Elective1 Prefinal Panggalan

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Reyjenie D.

Molina

Saliksikin ang Pangngalan, uri, kailanan at iba pa na may kaugnayan sa

Pangngalan. (40puntos)

Ano ang pangngalan?

Ang Pangngalan ay isang pasalitang simbolong tumutukoy sa tao, bagay, pook,


hayop, lugar at pangyayari. Sa lingwistikang istruktural ay tumutukoy lamang sa ngalan ng
tao, bagay, pook o pangyayari.

ANG MGA PANANDA/MARKER

Pananda o Marker - ang tawag sa mga pantukoy na “ang” “ng” at “sa” upang na ang

sinusundang salita ay isang pangngalan.

Panandang ang/si (nominatib) -ito ay mga signal na nagsasabi na ang sinusundang

pangngalan ay nasa anyong simuno.

Halimbawa:

 ang bata
 si Luigi
 ang mga tindera

Panandang ng/ni (posesib) – ito ay mga panandang nagpapakilala ng pagmamay-ari.

Halimbawa:

 Kwintas ni Salve
 bahay ng kapatid niya
Panandang sa/kay (objective) – ito ay may panandang gamit sa layon ng pang-ukol, pook

o direksyon o tuwirang layon.

Halimbawa:

 Hindi nabigo ang pagtitiwala nila kay Tyra


 Sila’y nagpunta sa SM Tarlac.

Uri ng Pangngalan

Ang pangngalan ay nauuri batay sa wastong gamit nito. Ito ay may pangkalahatang uri:

1. Pantangi- ito ay tumutukoy sa tanging ngalan ng tao, bagay, pook, pangyayari.

Halimbawa:

•Suzuki

•Aurora Province

•Jose P. Laurel

•Aga Muhlach

2. Pamabalana – ito ay tumutukoy sa kalipunan o balangang ngalan ng tao, bagay, pook o pangyayari.

Halimbawa:

 Motorsiklo
 Sacred Heart

3. Tahas – tumutukoy sa mga bagay na material o mga bagay na nakikita at

nahahawakan.

Halimbawa:

 Tao
 hayop
 materyales
a. Tahas na palansak- ito ay tumutukoy sa pangkat ng isang uri ng tao o bagay.

Halimbawa:

 Buwig
 Kaing
 kangkong

b. Tahas na di-palansik – ito ay tumutukoy sa mga bagay na hindi material o may kinalaman.

Halimbawa:

 Saging
 Bulaklak
 kamera

4. Basal- ito ay tumutukoy sa mga bagay na hindi material, walang pananaw.

Halimbawa:

 Kabutihan
 Kagandahan
 pag-ibig
Kayarian ng Pangngalan

Makikilala ang mga kayarian ng pangngalan ayon sa kategoryang payak, maylapi, inuulit,

tamabalan.

1. Payak – binubuo lamang ng salitang – ugat, walang panlapi o katambal na salita

man lang.

Halimbawa:

 Balsa
 diwata
 reyna

2. Maylapi- tinatawag ding hinango sapagkat may pinaghanguan ang nabuong salita.

Binubuo ito ng salitang-ugat at panlapi.

Halimbawa:

Panlapi Salitang Ugat Nabuong Salita

pag-an aral pag-aralan

an sulat sulatan

mag walis magwalis

3. Inuulit- inuulit- ang pangngalan kung inuulit ang bahagi ng salita o pantig. Maari ding kabuuan ng
salita.

Halimbawa:

 Oras-oras
 buwan-buwan
 iiyak
4. Tambalan- binubuo ng dalawang salitang pinag-iisa o maaaring manatili ang kahulugan o may ibang
kahulugan.

Halimbawa:

 Bahaghari
 tawang dimonyo
 Silid-aklatan
 balat-sibuyas

Kasarian ng Pangngalan- Kasarian ang tawag sa pagtukoy sa gender ng pangngalan kung ito ay
panlalaki,pambabae, walang kasarian at di-tiyak.

Halimbawa:
 Lasenggo (panlalaki)
 Inahin (pambabae)
 Lamesa (walang kasarian)
 Sanggol (di-tiyak)

Kailanan ng Pangngalan Kailanan ay tumutukoy sa dami ng pangngalan at matutukoy ito kung isahan,
dalawahan o maramihan.

Halimbawa:
Isahan dalawahan maramihan
 ang mag-aaral ang dalawang mag-aaral ang mga mag-aaral
 ina mag-ina mag-iina
 babae dalawang babae mga babae
Kaukulan ng Pangngalan Kaukulan ang tawag sa kakanyahan ng pangngalang nagpapakita ng
gamit nito sa pangungusap at batay sa mga gamit nito ay mauuri ang kaukulan ng pangngalan.

1. Palagyo –ito ay ginagamit kapag ang pangngalan ay ginagamit bilang simuno,

pamuno sa simuno, pangngalang pantawag, kaganapang pansimuno o pamuno sa kaganapanng


pansimuno.

Halimbawa: (gamit bilang simuno)

• Si Linda ang pinakamabait na anak nina Mang Berting.

• Ang guro at ang abogado ay may mahalagang tinalakay.

• Ang mga empleyado ay nasasabik na Makita ang kanilang pangulo.

Halimbawa: (Gamit bilang pangngalang simuno)

• Si Linda, ang butihing anak, ay tumulong sa pangangailangan ng kanyang mga

magulang.

• Si Kris Aquino, ang tanyag na artista, ay may ipapalabas na bagong pelikula.

Halimbawa: (Gamit bilang pangngalang pantawag)

• Fiona, kuhanin mo ang mga sinampay sa labas.

• Maglaba ka ng mga maruruming damit, Celia.

Halimbawa: Gamit bilang kaganapang pansimuno)

• Si Ednalyn ay isang nars.

• Si Marithel ay abogado ng organisasyon.

Halimbawa: (Gamit bilang pamuno kaganapang pansimuno)

• Ang batang nakapula ay si Karen, pamangkin ni Leth.

• Ang nagsasalita ay si Leisaiah, ang tagapangasiwa ng organisasyon


Palayon –nasa kaukulang palayon ang pangngalan sa pangungusap kung gamit ito

bilang layon ng pandiwa at layon ng pang-ukol.

Layon ng Pandiwa

Halimbawa:

Ang mabait na ina ay nagtataguyod ng mga anak.

Ang kagandahang loob ng mga Pilipino ay hinahangaan ng mga turista.

Layon ng Pang-ukol

Halimbawa:

Itabi mo ang para sa mga bata.

Ang para kay Leth ay nasa kusina

2. Magbigay ng mga halimbawa ng pangangalan na kinabitan ng panlapi.

(20 points)

1. Unlapi- Ito ay ginagamit sa unahan ng salitang ugat. Ang mga madalas ginagamit na mga unlapi ay
ma-, mag-, na-, nag-, pag-, pala-, atbp.

Halimbawa:

 magtanim
 mahusay
 pagkabigat
 makatao
 nahulog
 palabiro
2. Gitlapi- Ito ay ginagamit sa gitna ng salitang ugat. Ang mga madalas ginagamit na mga gitlapi ay
-um-, at -in-

Halimbawa:

 pinasok
 pinalitan
 gumagamit
 tumakbo
 sumayaw

3. Hulapi- Ito ay nasa huli ng salitang ugat. Ang karaniwang ginagamit na hulapi ay -an, -han, -in, -hin.

Halimbawa:

 kaligayahan
 palitan
 basahin
 pinagsabihan
 sabihin

You might also like