindi na
nangangailangan ng karagdagang lakas sa oras ng pangangailangan.
Tumutukoy din ito sa mga katangiang tumutulong sa pagtugon ng mga
pangangailangn ng katawan ayon sa gawain tulad ng mga pagsubok na
ginawa mo.

18 PIVOT 4A CALABARZON
Iyong malalaman kung ikaw ay physically fit sa pamamagitan ng
pagagawa ng iba’t ibang pagsubok. Tiyaking angkop ang mga kasuotan sa
mga pagsubok na gagawin.

Ang pagsubok sa mga sangkap ng physical fitness ay mahalaga


upang malaman ang estado ng iyong physical fitness.

D
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Sagutin ang mga tanong. Isulat sa
kuwaderno.

1. Ano ang physical fitness? Paano mo malalaman kung ikaw ay


physically fit? Ano ang kahalagahan ng mga pagsubok na iyong ginawa?

Ang mga Pagsubok sa mga Sangkap ng Physical Fitness

1. 3 Minute Ste Test– sinusukat ang kakayahan ng cardiovascular


Endurance o tatag ng puso at baga sa pamamagitan ng pagtaas o
pagbaba sa hagdan o tuloy-tuloy na paghakbang.

2. Partila Curl Up— sinusukat ang muscular endurance ng katawan

3. Push-up—isinasagawa upang masukat ang muscular strength o lakas


ng kalamnan.

4. Stork Stand Test— paraan ng pagsukat ng balance ng katawan.

5. 50 m Sprint— upang masubok ang bilis ng katawan.

6. Shuttle Run - sa pamamagitan ng pagsubok na ito masusukat ang liksi


o kakayahang magpalit ng posisyon o mag-iba ng posisyo ng katawan
nang mabilisan at naayon sa pagkilos.

19 PIVOT 4A CALABARZON
7. Alternative Hand Wall Test—sinusukat nito ang koordinasyon ng mga
mata at kamay gamit ang bola sa pamamagitan ng pagpapatalbog nito
sa dingding.

8. Ruler Drop Test—upang masukat naman ang iyong bilis ng eaksyon sa


pagsalo ng ruler na walag hudyat kung ilalaglag na ito.

9. Sit anf Reach— ang flexibility o kahutukan ang sinusukat ng pagsubok


na ito na maabot ang isang bagay.

10. Vertical Jump—sinusukat nita ng puwersa ng katawan sa


pamamagitan ng pagtalon nang mataas.

E
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Sumulat ng isang talata na
nagpapaliwanag ng kahalagahan ng pagiging physically fit.
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
____________________________________________.

20 PIVOT 4A CALABARZON
A
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Anu-ano ang mga pagsubok at mga
sangkap sa Physical Fitness. Gawin ito sa kuwaderno.

__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

21 PIVOT 4A CALABARZON
Pamantayang Pangkaligtasan
sa Paglalaro WEEKS
Aralin 2-8
I
Ang aralin na ito ay idinisenyo at isinulat upang matulungan ka na
maunawaan ang aralin tungkol sa pamantayang pangkaligtasan sa
paglalaro

Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang maiisa-isa ang mga


pamantayang pangkaligtasan sa paglalaro, makapagpapamalas ng gawain
alinsunod sa mga pamantayang pangkaligtasan at maka-iingat sa
pagsasagawa ng mga laro.

Pagaralan ang mga larawan.

Ano ang tinutukoy ng mga nasa larawan? Bakit mahalagang


maihanda ang katawan sa pagsasagawa ng mga laro? Paano mo
mapananatiling malakas ang resistensiya ng iyong katawan? Mahalaga
bang magpasuri sa doktor tungkol sa pisikal at medikal na kalagayan ng
iyong katawa? Bakit?Sa iyong palagay, nakadaragdag ba sa iyong
kaligtasan ang pagiging malinis sa pangangatawan? Ano ang nararapat
gawin bago magsimula ng gawain o laro? Bakit kailangan itong isagawa?
Saang bahagi ng ating paaralan tayo maaring magsagawa ng mga laro?
Ano ang nararapat nating gawin sa palaruan bago magsimula ng laro?
Kung nagbabadya na ng sama ng panahon habang ikaw ay naglalaro, ano
ang marapat mong gawin? Bakit mahalagang mag-ingat sa pagsasagawa ng
mga laro?

22 PIVOT 4A CALABARZON
D
Mga Alituntuning Pangkaligtasan at Pangkalusugan

1. Magpasuri sa doktor tungkol sa kalagayang pisikal o medical ng


katawan.

2. Sumunod sa pamatayan ng laro.

3. Magsuot ng tamang kasuotan sa paglalaro.

4. Maging malinis sa pangangatawan.

5. Kumain ng mga masusustansiyang pagkain upang mapalakas ang


resistensiya ng katawan.

6. Tiyaking maayos at ligtas ang palaruan sa anumang sakuna o


aksidente.

7. Tumigil sa paglalaro kung may pagbabadya ng sama ng panahon.

8. Magsagawa ng warm up exercise bago magsagawa o magsimula ng


laro.

9. Sumunod sa hudyat ng pagsisimula at paghinto ng laro.

10. Iwasang makasakit ng kalaro.

11. Ipagbigay alam ang anumang karamdaman habang naglalaro.

12. Tanggapin ng maluwag sa kalooban ang pagkapanalo o


pagkatalo sa laro.

23 PIVOT 4A CALABARZON
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Tama o Mali. Isulat ang tama kung wasto
ang isinasaad ng pangungusap at mali kung hindi wasto.

1. Nakikipag-away kapag natatalo na ng mga kalaro.


2. Mas kinakain ang mga junk foods kaysa mga gulay.
3. Nagsusuot ng mga bagong damit kapag nakikipaglaro.
4. Tinitiyak na malinis,maayos at ligtas ang lugar na paglalaruan.
5. Kaagad ng sinisimulan ang laro kahit hindi nakakapagsagawa ng warm
up exercise.
6. Ipinagpapatuloy ang paglalaro kapag may pagbabadya ng sama ng
panahon.
7. Kinakamayan ang mga kalaro talo man o panalo.
8. Nakikipaglaro ng habulan kahit may sakit na hika.

Ang katawan ng tao ay katulad ng isang makina na


nangangailangan ng pahinga, wastong pagakain at pangangalaga upang
laging maging malakas,at malusog. Upang mapanatili natin ito,
dapat na isagawa lagi natin ang mga patakarang pangkalusugan at nang
makaiwas sa sakit at sakuna.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Lagyan ng tsek (/) ang angkop na sagot sa


bawat tanong.

Isinasagawa mo ba ang mga ito? Opo Hindi

1. Ipinagbibigay alam ang anumang


karamdamang nararamdaman habang naglalaro.

2. Inaaway ang kalaro kapag natatalo na.

3. Ginupit ang mga kuko bago makipaglaro.

4. Bumibili ng mga junk foods sa tindahan matapos


makipaglaro.

5. Sumusunod sa hudyat ng pagsisimula at


paghinto ng laro.

24 PIVOT 4A CALABARZON
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Basahin ang mga sitwasyon. Sagutin ang
mga tanong.

1. Isang araw ng Linggo, may tatlong lalaking bihis na bihis na galing sa


simbahan. Napadaan sila sa isang pampublikong palaruan. Nais nilang
maglaro subalit maraming nagkalat na basag na bote sa palaruan.
Dapat ba silang maglaro? Bakit?
Kung sila ay maglalaro,ano muna ang dapat nilang gawin? Bakit?

2. Nagsasanay ang mga manlalaro ng volleyeball ng Alfonso sa palaruan


dahil sila ay lalahok sa pan-dibisyong palaro.Masaya silang naglalaro
nang biglang gumuhit ang kidlat.
Ano ang dapat gawin ng mga manlalaro? Bakit?
Anong pinsala ang naidudulot ng kidlat?

Ang pagsasayaw ay isang magandang paraan upang maihanda at


mapaunlad ang katawan sa pagsasagawa ng mga gawain o laro. Tiyaking
angkop ang kasuotan sa pagsasagawa ng gawain. Magsagawa ng
maikling warm up bago magsimula. Maari kang magsaliw ng tugtog sa
iyong pagsasagawa nito.

PINOY AEROBICS
MGA HAKBANG:
1. Pagdya-jogging sa kinatatayuan sa 16 bilang.
2. Itaas ang dalawang kamay na inaabot ang langit pakaliwa at
pakanan sa 16 bilang.
3. A. Ihakbang ang kanang paa at itaas ang kaliwang tuhod
kasabay ng isang palakpak bawat bilang sa 2 bilang.
4. B. Ihakbang ang kaliwang paa at itaas ang kanang tuhod
sabayan ng isang palakpak bawat bilang sa 2 bilang.
C. Ulitin ang (a) at (b) sa 4 bilang.
D. Humarap sa kanan at ulitin ang a-c sa 8 bilang.
4. Ulitin ang Figures 1,2, at 3.

25 PIVOT 4A CALABARZON
E
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Alin ang sinusunod sa pagpapasimula o paghinto ng laro?


A. Palakpak C.Pagsigaw
B. Hudyat D. Batingting

2. Alin sa mga sumusunod ang dapat iwasan habang nakikipaglaro?


A. Paglalaro nang ayon sa pinag-usapan
B. Tulakan at balyahan
C. Pagbibigay-alam kaagad ng anumang karamdaman
D. Pagsunod sa reperi

3. Aling bahagi ng katawan ang hindi dapat patamaan ng bola kapag


naglalaro?
A. braso C. bahaging mataas sa baywang
B. kamay D. paa

4. Ano ang tamang gagawin kung may sugat o galos na natamo habang
naglalaro?
A. Tiisin ang sakit na nararamdaman
B. Gamutin pagkatapos ng laro
C. Ilihim o itago
D. Ipagbigay alam sa kinauukulan

5. Saan dapat isagawa ang paglalaro?


A. kahit saan C. sa angkop na palaruan
B. sa bakanteng lugar D. sa likod ng bahay

26 PIVOT 4A CALABARZON
A
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Gumawa ng isang talata na
nagpapaliwanag ng kahalagahan ng pagsunod sa alituntuning
pangkaligtasan at pangkalusugan sa paglalaro.

27 PIVOT 4A CALABARZON
Batuhang Bola
Aralin
I
Ang araling ito ay inaasahang makakatulong saiyo para maiisa-isa
mo ang kahalagahan ng paglinang sa mga angkop ng Physical Fitness gaya
ng cardiovascular endurance at power at maisasagawa ang mga gawain na
may kinalaman sa paglalaro ng Batuhang Bola.

Sa larong batuhang bola, ikaw ay nangangailangan ng mga


kasanayang pagtakbo, pag-iwas, pagbato at pagsalo ng bola na
nakalilinang o nakapagpapaunlad ng lakas ng kalamnan ng puso
(cardiovascular endurance) at power.
Ito ay isang larong pinoy na nagmula sa mga Amerikano.
Nangangailangan ito ng dalawang grupo: ang tagataya at taga-iwas na nasa
loob ng kahong parihaba.Nais ng tagataya na mataya lahat ng miyembro
ng kabilang grupo. Kapag nangyari ito ay magpapalit ng gawain at
tungkulin ang bawat grupo.

Handa ka na ba sa paglalaro ng batuhang bola? Kung handa ka na. Suriin


ang tatag ng iyong lakas ng kalamnan at power. Kailangan mong gawin
muna ang mga ito:
Bilangin at itala sa iyong kwaderno kung ilan ang iyong naisagawa.
1. Pagtakbo ( 10 metro ang layo- 3 ulit)
2. Pagbato ng bola sa dingding (10 ulit)
3. Pagsalo ng bola mula sa dingding, (10 ulit)
4. Pag-iwas tamaan ng bola sa kahit anong parte ng katawan
5. Paghahagis ng bola paitaas at pagsalo(10 ulit)

28 PIVOT 4A CALABARZON
D
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Iguhit ang tala ( ) kung wasto ang
pahayag tungkol sa paglalaro ng Batuhang Bola at buwan ( ) naman
kung mali. Isulat sa kuwaderno.

_______1. Ang larong batuhang bola ay isang larong Pinoy na hango sa


Amerikanong laro na Dodgeball.

_______2. Ito ay nangangailangan ng dalawang grupo na kung saan ang


isang grupo ang tagataya at ang isang grupo ang tagaiwas o
target ng bolang ibabato ng tagataya.

_______3. Nasa labas ng parihabang palaruan ang mga tagaiwas o target


habang ang mga tagataya naman ay nakahati sa dalawang duo
ng palaruan.

_______4. Ang layunin ng taga taya ay mataya lahat ng mga miyembro ng


kabilang grupo.

_______5. Sa paglalaro ng batuhang bola, maraming kasanayan ang


matututuhan gaya ng pagtakbo, pag-iwas at pagsalo ng bola.

_______6. Para sa mga tagaiwas o target, mas maganda ang laro kung
magaling silang umiwas sa pagbato ng kalaban.

_______7. Ang larong batuhan ng bola ay nangangailangan ng diskarte at


pagkakaisa ng pangkat.

_______8. Para naman sa tagataya,mas gaganda ang laro kung magaling


ang mga ito sa pagbato ng mga kalaban.

_______ 9. Ang pinaka ka abang- abang na pangyayari sa laro ay kapag


tinamaan ng bola ay ang magaling sumalo ng bola.

_______10.Kinakailangan sa larong ito na maging maingat upang hindi


masaktan.

29 PIVOT 4A CALABARZON
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Sundin ang mga paraan sa paglalaro ng
batuhang bola.

1. Gumawa ng dalawang guhit na may kalayuan sa isa’t-isa.


Magmanuhan ang bawat pangkat. Ang nanalo ay pipili kung
tagataya o taga iwas.

2. Hatiin sa dalawa ang grupong tagataya na siyang babato sa


tagaiwas.Ang tagaiwas ay tatayo sa gitna ng palaruan sa pagitan ng
dalawang guhit.

3. Ang bawat tamaan ng bola ay ”out” na. Maari itong buhayin kung
masasalo ng kamiyembro ang bolang binato.

4. Kapag isa na lamang ang natitira sa gitna, kailangang tamaan ito sa


loob ng tatlo hanggang limang direktang pagbato. Kung hindi ito
nagawa, mabubuhay ang lahat ng kamiyembro na out. Kung nataya
naman, magpapalit ng posisyon ang magkabilang pangkat at uulitin
ang paraan ng paglalaro.

5. Ang bawat yugto ng laro ay magtatagal ng 4-5 minut.

30 PIVOT 4A CALABARZON
E
Ang paglalaro ng batuhang bola ay mainam na paraan upang
malinang o mapaunlad ang tatag ng kalamnan (cardiovascular endurance)
at power. Ang mga kasanayan sa larong ito gaya ng pagtakbo, pag-iwas, at
pagbato ang siyang gawaing makatutulong sa paglinang mg mga sangkap
(component) ng physical fitness. Makabubuti sa kalusugan kung madalas
ang pakikilahok sa ganitong uri ng mga gawain ng batang tulad mo.

Narito ang mga gawain na maaaring isagawa upang malinang o mapaunlad


ang tatag ng kalamnan (cardio vascular endurance) at lakas ( power) pu-
mili ka ng isa.
Pagtakbo/jogging
Pagbabasketball o kickball

31 PIVOT 4A CALABARZON
A
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
Gawin ito sa kuwaderno.

1. Naisagawa mo ba nang maayos ang pamamaraan sa paglalaro? Kung ga-


noon,ano ang pakiramdam mo habang naglalaro at pagkatapos maglaro?

2. Bumilis ba ang pintig ng iyong puso?Anu- anong mga bahagi ng iyong


katawan ang ginamit mo para maipakita ang iyong power?

3. Naipamalas mo ba ang iyong cardiovascular endurance at power sa


paglalaro ng batuhang bola?kung madalas mo ba itong lalaruin,
mapapaunlad ba nito ang tatag ng iyong kalamnan at power?

32 PIVOT 4A CALABARZON
Tumbang Preso
Aralin
I
Ang araling ito ay inaasahang makatutulong sa iyo para maisagawa
mo ang mga iba’t-ibang kakayahan sa iba’t-ibang laro.

Humanap ng mga salita sa loob ng kahon na maaaring mayroong


kaugnayan sa aralin. Maaaring hanapin ang salita sa loob ng kahon sa
pamamagitan ng patayo, pahilis, pabalik, pababa, pataas, patagilid.

L A R O A S C L D E

A F G H I A J L K L

T M N O P L Q A R S

A T U V W E G B X Y

Z A B C D N E K F G

H I J K A I L C M O

N O P B Q S R I S S

T U M V W T X K Y E

Z U A B C D E F G R

T H I J K Y O N I P

33 PIVOT 4A CALABARZON
Ang tumbang preso ay isang larong Pinoy kung saan ang isang taya
ay may binabantayang lata na nasa loob ng isang bilog. Ito ang “preso” na
tinatawag. Ang ibang manlalaro naman ay mga tagahagis ng tsinelas na
ang layunin ay mapatumba at maalis ang “preso” (lata) sa loob ng bilog.
Ang layunin ng taya ay makataga (makataya) ng isang tagahagis habang
ang mga ito ay kumukuha ng mga tsinelas sa palaruan. Ang natagang
(natayang) tagahagis ang magiging susunod na taya.

Mga kagamitan at paraan sa paglalaro:


Tsinelas (1 kada manlalaro)
Lata
Yeso o chalk pangmarka

Paraan ng paglalaro:
1. Itayo ang lata sa loob ng bilog na guhit na may diyametrong isang
talampakan.

2. Ang manuhan o pamulaang guhit ay lima hanggang pitong metro ang


layo sa lata.

3. Magmanuhan upang piliin ang taya. Isa-isang tumayo sa tabi ng lata at


ihagis sa manuhang-guhit ang tsinelas. Ang may tsinelas na
pinakamalayo sa guhit ang magiging taya.

4. Ang taya ay tatayo malapit sa lata (maaaring sa likod o gilid ng bilog


ngunit hindi niya maaaring harangan ng kahit ano mang bahagi ng
kanyang katawan ang lata). Ang mga tagahagis naman ay nasa
manuhang-guhit.

5. Isa-isang pupukulin ang lata gamit ang tsinelas upang maalis o


tumilapon ito palayo sa bilog.

34 PIVOT 4A CALABARZON
6. Sa tuwing titilapon ang lata ay kukunin ito ng taya at itatayo sa loob ng
bilog.

7. Kung tumilapon ang lata ngunit nakatayo pa rin ito saan mang dako ng
lugar na pinaglaruan, patuloy na babantayan ito ng taya. Hindi
kailangang ibalik ito sa bilog.

8. Kapag natumba naman ang lata, ito ang pagkakataon para kunin ng
mga tagahagis ang kanilang tsinelas at bumalik sa manuhang-guhit.

9. Kapag nakatayo ang lata at may nataga (nataya) ang taya, ang nataga
(nataya) ang magiging bagong taya.

10. Hindi maaaring tagain ang manlalarong nasa manuhang-guhit. Hindi


rin maaaring managa ang taya kung nakatumba ang lata.

11. Kapag nanghabol ang taya, maaaring sipain ng ibang manlalaro ang
lata upang tumumba ito.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Gumuhit ng larawan na nagpapakita ng


isang larong pinoy na iyong gustong laruin katulad na lamang ng tumbang
preso bilang halimbawa. Gawing makulay at gamitin ang pagiging
malikhain sa paggawa nito. Iguhit ito sa sagutang papel.

D
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Basahin ang sumusunod na
pangungusap. Sagutin ng TAMA kung tama ang ipinahahayag at MALI
naman kung mali ang ipinahahayag. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

__________ 1. Ang manlalarong may pinakamalayong hagis ng tsinelas sa


manuhan ang magiging taya.

35 PIVOT 4A CALABARZON
__________2. Maaaring tayain ng taya ang mga manlalaro habang
nakatumba ang lata.

__________3. Hindi maaaring harangan ng taya ng kahit anong bahagi ng


kanyang katawan ang lata.

__________ 4. Sabay sabay ang pagbato ng tsinelas ng bawat manlalaro sa


lata.

__________ 5. Hindi maaaring kuhanin ng mga manlalaro ang tsinelas na


naihagis na sa lata.

E
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Sa iyong sagutang papel, sumulat ng
isang isang sanaysay kung paano mo ipakikita ang kahalagahan ng larong
pinoy sa ating lahi bilang mga Pilipino.

____________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________.

36 PIVOT 4A CALABARZON
A
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: May mga gawain na sadyang
nakapagpapabilis ng tibok ng ating pulso. Piliin sa larawan sa ibaba ang
mga gawain na sa iyong palagay ay nakakapagpapabilis ng tibok ng pulso.
Isulat ang dahilan.

37 PIVOT 4A CALABARZON
 Edukasyon sa pagpapalakas ng Katawan 4,Amparo C. Sunga,pp.113-122

 Edukasyong Pangkatawan at Pangkalusugan


Kagamitan ng Mag-aaral
ph. 55-60

 Edukasyong Pangkatawan at Pangkalusugan


Kagamitan ng Guro

38 PIVOT 4A CALABARZON
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education Region 4A CALABARZON

Office Address: Gate 2 Karangalan Village, Cainta, Rizal

Landline: 02-8682-5773, local 420/421

Email Address: [email protected]

You might also like